Good evening
HINDI INAASAHAN ni Saskia ang mga bisitang napagbuksan niya ng pintuan. Si Mommy Diana—kasama ang asawa nito at ang kapatid ni Weston na si Gladys. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan na niya ang mga ito.Sa pagkakaalala niya, hindi naging maganda ang pagtrato ng mga ito sa kanya nung mga panahon na ipinakilala siya rito ni Weston. Oo, sila ni Mommy Diana ay wala ng problema dahil matagal na silang nagkaayos, pero ibang usapan na kasi ang biglaang pagbisita ng asawa nito at panganay na anak.Alam naman niya ang dahilan kung bakit—dahil kay Wesley. Kung hindi kaya sila nagkaanak ni Weston, ay magpapakita kaya ang mga ito sa kanya sa mismong pamamahay nila? Malamang, hindi. Pasimple niyang hinagilap ng kanyang mga mata ang presensiya ni Weston, pero mukhang wala ito ngayon.“Ah, hija, Kia. Pasenisya ka na pala sa nagawa kong biglaang pagbubunyag kay Weston ng sikreto mo, natin. Pero dahil nasabi ko na rin lang sa kanya, ay sinabi ko na rin dito sa Daddy William at ate Gladys mo. Ala
HINDI NAMALAYAN ni Weston na nakaidlip na pala siya sa pagkakaupo sa sofa. Akala niya ay nananaginip lang siya na may tumatawag sa kanyang pangalan sa labas ng pintuan, pero nung tuluyan niyang imulat ang mga mata at pakinggan ng maigi ang naririnig, doon niya napagtanto na hindi iyon panaginip dahil may kasabay pa iyon ng sunud-sunod na pagkatok.“Sa-sandali lang!” malakas na sambit niya bago dahan-dahang tumayo at tinungo ang pintuan.Pagbukas niya ay nagulat pa siya sa nadatnang tao sa labas—kasama ng kanyang Mommy ang Daddy niya at ang ate Gladys niya.“Ano po ang ginagawa ninyo rito, Dad? Ate Gladys? Ano, nilusob na naman ba kayo roon ni Bastian? Ginulo? Dahil hindi na naman tayo nakakadalaw sa sobrang ganda niyang anak?” nakakunot-noo niyang tanong.“Naku, hindi naman, brother. Gusto ka lang naman namin na dalawin dito sa bahay mo. Okay lang ba kung papasukin mo muna kami bago mo kami pagtatanungin?” nakangiting sambit ng ate niya, na tila ba may kung anong kasiyahan siyang naba
“PAPAANONG…nagkaanak sila, hindi ba hiwalay na sila five years ago?” nagtatakang tanong ni William pagkatapos nitong makabawi sa pagkabigla.“Iyon na nga, mismong nung paghihiwalay nila, ay buntis na pala nun si Saskia. Bale ipinanganak niya si Wesley, sa U.S., doon siya tumira sa pamilya nina Jedrick, at iyon din ang nag-asikaso sa kanya simula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak,” sagot ni Diana.“Naging kaibigan niya rin pala ang mga kaibigan ni Weston, ano? Iyong magkapatid?” tanong ni Gladys.“Oo nga, eh,” sagot ni Diana sabay palihim na sumulyap sa kaharap na si Gerald. Ito lang ang tanging walang sinabi at ikinomento pagkatapos niyang sabihin na anak nina Weston at Saskia ang katabi niyang bata sa larawan.“Kailangan natin na pumunta roon, kailangan kong makita, mahawakan, at makausap ang apo ko. Ito na rin siguro ang tamang panahon para makahingi ako ng tawad kay Saskia,” ani William.“Ako rin po, Daddy. Gusto kong sumama para makita at mahawakan ko rin ang pamangkin ko!” m
KASALUKUYANG magkakaharap sa mahaba at malaking lamesa ng dining area ng mansyon ang pamilya Del Flores habang kumakain ng pananghalian, maliban kay Weston dahil ito lang ang wala.“By the way, mayroon akong malaking balita sa inyo, pwede rin sabihin na magandang surpresa,” pukaw ni Diana sa kalagitnaan ng katahimikan ng kanilang pagkain.Tanging mga kalansing lang kasi ng kutsara at tinidor ang maririnig, kaya naisipan na rin niyang sabihin ang dahilan ng pag-uwi niya. Total, mas magandang ngayon niya na sabihin dahil kumpleto sila.“Sigurado ka bang malaking balita ‘yan at malaking surpresa? Ikatutuwa ba namin ‘yan, ha? Diana?” si William ang unang nagsalita.“Ano, hindi na matutuloy ang kasal ni Weston kay Katrina? Dahil may naisip na siyang dahilan at solusyon?” kahit na nananamlay si Gladys, nakitaan niya ito ng kaunting pag-asa na hindi tuluyang maikakasal sa masamang babae ang kaisa-isahan nitong kapatid.“Ano, na hindi ko pala tunay na ama ang masama at halang ang kaluluwa na
DAHAN-DAHAN siyang lumapit sa harap ni Weston, pilit na hinuhuli ang mga tingin nito ng kanyang nang-uusig na mga mata. Dahil nangyari na rin lang, lulubos-lubusin na niya ang panunumbat dito.“Alam mo, kahit sabihin ko man sa ‘yo ang lahat ng mga pinagdaanan kong paghihirap, alam ko naman na hindi mo ‘yon maiintidihan. Muntik na kaming parehong mawala sa mundo ni Wesley, dahil noong ipinapanganak ko siya, muntik ko na siyang hindi mailabas. Dahil nagkaroon ako ng mga kumplikasyon na siyang naging dahilan para mahirapan akong iluwal siya. Siguro, dahil sa pagnanais ko na mabuhay para man lang masilayan siya, ay nakipaglaban ako kay kamatayan. Kaya ano pa ba ang gusto mong pasakit at paghihirap na gusto mong iparanas sa ‘kin, ha, Weston? Gusto mo ba talagang nakikita akong nahihirapan?” puno ng pait ang kanyang damdamin ng bigkasin niya iyon.Nabasa niya ang dumaang awa, konsensiya at pang-unawa sa mga mata nito. Kusa itong dumausdos pababa at yumakap sa mga binti niya habang nakaluhod
HINDI ALAM ni Saskia kung paano aawatin sina Jedrick at Weston. Panay ang palitan ng suntok ng mga ito sa bawat isa. Nakita niyang parang mas dehado si Jedrick dahil nasa ibabaw nito si Weston, at nagpapakawala ito ng malalakas na suntok sa mukha ni Jedrick.Dahil sa pagkataranta at hindi malaman ang gagawin, mabilis niyang kinuha ang isang malaking vase na nakapatong sa isang tabi, pagkatapos ay malakas niyang ibinagsak iyon sa sahig. Lumikha iyon ng malakas na ingay gawa ng pagkabasag nito, at tumilapon sa bawat sulok ng living room ang mga malalaking tipak nito.Dahil doon ay saglit na natigil ang pagbubugbugan ng dalawa, at parehong nakatingin na ngayon sa kanyang direksyon. Mabilis na itinulak ni Jedrick si Weston na nasa ibabaw nito para lapitan at daluhan siya.“Sas, okay ka lang ba? Nasaktan ka ba? Nasugatan?” nag-aalalang tanong nito sa kanya habang sinisipat ang kabuuan niya.Mabuti pa si Jedrick, mas nag-aalala pa sa kanya kaysa kay Weston. Samantalang ito, parang hindi pa