مشاركة

Chapter 3

مؤلف: Its_Pokeey
last update تاريخ النشر: 2026-06-27 09:02:02

Tahimik na isinara ni Caleb ang pinto ng kanyang condominium unit bago diretsong nagtungo sa sala. Hindi pa man siya nakakapagpalit ng damit ay muli nang nag-vibrate ang kanyang cellphone.

Laurence calling...

He let out a sigh before answering the call.

"What?"

Loud laughter immediately greeted him from the other end of the line.

"HAHAHAHA!"

Caleb closed his eyes. "What's so funny?"

"Bro..." Laurence could barely get the words out between fits of laughter. "You actually did it!"

"Shut up," Caleb said irritably.

"I can't believe you actually stripped in front of her!"

Caleb pinched the bridge of his nose. "It was your stupid dare."

"Exactly!" Laurence shouted. "But we honestly thought you'd back out at the last second."

He could hear Kidlat, Calex, Silak, and Kael laughing in the background.

"Damn..." Caleb muttered.

"So, what was the attorney's reaction?" Kidlat asked, still laughing.

Caleb shook his head. "She almost killed me with her eyes."

The group's laughter only grew louder.

"Serves you right!" Calex shouted.

"I bet she thinks you're completely insane," Silak added.

Caleb leaned back against the sofa in silence. "She probably does."

"But admit it," Laurence said in a teasing tone. "You didn't really have to take everything off."

Caleb stared at the ceiling. "I know."

The line fell silent for a moment before Kael finally spoke.

"So..." he began, amusement evident in his voice. "How much of that was because of the dare... and how much was because you wanted to impress Attorney Kuro?"

Marahang tumagos ang sinag ng araw sa loob ng silid ni Kuro.

Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata bago inabot ang cellphone sa ibabaw ng bedside table.

7:00 A.M.

Napabuntong-hininga siya bago bumangon.

Matapos maghilamos at magbihis, nagtimpla siya ng isang tasa ng mainit na kape. Nakagawian na niyang uminom ng kape sa balcony tuwing umaga.

Tahimik siyang lumabas at sumandal sa railing habang pinagmamasdan ang unti-unting paggising ng lungsod.

Makalipas ang ilang minuto agad niyang narinig ang isang tunog na pagbukas sa sliding door mula sa kabilang balcony.

Bahagya siyang napalingon at dahan-dahan natigilan. Damn. Why did she have to see his face this early in the morning?

Nakasuot lamang ito ng puting T-shirt at itim na jogging pants. May hawak din itong isang tasa ng kape habang diretso ang tingin sa tanawin ng lungsod.

Tahimik lamang na humigop ng kape si Caleb.

Ni hindi man lang siya nilingon, parang wala itong napansing ibang tao sa katabing balcony.

Napakunot-noo si Kuro.

Tahimik lamang itong nakatanaw sa malayo habang paminsan-minsang humihigop ng kape. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero may kakaibang inis na unti-unting sumisiksik sa kanyang dibdib.

Napailing siya. "Weirdo."

Mahigpit niyang hinawakan ang tasa bago tumalikod at bumalik sa loob ng kanyang unit. Pagkapasok niya sa loob ng condominium unit, agad niyang inilapag ang tasa ng kape sa kitchen island.

Napailing siya.

Hindi niya maintindihan kung bakit tila siya pa ang naiinis nang hindi man lang siya pinansin ni Caleb.

"Bahala ka nga," bulong niya sa sarili.

Mabilis niyang inalis ang isip sa lalaking iyon.

May mas mahalaga siyang dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa isang bastos na kapitbahay.

Makalipas ang ilang minuto, nagtungo siya sa kanyang walk-in closet. Maingat niyang pinili ang isang cream-colored blouse, black pencil skirt, at matching black blazer. Isinuot niya ang kanyang nude stilettos bago inayos ang mahabang buhok sa isang malinis na low bun. Isang simpleng pares ng pearl earrings at wristwatch lamang ang kanyang isinuot.

Professional.

Elegant.

Exactly how Attorney Kuro Valdez was expected to look. Lumapit siya sa salamin at sinuri ang sariling repleksiyon.

Satisfied, she grabbed her leather handbag together with the case files she had prepared the night before.

Ilang sandali pa'y tuluyan na siyang lumabas ng kanyang unit.Tahimik niyang ikinandado ang pinto bago naglakad patungo sa elevator.

Ayaw na muna niyang makita ang lalaking iyon.

Pagbukas ng elevator, agad siyang pumasok at pinindot ang ground floor. Pagdating sa lobby, magalang siyang binati ng receptionist at ng mga guwardiya.

"Good morning, Attorney."

"Good morning," mahinahon niyang tugon.

Lumabas siya ng condominium building at nagtungo sa kanyang itim na Lexus na nakaparada sa basement parking.

Makalipas ang halos tatlumpung minuto ng biyahe, narating niya ang Valdez & Michevioles Law Office.

Pagkapasok pa lamang niya sa opisina ay agad na nagsitayuan ang mga empleyado.

"Good morning, Attorney Kuro."

She gave them a small nod. "Good morning."

Bago pa man siya tuluyang makapasok sa kanyang opisina, mabilis siyang nilapitan ng kanyang secretary na si Mia habang may hawak na tablet at ilang dokumento.

"Attorney, may bagong kliyente pong gustong magpa-schedule ng meeting sa inyo."

Huminto si Kuro sa paglalakad. "Do we have an available slot?"

"Actually..." bahagyang nag-alangan ang sekretarya. "Isa po siyang napakalaking kliyente. Gusto niyang kayo mismo ang humawak ng kaso."

Bahagyang tumaas ang kilay ni Kuro. "Who is it?"

Nag-abot ng folder ang kanyang sekretarya.

Tahimik na inabot ni Kuro ang folder mula sa kanyang sekretarya. Dahan-dahan niya iyong binuksan habang naglalakad papunta sa kanyang opisina.

Pagkapasok niya sa loob ay agad niyang ipinatong ang leather handbag sa ibabaw ng mesa bago naupo sa kanyang swivel chair. Tahimik niyang binuklat ang unang pahina ng folder.

Nandoon ang ilang detalye tungkol sa kompanya ng kliyente at ang maikling buod ng kasong nais nitong ipaasikaso.

Bahagyang tumaas ang kanyang kilay.

"It's a complicated case," mahinahon niyang saad.

"Yes, Attorney," sagot ni Mia. "Base po sa impormasyon, ilang law firms na ang nilapitan nila. Pero kayo raw po mismo ang gusto nilang makausap."

Napatingin si Kuro sa kanyang sekretarya. "Did they mention why?"

Umiling si Mia. "Hindi po. Ang sinabi lang nila, hindi sila makikipagpulong sa ibang abogado. Kayo lang daw po."

Napabuntong-hininga si Kuro bago muling ibinalik ang tingin sa mga dokumento.

Hindi na bago sa kanya ang ganitong sitwasyon.

Dahil sa sunod-sunod niyang panalo sa mga high-profile cases, madalas ay siya mismo ang hinihiling ng mga kliyente. Gayunpaman, hindi niya basta-basta tinatanggap ang lahat ng kaso.

Mahalaga sa kanya ang oras at ang reputasyon niya. Tahimik niyang isinara ang folder bago itinukod ang dalawang siko sa mesa.

"When is the meeting?"

"This afternoon, Attorney. Three o'clock."

Tumango siya. "Clear my schedule after lunch."

"Yes, Attorney."

Bahagyang yumuko si Mia bago tuluyang lumabas ng opisina. Nang maiwang mag-isa si Kuro, muli niyang binuksan ang folder.

Muli niyang binasa ang pangalan ng kompanyang nakasaad sa unang pahina.

Ngunit ang pangalan ng mismong kliyente ay wala roon. Mukhang sinadya itong itago hanggang sa araw ng meeting.

Napabuntong-hininga siya. "Interesting..."

Tahimik na nakatanaw si Caleb sa floor-to-ceiling window ng kanyang opisina habang nakatanaw sa malawak na skyline ng lungsod.

May hawak siyang isang baso ng black coffee, ngunit ni isang lagok ay hindi pa niya iyon iniinom.

Ilang sandali pa'y kumatok ang kanyang sekretarya.

"Come in."

Dahan-dahang pumasok ang babae habang may dalang tablet.

"Sir, confirmed na po ang appointment."

Hindi man lang siya lumingon. "What time?"

"Three o'clock this afternoon."

Bahagyang tumango si Caleb.

"And Attorney Kuro personally accepted the meeting," dagdag nito.

Unti-unting umangat ang isang sulok ng kanyang labi. "So she accepted."

"Yes, sir."

Lumapit ang sekretarya at inilapag ang ilang dokumento sa ibabaw ng mesa. "Ipapahanda ko na rin po ang conference room."

"Do that," malamig niyang utos.

"Yes, sir."

Tahimik na lumabas ang sekretarya at muling nabalot ng katahimikan ang buong opisina.

Dahan-dahang umupo si Caleb sa kanyang executive chair bago muling kinuha ang folder na naglalaman ng profile ni Attorney Kuro Valdez.

Muli niyang pinagmasdan ang litrato nito.

Professional.

Eksaktong kabaligtaran ng mga babaeng nakasanayan niyang makilala.

Napailing siya."Attorney Kuro Valdez..."

Mahinang bulong niya habang bahagyang tinatapik ang larawan nito gamit ang kanyang hintuturo.

Hindi niya alam kung bakit.

Ngunit sa tuwing naiisip niya ang babaeng iyon, kusa na lamang sumasagi sa kanyang isip ang matatalim nitong mga mata at ang paraan ng pag-iwas nito sa kanya.

Hindi siya sanay na may umiiwas, lalong hindi siya sanay na may babaeng tila walang interes sa kanya. At marahil iyon mismo ang dahilan kung bakit lalo siyang naging interesado rito.

A slow smile crept across his lips.

"This afternoon..." Mahina siyang natawa. "Let's see if you can still ignore me, Habibti."

Kasabay niyon ay isinara niya ang folder at tumayo mula sa kanyang upuan.

Tahimik niyang isinuot ang kanyang suit jacket bago inayos ang cuffs ng kanyang puting long sleeves.

Kumatok muli ang kanyang sekretarya. "Sir, your car is ready."

Tumango lamang si Caleb bago dinampot ang susi ng kanyang Rolls-Royce. Habang naglalakad palabas ng opisina, isa lang ang laman ng isip niya.

Attorney Kuro Valdez.

Hindi niya alam kung bakit, ngunit pakiramdam niya ay magiging masaya ang meeting na iyon.

Pagdating niya sa parking area, agad siyang sumakay sa kanyang sasakyan.

Makalipas ang ilang minuto, umandar ang itim na Rolls-Royce palabas ng Montenegro Holdings.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Obsessed: Caleb Montenegro    Chapter 9

    Tahimik ang buong courtroom.Wala ni isa mang nangahas magsalita habang nananatiling nakatayo si Attorney Kuro Valdez sa harap ng witness stand. Tanging ang mahinang pagkaluskos ng mga papel at ang paulit-ulit na pagpindot ng court stenographer sa kanyang stenotype machine ang maririnig sa loob ng silid.Sa kabilang mesa, hindi maalis ng abogado ng complainant ang tingin kay Kuro. Kanina lamang ay kapansin-pansin ang kumpiyansa nito, ngunit ngayon ay bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito na tila sinusubukang hulaan ang susunod na hakbang ng depensa.Samantala, nanatiling nakaupo si Caleb Montenegro.Tahimik.Kalmado.Mahigpit lamang ang pagkakahawak niya sa gilid ng mesa habang pinagmamasdan ang bawat kilos ng kanyang abogado. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip ni Kuro, ngunit sapat na ang naging performance nito sa cross-examination upang maramdaman niyang unti-unti nang nababasag ang matibay na kumpiyansa ng kabilang panig.Sa witness stand, hindi mapakali si Adrian Cruz.Pa

  • Obsessed: Caleb Montenegro    Chapter 8

    Tahimik na bumukas ang pinto ng itim na sedan na huminto sa harap ng Hall of Justice.Marahang bumaba si Kuro habang maingat na isinasaayos ang laylayan ng kanyang itim na blazer. Kasabay ng pagsara ng pinto ng sasakyan ay ang pag-angat niya ng tingin sa matayog na gusali sa kanyang harapan.Ilang segundo siyang nanatiling nakatayo.Hindi dahil kinakabahan siya.Kundi dahil inihahanda niya ang sarili sa panibagong laban na naghihintay sa loob ng courtroom.Sa loob ng isang linggo, halos hindi na siya umuwi nang maaga. Halos gabi-gabi siyang nakakulong sa kanyang opisina, paulit-ulit na binabasa ang mga salaysay ng magkabilang panig, sinusuri ang bawat litrato, bawat dokumento, at bawat ebidensyang isinumite sa korte.Para sa iba, isa lamang itong simpleng kaso ng pagnanakaw.Ngunit para kay Kuro, walang kasong simple. Lalo na kapag buhay at reputasyon ng isang tao ang nakataya.Tahimik siyang naglakad papasok sa gusali.Sa bawat hakbang niya ay lalong bumabalik ang seryosong ekspresyo

  • Obsessed: Caleb Montenegro    Chapter 7

    Mabigat.Iyon ang unang bagay na naramdaman ni Kuro nang unti-unti siyang magkamalay. Para bang may humahampas na martilyo sa kanyang ulo sa bawat tibok ng kanyang puso.Marahan siyang napangiwi.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, ngunit agad ding napapikit dahil sa liwanag na tumatama sa kanyang paningin.Ilang segundo pa ang lumipas bago siya muling dumilat.Tahimik niyang inilibot ang tingin sa paligid.Malinis.Malawak.At hindi pamilyar.Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Hindi ito ang kanyang condominium.Hindi rin ito ang bar.Unti-unti siyang bumangon mula sa kama habang pilit inaalala ang nangyari kagabi. Ngunit sa bawat pagsubok niyang balikan ang mga alaala, puro malalabong eksena lamang ang pumapasok sa kanyang isip. Ang huling natatandaan niya ay ang pag-inom niya nang sunod-sunod at ang matinding sakit na naramdaman matapos niyang malaman ang katotohanan.Bigla siyang natigilan.Dahan-dahan siyang napalingon sa kabilang bahagi ng silid. May isang lalaking

  • Obsessed: Caleb Montenegro    Chapter 6

    Hindi na alam ni Kuro kung paano siya nakalabas ng restaurant.Parang kusang gumalaw ang mga paa niya hanggang sa maramdaman na lamang niyang nakaupo na siya sa passenger seat ng sasakyan ni Caleb.Napakatahimik.Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang paminsan-minsang pagpatak ng ulan sa windshield ang pumupuno sa katahimikan.Nakatitig lamang siya sa bintana.Ngunit wala siyang tunay na nakikita. Sa tuwing ipipikit niya ang mga mata, iisang eksena lamang ang bumabalik.Napakagat siya sa ibabang labi.Parang muli niyang narinig ang masayang boses ng batang babae. Kasunod noon ang mainit na ngiti ni David habang kinakarga ang bata, ang marahan nitong paghaplos sa tiyan ng buntis na babaeng nasa tabi nito, at ang mga matang punong-puno ng pagmamahal.Mga matang minsan niyang inakalang para lamang sa kanya. Unti-unting humigpit ang pagkakahawak niya sa laylayan ng kanyang damit.Masakit.Hindi dahil iniwan siya.Kundi dahil ngayon lang niya nalaman na sa loob ng tatlong taon. May ib

  • Obsessed: Caleb Montenegro    Chapter 5

    Habang nag-uusap sila, hindi nila napansing may isang pamilyar na pigura ang kakapasok lamang sa restaurant.At ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang private dining section... isang lalaking matagal nang hindi inaasahang muling makikita ni Kuro.Tahimik na nagpatuloy ang kanilang pag-uusap habang hinihintay ang pagkain. Ngunit sa mismong sandaling iyon, bumukas ang pangunahing pintuan ng restaurant."Welcome back, Sir."Sabay-sabay na yumuko ang ilang staff bilang pagbati sa bagong dating na bisita.Hindi sana iyon bibigyan ng pansin ni Kuro.Hanggang sa isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa loob ng restaurant."Daddy!"Napalingon siya.Nakita niya ang isang maliit na batang babae, marahil ay limang taong gulang lamang, na masayang tumatakbo papunta sa isang lalaking bagong pasok.Agad itong sinalubong ng lalaki at marahang binuhat sa kaniyang mga bisig."Easy, princess," natatawa nitong sabi.Hindi na kailangan pang makita ni Kuro nang buo ang mukha nito. Kilalang-kilal

  • Obsessed: Caleb Montenegro    Chapter 4

    Tahimik na huminto ang itim na Lexus sa harap ng Montenegro Holdings. Kuro stepped out of the car and adjusted the sleeves of her black blazer. She lifted her gaze toward the towering building before her. The sleek skyscraper stood proudly in the heart of the business district, its modern architecture reflecting both elegance and power. The company's name, Montenegro Holdings, was prominently displayed above the main entrance in polished silver letters. Even from where she stood, she could already tell how influential the company was. Napabuntong-hininga siya bago inayos ang pagkakasukbit ng kanyang leather handbag at ang folder na hawak niya. Sa dami ng naging kliyente niya sa nakalipas na mga taon, hindi na bago sa kanya ang makipagpulong sa mga kilalang negosyante. Ngunit kakaiba ang pakiramdam niya ngayon. Marahil ay dahil ang kliyenteng ito mismo ang nagpumilit na siya ang humawak ng kaso. Business was business. Anuman ang dahilan ng kliyente sa pagpili sa kanya, wala na

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status