MasukMalapit na ang intramurals kaya halos buong campus ay naging abala.
Araw-araw ang practice ng basketball team nina Jason, habang sina Elise at Belle naman ay napasama sa cheering squad.
Okay lang naman iyon sa kanilang dalawa. Marunong naman silang sumayaw at sanay ding mag-perform sa harap ng maraming tao. Nakakapagod lang talaga ang halos araw-araw na practice.
At kahit busy ang lahat, may isang bagay na hindi nagbabago sa routine ni Elise.
Ang mga sulat sa locker niya.
Gaya ngayong araw.
Pagbukas niya ng locker, agad niyang nakita ang pamilyar na maliit na papel. Hindi niya napigilan ang ngiti bago iyon binuksan.
Hi, Elise,
How are you? Mukhang busy ka lately.
Please don’t forget to eat lunch, okay? And don’t push yourself too hard.
Are you enjoying being part of the cheering squad? Mukhang bagay naman sa’yo. You always look like you’re having fun when you perform.
Pero ingat ka sa routines.
I saw what happened yesterday. Muntik ka nang mahulog.
You scared me.
So please be careful next time.
And eat your lunch.
Yes, I’m reminding you twice.
—Mystery Note Person
Napangiti si Elise sa huling linya, pero ilang segundo lang ay napakunot ang noo niya.
I saw what happened yesterday.
Napatitig siya sa papel.
Paano nito nalaman?
Muntik nga siyang mahulog kahapon habang nagpa-practice sila ng isang routine. Buti na lang mabilis siyang nasalo ng kasama niya.
Ibig sabihin…
Nandoon ito?
Napalingon siya sa hallway na para bang biglang lilitaw ang taong hinahanap niya.
Wala naman.
Pero imbes na matakot, kakaibang warmth ang naramdaman niya.
May isang taong nakakapansin sa kanya.
May nag-aalala kung kumakain ba siya.
May nakapansin pa na muntik siyang mahulog.
At hindi niya alam kung bakit, pero masaya siyang isipin iyon.
Kumuha siya ng papel at nagsulat ng sagot.
Hi, Mystery Note Person,
I’m okay. Pagod, pero okay.
And yes, kumakain ako. Hindi mo kailangang ipaalala nang dalawang beses.
Okay… maybe kailangan.
I’m enjoying cheering. Nakakapagod lang talaga ang practice, pero masaya naman.
And about yesterday—don’t worry. Hindi ako tuluyang nahulog. Promise, I’ll be more careful.
Pero paano mo nalaman? Were you there?
Anyway, since intrams ngayon, iniisip ko baka may sport or activity ka rin.
So… good luck!
Whatever you’re doing, I hope you win.
And kung hindi man, at least enjoy it.
Take care too, Mystery Note Person.
—Elise
Iniwan niya ang maliit na bahagi ng sulat na nakausli sa locker gaya ng napag-usapan nila, saka niya ito ni-lock.
Habang naglalakad palayo, napangiti siya.
Hindi na lang pala siya naghihintay ng sulat ngayon.
Excited na rin siyang sumagot.
Dumating ang araw ng basketball game.
Punong-puno ang gymnasium. Halos matabunan ng sigawan at palakpakan ang tunog ng sapatos ng mga players sa court.
Kasama si Elise sa cheering squad sa gilid.
“Go! Go! Go!”
Sabay-sabay nilang ginawa ang routine habang naglalaro ang team nina Jason.
Pero kahit kailangang nakatutok siya sa performance nila, ilang beses pa ring kusang napupunta ang mga mata niya sa court.
Kay Jason.
Mabilis itong kumilos. Confident. Focused.
At sa bawat puntos nito, halos mabingi si Elise sa sigawan ng mga estudyante.
“Grabe si Jason!” sigaw ni Belle nang magkaroon sila ng break. “Parang siya na bumubuhat sa buong team!”
“Magaling naman talaga siya,” sagot ni Elise, pilit na casual.
Tumaas ang kilay ni Belle.
“Wow. Proud?”
“Tumahimik ka nga.”
Tumawa lang si Belle.
Sa huli, nanalo ang team nina Jason.
At tama si Belle.
Malaking parte ng panalo nila ang mga puntos nito.
Pagkatapos ng laro, halos hindi na makita si Jason sa dami ng lumapit sa kanya. Mga teammates, classmates, kaibigan at—
mga babae.
Maraming babae.
May humihingi ng picture. May bumabati. May nagbibigay pa ng tubig at towel.
Nakatayo lang si Elise sa di kalayuan.
Gusto rin niya itong batiin.
Congrats.
Dalawang syllables lang naman.
Madali.
Pero paano siya lalapit?
Habang nakatingin siya, biglang napalingon si Jason sa direksyon niya.
Nagtama ang mga mata nila.
Parang saglit na humina ang ingay sa paligid.
Bahagyang tumango si Jason sa kanya.
Napangiti si Elise at tumango rin.
Iyon lang.
Dahil ilang segundo lang, may mga babaeng pumagitna na naman at tuluyan itong natakpan sa paningin niya.
Hindi maintindihan ni Elise ang munting kurot na naramdaman niya.
Wala naman siyang karapatang magselos.
Hindi naman sila.
At hindi rin naman niya alam kung gusto ba talaga siya ni Jason.
Baka nga hindi ito ang nagsusulat sa kanya.
“Belle,” tawag niya.
“Hm?”
“Kukunin ko lang gamit ko. Hintayin mo na lang ako sa tambayan natin.”
“Okay. Bilisan mo.”
Tumango si Elise bago umalis.
Pagkatapos kunin ang gamit niya, dumiretso siya sa paborito nilang tambayan ni Belle.
May mahabang bench doon na may table sa gitna, medyo malayo sa pinakaabalang part ng campus. Tahimik at presko kaya madalas silang tumambay roon kapag vacant.
Pagdating niya, napabuntong-hininga siya at umupo.
Pagod na pagod ang katawan niya.
Doon niya napansin na hindi pala siya nag-iisa.
May lalaking nakaupo sa kabilang side ng bench.
Pamilyar.
Classmate niya.
At isa rin sa barkada ni Jason.
Ethan.
May hawak itong libro at mukhang sobrang busy sa pagbabasa. Tinaas pa nito nang kaunti ang libro hanggang halos matakpan na ang mukha.
Napatingin si Elise.
Suplado naman nitong isang ’to.
Pero dahil magkakilala naman sila, hindi niya matiis na hindi bumati.
“Hi, Ethan.”
Bahagyang ibinaba ni Ethan ang libro at sumilip sa gilid nito.
“Hi.”
Pagkatapos ay balik ulit sa pagbabasa.
Napakurap si Elise.
Okay. Very friendly.
Doon niya napansin ang isang paa nito.
May benda.
“Uy, bakit hindi ka kasali sa basketball?” tanong niya. “Akala ko kasama ka rin sa team nina Jason.”
Sa pagkakataong iyon, tuluyan nang ibinaba ni Ethan ang libro.
“Injured.”
Bahagya niyang iniangat ang paa para ipakita ang benda.
“Na-sprain ko during practice.”
“Oh.” Napangiwi si Elise. “Kaya pala. Masakit?”
“Not anymore.”
“Sayang. Nanalo sila.”
“I know.”
“You watched?”
“Some of it.”
Pagkasabi noon ay bahagyang yumuko si Ethan at nagpatuloy sa pagbabasa.
Doon lang siya napagmasdan nang maayos ni Elise.
Tahimik lang kasi ito palagi. Hindi katulad ng ibang barkada ni Jason na maingay at madaling mapansin.
Pero ngayong malapit sila—
Gwapo rin pala ’to.
Matangos ang ilong. Malinis tingnan. At may kakaibang dating ang mga mata nito, lalo na kapag seryoso.
Napakurap si Elise.
Wait.
Ano ba itong iniisip niya?
Jason kanina, tapos ngayon naman—
Hay naku, Elise.
Bakit ba puro mahitsura silang magkakaibigan?
Agad siyang tumingin sa ibang direksyon bago pa mapansin ni Ethan na tinititigan niya ito.
Makalipas ang ilang minuto, dumating na rin si Belle.
“Ready?”
“Yeah.”
Tumayo si Elise at isinukbit ang bag niya.
“Bye, Ethan.”
Muling sumilip ang binata mula sa libro.
“Bye.”
At iyon lang.
Pauwi, nakatingin si Elise sa labas ng bintana habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga nangyari buong araw.
Nanalo ang team nina Jason.
Gusto niya sana itong batiin nang personal.
Pero hindi niya nagawa.
At nakakainis mang aminin, hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga babaeng nakapaligid dito pagkatapos ng game.
Napabuntong-hininga siya.
Masaya naman ang araw niya.
Nanalo ang team na sinuportahan nila. Maayos ang performance ng cheering squad. At nakatanggap na naman siya ng sulat mula sa taong unti-unti nang nagiging parte ng araw-araw niya.
Pero may halo pa ring lungkot.
At frustration.
Doon niya biglang naalala ang isang bagay.
“Shoot.”
Hindi siya nakapag-iwan ng sulat sa locker bago umuwi.
Sa sobrang pagod at sa gulo ng emotions niya matapos ang game, tuluyan niya iyong nakalimutan.
Sumandal siya sa upuan at ipinikit ang mga mata.
Bukas na lang.
Pero hindi niya alam kung bakit, parang may kaunting guilt siyang naramdaman.
Dahil baka may isang taong dumaan sa locker niya ngayong hapon…
at unang beses na walang nakitang sulat mula sa kanya.
SOMEONE I HAVEN’T METKinabukasan, maagang bumangon si Elise para pumasok.Pagkababa niya ng hagdan, agad niyang napansin ang mama niya sa sala.Napahinto siya.Hindi pa ito nakabihis para pumasok sa trabaho. Nakaupo lang ito sa sofa, hawak ang cellphone habang paminsan-minsang napapatingin sa pinto.At kahit pilit nitong itago, halatang puyat ito.Namumugto rin ang mga mata.“Ma?”Agad na napatingin sa kanya ang mama niya.“Oh, gising ka na.”Lumapit si Elise. “Hindi ka papasok?”“Late na lang siguro.”Umupo siya sa tabi nito.“Okay ka lang?”“Okay lang ako.”Pero hindi kumbinsido si Elise.“Si Papa?”Sandaling natahimik ang mama niya bago muling tumingin sa cellphone.“Hindi umuwi kagabi.”Nanikip ang dibdib ni Elise.“Hindi umuwi?”“Hinintay ko. Baka marami lang talagang ginagawa.”May pilit na ngiti sa labi nito, pero mas lalo lang iyong nagpakaba kay Elise.Ilang araw na rin niyang napapansin na bihira niyang makita ang papa niya sa bahay.At kapag naroon man ito, madalas nasa is
CHEERS, LETTERS, AND A LITTLE JEALOUSYMalapit na ang intramurals kaya halos buong campus ay naging abala.Araw-araw ang practice ng basketball team nina Jason, habang sina Elise at Belle naman ay napasama sa cheering squad.Okay lang naman iyon sa kanilang dalawa. Marunong naman silang sumayaw at sanay ding mag-perform sa harap ng maraming tao. Nakakapagod lang talaga ang halos araw-araw na practice.At kahit busy ang lahat, may isang bagay na hindi nagbabago sa routine ni Elise.Ang mga sulat sa locker niya.Gaya ngayong araw.Pagbukas niya ng locker, agad niyang nakita ang pamilyar na maliit na papel. Hindi niya napigilan ang ngiti bago iyon binuksan.Hi, Elise,How are you? Mukhang busy ka lately.Please don’t forget to eat lunch, okay? And don’t push yourself too hard.Are you enjoying being part of the cheering squad? Mukhang bagay naman sa’yo. You always look like you’re having fun when you perform.Pero ingat ka sa routines.I saw what happened yesterday. Muntik ka nang mahulo
FROM NOTES TO LETTERSLumipas pa ang ilang araw, pero hindi natapos ang misteryo sa locker ni Elise.Sa halip, parang naging parte na iyon ng routine niya.Tuwing umaga, bago pa man siya tuluyang makapasok sa classroom, dumidiretso muna siya sa locker niya. At kahit pilit niyang sinasabihan ang sarili na huwag mag-expect, hindi niya mapigilang bumilis ang tibok ng puso niya sa tuwing bubuksan niya iyon.At palaging may note.Minsan, simpleng—“You look nice today.”Minsan naman—“Don’t skip lunch again.”At may mga araw na parang alam nitong kailangan niya ng kaunting encouragement.“You did better than you think. Stop being too hard on yourself.”Hindi niya alam kung paano, pero unti-unti, nasanay siyang hanapin ang maliliit na papel na iyon.At mas nakakahiya mang aminin…Natutuwa siya.Sobra.Kaya naman kung anu-anong haka-haka na ang nabuo sa isip niya.Sino ba talaga ang nagsusulat?Classmate niya?Senior?Someone from another department?At higit sa lahat…Lalaki ba?Napangiwi s
CuteKinabukasan, pagpasok ni Elise sa school, isang bagay agad ang nasa isip niya.Ang locker niya.Habang naglalakad sa hallway, pilit niyang sinasabihan ang sariling normal lang ang lahat. Wala naman siyang dahilan para kabahan. Locker lang iyon. Kukunin lang niya ang mga libro niya gaya ng ginagawa niya araw-araw.Pero habang papalapit siya roon, lalong bumibilis ang tibok ng puso niya.Nakakahiya mang aminin, pero—umaasa siya.Paano kung may note ulit?At mas nakakahiya—paano kung wala?Napabuntong-hininga siya.“Ano ba, Elise…”Huminto siya sa harap ng locker at inilagay ang kamay sa lock.Click.Dahan-dahan niya iyong binuksan.At agad siyang natigilan.May maliit na nakatiklop na papel sa loob.Nanlaki ang mga mata niya.“Meron…”Hindi niya napigilang mapangiti.Mabilis siyang lumingon sa paligid.May mga estudyante sa hallway, pero walang mukhang nagbibigay-pansin sa kanya.Kinuha niya ang note at maingat na binuksan.Ilang salita lang ang nakasulat.That beautiful smile y
The First NoteKinabukasan, mas maaga nang kaunti si Elise sa school.Maingay na ang hallway kahit hindi pa nagsisimula ang klase. May mga estudyanteng nagkukuwentuhan sa gilid, may nagmamadaling tapusin ang assignment, habang ang iba naman ay nakatayo sa harap ng lockers at abala sa pag-aayos ng gamit.Diretso si Elise sa locker niya.May ilang libro siyang iniwan doon kahapon para hindi mabigat ang bag niya. Isinabit niya muna ang bag sa isang balikat bago ipihit ang maliit na lock.Click.Pagkabukas niya—may isang maliit na nakatiklop na papel na agad na nahulog sa harap niya.Napakunot-noo si Elise.“Ano ’to?”Dinampot niya iyon.Simple lang ang papel. Walang pangalan sa labas. Wala ring nakasulat kung kanino galing.Akala niya noong una ay baka reminder lang mula sa teacher o kung ano mang iniwan ni Belle.Pero nang buksan niya iyon, dalawang maikling linya lang ang bumungad sa kanya.You tap three times when you're nervous.You smile even when you're hurt. :)Natigilan si Elise
A Small MemoryBandang alas-kuwatro ng hapon nang makauwi si Elise.Pagbukas niya ng pinto, sinalubong siya ng pamilyar na katahimikan ng kanilang bahay. Hindi man kalakihan, maaliwalas at maayos iyon. May ilang framed family pictures sa dingding, mga halaman ng mama niya sa tabi ng bintana, at isang maliit na bookshelf na halos punô ng textbooks at teaching materials ng mga magulang niya.“Ma, I’m home!”“Nandito ako, anak!”Mula sa dining area ang boses ng mama niya.Paglapit ni Elise, nadatnan niya itong nakaupo sa mesa. Bukas ang laptop sa harap nito, katabi ang ilang libro, class records at yellow pad na punô ng sulat.Napangiti si Elise.Pamilyar na sa kanya ang ganitong eksena. Kahit nasa bahay na ang mama niya, hindi pa rin talaga tapos ang trabaho nito.“May ginagawa ka pa, Ma?”Saglit siyang nilingon ng mama niya at ngumiti.“May tatapusin lang akong lesson plan para bukas. Kumusta ang first day?”“Okay naman, Ma.”“Okay lang?”Napangiti nang mas malaki si Elise.“Okay na ok







