Share

CHAPTER 4

Author: Bhie Anne
last update publish date: 2026-09-03 17:10:51

The First Note

Kinabukasan, mas maaga nang kaunti si Elise sa school.

Maingay na ang hallway kahit hindi pa nagsisimula ang klase. May mga estudyanteng nagkukuwentuhan sa gilid, may nagmamadaling tapusin ang assignment, habang ang iba naman ay nakatayo sa harap ng lockers at abala sa pag-aayos ng gamit.

Diretso si Elise sa locker niya.

May ilang libro siyang iniwan doon kahapon para hindi mabigat ang bag niya. Isinabit niya muna ang bag sa isang balikat bago ipihit ang maliit na lock.

Click.

Pagkabukas niya—

may isang maliit na nakatiklop na papel na agad na nahulog sa harap niya.

Napakunot-noo si Elise.

“Ano ’to?”

Dinampot niya iyon.

Simple lang ang papel. Walang pangalan sa labas. Wala ring nakasulat kung kanino galing.

Akala niya noong una ay baka reminder lang mula sa teacher o kung ano mang iniwan ni Belle.

Pero nang buksan niya iyon, dalawang maikling linya lang ang bumungad sa kanya.

You tap three times when you're nervous.

You smile even when you're hurt. :)

Natigilan si Elise.

Binasa niya ulit.

At ulit.

Parang may kung anong marahang kumiliti sa loob ng dibdib niya.

You tap three times when you're nervous.

Napababa ang tingin niya sa sariling kamay.

Ginagawa nga niya iyon.

Kapag kinakabahan siya bago mag-report, bago sumagot sa recitation, o bago magsimula ng exam, tatlong beses niyang itinatap ang daliri o ballpen niya.

Tap. Tap. Tap.

Hindi niya nga alam kung kailan niya iyon nakasanayan.

Pati sina Mama at Daddy, hindi niya siguradong napapansin iyon.

At iyong pangalawa—

You smile even when you're hurt.

Biglang bumalik sa isip niya ang nangyari kahapon.

Ang bolang tumama sa binti niya.

Ang pag-‘aray’ niya.

At pagkatapos ay ang pagngiti niya na parang walang nangyari.

Unti-unting uminit ang mga pisngi ni Elise.

Mabilis siyang napalingon.

Maraming estudyante sa hallway.

May nag-uusap.

May tumatawa.

May naglalakad papasok sa classrooms.

Pero wala ni isang mukhang nakatingin sa kanya.

Muli niyang tiningnan ang note.

Pati ang simpleng smiley sa dulo, parang biglang naging cute sa paningin niya.

Hindi niya namalayang napapangiti na rin pala siya.

“Ano ba…”

Hinawakan niya ang dibdib niya.

Bakit parang biglang lumukso ang puso niya?

May kakaibang kiliti sa tiyan niya na hindi niya maipaliwanag. Masaya, nakakakaba, at nakaka-conscious nang sabay-sabay.

May nakakapansin sa akin?

Pero mabilis niyang pinigilan ang sarili.

“Elise, huwag kang assuming.”

Baka joke lang.

Baka trip lang ng kung sinong kaklase.

Baka may nakakita lang sa ginawa niya kahapon at naisipang lokohin siya.

Ayaw niyang kiligin nang sobra tapos mamaya pagtawanan lang pala siya.

Huminga siya nang malalim at muling binasa ang note.

Kahit anong paalala niya sa sarili—

nandoon pa rin ang ngiti niya.

“Okay. Kalma.”

Tinupi niya ang papel.

Pagharap niya—

“Good mor—”

“Ah!”

“Ah!”

Sabay silang napasigaw ni Belle.

Napahawak si Elise sa dibdib.

“Belle!”

“Ano ba!” Si Belle naman ang napahawak sa braso niya. “Bakit ka sumisigaw?”

“Ikaw kaya biglang sumusulpot!”

“Uy, naglalakad lang talaga ako, pramis!”

Bago pa mapansin ni Belle ang hawak niya, mabilis na naipasok ni Elise ang note sa bulsa ng palda niya.

“Ano ’yung tinago mo?”

“Wala.”

“Elise.”

“Wala nga.”

Bahagyang sumingkit ang mga mata ni Belle.

Kilalang-kilala siya nito.

Pero bago pa ito makapagtanong ulit, mabilis nang inakbayan ni Elise ang kaibigan.

“Tara na. Baka ma-late tayo.”

“Ang aga pa.”

“Mas magandang maaga.”

“Suspicious ka masyado.”

“Ang dami mong sinasabi.”

Halos hilahin na niya si Belle papunta sa classroom.

Hindi niya napansin na sa di-kalayuan, sa isang tahimik na sulok ng hallway, may isang pares ng matang nakasunod sa kanya.

At nang makita nitong itinago ni Elise ang note sa bulsa sa halip na itapon—

bahagya itong napangiti.

Buti na lang.

Naipasok niya ang papel sa siwang ng locker ilang minuto bago dumating si Elise.

Muntik pa siyang makita.

Ngayon, habang pinagmamasdan niyang palayo ang dalawang babae, may tahimik na saya sa kanyang mga mata.

Dahan-dahan siyang naglakad.

Tinahak ang parehong hallway.

Hanggang sa pumasok din ang pares ng mga paa sa—

Grade 12-A.

Maingay na ang classroom.

Nasa unahan sina Elise at Belle, abala sa pagkukuwentuhan.

Paminsan-minsan ay tumatawa si Elise sa sinasabi ng kaibigan niya, at sa tuwing ginagawa niya iyon, bahagyang sumisingkit ang mga mata niya.

Tahimik siyang naupo sa sarili niyang upuan.

Mula sa kinauupuan niya, likod lang ni Elise ang nakikita niya.

Pero sapat na iyon.

Matagal na niya itong gusto.

Matagal na rin niya itong napapansin.

Noon, kailangan pa niyang maghanap ng dahilan para mapadaan sa hallway ng section nito.

Minsan, sa library niya lang ito nakikita.

Minsan naman sa canteen.

May mga pagkakataong isang buong araw ang lumilipas na hindi man lang niya ito nasisilayan.

Pero ngayong Grade 12—

magkaklase na sila.

Iisang classroom.

Ilang upuan lang ang pagitan.

Abot-tanaw na niya ang babaeng matagal na niyang tinitingnan mula sa malayo.

Napangiti siya.

Sa harap, walang kamalay-malay si Elise.

Abala itong tumatawa kasama si Belle habang paminsan-minsang kinakapa ang bulsa ng palda niya.

Naroon pa rin ang note.

At sa simpleng kaalamang iyon—

kuntento na siya.

Pag-uwi ni Elise nang hapong iyon, halos diretso siya sa kwarto.

“Elise, merienda!” sigaw ni Ate Gina mula sa kusina.

“Mamaya po!”

Isinara niya ang p***o at ibinaba ang bag.

Pagkatapos ay mabilis niyang kinapa ang bulsa ng uniform niya.

Nandoon pa rin.

Maingat niyang inilabas ang nakatiklop na papel.

Umupo siya sa gilid ng kama at binuksan iyon.

You tap three times when you're nervous.

You smile even when you're hurt. :)

Napangiti na naman siya.

Parehong-pareho pa rin naman ang nakasulat.

Pero hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niya iyong basahin nang paulit-ulit.

Sino kaya?

Kaklase niya ba?

Senior din?

Babae?

Lalaki?

Napahinto siya.

Lalaki?

Biglang uminit na naman ang mukha niya. Tinapik tapik ang pisngi.

“Elise!”

Mahina siyang natawa sa sarili.

Tumayo siya at kinuha ang journal mula sa drawer.

Binuklat niya ang pahinang ginawa niya kagabi.

Nandoon pa ang picture ng maruming pink checkered skirt.

For a few seconds today, Jason noticed me.

Napangiti siya nang makita iyon.

Pero ngayon, may panibago na naman siyang ilalagay.

Sa katabing pahina, maingat niyang idinikit ang note.

Hindi niya sinulatan ang mismong papel.

Ayaw niyang masira iyon.

Sa halip, nagsulat siya sa ilalim.

I found this inside my locker today.

Huminto ang ballpen niya.

I don't know who wrote it.

Maybe it's just a joke.

Napakagat siya sa labi bago idinagdag—

But what if it's not?

Napangiti siya.

Ibinaba niya ang ballpen at tumingin sa salamin sa tapat ng study table.

Nakita niya ang sarili niyang nakangiti.

Namumula pa nang kaunti ang pisngi.

Maliwanag ang mga mata.

At sa unang pagkakataon, parang nahihiya siya sa sarili niyang reflection.

“Elise…”

Inayos niya ang buhok niya.

“Possible ba?”

Lumapit siya nang kaunti sa salamin.

“May admirer ako?”

Pagkasabi niyon, napaatras siya at tinakpan ang mukha.

“Ang kapal!”

Pero tumatawa siya.

Iyon pala ang pakiramdam.

Iyong may isang taong nakakapansin sa maliliit na bagay tungkol sa iyo.

Iyong may nag-iwan ng ilang salita at buong araw mo na iyong iisipin.

Iyong wala ka pang alam—

pero gusto mo nang malaman.

Masaya pala.

Nakakakaba.

Nakakakilig.

At para sa isang tahimik na babaeng tulad ni Elise na hindi naman sanay na siya ang pinagtutuunan ng pansin—

parang may maliit na lihim na mundo na biglang bumukas para sa kanya.

Muli niyang tiningnan ang note sa journal.

Hindi niya alam kung sino ang sumulat.

Hindi niya alam kung bakit siya nito pinapansin.

At lalong hindi niya alam na ang taong hinahanap niya—

ay ilang upuan lang ang layo sa kanya araw-araw.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 126

    THE MAN BEHIND THE RUMORSDire-diretsong pumasok si Jason sa bahay, kasunod si Mia. Hindi man lang niya nilingon ang sala kung saan nakaupo ang kaniyang ina. Nakakunot ang noo niya at mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao. Kilala ng kaniyang ina ang nag-iisa niyang anak. Kapag ganyan ito katahimik at halatang galit, tiyak na may mabigat na nangyari.“Jason? Anak, anong nangyari sa ’yo?”Hindi sumagot si Jason. Dumiretso lamang siya sa hagdan, tila walang narinig.“Jason!” tawag ulit ng kaniyang ina, pero nagpatuloy pa rin siya sa pag-akyat.Napalingon ang babae kay Mia at agad na nilapitan ito. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga.“Mia, what happened? Bakit parang may kaaway ang anak ko?”Nag-alinlangan si Mia bago sumagot. “Tita, nagkaroon po ng problema sa company event nila.”“Anong problema?”“Nasuntok po ni Jason ang isang coworker niya. Co-intern niya po.”“Good heavens! Bakit naman niya gagawin iyon?”Saglit na tumingin si Mia sa hagdan bago muling humarap sa kaniya.“Dahil po

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 125

    THE CONSEQUENCES “Ulitin mo. Tingnan natin kung kaya mo pang sabihin ’yan sa harap ko.”Nakatayo si Jason sa tabi ng mesa, nakatikom ang kamao habang hawak ni Daniel ang namamagang bahagi ng mukha niya.“Are you crazy, man? Sinuntok mo talaga ako!” galit na sigaw ni Daniel.Mabilis na lumapit ang ilang empleyado upang mamagitan. Si Mia, na naroon sa tabi ni Jason, ay agad na humarang sa pagitan ng dalawang lalaki.“Jason, tama na! Please, stop!” saway niya sa boyfriend. “Hindi ganito ang paraan para ayusin ang problema.”Bago pa makasagot si Jason, isang matatag na tinig ang umalingawngaw sa restaurant.“That's enough!”Napalingon ang lahat kay Ellain Rivera, ang executive vice president ng kumpanya. Tumayo siya mula sa mesa ng mga senior executives at lumapit sa kanila.Sa kabilang mesa, napatingin si Elise sa kaguluhan. Nang makita niyang hawak ni Daniel ang mukha nito, bahagya siyang umusog sa upuan, ngunit marahang hinawakan ni Ellain ang kaniyang braso.“Stay here, Elise. I'll h

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 124

    THE RUMOR BEHIND HER SUCCESSSumandal si Daniel sa upuan at bahagyang ngumisi habang pinagmamasdan si Elise sa mesa ng mga senior executives. Para bang may naalala siyang kuwentong matagal na niyang gustong ibahagi.“Pero alam mo, pre, may narinig akong chismis sa office.”Napalingon si Jason. “Anong chismis?”Bahagyang lumapit si Daniel, kunwari ay may ibinubulong na sikreto. “May malakas daw na backer si Elise.”Kumunot ang noo ni Jason. “Backer?”“Yeah. Kaya pala ang bilis ng promotion niya.” Itinuro ni Daniel ang mesa ng mga senior executives gamit ang baba. “Tingnan mo naman ngayon. Kasama na niya ang EVP at halos lahat ng matataas na officers. Hindi naman siguro basta-basta mangyayari 'yon kung walang tumutulong sa kanya.”Hindi agad sumagot si Jason. Hindi niya alam ang tungkol sa sinasabi ni Daniel. Sa pagkakaalam niya, masipag si Elise at hindi basta umaasa sa iba para umangat. Pero ngayon lang niya narinig ang tsismis tungkol sa isang taong maaaring tumutulong sa dating asaw

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 123

    A SEAT AMONG THE EXECUTIVESPagpasok nina Jason at Mia sa restaurant, sinalubong sila ng mahinang tugtog ng piano at masayang kuwentuhan ng mga empleyado. Eleganteng tingnan ang venue, bagay sa celebration na inihanda ng kumpanya para sa mga intern na nabigyan ng pagkakataong maging regular employees.Sa bandang gitna ng restaurant, nakaupo si Ellain Rivera, ang Executive Vice President, kasama ang ilang senior executives. Habang nakikipag-usap sa mga ito, may napansin siya sa kabilang bahagi ng venue. Bahagya siyang ngumiti at tinawag ang isang waiter.Samantala, nasa isang sulok si Elise, katabi ang kaibigang si Ciara. Pinili nila ang mesa dahil mas gusto ni Elise ang tahimik na lugar kung saan puwede siyang makipagkuwentuhan nang hindi masyadong napapansin.“Alam mo, Elise, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na si Jason pala ang ex-husband mo,” bulong ni Ciara habang inaayos ang napkin sa kandungan niya.Napatingin si Elise sa kaibigan. “Ciara, please. Huwag na nating pa

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 122

    THE UNWANTED INVITATIONNakatayo pa rin sina Jason at Mia sa lobby, kapwa hindi alam kung paano tatapusin ang usapan nila.“Jason, I'm asking you a simple question. May feelings ka pa ba kay Elise?” mariing tanong ni Mia.Napahinga nang malalim si Jason at napatingin sa paligid. Ayaw niyang pag-usapan iyon sa lugar na maraming taong maaaring makarinig sa kanila, pero alam niyang hindi na sapat ang simpleng pag-iwas para mapatahimik si Mia.“Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan natin 'yan.”“Then when?” Agad siyang sinagot ni Mia. “Kailan magiging tamang oras, Jason? Kapag hindi ka na busy? Kapag wala nang ibang taong nasa paligid? Or kapag handa ka nang sabihin sa akin ang totoo?”“Mia, please. Pagod na ako. Ayoko nang makipagtalo.”“Neither do I!” Bahagyang tumaas ang boses niya bago siya huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili. “Pero girlfriend mo ako. I think I deserve to know what's going on with you.”Napatingin si Jason sa babaeng nasa harapan niya. Alam niyang ma

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 121

    THE GIRLFRIEND IN THE LOBBYMay diin ang huling dalawang salita ni Mia. Hindi lang iyon simpleng pagpapakilala. Gusto niyang marinig iyon ng mga taong naroon, lalo na ni Elise. Gusto niyang maging malinaw sa lahat kung sino siya sa buhay ni Jason.Bahagyang nagulat si Elise. Naalala niya ang huli nilang pagkikita, kung saan tila hindi komportable si Mia sa presensiya niya. Ngayon, iba ang tindig nito—mas matapang, mas sigurado sa sarili, at parang gustong ipaalam sa lahat na may lugar na siya sa buhay ni Jason.“Hello, Mia,” maayos na sagot ni Elise. “Nice to see you again.”“Same.” Sumulyap si Mia sa mga katrabaho ni Elise bago muling ibinalik ang tingin dito. “Nagulat lang ako na nandito ka rin. Akala ko kasi last day na ni Jason ngayon.”Bago pa makasagot si Elise, sumingit si Jason. “Regular employee si Elise dito, Mia. Dito siya nagtatrabaho.”“Ah.” Saglit na natigilan si Mia, saka ngumiti. “I see.”Sa di-kalayuan, napabagal ang lakad ni Ciara. Narinig niya ang palitan ng mga sal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status