Share

OUR THING
OUR THING
Author: JJOSEFF

ANG AKING KAPALARAN

"Talya! tapos kana bang maglaba diyan?" ang sigaw ni mama mula sa taas ng bahay namin.

"Opo mama" ang pasigaw ko na sagot habang sinampay ang huli at malaking pantalon ni papa sa sampayan.

"Magbihis ka, at samahan mo ang papa mo. Bilisan mo na at nag aantay siya sa labas." Ang sabi ni mama na sumigaw pa mula sa bintana.

"Opo." Ang tangi kong sagot.

Itinago ko ang cell phone ko sa aking bulsa na may ngiti sa labi habang naglalakad papunta sa Papa ko, at sumakay sa sasakyan. Kung alam ko lang na hindi ko na makikita ang aming tahanan, kapatid, at ang aking Ina...Hinding hindi ako sasama sa papa ko.

"Papa, saan po tayo pupunta?" Lakas-loob kong tanungin ang aking ama na may pananabik sa aking tono.

"It's a surprise Talya," sabi niya na hindi tumitingin sa akin kundi sa cellphone niya.

"Bigyan mo lang ako ng konting hint. Please Papa.." pakiusap ko. Gusto kong malaman kung saan kami pupunta.

Kinasusuklaman ko ang pagiging out of a loop. Tumingin sa akin ang Papa ko saglit, at tumingin uli sa cell phone niya kaya ipinagkibit-balikat ko nalang.

"OK Talya. Pupunta tayo sa isang lugar kung saan ipagpapalit ng Papa ang isang bagay na maliit, at walang kabuluhan, para sa mas maraming pera kaysa sa halaga nito. Nang sa gayon, magkakaroon ng kaginhawaan ang Mama mo at mga kapatid mo," sabi niya sa malamig na tono na ikinabigla ko rin.

"So... magtatrabaho ka at tutulong ako?" tanong ko sa kanya.

"Oo." Ang sagot ni Papa

"Ano ang maliit na walang kabuluhang bagay na ipagpapalit mo?" Tanong ko na sinipi ang kanyang mga salita.

"Isang bagay na malaking pagkakamali, Pero huwag kang mag alala Talya, malalaman mo din pagdating natin doon" Ang sagot sa akin ni Papa.

Gusto kong malaman ngayon pero parang wala na siyang gustong sabihin pa kaya sumunod na lang ako sa utos niya at nanatiling tahimik.

Nagmaneho si Papa sa loob ng lungsod, Hanggang sa napapansin ko na malayo na ang nararating namin.i. Alam ko na ang lugar na iyon ay nasa labas na ng bayan. Sa sandaling kami ay nasa ilang milya sa gitna ng kawalan, lumingon sa akin si Papa.

"Ibigay mo sa akin ang iyong cellphone Talya," utos niya.

“Ha? Bakit po papa? may cell phone ka naman?”tanong ko sa kanya.

“Akin na Talya, hindi mo na kailangan yan, dahil bibilhan ka ni papa ng bagong cell phone.”Pakisuyo ni papa sa akin. Nang marinig ko ito ay na excite ako, ngunit nakaramdam na ako ng kaba sa aking dibdib.

Sa hindi ko inaasahan, bigla nalang itinapon ni papa ang cell phone ko sa gilid ng daan. Kitang kita ko kung paano niya inihagis ito sa labas ng saksakyan.

“Papa, sayang naman po ang cell phone ko na iyon kung itinapon mo lang” ang nalulungkot kong boses na halos maiyak na dahil sa aking nakita. Sa inis ko, tinalikuran ko siya at humarap sa aking kanan kung saan may bintana, hinayaan kong tumulo ang aking luha na hindi naririnig ni papa ang aking pag hikbi.

OO talagang naiyak ako, para sa akin ang cell phone na iyon ay mayraming pictures naming pamilya at lalo na sa mga malalapit kong kaibigan sa school.

Tatlong oras na ang lumipas,sa tagal ng byahe namin ni papa ay nakatulog ako.

"Talya! Tumayo ka na " matigas na utos ni Papa at mabilis akong nakatayo. Ang sakit ng tuhod ko na pinagsama sa takot at lungkot na nakuha ko sa pag snap ay naging isang bukol sa aking lalamunan ngunit nilunok ko ito para bumaba.

Mas matanda na ako ngayon, ibig sabihin mas malakas ako. Hindi ako dapat iiyak. Sumunod ako sa likod ng aking ama na. Gusto kong tanungin kung saan kami pupunta,pero ang matutulis niyang mga tingin sa akin mula pa kanina ay dahilan para matakot akong tanungin siya muli. Naging mabigat pa rin sa kalooban ko, ang nakitang pagtapon niya ng cell phone ko, kaya nananahimik na lamang ako. Ano bang problema ni Papa? tanong ko sa sarili ko.

Pumasok kami sa isang room at may tatlong lalaki sa loob. Ang isa ay naninigarilyo, brownish ang kulay ng buhok niya at hazel ang mata. Ang kanyang balbas ay isang replika ng kanyang buhok at ang mga singsing sa paligid ng kanyang mga daliri ay nagbigay sa kanya ng tila mapanganib na hangin. May tattoo siya sa gilid ng leeg niya, iyon ay isang dragon.

Ang dalawa pang lalaki ay nakatayo sa tabi niya, at parehong nakaharap sa harap, ito ay pawang mga bodyguards yata. Huminto sa paninigarilyo ang matanda na nakaupo at saka sumulyap sa Papa ko at saka sa akin.Ang paligid ay may kadiliman, amoy kalawang at sigarilyo ang naamoy ko sa loob.

Lumapit ako kay papa, pilit na nagtatago sa likod niya. Hindi na ako natatakot ngayon at gusto ko na lang sana umalis.

"Siya ba ito?" tanong ng matanda.

"Oo," sagot ng Papa ko. Ano ang nangyayari?

"Papa.. umuwi na tayo.." ang bulong ko sa kanya habang nakatayo ako sa kanyang likod.

"Ideally, hindi siya sapat pero hindi ka dapat mag alala. Kami na ang huhubog sa kanya," sabi ng matanda,sa makapal at magaspang niyang Italian accent.

"Nasaan ang pera ko? " tanong ni Papa. Lumapit ang isa sa dalawang bodyguard na may hawak na briefcase at inilagay ito mesa. Ang matanda ang siyang nagbukas nito.

Ng oras na iyon ay napatingin ako kay Papa at lumiwanag ang mukha niya sa kintab ng maraming pera. Mga naka bundle na tig one thousand pesos na perang papel. Dahan dahan sumulong ang Papa ko, ininspeksyon ang pera ng matapos ito ay agad niya itong isinara at ngayon ay hawak hawak na niya.

"Salamat, sa inyo na po siya" sabi ng Papa ko habang umaatras ako, para bigyan ng distansya ang kanyang pagtayo.

Talaga? May pera na kami? Tanong ko sa aking sarili.

Sumulong ang isa sa dalawang lalaki at hinawakan ang braso ko.Idinikit ko ang ulo ko sa Papa ko na nakatayo, dahil nagulat ako sa biglaan niyang paghawak sa akin.

"Pa,Ano ba ang nangyayari?" tanong ko, pero umatras siya mula sa akin at lumayo nang dumating ang isa pang guwardiya at hinawakan ang kabilang braso ko.

"Pa, Papa.. Pa...! Saan ka pupunta? Bitawan mo ako! Papa!".... sigaw ko.

“Pa… sabihan mo silang bitawan ako..”

Nagsimulang tumulo ang luha habang pinipilit ang sarili na makawala sa dalawang bodyguard, na may mahigpit na paghawak sa akin. Sinipa, kinagat, kinalas at tinamaan ko ang mga bisig nila. Kahit gaano ko sila sinaktan, kahit gaano ako kalakas sumigaw,ay mas lalo akong nahihirapan, hindi nila ako binitawan.

"Papa.....! Bumalik ka! Parang awa nyo na ho! Pasensya na ! Papa.... Kunin mo ako dito ..

Papa .............

Ilang beses kong tinawag ang aking ama, pero hindi niya ako naririnig, ne kahit anino niya, ay hindi na bumalik para kunin ako.

Nag snap ang ulo ko sa gilid, nanunuot ang pisngi ko. Matagal bago ko naka rehistro na sinampal ako ng matanda at natangal pa ang singsing nito.

"Ilayo niyo siya sa akin." Ang pag uutos ng matanda na narinig ko.

Kaya hinila ako ng isang bodyguard at isinakay sa isang tented Van. Hindi ako makapagsalita dahil may telang nakatali sa aking bibig. Pati ang dalawang kamay ko ay nakatali din. May itim na plastic bag na inilagay nila sa ulo ko. Nagpagulong-gulong ako ng itinapon nila ako sa loob ng Van at tumama ang likod ko sa parang poste sa loob.

O diyos ko! Ano po ang kasalanan ko? Bakit ako iniwan ni papa sa mga taong ito? Ang sinabi ko habang patuloy na umiiyak.

Sa paglipas ng ilang buwan,natuyo ang aking mga luha. Tila ang damdamin ko ay parang naging bato at hindi na ako makaiyak.

Isang katawang walang kaluluwa. Walang mahalaga sa sandaling iyon at sa susunod pa kundi ang aking kaligtasan. Kasi sa sandaling ito, nangako ako sa sarili ko, isang panata. Ang matanda, si Papa, si Mama at mga kapatid ko ang magbabayad. Kahit na ito ang huling bagay na ginawa ko sa tanang buhay ko.

Inuukit ko sa aking puso ang aking nakaraan, na hindi ako magagalit o magtatanim ng hinanakit sa kanila kahit ramdam ko na malamig silang lahat sa akin. Bakit? Dahil mahal ko sila, mahal ko ang mga kadugo ko. Ngayon, ang lahat ay mapupunta sa kasinungalingan.

Alam ko na alam nila ito, ano man ang mangyayari sa akin, huwag na sana akong mabuhay pa, dahil kung papayagan pa ng tadhana. Babalikan ko sila.

Siargao Island

Sa taong December 25, 2013

Anim na buwan matapos akong naibenta kay Don Geralt Monro.

"Anak ng tipaklong, bilisan ninyong kumilos." ang sabi ni aling Sonya.

Pinahakot kami ng mga mabibigat na gulay, tulad ng kalabasa, patatas, kamote at marami pang iba. Nasa sampo ang bilang namin, anim na babae at apat na lalaki at halos kasing edad ko lang sila na nasa labing dalawa. Ang gulay na binibitbit namin ay dadalhin sa "safe house" Ang kasalukuyang bahay na aming tahanan. May malawak na taniman ng gulay ang likod ng "safe house" na ito.

"Pagod na ako...." Ang sabi ng isang batang babae na tinulungan ko matapos matumba habang pasan ang isang sakong patatas.

"Hindi tayo pwede sumuko, alam mo yan" ang bulong ko sa kanya. Tumayo siya at sinimulang maglakad na parang lasing na nagpagiwang-giwang sa daan. Madalang lang kami makakakain ng kanin, dahil puro kamote at iba pang gulay ang hinahain para sa amin.

"Sa tingin mo Talya, makakatakas pa ba tayo dito? Ang bulong ni Tsinoy, na nakasunod pala sa akin habang pasan ang mga kalabasa. Nagsasalita ito bigla sa likuran ko.

"Balang Araw, makalaya din tayo dito. Hindi na kailangan tumakas pa, Sila na mismo ang bibigay para palayain tayo." Ang sabi ko kay Tsinoy. Si Tsinoy ay may katabaan ang katawan, ako ang nagbinyag sa kanya ng pangalang "Tsinoy" dahil sa masingkit ang mga mata nito na hawig sa isang Chinese.

"Sana nga.." Ang huling bangit niya. Ramdam ko kung ano ang nararamdaman niya ngayon, nalulungkot siya at namimiss ang mga magulang, kahit naman sino sa mga batang tulad namin, ay maghahanap talaga ng "Mama at Papa". Pero ang totoo, kahit ako nawawalan na rin ng pag asa, pinapalakas ko lang ang loob nila.

Bukod sa pagtatrabaho sa bukid, ay gawain din naming linisin ang malawak na mansyon. Higit pa sa katulong ang pinapagawa sa amin. Isang umaga, nakahanda na ang lahat, bitbit ang sako at bolo na gagamitin para sa pagbubungkal.

"Sa araw na ito, may dalawampo't anim na sigundo kayo para abutin ang toktok ng bukid"

Ang sabi ni Aling Sonya, sa isip ko malabo naming magawa iyon dahil kung sa lakad pa lang ay inaabot na kami ng halos limang oras sa sobrang layo. Pero hindi kami maka react dahil pag ginawa namin iyon, mas mabigat na gawain ang kapalit. Alam naming lahat iyon.

"Maliwanag ba?"

"Opo!" Sagot naming lahat. Strekta sa amin si Aling Sonya kaya ang sumunod na pangyayari ay nagbilang na siya.

"Maghanda, Isa,,dalawa... Tatlo!"

Pagbilang ng tatlo sabay sabay na kaming tumakbo.

Pagkalipas ng isang taon, may bagong pasubok sa amin si Aling Sonya.

Sa loob ng isang taong kailangan naming matutunan ang wikang, English, Nihongo ng Japanese at Italian.

"Ang apat na lengwahe ay siyang magagamit ninyo sa kinabukasan. Bukod doon, ang Italian ay siyang unang lengwahe ni Don Geralt Monro. Sa kanyang pagbabalik dito sa isla ay kailangan nyo siyang kausapin sa lengwaheng Italian o English, maliwanag ba?" ang pasigaw na tono ni Aling Sonya.

"Opo." Ang sagot naming lahat

Nalampasan namin ang bigat ng mga pinapasan araw araw ngunit ngayon, sakit sa ulo na naman ang kailangan naming magawa.

"Talya, mahina ako magbasa ng salitang english." Ang sabi ng kasama kong babae, siya rin ang tinulungan ko noong matumba siya na pasan ang isang sakong patatas.

"Kaya mo yan, maliit na bagay lang yan kaysa patakbuhin tayo sa bukid." Ang paliwanag ko sa kanya.

"O Sige nga .. basahin mo yan...?"

"Da... da.. king ... ang.. kweng.." bigkas ko sa kanya habang binabasa ang ipinakita niya sa akin ang libro.

"Ano ba yan Talya... The king and queen.. letter "EN".. yan ang katunog niya.." sabi ni Tsinoy. May pagka-matalino din ito si Tsinoy, sing taba niya ang utak niya.

Kaming tatlo ay nagtutulungan sa pag aaral, maging ang iba pa naming kasamahan ay nahihirapan din lalo na ang pagbigkas ng Italian languages. Ang tamang pagbanggit at pagsusulat ng bawat letrang ibinigay ni Aling Sonya. Kailangan naming matutunan, dahil may ginagawang pagsusulit si Aling Sonya sa bawat paglipas ng tatlong araw. Kapag hindi nakapasa sa pasulit ay pinaparusahan niya ito at pinapaakyat sa bukid upang kumuha ng mga saging, mais, at maraming pang iba. hahakotin ito pababa ng bundok at dadalhin sa "safe house".

Sa panahong ito nabawasan kami ng dalawa, ang isa ay na heat stroke, bigla nalang hinimatay sa bukid, kinuha ito ng mga taohan at hindi na namin alam kong saan siya dinala. Ang ikalawa ay dahil namatay ng matuklaw ng ahas sa bukid. Hindi siya nagamot agad dahil sinekrito niya ito, nagulat nalang kami ng hindi na siya bumangon sa higaan at wala ng malay.

Dahil doon, natakot si Aling Sonya at binago niya ang schedule ng gawain namin. Sa edad na 15, Dito na kami sinanay ng mga gawaing physical, kung paano ipagtanggol ang sarili. Kahit video ng martial arts ay pinapanood na namin.

Dumating ang eka-anim na buwan, natotohan na rin naming humawak ng baril. Ang kabisaduhin ang Rifle, shot gun, pistol at revolver, ito ang mga bagay na mabilis kong nakabisado kaysa pag aralan ang apat na foreign language. Kasama na dito ang pagmamaneho ng sasakyan.

At 4:30 am nakapila na kami sa dalampasigan. Sa malawak na puting buhangin ng baybayin ng dagat, narito kami hindi para mangisda o panoorin ang sunrise. Kung hindi para sa isang pag iinsayo. Isa ito sa bahagi ng aming training, ang tumakbo na hindi lalagpas sa 40 minutes, ang baybaying dagat na ito ay may nakalaang 10 kilometro para sa aming pagtakbo, dalawang beses kaming iikot dito hanggang sa matapos.

Matapos ng training ay babalik kami sa "safe house" upang pag aralan uli ang mga foreign language.

Ngunit sa umagang ito ay may napag alaman kami.

"Talya mangingisda ba iyon?" bulong ni Lilly sa akin, ang batang babae na kasing edad ko lang. Siya ang unang nakakita sa isang mangingisda sa gitna ng dagat. Sa isip ko, napakalayo niya upang mapansin kami.

"Oo...tama ka mangingisda nga iyon"

"Baka pwede tayo humingi ng tulong, para makatakas tayo dito" bulong niya sa akin. Napaikot ang aking mga mata sa paligid, base sa aking obserbasyon, malaki ang chance na makakatakas kami dito, sa oras na ito wala kaming bantay. Wala si Aling Sonya, pati ang madalas na kasama nitong dalawang armadong gwardiya. Tama si Lilly pwedeng mangyari na makakatakas nga kami, ngunit ang bangka na sinabi niya ay napakalayo pa, maaring makikita niya kami ngunit hindi niya kami maririnig kung pipiliting naming sumigaw. Nag isip ako ng paraan.

Ang sumunod na umaga, ay agad naming ginawa ang planong pagtakas. Kinuha ko ang dalawang maliit na salamin sa aming kwarto inilagay ko ang mga ito sa aking bulsa ng makalabas ako ng safe house.

Nang mapansin ko na halos kompleto na kami ay lima ang pinpabantay ko sa paligid upang maging tagamasid kung sakaling may darating na taohan o si Aling Sonya, samantalang ako ang magtatawag sa bangka ng mangingisda.

Sinama ko ang ilan sa amin at nagpunta kami sa isang burol na mas malapit sa bangkang nakita namin. Ginamit ko ang salamin bilang komunikasyon sa bangkang nasa gitna ng dagat

"Talya, wala pang senyales na parating na sila" boses ni Tsinoy na naririnig ko sa aking likuran.

Nagpatuloy ako sa aking ginagawa upang makarating ang masakit na silaw sa bangka at makita ang kinaroroonan namin. Nagtagumpay ako, lumukso ako at kumaway sa bangkang dahan dahang lumapit sa dalampasigan saka ako sumigaw.

"Pagbilang ko ng tatlo, sampo sa inyo ang maunang lumangoy, pilitin ninyong marating ang bangka, kung sakali man isa sa inyo ang makaligtas isumbong ninyo sa mga pulis ang mayroon dito sa isla." sabi ko sa naunang batch, at sinunod nila ang sinabi ko. Sabay silang nagtakbuhan at nilangoy ang dagat.

"Talya, sabi nila bilisan daw baka makarating na ang bruha.." boses ni Tsinoy na nagsalita sa may kalayuan, Tinutukoy niya si Aling Sonya.Gumagamit din siya ng salamin bilang kumunikasyon at kamay bilang hand-sign para sa pag uusap.

"Papuntahin mo ang mga babae, sila na ang susunod na lalangoy." Sabi ko at agad ginawa ni Tsinoy ang sinabi ko, ginamit niya ang kanyang kamay para sa pag uusap habang nakatungtong ito sa bato.

Sa ikalawang bahagi ay nag antay pa ako ng isang minuto, pinasunod ko sa kanila ang anim na kababaihan kasama si Lilly.

"Pero Talya, ayaw ko maiwan ka dito... nangako Tayo sa isa't isa na magkasama ano man ang mangyari..." pagsasalungat nito sa akin.

"Mauna ka Lilly, kailangan mong maka alis dito, asahan ko na magagawa mo ang iyong misyon."

"Hindi ako papayag, kung mananatili ka dito, dito nalang din ako..." sabi nito na nakasimangot ang mukha.

"Ako din Talya, ayos lang sa akin na dito ako.. hindi kita iiwan, di bale nang puro mais ang kakainin ko makasama lang kita..." lumambot ang puso ko na naiinis, at naawa sa dalawang malapit kong kaibigan.

"Hangad ko lang ang inyong kaligtasan, pero kung iyan ang inyong nais wala na akong magagawa." sabi ko sa kanilang dalawa.

"Kayong lahat pwede na kayong sumunod ako na ang magbabantay para sa inyo, bilisan ninyo.

"Bilis,! bilis!" mga boses na narinig ko mula sa aking mga kasamahan. Sa kaloob looban ko, sanay gabayan sila ng panginoon at makaligtas sa kapahamakan, sapagkat alam kong malalim at maalon ang dagat, dilikado sa edad namin na walang alam sa paglangoy.

Mula sa taas ng burol tinatanaw ko ang aking mga kasamahan na sinisikap makatakas. Nang medyo makalayo na sila ay bumaba na kaming tatlo mula sa burol na parang walang nangyari.

"Nasaan ang iba ninyong kasamahan?" sigaw ni Aling Sonya sa aming tatlo.

"Sumagot kayo! kung ayaw ninyong paputukan ko ng baril ang mga taenga ninyo." Sunod na sinabi ni Aling Sonya.

"Hindi po namin alam Aling Sonya.. nauna lang po kaming dumating dito at inaantay sila, pero wala na po sa kanila ang bumalik dito.."

"Lintikan na Sonya, paano natin to sabihin kay Boss Geralt?" sabi ng kasama niyang lalaki.

"May iba pang paraan.. e report ko ang iba na namatay, at humanap ka ng ibang batang dayuhan para idagdag sa mga pusang gala na ito.. bwesit!"

"Kausapin ko ang mga kasamahan natin, baka makaharap sila sa ibang bayan.." dagdag pa ng isang lalaki.

"O di kaya, kung tumakas ang mga iyon tiyak na hindi pa sila nakakalayo.. ipahanap mo agad sila sa buong isla ngayon din.." utos ni Aling Sonya..

"Tama, sige aalis na ako.."

Lumipas ang isang linggo, pero hindi nahanap ang iba naming kasamahan. Napabuntong hininga na lang ako at natupad ang aking panalangin. Dito ko mas na challenge ang sarili na kahit sa murang isip ay may nagagawa din ako.

Ang akala ko ay tapos na ang mga pamimili nila ng mga bata, nadagdagan kami ngayon ng labing anim, Ilan sa kanila ay di hamak na mas bata ang edad kaysa sa akin. Kaya mas lalong naghihigpit si Aling Sonya sa pagti-train sa kanila.

Two year and two months ang lumipas;

Pumunta kami sa isang siyudad malapit sa city jail. Gamit ang rifle, pinagbabaril namin ang police, lumabas ang isang lalaking may mahabang balbas sa shuttle, malaya itong nakakilos. Maya Maya pa ay may huminto sa kanyang harapan na puting van at doon siya sumakay. Siya si Wakam Suwadere ang drug lord na nahuli ng mga autoridad. Ang taong ito ay siyang target namin para iligtas at itakas sa habang buhay na pagkakulong na ipinataw sa kanya ng mga awtoridad.

Sumunod dito ay ipinadala kami sa Italy. May malaking agency si Don Geralt Monro sa Manila, kaya mabilis para sa kanya ang makapagpalabas ng tao bilang Overseas Filipino worker sa ibang bansa, syempre ang mga identity namin, pure fake lahat. doon nagtatrabaho kami bilang waitress. Ang lugar ay isang maliit na casino para sa mga mayayaman doon.

"Labing anim na ka tao ang napatay ko, sa tingin mo ba susunduin na ako ni kamatayan?" Tanong ni Tsinoy

"Paano mo nasabi?" tanong ko sa kanya, Nagbubulungan kami sa gilid habang nakatayo at nag aantay ng ibang customer na darating, soot ang uniform bilang server, ang iba sa amin abala sa pagse-serve samantalang ang iba nasa counter.

"Nakokonsensya na kasi ako Talya, ayaw ko na pumatay. Gusto ko ng tumigil."

"Malabo mangyari iyan, hayaan mo binabalak ko rin yan, kunting tiis na lang." Sagot ko sa kanya.

Kinabukasan ng Gabi;

"Sigurado ka na ba na kaya mo?"

Tinatanong ko si Tsinoy. Naghahanda ito ng mga gamit niya para tumakas.

"E Ikaw? Sigurado ka bang ayaw mo sumama sa akin?"

"Gustohin ko man, pero kailangan isa sa atin ang maiiwan, kung hindi pareho tayong uuwi sa Pilipinas na bangkay."

Hindi na siya nagsalita pa, sumilip siya sa bintana upang tingnan ang buong paligid ng nasa baba. Tinulungan ko si Tsinoy na makatakas, sumakay siya sa isang kariton ng mga basura. para hindi ako mapaghinalaan, inakyat ko ang bintana at bumalik ako sa kwarto ko at nagkunwareng bagong gising lang.

"Talya,"

Ang boses na tumawag sa akin pagkalabas ko ng kwarto. Alam ko kung sino iyon, ito ang aming pinuno, si Gilbert. Siya ay isang purong Italyano. Matagal na niya akong pinagmamasdan. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Nakita ba niya na pinatakas ko si Tsinoy?

"Katapusan ko na" sabi ko sa sarili ko habang bumibilis ang tibok ng puso ko.

"What?" Tanong ko sa kanya. Tumingin sa akin si Gilbert na may seryosong mukha. Dalawang lalaki ang nakatayo sa likuran niya. Ang mga baril ay nasa kanilang baywang. Walang baril si Gilbert sa katawan pero siya ang master ng lahat ng martial arts men dito. Pinilit kong kalmahin ang sarili upang hindi ito maghinala.

"How was your sleep?" tanong ni Gilbert sa akin. Bumuntong hininga ako ng ma realize kong wala itong napapansin o naiisip.

"Its good" sinabi ko. ano kaya ang gusto niya sabihin sa akin ngayon? Bulong ko sa aking sarili.

"Il capo Gilbert mi ha chiamato, devi tornare nelle Filippine e fare rapporto a lui, ( Boss Geralt called me, you have to go back to the Philippines and report to him.)

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status