Share

CHAPTER 10

Halos isubsob ko na ang aking mukha sa toilet bowl habang inilalabas ng bibig ko ang kinain ko kagabi. Hindi ko alam kung bakit, pero pagkagising na pagkagising ko, nag laway agad ako at dumiretso agad ng banyo nang maramdamang naduduwal ako.

" Ate, tapos ka na diyan? Maliligo na ako, " rinig kong pagkatok ni Zachary sa pinto ng banyo.

" Oo, sandali lang, " sabi ko habang pinakikiramdaman ang aking sarili kung tapos na ba akong isuka ang lahat. Tumayo ako sa pagkakasalampak sa sahig at muling binuhusan ng tubig 'yong toilet bowl bago ko buksan ang pinto saka lumabas.

" Tagal mo sa banyo—hindi ka pa pala naliligo? " Gulat na tanong ni Zachary saka tumingin sa orasan na nakasabit sa pader sa kusina namin. " Mag a-ala sais na, ate. Hindi ka papasok? "

" Papasok ako. Mauna ka ng maligo. Bilisan mo na lang. " Dumiretso ako sa lababo para maghilamos at mag mumog. Ang weird ng pakiramdam ko ngayong umaga. Hindi ko naman puwedeng isisi sa lomi 'yong dahilan ng pagsuka ko dahil hindi naman
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status