Share

Kabanata 16

“GOOD morning,” bati ni Jacob sa asawa nang dumulog ito sa hapag kinaumagahan.

Bumalik na ulit sa dati ang lahat. Sa pagitan nilang mag-asawa matapos ang nangyari noong nagdaang araw. He decided to let it slide just like what his wife wished. Subalit titigil lang si Jacob sa harap ni Adelyn. Wala sa bokabularyo niya ang basta na lang isuko ang laban na iyon sa mga kapamilya nito.

“Hindi ka ba papasok sa trabaho?” tanong ni Adelyn sa kanya habang nagpapalaman ng tinapay.

“Papasok ako.” Naupo siya sa silyang katapatan nito. “Pero pagkatapos nating mag-almusal.”

“Baka ma-late ka. Okay lang naman sa akin na kumaing mag-isa.” Sinipat nito ang orasang nakasabit sa dingding ng sala. “Tinanghali pala ako ng gising.”

“It’s okay.” Inabot niya ang pisngi nito at bahagyang kinurot iyon. “Gusto ko rin naman na makasalo ka sa agahan. Madalas kang busy sa trabaho sa gabi. Oh, I suddenly remember na may utang pa nga pala ako sa iyong dinner date.”

“I-save mo na lang ang dinner date na iyon para
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status