Share

CHAPTER THREE

MAXINE wake up early. Kahit nanghihina at mugto pa rin ang mata sa kaiiyak ay pinilit niya pa rin ang bumangon. Papasok Kasi siya sa trabaho at excited pa rin kahit na nasasaktan, dahil ngayon ay susunduin siya ng binata. Nakaligo at nakapagbihis na siya at ngayon ay nasa kusina siya at kumakain. Naghanda rin siya ng babaonin niya sa trabaho, dinagdagan pa nga niya ‘yon para Kay Tyron. Nakasanayan na niya rin na magdala ng maraming baon dahil nakikishare ang binata sa kanya, kung minsan naman ay siya ang nakikishare sa baon nito. Hindi na nga sana siya magdaladala ng baon ngayon at bibili na lang sila ng makakain sa canteen, ang kaso mas gusto niyang kumain sa kanyang room kasama si Tyron.

May sariling canteen ang hospital para sa mga trabahador, at may sariling canteen din ang mga pasyente at mga tao sa hospital. Ang Good Health For All Hospital o kilala sa tawag na GHFAH ay kompleto sa kagamitan, malaki ang bawat sulok nito at maraming kwarto. Mayroon ding kanya kanyang kwarto ang bawat doctor na nagtatrabaho rito. 

HABANG nakaupo sa isang single couch si Maxine at naghihintay sa binata ay napatingin siya sa larawan na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. Napangiti Siya at napabuga ng hangin, “Kahit kaylan ang gwapo mo talaga,” tumayo siya at tumungo sa larawan. Kinuha niya ito mula sa lamesa at dinama ng kanyang mga kamay ang larawan. Ito ang larawan nila na nagtatawanan. Pasemple kasi silang kinuhaan ng picture ng mommy niya. Ito rin ang unang picture nila na magkasama Kaya mahalaga sa kanya ang larawan. 

Noong una nga ay nakalagay malapit sa bintana ang larawan, ang kaso dahil sa lakas ng hangin ay nahulog at nabasag ito, labis nga niya itong iniyakan pagkakita sa larawan buti na lang ay nandoon ang kanyang mommy para sabihin na napalilitan naman iyon ng Bago kaya pinalagyan uli nila ito ng frame.

ISANG oras nang naghihintay si Maxine kay Tyron subalit wala pa rin ito. Hindi niya alam kung magagalit ba siya sa ginawa ng binata. Ito kasi ang unang pagkakataon na hindi siya tumupad sa pangako, dati naman sa tuwing magsasabi ito na susunduin siya ng binata ay lagi itong tumutupad sa sinasabi. Ngayon ay nagdadalawang isip na siya kung papasok ba sa trabaho o hindi. Hindi niya muna gustong makita ito dahil nagtatampo siya. Magkukulong na lang siya sa kwarto at magbabasa ng libro.

Nakakadalawang hakbang pa lamang siya sa hagdan nang tumonog ang kanyang cellphone, kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa at pangalan agad ng binata ang nakita. Nagpadala ito ng mensahe.

 “Where are you? Nasa Hospital na ako, hindi kita nadaanan kasama ko kasi si Ayesha, mag papacheck up.”

Ito na naman ang selos na nararamdaman niya. Kaya siya nakalimutan ng binata dahil sa babaeng ‘yon. Nawala ang ngiti niya, ang akala kasi ni Maxine ay nag text ang binata upang sabihing nasa labas na siya pero hindi pala. 

Binasa niya lang ito at pinatay bago niya ibinalik ang cellphone sa bulsa. Ayaw niya muna ng isturbo. Gusto niyang mag mukmok sa gilid at umiyak para ilabas ang sama ng loob, ang mga inakala niya ay naging akala lang talaga at hindi na mababago pa.

Maxine wiped her rears, ayaw na niyang umiyak na naman. Umiyak na siya kagabi at ayaw niyang umiyak uli, pero ito ang mga luha niyang hindi marunong makisama at malayang nag-uunahan sa pag-agos. Ayaw niya sa ganitong pakiramdamdam, ‘yong tipong hindi siya makakain dahil lang iniisip niya ang binata at ang nangyari kahapon at kanina. Puno siya ng selos at tampo dahil kay Tyron na hindi man lang siya mabigyan ng pansin bilang isang babae. 

Dalawang malalim na paghinga ang ginawa ni Maxine, pumunta siya sa tapat ng bintana ng kanyang kwarto at tinanaw ang magandang tanawin, maaliwalas rin ang simoy ng hangin na nakakapagpabawas sa bigat ng kanyang nararamdaman.  “Bakit ka ba umiiyak, Maxine? Tigilan mo nga ‘yan” sinisita niya ang sarili. Ayaw niya ng umiyak nang umiyak dahil nauubos na ang mga luha niya kakaiyak. Ibinababa niya ang tingin. Hindi na siya nagulat sa nakita sa dalawang magkasintahan, lagi naman naroon ang mga ito dahil nasa ibaba lang ang tinitirahan ng babae. Nakita niya kung gaano kasaya ang mga ito sa tuwing magkasama, kung minsan nga ay naikukumpara niya ang sarili niya at sitwasyon niya sa mga ito dahil malayong malayo ang kalagayan ng mga ito sa kalagayan niya. Kung sila ay masaya na magkasama bilang magkasintahan, paano naman siya na tinuturing lang ng binata bilang isang kapatid at kaibigan. Hindi niya alam kung ano ba ang kulang sa kanya at hindi makita ng binata ang kagandahan niya bilang isang babae, samantalang siya ay halos hindi na makahinga dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya sa tuwing magkasama sila. 

Maxine want to wear a white dress with her man someday, and it is only for Tyron Redoble. Hindi siya papayag na hindi ang binata ang kasama niyang pumunta sa simbahan at makasama habang buhay dahil kung hindi rin lang ito ang magiging asawa ay tuluyan na siyang papasok sa simbahan bilang isang Madre kagaya ng kanyang tita na hanggang ngayon ay naroon pa rin kasama ang mga batang napagkaitan ng magulang at masayang pamilya. Minsan sa isang linggo ay bumibisita sila roon at masayang nakikipaglaro sa mga bata, sa tuwing may problema siya ay lagi siyang nand'on para makabawas ng kanyang dinadala. That orphanage become her comfort zone everytime na nag-aaway sila ng binata. 

Inalis ni Maxine ang tingin sa magkasintahan at pumihit patalikod. Umupo siya sa kama. “Bakit lagi na lang ako nasasaktan?” humiga siya bago pumailalim sa kumot. Kahit anong pilit niyang alisin ang binata sa kanyang isip ay hindi pa rin ito maalis-alis, Isa pa rito ang mga nangyari sa pagitan nila ng binata at ang hindi nito pagtupad sa sinabi dahil lang sa dalagang si Ayesha. “Pwede namang pumunta si Ayesha sa hospital na mag-isa o kaya ihatid ng kakilala niya pero bakit si Tyron pa? May namamagitan ba sa kanilang dalawa?”

Napasabunot si Maxine sa kanyang buhok, kung ano-ano lang ang iniisip niya na nagiging dahilan ng pagkainis at pagkaselos niya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status