Home / Mafia / OUR THING / ANG AKING AMO

Share

ANG AKING AMO

Author: JJOSEFF
last update Last Updated: 2023-08-03 15:34:48

Muli akong hinila at tumigil kami sa harap ng pinto ng elevator, saka pumasok at umakyat. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Nabigo ako sa pagiging cold-hearted, sinanay ko ang sarili na walang emosyon, ngunit sa sobrang lungkot na dinanas ko ay naturuan ko naman ang sarili ko na maging maayos.

Bumaba kami ng elevator at kinaladkad ako pababa sa isang hallway. Narinig ko ang mahina at malalim na tunog, ang tunog ng isang musika. Ngunit hindi ko makuha kung ano ang lyrics ng kanta.

Sa pagbukas ng pinto ay sumalubong ang tunog na umabot sa aking mga tainga. Hinila ako papasok sa bagong kwarto, mala-silver ang tiles at may kadiliman ang pinturang gray sa paligid. Itinulak nila ako kaya muntik na sumubsob ang mukha ko sa sahig.

Sa sobrang kintab ng sahig na iyon ay sinasalamin nito ang sarili ko. "Halatang napaglipasan na nga ako ng panahon, nagbago na ang itsura ko" ang sabi ko habang tinitingnan ang sarili sa sahig.

"Finally! my precious gift had arrived on time," Ang sinabi niya.

Ang boses na ito ay ang pinagmulan ng aking pagkahulog, ang tanging demonyo na mas malaki kaysa sa aking sarili na naninirahan sa pinakamadilim na bahagi ng aking isipan.

"Come here!"

Hinawakan ako nito para ayaing umupo sa kanyang harap. Pilit na inaayos aking mga mata mula sa pagpikit dahil sa liwanag. Sa sandaling nagawa kong makita ang puting buhok niya, ay napapansin ko na mas payat na siya ngayon, at mas maraming wrinkles sa mukha, pero sa kabuuan, siya pa rin ang matandang iyon. Ang matandang bumili sa akin, si Don Geralt Monro.

"Great to see you again my little kitty. How are you?" Ang tanong nito with evil smile pa.

Napatigil ako sa pagiisip. Nandito siya sa harap ko, pagkatapos ng mahabang panahong ito.

"It's a pity that I didn't introduce myself earlier. I am Geralt Monro. It's been a few years. It's too late, but at least you know my name." paliwanag pa niya.

Geralt Monro. Huh! Ano pa bang nais niyang marinig sa akin gayong sinira niya ang buhay ko? Kahit isa pa siyang hari sa mundo, ay hindi ko siya rerespitohin, isa siyang kasuklam-suklam na hari. At dahil diyan, pinatunayan ko na siya lang ang natalo sa palitan nila ni Papa. Hindi ako sapat na ibinigay ako sa kanya. Mas maganda na nasa kalye ako kesa sa kanya. Walang kabuluhang pag uusap! Kelan pa kaya mamamatay ang matandang ito?

Dahan-dahan kung itinuwid ang aking paningin sa kanya na may kalamigan, at walang emosyon...

Tila ako ay isang malamig na bangkay sa harap niya na hindi nagsasalita, hanggang sa napasinghap siya.

"I see Jordan taught you well. From your dead eyes, I can tell he's got your head, can't he?" tanong niya na hinahaplos ang pisngi ko.

Tama nga siya. Pumasok nga sa isip ko si Jordan pero isa lang ang natira. Isang pangako, na aalagaan ko ang sarili para makatakas o at least makapaghiganti na din, at isasama ko sa hukay ang Jordan na iyon.

Habang nakatingin sa akin si Don Geralt, ang akala niya ay isa lang akong sirang manika. Ang totoo ay unti unting lumalaki ang apoy sa aking loob. Susunugin ko din siya! silang lahat! magbabayad sila!

"Follow me" sinabi niya.

Sumunod ako sa likod niya habang ito ay naglalakad. Saka naman ito nagpatuloy sa pagsasalita, "I bought you to hone in on everything, and I want to congratulate you too, because you finished everything I asked you to do. You know, you're a perfect woman, perfect to produce an heir."

Ano ang tingin niya sa akin breeder? Hindi ako magkakaroon ng isang pamana lalo pa't galing sa mga masasama. At mas lalong hindi ko pinangarap na maging mayaman kung kapalit naman nito ay pagdurusa.

Ang reaksyong naibulong ko sa sarili. Napa-kunot noo ako at nakita niya iyon. Kahit magbangit ako ng isang salita lamang, ay hindi ko pweding sabihin sa kanya ng harapan. Lumingon si Don Geralt at nagtawag ng isang tao saka sinabing,

"Tell my son that I want to see him in my office. I have an important gift for him that he will surely love." utos niya sa isang taohan na nakatayo sa tabi at agad itong umalis.

"Remember this Talya, wherever you are. You are always be my best assassin. I can't guaranteed your safety, but. I have a plan"

Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa akin.

"What do you mean?" tanong ko sa kanya.

"You will be my Key to suppressed all who wanted to kill me. I can't trust anyone, even my Filipino friends. All of them si greedy, they wanted my money and power"

"So is this the reason why you raise us in that Island? to train a multi-tasking killer?"

"You're smart! that's why you are my favorite. This Mafia thing will be ended soon, that's why I want an arrangement between you and my son."

"I don't trust you." matapang ko siyang sinagot.

"I understand but this mafia world, will be yours. With the skills you have, I will make sure that the day will come that you will get what I have built for, here? you will be the queen." Sabi niya sa tonong panunukso, hindi nag aalinlangan ang pagbigkas niya na may makapal na Italian accent. Pero hindi niya alam kung gaano katotoo ang mga sinabi niya. Matapos siyang magsalita ay pumasok siya sa isang room kasama ang tatlong body guard niya.

"Isang hangal lang ang maniniwala sayo!" bulong ko sa sarili na napatingin sa sahig na inaapakan ko.

"Gusto ni Boss Geralt ng isang face reveal.. " Sabi ng lalaki na biglang tumayo sa aking harapan. Ngayon, ay nilagyan na naman niya uli, ang ulo ko ng kulay itim na plastik bag.

Naitanong ko sa sarili ko kung bakit ako pa ang napili, wala namang special sa akin, maliban sa kayumangi kong balat. Ang balat na hindi nagniningning sa aking kabataan. Maging ang mga mata ko, ay nawalan na ng spark, para sa pag ibig at para lang sa ligaw na kaguluhan. Ang aking maitim na kulot na buhok ay hindi napaparam. Nakatayo ang mga ito pababa sa aking likod hanggang sa aking baywang.

Nagbago ang katawan ko sa paglipas ng panahon. Mula sa aking athletic body, nakakuha ako ng isang hourglass figure na inaalagaan ko kahit na pagkatapos ng lahat ng mga kakila- kilabot na bagay na inilagay sa akin upang makuha ito. Naputol ang pag iisip ko sa pagbukas ng pinto. May naririnig akong naglalakad papasok, isang maingay na sapatos sa bawat paghakbang.

"My son!"

Humahalakhak si Don Geralt. Halata sa boses niya ang tuwa ng makita ang bagong dating na tinatawag niyang "anak".

"What do you want Geralt?"

Bahagya akong nanginig sa tunog ng bagong boses. Napakalalim, velvety, dominante at ang Italian accent sa mga salitang nag-rattle sa aking pinakaloob-looban. Dahil malamig ang kanyang mensahe sa kanyang ama ay bahagyang nasiyahan ako.

"Not today my son..."

"Don't call me a "Son" Geralt! You should know your place,"

Putol ng kanyang anak bago pa ito magpatuloy sa nais nitong sabihin. Napangiti ako sa aking narinig, kahit nakayuko. Gusto ko siya, gusto ko ang tono ng boses niya at mukhang magkakasundo kaming dalawa, upang pabagsakin si Don Geralt.

"Guardiamo oltre" (let's see..) I have a special gift for you.."

May tunog ng pag snap ng mga daliri, bago ang paghawak ng isang kamay sa aking ulo. Itinaas nito ang aking mukha, matapos maalis ang itim na plastik bag., senyales na malaya na akong tumingin sa harap na may tuwid ang postura.

Unang tumambad ang bagong mukha sa aking harapan, malamang, siya ang tinatawag na anak ni Geralt.

Siya ay may maitim na buhok, maikli sa gilid ngunit mahaba sa gitna na kasalukuyang nakatali, ang ilan sa mga hibla nito ay bumabagsak sa kanyang mga mata. Full pink lips, chiseled jaw na may anino ng alas singko at malalim na tanned skin. Nakasuot siya ng itim na amerikana suit, with white polo sa ilalim. Ang unang tatlong butones ay bukas, sa pagitan nito ay nagpapahintulot na masilip ang ilang mga tattoo niya mula leeg hanggang sa kanyang dibdib.

Ang kanyang mga kamay ay natabunan ng mga singsing na pilak, ang ilan ay may itim na hiyas sa mga ito. May mga tattoo sa likod ng kanyang mga kamay. Napahanga ako sa mga artistikong gumawa nito, kahit wala akong alam sa iba't ibang disenyo ng tattoo. Higit sa lahat, matipuno ang katawan niya. Ang gwapo niya sa aking paningin. Pero kahit maghubad pa siya ng polo ay hindi ko siya pipigilan. At ipipikit ko lang ang aking mga mata. Promise!

Dahil sa weird thoughts ko ay nag flash sa isip ko ang mga unwanted things. Pumikit ako ng mahigpit, para sabihin sa sarili na. "Wala itong kabuluhan kaya wala kang nararamdaman."

"I don't like her,"

Narinig kong sagot ng anak ni Geralt. Hindi ako nag flinch, hindi rin ako nag react. Matagal na akong itinuring bilang isang bagay na itinatabi pag kailangan at ano mang oras maaari din akong itatapon ngunit hindi ito big deal sa akin dahil tanggap ko na ang aking kapalaran.

"Again, let me clear my side, Geralt. I don't deserve to have a whore like her!" dagdag pa ng anak nito sa nakamamatay na mahinahong tinig.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • OUR THING   IN EXCHANGE OF "OUR THING"

    Lumingon sa akin ang aking anak, pero naka kunot noo ito ng marinig ang pagtawag sa pangalan niya."Mama.... ?" "Go to your room," instead na sagutin ko siya ay pina-paakyat ko na lamang sa kanyang kwarto. Sumunod naman ito na tumakbo sa hagdan."Bakit mo naman sinabi yan?" inis na tanong ko."Hahaha. sinusubukang ko lang naman tawagin niya akong papa. Gues what? Sinabi naba ni Alexa sa iyo na buntis siya?""Ee ano naman ngayon, do we have to celebrate that?" tanong ko sa kanya."Yes, kayong dalawa ni Ole ang special guest. Darating din ang ilan sa mga close friends ko sa negosyo." nakangiting sinabi ni Kuya Jayson. Naka uwi na pala siya at sa ganitong oras pa ako sinurpresa."Congratulations!" sinabi ko sa mahinanong boses."Hanggang ngayon ba ay galit ka pa din sa akin?" tanong niya at umupo sa sofa malapit sa akin."Wala namang saysay kung magagalit ako sayo. Gayong tapos na ang lahat." sagot ko sa kanya."Gaano ba talaga ka halaga sayo ang tumira sa Isla ng Siargao?""Hindi lang

  • OUR THING   ANG TAMANG PAGKAKATAON

    "The deal is closed." sinabi ko sa dalawang negosyanteng kaharap ko."Abah.. gumagaling ka na ata sa pagnenegosyo!" sinabi ni Luciana na nagdadalang tao. Nakapangasawa siya ng isang mangingisda sa bayan ng Arayat. Limang taon matapos mamatay si Tantan. Ang akala ko noon ay silang dalawa ang magkakatuluyan, hindi pala."Kumusta naman si Candice..?" tanong ko kay Alice."Ayon, ayaw humiwalay sa afam niya. Parang pugita na parating nakapulupot.." nagtawanan kaming tatlo dahil sa pagbibiro ni Candice."Ehh ikaw Talya.. kumusta na kayong dalawa ng anak mo? Malaki na rin si Olifiano. Ayaw mo bang hanapan ng Tatay yan..?" tanong ni Luciana."Hindi na... Masaya na ako na kaming dalawa lang..""Eeh maghahanap pa rin ng tatay iyan.." bulong ni Luciana sa akin. Malapit lang kasi sa kinauupuan namin an

  • OUR THING   THE LAST TALK

    Ang lalaking ito ay masyadong mapangahas, magaspang, at mapuwersa. Siya ay 23 taong gulang at masyadong mapusok.Napahawak ako sa likod ng lalaki, senyales na nakikiusap ako na tigilan ang kasalukuyang ginagawa."Hmpp!!" unggol ko.Isang pagbulusok ang sumunod na pangyayari, na maramdaman ang hapdi na tumutusok sa aking private part. Mabilis ang pangyayari na hindi ko inaasahan. Ngunit nang mag-laon ay ginagawa na niya ito sa slow-motion na parang pagpa-plantsa lang ng damit."I want you more..." sinabi niya na itinigil ang kanyang paghalik at seryosong nakatingin sa aking mukha na naka-kunot noo.Nagpatuloy ang paglabas pasok ng dalawang daliri niya, hanggang sa ito ay parang nagugustuhan ko na rin, dahilan na nakita ng lalaki kung paano ako mag-moan.Ang naiinis na itsura ay napalitan ng pagmamakaawa. Kagat labi akong nakatingin sa lalaki na kasalukuyang gi

  • OUR THING   ANG MALUPIT NA SEKRETO

    Hinawakan ko ang kanyang baba, itinaas ko ang aking mukha para mabasa ko ang bawat nuance ng kanyang ekspresyon."For the third time, why are you here?" tanong ko sa kanya.Ngunit ang kanyang kamay ay nagtagal, hinimas ang isang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tainga. Nakatingin siya sa akin na para bang may kailangang sasabihin."You know why." Bumuntong hininga siya at ibinaling ang pisngi sa palad ko. Hawak niya ang aking kamay na parang aso na nagpapa-amo."Nakapag-desisyon na ako. Tungkol sa sinabi mo noon. Hayaan mo sanang pag aaralan ko ang kaso mo.""Malaking kaso ang maari mong hahawakan, maraming kilalang personalidad ang madadamay, politiko at ibang mga opisyales na nagtatrabaho sa gobyerno. Kaya mo bang maparusahan sila?" tanong ko sa kanya."Gagawin ko.." sagot nito.

  • OUR THING   END OF THE CONTRACT

    Nagliwanag ang mukha niya, unang nakita ko ang mahabang balbas niya at katangusan ng ilong. Papunta sa itaas nito, ay ang kanyang mga mata, na derektang nakatingin sa akin."From the very first, I already trust you. But my son failed to analyze how to run my business. Even though, I still hope that it will be corrected by you, but I did not expected that some of my investors has a big dream too. Big Boss is one of my top investors, but he cheat on me. And even steal something from me." paliwanag niya."Don Geralt?" bangit ko. Nagulat ako sa biglang pagkikita namin ngayon

  • OUR THING   KUMAWALA SA KAMAY NI BIG BOSS

    "Take this all" sigaw ni Bigboss sa kanyang dalawang taohan. Agad kumilos ang dalawa at nilagay ang dalawang malaking bag na itim sa tabi.Marahan akong gumapang na hawak-hawak ang taenga ko sa kanan, sira pa rin ang aking pandinig. Nag-echoe lang sa akin ang mga tunog at kalaskas sa paligid. Sumunod ay hinila ako ng isa sa mga taohan at lumabas ng basement. Paglabas ng warehouse ay agad sumalubong sa amin ang malakas na pagsampal ng hangin, bumaba ang isang helicopter sa second floor at naunang sumakay si Big Boss na paika-ika, dahil hindi niya hawak ang kanyang baston.Pinasok ng mga taohan sa loob nito ang dalawang malaking bag na naglalaman ng mga kinuha nila sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status