LOGINMy parents wanted to throw a big party to celebrate my outstanding academic achievement after I graduated as Summa Cumlaude. But I decline. Instead of a party I asked for a trip to Europe as my graduation present, and they agreed!
In two weeks time I'm going to fly to Europe on my own. Ni-request ko talaga na mag-isa lang akong magta-travel. Kahit napakatagal bago ko napilit sina mommy na payagan akong mag-tour ng ako lang.
"Darating ba sina lola?" tanong ni Amber kay mommy. Tumutulong siyang ayusin ang table habang ako naman ay busy sa aking phone, stalking.
"Yes, baby," narinig kong sagot ni mommy.
May bago kasing post si Leticia. Isang selfie kasama si Gabriel, nasa kama ang dalawa. Sa tingin ko nasa kwarto sila ni Gabby. Mukhang ginising lang ito ni Leticia dahil halos nakapikit pa ito habang nakaharap sa camera. And oh myyyy. Ang guwapo ni Gabriel kahit bagong gising. May bakas pa ng unan sa pisngi niya. Magulo ang buhok pero di man lang nakabawas sa kaguwapuhan niya iyon.
May caption na 'woke up like this. happy birthday sa mga guwapo kong kuyas'. Naka-tag sina Gabriel at Gavin sa post ni Leticia. Marami nang reaction at comments. Bumabati sa kambal. Nag-type ako ng comment at binati rin si Gabriel ng happy birthday. Hindi pa ako nakontento pumunta ako sa profile ni Gabriel at nag-send ng personal message.
Napangiti ako ng mag-reply siya kaagad at nag-thank you. He even congratulate me for my graduation. Nakakainis kasi sumabay ang family lunch namin sa birthday niya kaya hindi ako makaalis para pumunta sa kanila at maki-birthday. Di ko tuloy agad madadala yung gift ko para sa kanya.
Tumunog ang notification ko. Chineck ko kung ano 'yon at napasimangot ako nang mabasa kong may reply sa comment ko sa post ni Leticia pero hindi si Garbiel ang nag-reply, kundi si Gavin.
Gavino
Melchor: Hoy Jullianna birthday ko rin bakit si Gabriel lang ang binati mo ha? Iba talaga ang tinititigan sa tinitingnan e! Bad girl!Napasintido na lang ako dahil biglang kumibot ang ugat ko sa ulo. Hindi pa kasi nakontento sa comment niya nagawa pa kong tawagan sa messenger na agad ko namang dinecline. Pinatay ko na lang ang wifi ko dahil paniguradong hindi ako tatantanan ni Gavino. Mangungulit nang mangunglit yon hanggang mabuwisit at masira ang araw ko. Hobby niya 'yon, ang bwisitin ang araw ko. Noon at ngayon hindi na siya nagbago. Pumanhik na muna ako sa kuwarto ko para mag-shower.
Nakaupo na ako sa harap ng dresser ko habang naka-batchrobe at nagsusuklay nang pumasok si Amber at bigla na lang nag-dive sa kama ko. Dumapa ito hawak-hawak ang cellphone na nakaharap sa mukha nito. May ka-video call. Naipaikot ko na lang ang mga mata ko nang marinig ang boses ng ka-video call ni Amber.
"Baka budulin mo na naman ako, kuya Gavin, ha," sabi ni Amber.
"Sakit mo namang
magsalita. Di ko magagawa sa 'yo 'yon, ibibili talaga kita ng brush set na gustong-gusto mo. Iharap mo na sa ate mo," sabi ni Gavin. Sumunod naman si Amber at iniharap sa akin ang phone niya. "Hoy Jullianna!" anito nang makita ako sa screen.Hindi ako lumingon. Nagpatuloy lang ako sa pag-aayos sa buhok ko.
"Hoy, sungit. Bakit di mo 'ko binati ng happy birthday ha?"
"I didn't know it's your birthday too," walang gana kong sagot.
"Luh? Naka-tag ako sa post ni Isang ah, di mo ba napansin?" takang tanong nito. Saglit itong natigilan saka biglang nagsalita ng may maisip. "Saka teka nga, alam mo namang
kambal kami ni Gabriel malamang na iisa kami ng birthday!"Naiinis na hinarap ko ang phone ni Amber. Namewang ako at tinaasan ng kilay si Gavin sa screen. "It is not my obligation to wish you a happy birthday on your birthday! We're not even close for you to demand!"
Natameme naman si Gavin sa screen. Parang nag-hang pa ang impakto dahil walang kakilo-kilos ito habang nakaawang ang bibig at namimilog ang mga mata. Nagpatuloy naman ako sa pag-ra-rant sa kanya.
"Saka babatiin ko kung sino ang gusto kong batiin. At wala ka sa listahan ng mga binabati ko ng happy birthday! You know why?" nang-aasar na tanong ko sa kanya.
Mukhang nakabawi naman na ang luko-luko dahil ngayon ay nakangisi na ito pero ang mga mata ay matiim na nakatitig pa rin sa akin.
"Enlighten me," anito pilyong nakakagat-labi.
"Ate..." ani naman ni Amber hindi ko siya pinansin. Alam ko na-close sila ni Gavin at madalas na sermunan niya ako sa pagtrato ko kay Gavin pero naiinis talaga ako ngayon kaya sasabihin ko kung ano man ang gusto kong sabihin kahit pa magdamdam ang 'kuya Gavin' niya!
"Because I-D-O-N-T-L-I-K-E-Y-O-U!" I spell it out para mas maintindihan at maunawaan niya na hindi siya dapat umaasta na parang may karapatan siyang mag-demand sa akin e, kahit kailan hindi ko naman siya nagustuhan kahit bilang human being.
"Mmm, ganoon ba," sagot lang nito ngingisi-ngisi."Kahit di mo 'ko L-I-K-E okay lang kasi ako L-I-K-E kita lalo na yung B-O-O-B-S mo," sabi nito at bigla na lang nawala sa screen.
Matagal na nakakunot ang noo ko habang pinoproseso ang sinabi niya. At nang maunawaan ko ay dahan-dahan kong niyuko ang sarili ko at nanigas. Nakalas na pala ang sash ng robe ko at litaw ang dalawang boobs ko na tanging silicone nipple patch lang ang nandoon para itago ang dapat itago.
Pinanlamigan ako nang buong. Nakita ni Gavin ang... malakas akong napatili. I feel harrased!
"I was about to tell you pero sige kang daldal di mo ako pinapansin," ani naman ni Amber. Nakatayo na ito at nasa pintuan na. Tinaliman niya ito ng tingin at binato ng hair brush pero mabilis itong nakalabas at sa pintuan na lang tumama ang hair brush ko.
Tumunog ang phone ko. Agad ko iyong dinampot. May text sa akin mula sa isang roaming number na sa hinuha ko ay kay Gavin galing. Nasa Singapore kasi ito ngayon sa pagkakaalam ko. Nanginginig ang kamay na in-open ko ang message kahit pa sinasabi sa akin ng isip ko na burahin ko na agad iyon.
+65912********
Thank you sa pasilip este birthday gift. Don't worry di ko masyadong nakita 😳
Sabi nito sa text makakalma na sana ako kahit papaano pero may kasunod na text ang damuho.
+65912********
Joke tinititigan ko talaga! Hahahahhaha Congrats on your graduation, sungit. 🥳😂🤣
"You son of..."
Ang tagal kong natulala bago ko nahamig ang sarili ko. Para akong napagnakawan. Nabudol. Na-traydor.
I really hate him talaga!
"ISA na naman sa finalist ng Mutya ng San Ignacio ang panganay na anak nina Angela at Ishmael," narinig kong pinag-uusapan ng dalawang matrona na hindi man lang yata namamalayang nasa mismong likuran lang nila ako habang namimili ng mamahaling tela para sa aking evening gown."Yearly naman siyang kasali. Siya na lang palagi ang tinatanghal na Mutya. Hindi man lang bigyan ng pagkakataon ang ibang kadalagahan dito," hinarap ako ng isa pang Ginang na may halatadong inggit sa kanyang mukha.Bahagya kong iniliko ang aking ulo at malamig silang tiningnan. Agad kong nakilala ang huling nagsalita—ina siya ng isa sa mga desperadang kandidatang nakakalaban ko. Napaismid ako. Inipit ko ang ilang takas na buhok sa aking tainga, humakbang paitaas, at dahan-dahang tumikhim upang basagin ang kanilang usapan.Nang lumingon sila at makilala ako, agad na namutla ang kanilang mga mukha na tila nakakita ng multo."As far as I am aware, I remain on the list of finalists for as long as no one manages to de
My parents wanted to throw a big party to celebrate my outstanding academic achievement after I graduated as Summa Cumlaude. But I decline. Instead of a party I asked for a trip to Europe as my graduation present, and they agreed!In two weeks time I'm going to fly to Europe on my own. Ni-request ko talaga na mag-isa lang akong magta-travel. Kahit napakatagal bago ko napilit sina mommy na payagan akong mag-tour ng ako lang. "Darating ba sina lola?" tanong ni Amber kay mommy. Tumutulong siyang ayusin ang table habang ako naman ay busy sa aking phone, stalking. "Yes, baby," narinig kong sagot ni mommy.May bago kasing post si Leticia. Isang selfie kasama si Gabriel, nasa kama ang dalawa. Sa tingin ko nasa kwarto sila ni Gabby. Mukhang ginising lang ito ni Leticia dahil halos nakapikit pa ito habang nakaharap sa camera. And oh myyyy. Ang guwapo ni Gabriel kahit bagong gising. May bakas pa ng unan sa pisngi niya. Magulo ang buhok pero di man lang nakabawas sa kaguwapuhan niya iyon. May
Hindi ko matanggap na si Gavin ang naging first kiss ko.Ang bwisit na 'yon!Nakakainis siya. Pakiramdam ko, nabuhay lang siya para inisin ako. Siguro sinadya niya akong halikan kahapon. Hindi ko na gustong paniwalaan na aksidente lang iyon—siguradong sinabotahe niya ang first kiss ko!"Argh!" Frustrated akong nagpagulong-gulong sa kama, idinagan ang unan sa mukha ko, at sinipa ang hangin.Damn it, Gavino!"Honey?"Napapikit ako nang marinig ang malambing na tinig ni Mommy Angela mula sa labas ng kuwarto, kasabay ng mahinang pagkatok. "Are you up, baby?"Hindi ako sumagot. Pinili ko na lang na titigan ang kisame, pilit na iniisip ang ibang bagay kahit imposible. Ilang segundo lang, narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang marahang yabag ni Mommy papalapit.Nararamdaman ko ang presensya niya sa tabi ko, at hindi ko na kinailangang lingunin para malaman na nakaupo siya sa gilid ng kama ko."May masakit ba sa 'yo?" tanong niya, puno ng pag-aalala. Napakalambing talaga ng boses niya, para
TAPOS na ang misa kaya agad akong humiwalay kina Mommy para pumunta sa bukana ng simbahan.Palinga-linga ako sa paligid. Mas marami ang nagsimba ngayon dahil unang Linggo ng buwan, kaya mas pinag-igihan ko ang paghahanap. Sinisigurong hindi makakaligtas sa akin ang pakay ko.Linggo-linggo, ito ang inaabangan ko. Ang araw na may pagkakataon akong makasabay si Gabriel—makausap siya, kahit saglit lang.Kanina ko pa siya nakita. Nakaupo sa kabilang pew kasama ang mga magulang at kapatid niya. Nasa unahan namin sila, kaya sigurado akong mas nauna kaming lumabas.At ngayon, sa gitna ng dagsa ng mga tao, nakita ko na rin siya.Parang automatic ang kilos ko. Agad kong hinagod ang buhok ko at inayos ang suot kong baby pink na dress na hanggang itaas ng tuhod. May lace ribbon ito sa baywang, katerno ng suot kong headband at doll shoes.Mabilis kong dinukot ang lip gloss mula sa maliit kong purse at naglagay bago huminga nang malalim. Kailangan kong magmukhang fresh. Hindi puwedeng halatang exci
NANUNUOT sa aking balat ang lamig, sumisigid ito hanggang sa kaibuturan ng aking kalamnan. Wala akong saplot, tanging manipis na kumot lamang ang tumatabing sa aking gitnang katawan. Gustuhin ko mang hilahin iyon upang balutin ang buo kong katawan at maibsan ang ginaw na bumabalot sa akin, hindi ko magawa.Nakatali ang aking mga kamay sa bedpost, pa-dipa, habang gayundin ang aking mga paa. Hindi ko alam kung nasaan ako, ni kung paano ako napunta rito.God knows what truly happened to me. The last thing I remember was walking through the parking lot when something suddenly hit the back of my head—then, darkness.Pagmulat ng aking mga mata, nasa loob na ako ng isang malawak na silid. Wala itong ibang laman kundi ang malambot ngunit estrangherong kama kung saan ako nakagapos. Ang paligid ay nilalamon ng kadiliman, at walang anumang liwanag na lumulusot mula sa bintanang natatakpan ng makakapal na kurtina.Sumigaw ako, halos maubos ang hangin sa aking baga sa paghahanap ng saklolo. Pero w







