Mag-log inLumipas pa ang ilang araw, pero hindi natapos ang misteryo sa locker ni Elise.
Sa halip, parang naging parte na iyon ng routine niya.
Tuwing umaga, bago pa man siya tuluyang makapasok sa classroom, dumidiretso muna siya sa locker niya. At kahit pilit niyang sinasabihan ang sarili na huwag mag-expect, hindi niya mapigilang bumilis ang tibok ng puso niya sa tuwing bubuksan niya iyon.
At palaging may note.
Minsan, simpleng—
“You look nice today.”
Minsan naman—
“Don’t skip lunch again.”
At may mga araw na parang alam nitong kailangan niya ng kaunting encouragement.
“You did better than you think. Stop being too hard on yourself.”
Hindi niya alam kung paano, pero unti-unti, nasanay siyang hanapin ang maliliit na papel na iyon.
At mas nakakahiya mang aminin…
Natutuwa siya.
Sobra.
Kaya naman kung anu-anong haka-haka na ang nabuo sa isip niya.
Sino ba talaga ang nagsusulat?
Classmate niya?
Senior?
Someone from another department?
At higit sa lahat…
Lalaki ba?
Napangiwi si Elise sa sariling tanong.
“Secret admirer agad? Malay mo babae.”
Pero kung babae, bakit parang may ibang dating ang ilang notes?
At kung lalaki naman—
Bigla siyang natigilan.
May isang mukha na hindi niya sinasadyang pumasok sa isip niya.
Jason.
Naalala niya iyong minsang nadatnan siya nito habang nagbubukas ng locker niya. Hindi naman iyon kakaiba. Hallway iyon, maraming dumadaan. Posibleng nagkataon lang talaga.
Pero…
Paano kung hindi?
Napatingin siya sa hawak na note.
Hindi kaya si Jason?
Biglang kumabog nang malakas ang dibdib niya.
“Oh, no.”
Agad siyang napailing, pero huli na. Nakaramdam na siya ng munting kilig sa naisip niya.
Jason?
As in Jason?
Iyong Jason na minsan ay halos hindi niya maintindihan kung friendly lang ba sa kanya o sadyang ganoon lang talaga sa lahat?
Hindi niya alam kung bakit, pero sa simpleng posibilidad na baka ito ang nagsusulat ng notes, parang may maliliit na paru-parong nagkagulo sa tiyan niya.
Pero mabilis din niyang pinigilan ang sarili.
“Stop it, Elise.”
Napailing siya.
Bakit naman si Jason?
Would Jason really care enough to leave her notes every day?
At higit sa lahat…
Magkakagusto sa kanya si Jason?
Parang mas imposible iyon.
Hindi naman sa minamaliit niya ang sarili niya. Pero si Jason iyon. Maraming babae ang napapansin ito, at sigurado siyang kung gugustuhin nitong magkaroon ng girlfriend, hindi ito mahihirapang pumili.
Kaya bakit siya?
Napabuntong-hininga siya at itinupi ang note.
“Delusional ka na, Elise.”
Pero kahit anong saway niya sa sarili, hindi niya tuluyang maalis ang pangalan nito sa isip niya.
Jason.
At nakakainis dahil sa lahat ng posibleng pangalan…
iyon pa ang pinakagusto niyang maging sagot.
Ilang beses na niyang sinubukang mag-observe pagkatapos noon. Tinitingnan niya kung sino ang madalas dumaan sa hallway. Kung sino ang napapatingin sa kanya. Kung sino ang biglang umiiwas kapag nahuhuli niyang nakatingin.
At oo…
Paminsan-minsan, napapatingin na rin siya kay Jason.
Pero wala.
Wala siyang mahuli kahit isang clue.
Hanggang isang hapon, habang hawak ang panibagong note, may pumasok na ideya sa isip niya.
“What if… sulatan ko rin siya?”
Napatingin siya sa locker.
Bawal iwan itong unlocked. Alam niya iyon.
Pero isang araw lang naman.
Kinabukasan, maaga siyang dumating. Inalis muna niya ang importanteng gamit sa locker bago iniwan ang susi sa loob. Pagkatapos, naglagay siya ng isang folded letter sa gitna.
Ilang segundo pa niya iyong tinitigan bago isinara ang p***o.
Hindi naka-lock.
Kinakabahan siya kahit wala naman siyang ginagawang sobrang sama.
Pero mas nangingibabaw ang curiosity niya.
Sa sulat, maingat niyang isinulat—
Hi, Mystery Note Person,
Hindi ko alam kung secret admirer ba talaga ang tawag sa’yo, so for now, Mystery Note Person ka muna.
I just want to say thank you.
Hindi ko alam kung alam mo, pero napapasaya ako ng notes mo. At lately, parang naging habit ko nang i-check ang locker ko every morning dahil curious ako kung may iniwan ka na naman.
Medyo nakakahiya aminin, pero kapag wala akong nakikitang note agad, parang nadidisappoint ako nang kaunti.
So… thank you for giving me something to smile about every day.
Pero sobrang curious na rin ako.
Who are you?
Hindi mo naman kailangang sabihin agad kung ayaw mo. Pero kahit clue lang? Classmate ba kita? Kilala ba kita? Lalaki ka ba o babae?
At kung okay lang sa’yo… maybe you can write back.
—Elise
Pagkatapos niyang isara ang locker, halos buong araw iyong nasa isip niya.
Paano kung hindi kunin?
Paano kung mabasa ng ibang tao?
O mas malala—
Paano kung matapos na roon ang notes?
Kinabukasan, halos hindi pa siya nakakarating sa hallway nang bumilis na agad ang lakad niya.
Pagdating sa locker, agad niya itong binuksan.
Nawala ang sulat niya.
Nanlaki ang mga mata niya.
“Binasa niya…”
At sa mismong lugar kung saan niya iniwan ang letter, may panibagong folded note.
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.
Kinuha niya iyon at agad na binuksan.
Hi, Elise.
Napahinto siya.
First time nitong direktang isinulat ang pangalan niya.
I got your letter.
And yes, nabasa ko hanggang dulo.
I’m glad the notes make you happy. Honestly, iyon lang naman talaga ang gusto ko—ang mapasaya ka kahit saglit.
Hindi ko pa masasagot kung sino ako.
Not yet.
Napakagat si Elise sa labi.
“Of course,” bulong niya, pero hindi niya mapigilan ang ngiti.
Nagpatuloy siya sa pagbabasa.
Pero kung okay lang sa’yo, pwede tayong magsulatan.
And please, huwag mo nang iwan na unlocked ang locker mo. Baka mawala ang gamit mo at ako pa ang sisihin mo.
Napatawa siya nang mahina.
May sense of humor pala.
Next time, ilagay mo lang ang letter sa loob ng locker at mag-iwan ka ng maliit na part ng papel na nakausli sa gilid bago mo i-lock.
I’ll pull it out myself.
That way, safe ang gamit mo.
And I still get your letter.
Deal?
Matagal na nakatitig si Elise sa huling salitang iyon.
Then slowly, napangiti siya.
“Deal.”
Maingat niyang tinupi ang note at inilagay iyon sa bag niya kasama ng lahat ng naunang sulat.
Pero habang naglalakad siya papunta sa classroom, unti-unting napalitan ng kaba ang ngiti niya.
Dahil ngayon, iba na.
Noon, siya lang ang tumatanggap.
Ngayon, nagsusulatan na sila.
At kung magpapatuloy ito, baka mas lalo siyang maging curious. Baka masanay siyang maghintay. Baka dumating sa puntong hindi na lang simpleng notes ang hahanapin niya.
Kundi ang mismong taong nasa likod ng mga iyon.
Napahinto si Elise sa hallway at napalingon sa direksyon ng lockers.
Maraming estudyanteng naglalakad. May nagtatawanan, may nagmamadaling pumasok sa klase, may tahimik lang na dumaraan.
Kahit sino sa kanila… posible.
Pero sa hindi malamang dahilan, bumalik na naman sa isip niya ang isang pangalan.
Jason.
Napakagat siya sa loob ng pisngi at agad na nagpatuloy sa paglalakad.
“Hindi siya ’yon,” mahinang sabi niya sa sarili.
Pero makalipas ang ilang hakbang, kusang umangat ang sulok ng labi niya.
Pero… paano kung siya nga?
At doon siya mas kinabahan.
Dahil hindi na niya alam kung alin ang mas gusto niyang malaman—
kung sino talaga ang nagsusulat sa kanya…
o kung tama ang lihim niyang pag-asang si Jason iyon.
SOMEONE I HAVEN’T METKinabukasan, maagang bumangon si Elise para pumasok.Pagkababa niya ng hagdan, agad niyang napansin ang mama niya sa sala.Napahinto siya.Hindi pa ito nakabihis para pumasok sa trabaho. Nakaupo lang ito sa sofa, hawak ang cellphone habang paminsan-minsang napapatingin sa pinto.At kahit pilit nitong itago, halatang puyat ito.Namumugto rin ang mga mata.“Ma?”Agad na napatingin sa kanya ang mama niya.“Oh, gising ka na.”Lumapit si Elise. “Hindi ka papasok?”“Late na lang siguro.”Umupo siya sa tabi nito.“Okay ka lang?”“Okay lang ako.”Pero hindi kumbinsido si Elise.“Si Papa?”Sandaling natahimik ang mama niya bago muling tumingin sa cellphone.“Hindi umuwi kagabi.”Nanikip ang dibdib ni Elise.“Hindi umuwi?”“Hinintay ko. Baka marami lang talagang ginagawa.”May pilit na ngiti sa labi nito, pero mas lalo lang iyong nagpakaba kay Elise.Ilang araw na rin niyang napapansin na bihira niyang makita ang papa niya sa bahay.At kapag naroon man ito, madalas nasa is
CHEERS, LETTERS, AND A LITTLE JEALOUSYMalapit na ang intramurals kaya halos buong campus ay naging abala.Araw-araw ang practice ng basketball team nina Jason, habang sina Elise at Belle naman ay napasama sa cheering squad.Okay lang naman iyon sa kanilang dalawa. Marunong naman silang sumayaw at sanay ding mag-perform sa harap ng maraming tao. Nakakapagod lang talaga ang halos araw-araw na practice.At kahit busy ang lahat, may isang bagay na hindi nagbabago sa routine ni Elise.Ang mga sulat sa locker niya.Gaya ngayong araw.Pagbukas niya ng locker, agad niyang nakita ang pamilyar na maliit na papel. Hindi niya napigilan ang ngiti bago iyon binuksan.Hi, Elise,How are you? Mukhang busy ka lately.Please don’t forget to eat lunch, okay? And don’t push yourself too hard.Are you enjoying being part of the cheering squad? Mukhang bagay naman sa’yo. You always look like you’re having fun when you perform.Pero ingat ka sa routines.I saw what happened yesterday. Muntik ka nang mahulo
FROM NOTES TO LETTERSLumipas pa ang ilang araw, pero hindi natapos ang misteryo sa locker ni Elise.Sa halip, parang naging parte na iyon ng routine niya.Tuwing umaga, bago pa man siya tuluyang makapasok sa classroom, dumidiretso muna siya sa locker niya. At kahit pilit niyang sinasabihan ang sarili na huwag mag-expect, hindi niya mapigilang bumilis ang tibok ng puso niya sa tuwing bubuksan niya iyon.At palaging may note.Minsan, simpleng—“You look nice today.”Minsan naman—“Don’t skip lunch again.”At may mga araw na parang alam nitong kailangan niya ng kaunting encouragement.“You did better than you think. Stop being too hard on yourself.”Hindi niya alam kung paano, pero unti-unti, nasanay siyang hanapin ang maliliit na papel na iyon.At mas nakakahiya mang aminin…Natutuwa siya.Sobra.Kaya naman kung anu-anong haka-haka na ang nabuo sa isip niya.Sino ba talaga ang nagsusulat?Classmate niya?Senior?Someone from another department?At higit sa lahat…Lalaki ba?Napangiwi s
CuteKinabukasan, pagpasok ni Elise sa school, isang bagay agad ang nasa isip niya.Ang locker niya.Habang naglalakad sa hallway, pilit niyang sinasabihan ang sariling normal lang ang lahat. Wala naman siyang dahilan para kabahan. Locker lang iyon. Kukunin lang niya ang mga libro niya gaya ng ginagawa niya araw-araw.Pero habang papalapit siya roon, lalong bumibilis ang tibok ng puso niya.Nakakahiya mang aminin, pero—umaasa siya.Paano kung may note ulit?At mas nakakahiya—paano kung wala?Napabuntong-hininga siya.“Ano ba, Elise…”Huminto siya sa harap ng locker at inilagay ang kamay sa lock.Click.Dahan-dahan niya iyong binuksan.At agad siyang natigilan.May maliit na nakatiklop na papel sa loob.Nanlaki ang mga mata niya.“Meron…”Hindi niya napigilang mapangiti.Mabilis siyang lumingon sa paligid.May mga estudyante sa hallway, pero walang mukhang nagbibigay-pansin sa kanya.Kinuha niya ang note at maingat na binuksan.Ilang salita lang ang nakasulat.That beautiful smile y
The First NoteKinabukasan, mas maaga nang kaunti si Elise sa school.Maingay na ang hallway kahit hindi pa nagsisimula ang klase. May mga estudyanteng nagkukuwentuhan sa gilid, may nagmamadaling tapusin ang assignment, habang ang iba naman ay nakatayo sa harap ng lockers at abala sa pag-aayos ng gamit.Diretso si Elise sa locker niya.May ilang libro siyang iniwan doon kahapon para hindi mabigat ang bag niya. Isinabit niya muna ang bag sa isang balikat bago ipihit ang maliit na lock.Click.Pagkabukas niya—may isang maliit na nakatiklop na papel na agad na nahulog sa harap niya.Napakunot-noo si Elise.“Ano ’to?”Dinampot niya iyon.Simple lang ang papel. Walang pangalan sa labas. Wala ring nakasulat kung kanino galing.Akala niya noong una ay baka reminder lang mula sa teacher o kung ano mang iniwan ni Belle.Pero nang buksan niya iyon, dalawang maikling linya lang ang bumungad sa kanya.You tap three times when you're nervous.You smile even when you're hurt. :)Natigilan si Elise
A Small MemoryBandang alas-kuwatro ng hapon nang makauwi si Elise.Pagbukas niya ng pinto, sinalubong siya ng pamilyar na katahimikan ng kanilang bahay. Hindi man kalakihan, maaliwalas at maayos iyon. May ilang framed family pictures sa dingding, mga halaman ng mama niya sa tabi ng bintana, at isang maliit na bookshelf na halos punô ng textbooks at teaching materials ng mga magulang niya.“Ma, I’m home!”“Nandito ako, anak!”Mula sa dining area ang boses ng mama niya.Paglapit ni Elise, nadatnan niya itong nakaupo sa mesa. Bukas ang laptop sa harap nito, katabi ang ilang libro, class records at yellow pad na punô ng sulat.Napangiti si Elise.Pamilyar na sa kanya ang ganitong eksena. Kahit nasa bahay na ang mama niya, hindi pa rin talaga tapos ang trabaho nito.“May ginagawa ka pa, Ma?”Saglit siyang nilingon ng mama niya at ngumiti.“May tatapusin lang akong lesson plan para bukas. Kumusta ang first day?”“Okay naman, Ma.”“Okay lang?”Napangiti nang mas malaki si Elise.“Okay na ok







