LOGINTAPOS na ang misa kaya agad akong humiwalay kina Mommy para pumunta sa bukana ng simbahan.
Palinga-linga ako sa paligid. Mas marami ang nagsimba ngayon dahil unang Linggo ng buwan, kaya mas pinag-igihan ko ang paghahanap. Sinisigurong hindi makakaligtas sa akin ang pakay ko.
Linggo-linggo, ito ang inaabangan ko. Ang araw na may pagkakataon akong makasabay si Gabriel—makausap siya, kahit saglit lang.
Kanina ko pa siya nakita. Nakaupo sa kabilang pew kasama ang mga magulang at kapatid niya. Nasa unahan namin sila, kaya sigurado akong mas nauna kaming lumabas.
At ngayon, sa gitna ng dagsa ng mga tao, nakita ko na rin siya.
Parang automatic ang kilos ko. Agad kong hinagod ang buhok ko at inayos ang suot kong baby pink na dress na hanggang itaas ng tuhod. May lace ribbon ito sa baywang, katerno ng suot kong headband at doll shoes.
Mabilis kong dinukot ang lip gloss mula sa maliit kong purse at naglagay bago huminga nang malalim. Kailangan kong magmukhang fresh. Hindi puwedeng halatang excited ako—baka isipin niyang trying hard ako, major turn-off 'yun.
"Hi, Tito Gabino, Tita Sab!" masigla kong bati sa mga magulang ni Gabriel.
"Jullianna! Kamusta ka, hija?" bati ni Tita Sabrina. Ngumiti ako at b****o sa kanya bago nagmano kay Tito Gabino.
"Hi, Juls."
Napalingon ako kay Gabriel.
Diyos ko, ang gwapo niya talaga. Kaakbay niya ang nakababatang kapatid niyang si Leticia.
"Hello," bati ko sa kanila, sabay ipit ng buhok sa likod ng tainga ko.
Pero bago pa ako makasagot ng matino, isang boses ang sumingit.
"Ang awkward mo magpa-cute."
Napairap ako nang makita kung sino ang nagsalita.
Si Gavin.
Ang kakambal ni Gabriel. Ang epal ng buhay ko.
Karga niya ang bunsong kapatid nilang si Alicia, at nakangisi siya sa akin nang mayabang, para bang inaasar ako. Kung wala lang kami sa labas ng simbahan at hindi kaharap si Gabriel pati ang mga magulang nila, baka nasabunutan ko na siya.
Paanong naging kambal ni Gabriel ang isang 'to? Hindi ko alam. Kung gaano kabait si Gabriel, ganoon naman kakupal ang kakambal niya.
"Gavin..." saway ni Tito Gabino.
Napilitan akong ngumiti kahit gusto kong burahin ang ngisi ni Gavin. "Okay lang po, Tito. Alam ko naman pong palabiro talaga 'tong si Gavin."
Sorry, Lord, sa pagsisinungaling.
Kung hindi ba naman talaga demonyito, kakalabas ko lang ng simbahan, napapagawa na niya ako ng kasalanan. Buti na lang talaga, hanggang physical appearance lang ang pagkakapareho nilang magkapatid.
Umismid si Gavin, halatang hindi naniniwalang wala lang sa akin ang sinabi niya.
"Asan pala ang mommy at daddy mo, hija? Bakit ka mag-isa?" tanong ni Tita Sab.
"Nauna na po sila, Tita," sagot ko, pilit na hindi inilalabas ang excitement sa boses ko.
"Gano'n ba? Aba, sumabay ka na sa amin! Dadaan kami sa Chef Melchor, doon ka na rin mananghalian," alok niya.
Parang may fireworks na sumabog sa dibdib ko. Hulog talaga ng langit si Tita Sab!
Mababait ang pamilya nila, pati si Tito Gabino. Talagang nakapagtataka kung saan nagmana si Gavin. Kung hindi lang sila kambal ni Gabriel, baka isipin kong ampon siya.
"Salamat po, Tita," sabi kong kunyari'y nahihiya, pero sa totoo lang, in-anticipate ko na 'to.
Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa parking lot. Napatigil ako saglit nang makita kong wala na roon ang sasakyan ni Daddy. Nakahinga ako nang maluwag.
"Hey," tawag ni Gabriel nang mapansing sumabay ako sa kanya sa paglalakad.
Nag-init ang pisngi ko.
"Hey," sagot ko, pilit pinapakalma ang sarili.
"You look pretty," sabi niya, at parang sumabog ang buong kaluluwa ko sa kilig.
Nanghina ang tuhod ko, pakiramdam ko mawawalan ako ng malay sa sobrang saya.
Pero bago ko pa ma-enjoy ang moment—
"Maihi ka sa kilig, uy..." bulong ni Gavin, sumasabay pa sa paglalakad namin habang bitbit pa rin si Alicia.
Sinamaan ko siya ng tingin, pero dedma lang siya.
Narinig kong mahina pero totoo ang tawa ni Gabriel.
At para iyong musika sa pandinig ko.
Haaayy...
Sa Chef Melchor kami tumuloy—ang pag-aaring restaurant ni Tito Gabino. Dahil puno na sa loob, sa garden na lang kami nananghalian. Under construction pa ang Greenhouse, ang planong extension ng restaurant na balak gawing tourist attraction ng pamilya Melchor.
Malawak at elegante ang Greenhouse. May ilang mesa na sa loob, pero halatang marami pang gagawin. Sa gitna, may isang man-made pond na puno ng koi fish, may maliit na tulay na nag-uugnay sa magkabilang bahagi nito. Napapaligiran ang lugar ng makukulay na bulaklak at mga paru-parong malayang lumilipad.
Unang beses ko pa lang makapasok dito, pero agad na akong nakaramdam ng pagkaaliw. Habang nililibot ko ang tingin sa paligid, hindi ko maiwasang mag-imagine—ako at si Gabriel, magkahawak-kamay, naglalakad sa tulay habang nahuhulog ang hapon sa paligid namin.
"Mga anak, bakit hindi niyo muna samahan si Julianna maglibot habang hinihintay natin ang pagkain?" suhestiyon ni Tita Sabrina, nakangiti.
Hindi na nagdalawang-isip ang magkapatid. Agad na tumayo si Gavin at, sa di ko maipaliwanag na yabang, iniunat ang braso niya sa harap ko na para bang siya ang pipiliin ko.
Lihim ko siyang inirapan. Tiningnan ko si Gabriel at doon ako marahang kumapit. Malambing niya akong nginitian.
Nang lingunin ko si Gavin, nakasimangot na ito.
Binelatan ko lang siya bago ibinaling ang buong atensyon kay Gabriel.
"Ang ganda dito..." sabi ko nang may matamis na ngiti.
"Yeah," tipid niyang sagot.
Napangiwi ako pero hindi na kumibo. Pinagmasdan ko na lang si Gabriel habang naglalakad kami. Tahimik lang siya, abala sa pagmamasid sa paligid.
Doon ko siya mas malaya natitigan.
Mas lalo siyang tumangkad. Noong una kaming magkakilala, hanggang tainga niya lang ako, pero ngayon, hanggang balikat niya na lang ako. Mas lumapad ang katawan niya, hindi man kasing bulky ng ibang lalaki, pero may muscles na ang kanyang mga braso. Hindi lang ang itsura niya ang nag-mature—pati ang dating niyang mahiyain at reserved na aura, mas nagkaroon na ng confidence. Pero soft pa rin siya, kasing soft ng kabuuan niyang pagkatao.
Bigla akong kinilig sa iniisip ko. Gustong-gusto ko nang mag-college para magkasama pa rin kami sa iisang university—
"Ay!"
Mabilis ang pangyayari. Hindi ko napansin ang isang paso sa dinaraanan namin kaya natapilok ako. Napahigpit ang hawak ko kay Gabriel, pero bago pa ako tuluyang bumagsak, may mainit na kamay na mabilis na sumapo sa balakang ko.
Bago ko pa ma-realize ang nangyayari, napalingon ako—
At nagdikit ang mga labi namin ni Gavin.
Nanlaki ang mga mata ko.
Napasinghap ako at, sa sobrang gulat, naitulak ko siya. Sa malas, dahil sa biglaan kong pag-urong, pareho kaming nawalan ng panimbang ni Gabriel at sabay kaming bumagsak. Mabilis siyang kumilos, hinila niya ako pababa sa kanya para siya ang pumailalim.
Nakapikit ako sa lahat ng iyon, hindi makagalaw sa sobrang kahihiyan.
Hanggang sa isang malakas na kamay ang biglang humaklit sa braso ko.
Napaawang ang mga labi ko nang makita kong si Gavin ang may hawak sa akin—at sobrang dilim ng mukha niya.
Napalunok ako.
Saglit kong nalimutan ang kahihiyan nang makita ang galit na bumabalot sa ekspresyon niya. Napalitan iyon ng hindi maipaliwanag na takot sa loob ko.
"Ahhh..." narinig kong umungol si Gabriel. Napaigtad ako at tiningnan siya—pilit niyang inaangat ang katawan niya, hawak ang balakang na tila sumakit sa pagkakahulog namin.
Pero hindi ko siya malapitan.
Nanginig ang mga daliri ko sa biglaang emosyon—galit, kahihiyan, at isang matinding pagkasuklam kay Gavin.
Ninakaw niya ang first kiss ko.
"Julianna..." mahina pero may bigat ang boses ni Gavin.
Matalim ko siyang nilingon, hindi na napigilan ang luhang namuo sa mga mata ko.
Nakita kong lumambot ang ekspresyon niya. Inilahad niya ang kamay niya para punasan sana ang luha ko, pero bago pa niya ako mahawakan, galit ko iyong tinabig.
"I hate you," bulong ko, mariin, puno ng poot.
Nakita ko ang paninigas ng kanyang katawan. Napaawang ang labi niya, tila hindi makapaniwala.
Pero wala akong pakialam.
Tinabig ko siya at nagtatakbo palayo, hindi na alintana ang mga tawag sa akin. Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko.
I really hate you, Gavin Melchor!
"ISA na naman sa finalist ng Mutya ng San Ignacio ang panganay na anak nina Angela at Ishmael," narinig kong pinag-uusapan ng dalawang matrona na hindi man lang yata namamalayang nasa mismong likuran lang nila ako habang namimili ng mamahaling tela para sa aking evening gown."Yearly naman siyang kasali. Siya na lang palagi ang tinatanghal na Mutya. Hindi man lang bigyan ng pagkakataon ang ibang kadalagahan dito," hinarap ako ng isa pang Ginang na may halatadong inggit sa kanyang mukha.Bahagya kong iniliko ang aking ulo at malamig silang tiningnan. Agad kong nakilala ang huling nagsalita—ina siya ng isa sa mga desperadang kandidatang nakakalaban ko. Napaismid ako. Inipit ko ang ilang takas na buhok sa aking tainga, humakbang paitaas, at dahan-dahang tumikhim upang basagin ang kanilang usapan.Nang lumingon sila at makilala ako, agad na namutla ang kanilang mga mukha na tila nakakita ng multo."As far as I am aware, I remain on the list of finalists for as long as no one manages to de
My parents wanted to throw a big party to celebrate my outstanding academic achievement after I graduated as Summa Cumlaude. But I decline. Instead of a party I asked for a trip to Europe as my graduation present, and they agreed!In two weeks time I'm going to fly to Europe on my own. Ni-request ko talaga na mag-isa lang akong magta-travel. Kahit napakatagal bago ko napilit sina mommy na payagan akong mag-tour ng ako lang. "Darating ba sina lola?" tanong ni Amber kay mommy. Tumutulong siyang ayusin ang table habang ako naman ay busy sa aking phone, stalking. "Yes, baby," narinig kong sagot ni mommy.May bago kasing post si Leticia. Isang selfie kasama si Gabriel, nasa kama ang dalawa. Sa tingin ko nasa kwarto sila ni Gabby. Mukhang ginising lang ito ni Leticia dahil halos nakapikit pa ito habang nakaharap sa camera. And oh myyyy. Ang guwapo ni Gabriel kahit bagong gising. May bakas pa ng unan sa pisngi niya. Magulo ang buhok pero di man lang nakabawas sa kaguwapuhan niya iyon. May
Hindi ko matanggap na si Gavin ang naging first kiss ko.Ang bwisit na 'yon!Nakakainis siya. Pakiramdam ko, nabuhay lang siya para inisin ako. Siguro sinadya niya akong halikan kahapon. Hindi ko na gustong paniwalaan na aksidente lang iyon—siguradong sinabotahe niya ang first kiss ko!"Argh!" Frustrated akong nagpagulong-gulong sa kama, idinagan ang unan sa mukha ko, at sinipa ang hangin.Damn it, Gavino!"Honey?"Napapikit ako nang marinig ang malambing na tinig ni Mommy Angela mula sa labas ng kuwarto, kasabay ng mahinang pagkatok. "Are you up, baby?"Hindi ako sumagot. Pinili ko na lang na titigan ang kisame, pilit na iniisip ang ibang bagay kahit imposible. Ilang segundo lang, narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang marahang yabag ni Mommy papalapit.Nararamdaman ko ang presensya niya sa tabi ko, at hindi ko na kinailangang lingunin para malaman na nakaupo siya sa gilid ng kama ko."May masakit ba sa 'yo?" tanong niya, puno ng pag-aalala. Napakalambing talaga ng boses niya, para
TAPOS na ang misa kaya agad akong humiwalay kina Mommy para pumunta sa bukana ng simbahan.Palinga-linga ako sa paligid. Mas marami ang nagsimba ngayon dahil unang Linggo ng buwan, kaya mas pinag-igihan ko ang paghahanap. Sinisigurong hindi makakaligtas sa akin ang pakay ko.Linggo-linggo, ito ang inaabangan ko. Ang araw na may pagkakataon akong makasabay si Gabriel—makausap siya, kahit saglit lang.Kanina ko pa siya nakita. Nakaupo sa kabilang pew kasama ang mga magulang at kapatid niya. Nasa unahan namin sila, kaya sigurado akong mas nauna kaming lumabas.At ngayon, sa gitna ng dagsa ng mga tao, nakita ko na rin siya.Parang automatic ang kilos ko. Agad kong hinagod ang buhok ko at inayos ang suot kong baby pink na dress na hanggang itaas ng tuhod. May lace ribbon ito sa baywang, katerno ng suot kong headband at doll shoes.Mabilis kong dinukot ang lip gloss mula sa maliit kong purse at naglagay bago huminga nang malalim. Kailangan kong magmukhang fresh. Hindi puwedeng halatang exci
NANUNUOT sa aking balat ang lamig, sumisigid ito hanggang sa kaibuturan ng aking kalamnan. Wala akong saplot, tanging manipis na kumot lamang ang tumatabing sa aking gitnang katawan. Gustuhin ko mang hilahin iyon upang balutin ang buo kong katawan at maibsan ang ginaw na bumabalot sa akin, hindi ko magawa.Nakatali ang aking mga kamay sa bedpost, pa-dipa, habang gayundin ang aking mga paa. Hindi ko alam kung nasaan ako, ni kung paano ako napunta rito.God knows what truly happened to me. The last thing I remember was walking through the parking lot when something suddenly hit the back of my head—then, darkness.Pagmulat ng aking mga mata, nasa loob na ako ng isang malawak na silid. Wala itong ibang laman kundi ang malambot ngunit estrangherong kama kung saan ako nakagapos. Ang paligid ay nilalamon ng kadiliman, at walang anumang liwanag na lumulusot mula sa bintanang natatakpan ng makakapal na kurtina.Sumigaw ako, halos maubos ang hangin sa aking baga sa paghahanap ng saklolo. Pero w







