Share

Kabanata 17

ISINAMA ni Lilibeth si Jacob sa isang stall ng luxury items sa mall matapos ng working hours nila sa opisina. Dahil hiningi niya ang tulong nito na bumili ng regalo para sa kanyang asawa, hinayaan lang niya ang babae sa kung ano ang mga suhestiyon nito. Jacob ended purchasing a luxury bag and designer dress for Adelyn. Noong sandaling iyon pa lang ay nakikinita na niya agad kung ano ang magiging hitsura nito kapag sinuot na ang bestidang iyon. Nasisiguro niyang lalo pang lalabas ang kagandahan ng kanyang asawa.

“She’s always beautiful anyway,” usual niya habang hawak ang paper bags ng mga pinamili. Balak niyang iwan muna iyon sa mansiyon ng kanyang lolo para doon itago.

“I have one more suggestion kung ano pa ang magandang iregalo sa asawa mo,” ani Lilibeth nang makalabas na sila ng stall.

Nilingon niya ito.

“Ano pa?”

“Come, follow me.”

Nagpatiuna na si Lilibeth sa kanya at kaagad naman siyang sumunod hanggang sa makarating sila sa isang stall na nagtitinda ng mga alahas. Magiliw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status