Home / Romance / OWNING HIM / Chapter 2

Share

Chapter 2

Author: Raw Ra Quinn
last update publish date: 2025-07-31 17:41:48

Hindi ko matanggap na si Gavin ang naging first kiss ko.

Ang bwisit na 'yon!

Nakakainis siya. Pakiramdam ko, nabuhay lang siya para inisin ako. Siguro sinadya niya akong halikan kahapon. Hindi ko na gustong paniwalaan na aksidente lang iyon—siguradong sinabotahe niya ang first kiss ko!

"Argh!" Frustrated akong nagpagulong-gulong sa kama, idinagan ang unan sa mukha ko, at sinipa ang hangin.

Damn it, Gavino!

"Honey?"

Napapikit ako nang marinig ang malambing na tinig ni Mommy Angela mula sa labas ng kuwarto, kasabay ng mahinang pagkatok. "Are you up, baby?"

Hindi ako sumagot. Pinili ko na lang na titigan ang kisame, pilit na iniisip ang ibang bagay kahit imposible. Ilang segundo lang, narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang marahang yabag ni Mommy papalapit.

Nararamdaman ko ang presensya niya sa tabi ko, at hindi ko na kinailangang lingunin para malaman na nakaupo siya sa gilid ng kama ko.

"May masakit ba sa 'yo?" tanong niya, puno ng pag-aalala. Napakalambing talaga ng boses niya, para bang hindi marunong magtaas ng tono o magalit.

Ni minsan, hindi ko pa nakitang nagalit si Mommy Angela. Kahit si Daddy, hindi ko pa siya nakikitang nakipagtalo kay Mommy. Lagi silang sweet sa isa't isa. Puno ng pagmamahal ang tingin ni Daddy kay Mommy, kahit pa hindi siya nito nakikita.

At sa isang banda, nakikita ko si Gabriel kay Daddy.

Kung paano siya mapagmahal sa pamilya, kung paano niya inaalagaan ang mga nakakabatang kapatid. Kahit busy siya sa studies niya, tinutulungan pa rin niya ako sa mga assignments ko, walang reklamo. Kahit ako pa ang nang-iistorbo, siya pa ang nag-aalok ng meryenda.

He's so sweet...

At sigurado akong balang araw, kung magkakaroon siya ng asawa, ituturing niya itong parang reyna—katulad ng ginagawa ni Daddy kay Mommy.

At gusto kong ibigay kay Gabriel ang lahat—including my first kiss.

Pero ninakaw iyon ni Gavin.

Naramdaman ko ang banayad na haplos ni Mommy sa balikat ko. Hindi pa rin ako lumingon, pilit na pinipigilan ang pagluha.

"M-Mom..." My voice croaked.

"Hey... what's wrong?"

Doon ako napatingin kay Mommy. Nasa mga mata niya ang pag-aalala, at sa isang iglap, hindi ko na napigilan.

"I lost my first kiss, Mom... someone took it from me," sumbong ko, nagpipigil ng hikbi.

Sandali siyang natigilan, pero imbes na magulat, unti-unting sumilay ang isang maliit na ngiti sa labi niya.

"And who the hell did that?"

Halos mabulunan ako sa narinig.

Bigla akong napabangon at napalingon sa pinto—nandoon si Daddy, nakatayo sa may pintuan ng kuwarto, may madilim na ekspresyon sa mukha.

"Dad!"

"Sweetheart, eavesdropping is impolite," mariing puna ni Mommy, bahagyang umiling.

Tumikhim si Daddy, pero hindi pa rin nawala ang kunot sa noo niya. Halata sa postura niya na hindi siya natutuwa.

"Who stole your first kiss, Julianna?" tanong niya sa boses na parang handa siyang maghain ng demanda sa sinumang sasabihin kong may kasalanan.

Napahinga ako nang malalim bago nakalabing sumandal sa headboard.

"Gavino..." bulong ko.

Napataas ang kilay ni Daddy. Si Mommy naman ay bahagyang napanganga, tila hindi sigurado kung paano magre-react. Nagkatinginan sila saglit bago umismid si Daddy.

Marahang tumikhim si Mommy bago bumaling muli sa akin.

"He called last night," aniya.

"Who?" Kunot-noo kong tanong.

"The culprit," sagot ni Daddy, may halong pang-iinis. Halos matawa na si Mommy.

Lalo akong naguluhan.

"Gavin called last night," paliwanag ni Mommy. "He apologized and said he didn't intend to do what he'd done. I was so confused as to what he was talking about, but now I understand."

Namilog ang mga mata ko.

Anong sinabi niya?!

"He did what?!"

Ang buwisit na 'yon!

"So, he snatched your first kiss?" si Daddy ulit, pero mas seryoso na ngayon ang tono niya. "Someone kissed my baby, damnit..." bumuntong-hininga siya, pilit pinipigilan ang galit. "I should talk to his parents!"

"Dad!"

"Mael!"

Sabay naming sigaw ni Mommy.

Bigla akong nagsisi kung bakit ko pa nabanggit ang tungkol dito.

"What?" kunot-noong tanong ni Daddy. "He stole your kiss! You're still a baby!"

"I'm not a baby!"

"Yes, you are, Julianna!"

"Mom!" inis kong lingon kay Mommy, naghahanap ng kakampi. Kapag nagiging overprotective si Daddy, nakakainis talaga.

"Ishmael," babala ni Mommy, dahilan para agad na tumikom si Daddy. Binalingan ako ng malumanay na tingin ni Mommy. "Why don't you explain to us what really happened? Did he do that on purpose, or was it just an accident?"

Napakagat-labi ako.

At sa puntong iyon, wala akong nagawa kundi ikuwento ang totoong nangyari.

Pero habang isinasalaysay ko ang buong pangyayari, unti-unti kong naramdaman ang pagsingit ng isang bagay na mas nakakainis pa—

Mas lalo pang na-invalidate ang galit ko kay Gavin.

At mas lalo akong nainis dahil doon.

"HOW did it feel to have a first kiss, Ate?" Amber asked me: She's my little sister; I was just three years older than her. Amber sitting beside me in the back seat of our service car. Papasok kami sa school at si Kuya Temyo ang driver namin.

I glanced at kuya Temyo pero mukha namang busy siya sa pagmamaneho o nagpapatay malisya lamang siya na hindi kami naririnig.

"It's sucks," I answered and rolled my eyes, reminding myself of my first kiss. Actually, it wasn't called a kiss since our lips just brushed for a few seconds. But it's still a big deal for me.

"Why?" inosenteng tanong ni Amber. Umusod pa siyang lalo papalapit sa akin.

"Because he's not supposed to be my first kiss, Amber! I reserved my first kiss for my first love."

Kumiling ang ulo ni Amber. Parang lalong naguluhan.

"But... why should it be your first love?"

"Because that is exactly what it should be. I believe that all firsts should be saved for my first love in order for him to love me excessively since it is a tremendous honor to him." Isa pa lang naman ang lalaking pinagtuunan ko ng pansin at pinangarap na gawin ang lahat ng first ko sa kanya kaso nga lang...

Lumabi si Amber pero hindi na siya nagsalita pa. Nanahimik na lang din ako hanggang sa makarating kami sa school.

"I think you're crazy, Ate," narinig kong sabi ni Amber nang naglalakad na kami sa loob ng school grounds.

"What?"

Umismid ang maamo niyang mukha. Amber is a spitting image of our mom. While I look like our dad.

"Si kuya Gavino and kuya Gabriel ay sobrang magkamukha. Kahit pa si kuya Gavino ang nahalikan mo sa sobrang pagkakahawig nila para na ring si kuya Gabriel ang naging first kiss mo. Mindset ba," sabi niya na nagmumwestra pa ng mga kamay.

"Magkaiba sila!"

"Because of the smell of their breath?"

"How would I know the difference hindi ko pa naman naaamoy ang hininga ni Gabriel!" At kahit nate-tempt ako noon na ilapit ang ilong ko sa bibig ni Gabriel kapag tinututuran niya ko para maamoy ko ang hininga niya ay hindi ko magawa dahil baka ma-turn off siya sa akin.

"E 'di magpalit ka na lang ng first love! Si Kuya Gavino na lang ang first love mo siya naman ang first kiss mo, e. Na-i-stress na ako sa 'yo, ate!"

Siya pa ang may ganang ma-stress sa akin? Siya nga itong kung ano-ano ang sinasabi na wala namang katuturan.

"Argh!" Inis na tinalikuran ko na siya at tumuloy an sa building ko.

May mga bumabati sa 'kin pero hindi ko pinapansin mainit pa rin kasi ang ulo dahil sa kung ano-anong mga pinagsasabi ni Amber. Yun ba ang mga nakukuha niya kakabasa sa mga fantasy book? Napapraning na ba ang kapatid ko? I think I should talk to--

Naging marahan ang paglalakad ko nang may mamataan akong nakatayo sa labas ng room namin. Nakasuot ito nang pang senior high uniform. Bumilis ang tibok ng puso ko for a moment not until mapansin ko ang hikaw sa kaliwang tenga nito. I though na si Gabriel iyon pero si Gavino pala.

Hindi ko siya pinansin at lalagpasan ko sana siya ng iharang niya sa harap ko ang isang cadburry chocolate at maliit na blue teddy bear.

"Pinabibigay ni Gabriel," sabi niya na mabilis na ikinalingon ko sa kanya.

Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Sabi niya bigyan raw kita nito at mag-sorry ako sa 'yo dahil sa nangyari nung Sunday," sabi niya na sa tonong parang may utang na loob ako sa kanya.

Bigla namang nawala ang excitement na nararamdaman ko nang malamang hindi naman pala talaga kay Gabriel galing ang iniaabot niya.

Muli ko na sana siya uling lalagpasan dahil mas lalo niya lang pinainit ang ulo ko. How dare him na gamitin pa si Gabriel sa mga pakulo niya. Akala ko pa naman si Gabriel na talaga ang nagbigay niyon. Umasa pa naman ako.

Iniharang niya uli ang kamay niya para hindi ako makadaan. "Kunin mo na, tapos m*****i na tayo." Halata na ang pagkainip s amukha nito.

"Ayoko ko nga. Habang buhay akong galit sa 'yo, you thief!" Tinabig ko siya at tuluyan nang pumasok. Nakatingin sa amin ang mga kaklase ko pero hindi ko sila pinansin diretso lang akong naupo sa silya ko sa tabi ng bintana.

Nagulat na lang ako nang biglang may naupo rin sa tabi ko at may nagpatong ng chocolate at teddybear sa mesa ko. Matalim ang mga matang binalingan ko si Gavino. Hindi na seryoso ang mga mata niya. Nakangisi an siya uli gaya ng karaniwan niyang ekpresyon at tila nakakaloko ang mga matang nakatingin sa akin.

"Hindi ko naman sinasadya na manakaw ang first kiss mo," anito na inilapit pa ang mukha sa mukha ko kaya napaatras ako pero hindi ako masyadong nakalayo dahil hinawakan niya na ang likod ng ulo ko. "Kung masama ang loob mo dahil sa 'kin napunta ang first kiss mo, ibabalik ko na..." after he say that he kissed me!

Matagal at mariin. Unlike sa nangyari nung Sunday na basta lang nagdikit ang labi namin ngayon at naramdaman ko ang paghagod ng dila niya sa labi ko. And it shocked me. Bago ko pa siya maitulak ay nakatayo na siya at sisipol-sipol na naglalakas palabas ng room.

Nasa pintuan na siya ng muli siyang lumingon. "Ah, sinama ko na yung interes para wala ka namang masabi," nakakalokong anito at kinindatan pa ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • OWNING HIM   Chapter 4

    "ISA na naman sa finalist ng Mutya ng San Ignacio ang panganay na anak nina Angela at Ishmael," narinig kong pinag-uusapan ng dalawang matrona na hindi man lang yata namamalayang nasa mismong likuran lang nila ako habang namimili ng mamahaling tela para sa aking evening gown."Yearly naman siyang kasali. Siya na lang palagi ang tinatanghal na Mutya. Hindi man lang bigyan ng pagkakataon ang ibang kadalagahan dito," hinarap ako ng isa pang Ginang na may halatadong inggit sa kanyang mukha.Bahagya kong iniliko ang aking ulo at malamig silang tiningnan. Agad kong nakilala ang huling nagsalita—ina siya ng isa sa mga desperadang kandidatang nakakalaban ko. Napaismid ako. Inipit ko ang ilang takas na buhok sa aking tainga, humakbang paitaas, at dahan-dahang tumikhim upang basagin ang kanilang usapan.Nang lumingon sila at makilala ako, agad na namutla ang kanilang mga mukha na tila nakakita ng multo."As far as I am aware, I remain on the list of finalists for as long as no one manages to de

  • OWNING HIM   Chapter 3

    My parents wanted to throw a big party to celebrate my outstanding academic achievement after I graduated as Summa Cumlaude. But I decline. Instead of a party I asked for a trip to Europe as my graduation present, and they agreed!In two weeks time I'm going to fly to Europe on my own. Ni-request ko talaga na mag-isa lang akong magta-travel. Kahit napakatagal bago ko napilit sina mommy na payagan akong mag-tour ng ako lang. "Darating ba sina lola?" tanong ni Amber kay mommy. Tumutulong siyang ayusin ang table habang ako naman ay busy sa aking phone, stalking. "Yes, baby," narinig kong sagot ni mommy.May bago kasing post si Leticia. Isang selfie kasama si Gabriel, nasa kama ang dalawa. Sa tingin ko nasa kwarto sila ni Gabby. Mukhang ginising lang ito ni Leticia dahil halos nakapikit pa ito habang nakaharap sa camera. And oh myyyy. Ang guwapo ni Gabriel kahit bagong gising. May bakas pa ng unan sa pisngi niya. Magulo ang buhok pero di man lang nakabawas sa kaguwapuhan niya iyon. May

  • OWNING HIM   Chapter 2

    Hindi ko matanggap na si Gavin ang naging first kiss ko.Ang bwisit na 'yon!Nakakainis siya. Pakiramdam ko, nabuhay lang siya para inisin ako. Siguro sinadya niya akong halikan kahapon. Hindi ko na gustong paniwalaan na aksidente lang iyon—siguradong sinabotahe niya ang first kiss ko!"Argh!" Frustrated akong nagpagulong-gulong sa kama, idinagan ang unan sa mukha ko, at sinipa ang hangin.Damn it, Gavino!"Honey?"Napapikit ako nang marinig ang malambing na tinig ni Mommy Angela mula sa labas ng kuwarto, kasabay ng mahinang pagkatok. "Are you up, baby?"Hindi ako sumagot. Pinili ko na lang na titigan ang kisame, pilit na iniisip ang ibang bagay kahit imposible. Ilang segundo lang, narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang marahang yabag ni Mommy papalapit.Nararamdaman ko ang presensya niya sa tabi ko, at hindi ko na kinailangang lingunin para malaman na nakaupo siya sa gilid ng kama ko."May masakit ba sa 'yo?" tanong niya, puno ng pag-aalala. Napakalambing talaga ng boses niya, para

  • OWNING HIM   Chapter 1

    TAPOS na ang misa kaya agad akong humiwalay kina Mommy para pumunta sa bukana ng simbahan.Palinga-linga ako sa paligid. Mas marami ang nagsimba ngayon dahil unang Linggo ng buwan, kaya mas pinag-igihan ko ang paghahanap. Sinisigurong hindi makakaligtas sa akin ang pakay ko.Linggo-linggo, ito ang inaabangan ko. Ang araw na may pagkakataon akong makasabay si Gabriel—makausap siya, kahit saglit lang.Kanina ko pa siya nakita. Nakaupo sa kabilang pew kasama ang mga magulang at kapatid niya. Nasa unahan namin sila, kaya sigurado akong mas nauna kaming lumabas.At ngayon, sa gitna ng dagsa ng mga tao, nakita ko na rin siya.Parang automatic ang kilos ko. Agad kong hinagod ang buhok ko at inayos ang suot kong baby pink na dress na hanggang itaas ng tuhod. May lace ribbon ito sa baywang, katerno ng suot kong headband at doll shoes.Mabilis kong dinukot ang lip gloss mula sa maliit kong purse at naglagay bago huminga nang malalim. Kailangan kong magmukhang fresh. Hindi puwedeng halatang exci

  • OWNING HIM   Prologue

    NANUNUOT sa aking balat ang lamig, sumisigid ito hanggang sa kaibuturan ng aking kalamnan. Wala akong saplot, tanging manipis na kumot lamang ang tumatabing sa aking gitnang katawan. Gustuhin ko mang hilahin iyon upang balutin ang buo kong katawan at maibsan ang ginaw na bumabalot sa akin, hindi ko magawa.Nakatali ang aking mga kamay sa bedpost, pa-dipa, habang gayundin ang aking mga paa. Hindi ko alam kung nasaan ako, ni kung paano ako napunta rito.God knows what truly happened to me. The last thing I remember was walking through the parking lot when something suddenly hit the back of my head—then, darkness.Pagmulat ng aking mga mata, nasa loob na ako ng isang malawak na silid. Wala itong ibang laman kundi ang malambot ngunit estrangherong kama kung saan ako nakagapos. Ang paligid ay nilalamon ng kadiliman, at walang anumang liwanag na lumulusot mula sa bintanang natatakpan ng makakapal na kurtina.Sumigaw ako, halos maubos ang hangin sa aking baga sa paghahanap ng saklolo. Pero w

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status