Share

CHAPTER SEVEN

KANINA pa hindi mapakali si Maxine sa inuupuan. Kagabi pa kasi siya hindi pinapansin ng binata. Hindi niya alam kung galit ba siya dahil sa nabasa o galit siya dahil hindi siya maagang natulog. Pababa siya ng hagdan nang matanaw niya ang binata. 

“Good morning,” aniya.

Blanko itong tumingin sa kanya at hindi man lang nagsalita. Ibinalik nito ang tingin sa cellphone nito. Naiiyak na si Maxine sa ginawa ng binata, hindi siya sanay na ganoon ang trato sa kanya ng binata. 

Lumapit siya rito at umupo sa tabi nito pero ang binata parang walang napansin at abala pa rin sa pag ce-cellphone. Humawak siya sa matitipunong braso ng binata. “Bakit ba hindi mo‘ko pinapansin?” muling tanong niya pero kagaya ng kanina, hindi pa rin ito sumasagot. 

Bumitaw siya sa pagkakahawak dahil hindi niya na mapigilan ang paghikbi. Tumayo siya at tatalikod na sana upang hindi makita ng binata na umiiyak nang may himila sa kamay niya at yumakap. Hindi siya kumibo at masaganang lumabas ng tahimik ang kanyang mag luha. Ayaw niyang ipakita sa binata na mahina siya, ayaw niyang kaawaan siya ng binata dahil lang sa umiiyak siya. Hindi niya alam kung bakit panatag siya sa mga bisig ng binata, wala siyang nararamdamang takot at iniisip na problema.

“shh, please don't cry. I'm sorry, Max.”  

Sa malas nga naman. Hindi siya nakatago sa binata dahil sa taksil na mga luha niya. Tumulo kasi ito sa balikat ng binata kaya nalaman nito na umiiyak siya. Umalis siya sa pagkakayakap dahil nahihiya siya, sa tuwing magkasama kasi sila lagi na lang siyang ganito. 

Pinahid niya ang kanyang luha at tumayo, “Hindi ako sasabay sa iyo umuwi, gusto ko pa mamalagi rito. Kaya pwede ka ng mauna.” 

Nakita niya ang gulat na dumaan sa mga mata ng binata dahil sa sinabi niya. Kaya naman niyang magbyahe mag-isa, ayaw lang nila. “No.” kontra nito. “Kung gusto mo mag stay rito, hindi rin ako uuwi.” 

“But— ” 

“No more buts.”  putol nito sa sasabihin niya.

Nakanguso siya habang pasalampak na umupo sa inuupuan niya kanina. Tumawa lang ang binata sa kanya,kung kanina ay may tampohan ang dalawa, ngayon ay nagtatawanan naman. “Bakit ba kasi ayaw mo umalis mag-isa?” tanong niya.

“Gusto kitang kasama, kaya huwag ka ng makulit.” 

Napangiti siya. Ito na naman ang kuryente na dumadaloy sa kanyang mga katawan. Kahit simpleng ngiti lang ng binata ay kinikilig na siya. 

“nakapag-isip ka na ba sa darating mong kaarawan?” 

Napahinto siya sa pagtitig sa binata. Speaking of her birthday, malapit na pala. Ilang linggo na lang ay kaarawan na niya pero wala pa siyang naiisip na kahit anong plano. Naiintindihan naman niya kung bakit nawala sa isip niya ang kanyang kaarawan dahil nitong mga nakaraang linggo, ang binata lang ang nilalaman ng kanyang isipan. 

“Wala pa,” aniya.

“Hindi pwedeng wala kang plano. Kailangan meron, dapat maraming pagkain, ah.” 

Natawa siya. Sapo-sapo niya ang kanyang tiyan dahil hirap na hirap na siyang tumawa. Minsan lang magbiro ang binata, kaya hindi niya mapigilan ang mayawa ng sobra. Kaya naman pala gusto nito na mag plano siya para sa kanyang kaarawan ay dahil makikikain ito. 

“Hindi ka invited,” pang-aasar niya sa binata.

Masama siyang tinignan nito, “Gugulohin ko ang party mo kung hindi ako invited.” 

HABANG nagtatawanan sila nang tumonog ang cellphone ng binata. Tumayo ito at nagpaalam sa kanya. Sinundan na lang niya ito ng tingin. Maxine sigh, nakakaramdam siya ng saya at lungkot. Saya dahil hindi nagbago ang pakikitungo ng binata sa kanya. Lungkot dahil iniisip niya na siya lang ang nagmamahal at malabong masuklian ang pagmamahal na ‘yon. 

Minsan nga ay nahihiling niya na hindi siya magaya sa kanyang lola Reah na ngayon ay tumatanda na mag-isa. Nakikita niya itong tumatawa pero hindi ito ang tawa na nakikita niya dati. Nakikita niya ang lungkot sa mga mata nito. Ang kanyang lola Reah ay may iniibig na isang lalaki, subalit hindi sila pareho ng nararamdaman. Nang nakapag-asawa Ang lalaki na nagugustohan nito, labis itong nalungkot. Dumating pa nga sa punto na labas at pasok na siya sa pagamutan. Nang matanggap na ng kanyang lola ang lahat, unti-unti itong gumaling pero hindi na siya kagaya ng dati. Maraming nagbago;Ang ngiti, tawa, at pakikitungo nito sa iba.  

Isa ito sa kinatatakotan ni Maxine, ang tumada na mag-isa at mabigo sa lalaking minamahal niya. Alam niya na hindi sila pareho ng nararamdaman ng binatang si Tyron subalit sumubok siya at patuloy na nagmamahal sa binata. Aaminin niyang paulit-ulit na lang siya na nasasaktan dahil sa binata pero mas matimbang pa rin ang saya na nararamdaman niya pagkasama niyo ito. Kaya kahit na gusto na niyang sumuko kung minsan ay hindi pa rin niya nagawa. 

“Sana si Tyron ang para sakin,”  aniya sa hangin.

Tumayo siya upang hanapin ang binata. Pumunta siya sa likod bahay dahil dito kanina pumunta ang binata, naglalakad pa lang siya sa corridor ng likod bahay ay tanaw na niya ang pigura ng binata. Nakatalikod ito sa kinaroroonan niya, may kausap pa rin ito sa cellphone hanggang ngayon.

“Sino na naman kaya ang kausap nito at ang tagal naman,” aniya sa isip.

Hindi niya muna nilapitang ang binata dahil ayaw niyang maisturbo ito at baka mahalaga o importanteng tao ang kausap. Pinili niyang tumayo na lang at hinataying matapos ang binata sa pakikipag-usap sa taong kausap Nito ngayon.

NAIIRITA na si Maxine dahil halos kalahating oras na siyang nakatayo at naghihintay matapos ang binata sa pakikipag-usap. Wala siyang balak tumayo maghapon kaya lumapit na siya sa binata.

“hmm.” aniya.

Naagaw niya ang atensiyon ng binata. Lumingon ito sa kanya. Nakita niya sa mata nito ang gulat pero napalitan din agad ito. “k-kanina ka p-pa ba, Maxine?”  tanong nito.

Halos hindi makasalita si Maxine dahil sa nakikita. Ang Tyron Redoble na kaibigan niya ay ngayon lang niya nakitang kinakabahan. Hindi niya alam kung bakit o kung ano ba ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon niya nang makita siya.

“anything problem?”  tanong niya rito.

Umiling lang sa kanya ang binata pero napapansin niya na hindi pa rin ito mapakali, nakikita kasi niya ang kamay ng binata na nakadaop sa isat-isa na tila doon kumukuha ng lakas. Napapansin niya na may iba sa ikinikilos ng binata ngayon. “May tinatago ka ba sa‘kin?” Hindi na niya mapigilan ang magtanong.

Hindi ito nakapagsalita, tumingin siya sa mga mata nito pero umiwas lang ang binata. “a-ah, w-wala. Uuwi na tayo mamaya dahil may emergency raw sa hospital at kailangan tayo roon. 

Tumango na lang siya, hindi siya sigurado kung maniniwala ba siya sa sinabi ng binata. Ang kalahati ng isip niya ay nagsasabing maniwala siya, subalit ang natitirang lahati ay sinasabing nagsisinungaling sa kanya ang binata. 

“Lets go, para makapag ayos na tayo ng gamit.”  anito. Hindi niya namalayan na nasa likod na niya pala ang binata.

Huminga si Maxine ng malalim bago pumihit paharap sa binata, ngumiti siya ng pilit. “Tara na.” 

Naglalakad sila pabalik sa loob ng bahay. Nasa unahan niya ang binata at taimtim na pinagmamasdan ito. “Sana mali ang hinala ko, Ron. Huwag ka sanang nagsinungaling.”  aniya sa isip.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status