Share

CHAPTER 5

Penulis: Bhie Anne
last update Tanggal publikasi: 2026-09-03 17:11:52

Cute

Kinabukasan, pagpasok ni Elise sa school, isang bagay agad ang nasa isip niya.

Ang locker niya.

Habang naglalakad sa hallway, pilit niyang sinasabihan ang sariling normal lang ang lahat. Wala naman siyang dahilan para kabahan. Locker lang iyon. Kukunin lang niya ang mga libro niya gaya ng ginagawa niya araw-araw.

Pero habang papalapit siya roon, lalong bumibilis ang tibok ng puso niya.

Nakakahiya mang aminin, pero—

umaasa siya.

Paano kung may note ulit?

At mas nakakahiya—

paano kung wala?

Napabuntong-hininga siya.

“Ano ba, Elise…”

Huminto siya sa harap ng locker at inilagay ang kamay sa lock.

Click.

Dahan-dahan niya iyong binuksan.

At agad siyang natigilan.

May maliit na nakatiklop na papel sa loob.

Nanlaki ang mga mata niya.

“Meron…”

Hindi niya napigilang mapangiti.

Mabilis siyang lumingon sa paligid.

May mga estudyante sa hallway, pero walang mukhang nagbibigay-pansin sa kanya.

Kinuha niya ang note at maingat na binuksan.

Ilang salita lang ang nakasulat.

That beautiful smile you make when you think no one's looking? It looks good on you. :)

Nawala ang ngiti ni Elise.

Hindi dahil hindi siya natuwa.

Kabaligtaran.

Parang biglang hindi niya alam kung paano haharapin ang kilig na naramdaman niya.

Beautiful?

Ang smile niya?

Muli niyang binasa.

That beautiful smile...

Biglang uminit ang magkabilang pisngi niya.

Kung kahapon ay nakaramdam siya ng kilig, ngayon parang may kasamang kaba.

Dahil ibig sabihin—

may tumitingin talaga sa kanya.

At hindi lang basta tumitingin.

Pinapansin siya.

“Grabe…”

Mabilis niyang tinupi ang note.

Hindi niya alam kung bakit parang kailangan niya itong itago agad. Sa sobrang taranta, basta na lang niya isiniksik iyon sa bag.

Pero nasagi ng siko niya ang librong kakalabas lang niya mula sa locker.

“Ah!”

Thud.

Bumagsak iyon sa sahig.

“Great.”

Yumuko si Elise para pulutin iyon.

Kasabay niya, may isa ring kamay na umabot sa libro.

Nagulat siya.

Mabilis siyang napatingala—

Tok!

“Aray!”

Nagkabungguan pa ang mga noo nila.

Napahawak si Elise sa noo niya.

“Sorry—”

Pero nang makita niya kung sino ang kaharap—

parang biglang tumigil ang mundo niya.

Jason.

Nakatungo rin ito sa harap niya, isang kamay nasa librong pareho nilang hawak.

Nagtagpo ang mga mata nila.

At sa isang iglap, parang nakalimutan ni Elise kung paano huminga.

Kung kanina ay kinakabahan siya dahil sa second note—

mas malala pala ito.

Napakabilis ng tibok ng puso niya.

“Sorry,” sabi ni Jason, sabay hawak sa sariling noo. “Okay ka lang?”

“O-okay.”

Tumayo si Jason at iniabot sa kanya ang libro.

“Here.”

“Thank you.”

Tinanggap iyon ni Elise.

“T-thank you.”

Napakurap siya.

Nasabi na niya.

Bakit niya inulit?

“Thank you…”

Tatlo.

Gusto niyang lamunin siya ng locker niya.

Pero hindi pa rin umaalis si Jason.

Nakatayo lang ito roon.

Napayuko si Elise at kunwari ay inayos ang mga libro sa kamay niya kahit maayos naman ang mga iyon.

Ano bang gagawin niya?

Magsasalita ba siya?

Ngumingiti ba?

Aalis?

Lord, tulong.

Then Jason suddenly said—

“Cute.”

Nanigas si Elise.

Parang may humila sa lahat ng iniisip niya at biglang binura iyon.

Cute?

Unti-unti siyang napatingin kay Jason.

Nakatingin ito sa direksiyon niya.

Mas lalong uminit ang mukha niya.

“A-ako?”

Hindi pa nakuntento, itinuro pa ni Elise ang sarili niya.

Bahagyang tumaas ang kilay ni Jason.

Pagkatapos ay itinuro nito ang loob ng locker.

“’Yung dog.”

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ni Elise.

“Ah.”

Napalingon siya.

Nakadikit sa loob ng locker niya ang maliit na picture ng aso.

Si Bambi.

Biglang gusto niyang matawa at magtago nang sabay.

“Si Bambi,” sabi niya.

Lumapit nang kaunti si Jason para tingnan ang picture.

“Dog mo?”

“Oo.”

Kusang naging malambot ang boses ni Elise.

“Pero wala na siya.”

Nawala ang kaunting saya sa expression ni Jason.

“Oh. Sorry.”

“Okay lang. Matagal na rin naman.”

Tiningnan ni Elise ang picture.

Bata pa siya nang dumating si Bambi sa buhay niya. Lumaki siyang kasama iyon, kaya kahit matagal na itong wala, hindi niya kayang alisin ang picture.

“Favorite picture ko niya ’yan.”

“Matagal siya sa inyo?”

“Since bata pa ako.”

Tumango si Jason.

Saglit na tumahimik si Elise bago natawa nang mahina.

“Actually, kaya ko siya nilagay diyan para bantayan niya gamit ko.”

Napatingin si Jason sa kanya.

“Ha?”

Mas naging komportable nang kaunti si Elise.

“Bago ko isara locker ko, sinasabihan ko siya na bantayan niya ’yung gamit ko.”

Natawa si Jason.

“Seriously?”

“Oo.”

Elise pointed at Bambi’s picture.

“Sinasabi ko, kapag may nangialam sa gamit ko, kagatin niya ’yung kamay.”

Napatawa si Jason.

Hindi iyong simpleng ngiti lang.

Talagang natawa.

At dahil doon, natawa na rin si Elise kahit gusto niyang magtago sa hiya.

“We have one like that,” sabi ni Jason.

“Dog?”

“Yeah. Same breed.”

“Talaga?”

Tumango ito.

“Babae. Kapag nagkaroon ng puppies, bigyan kita.”

Nawala ang tawa ni Elise.

Napakurap siya.

“Ha?”

Pero parang napakasimple lang ng sinabi ni Jason.

“Para may bagong bantay locker mo.”

At bago pa makapag-isip ng matinong sagot si Elise, bahagya nitong tinaas ang kamay bilang paalam.

“See you.”

Then he walked away.

Naiwan si Elise sa harap ng locker.

Hindi siya gumalaw.

Sinundan lang niya ng tingin ang papalayong likod ni Jason.

Hanggang sa lumiko ito sa dulo ng hallway.

At saka lang siya huminga.

“Okay…”

Hinawakan niya ang locker.

Parang biglang nanghina ang mga tuhod niya.

Kanina, akala niya ang second note na ang bubuo ng araw niya.

That beautiful smile...

Sapat na sana iyon.

Sobrang sapat na.

Pero bakit parang may pahabol pa?

Napatingin siya sa picture ni Bambi.

“Bambi…”

Tinakpan niya ang bibig para pigilan ang ngiti.

“Kinakausap niya ako.”

Parang tanga.

Alam niyang parang tanga siya.

Pero hindi niya mapigilan.

Nag-usap sila ni Jason.

Hindi dahil sa group project.

Hindi dahil sa teacher.

Hindi dahil aksidenteng natamaan siya ng bola.

Nag-usap sila tungkol kay Bambi.

At—

Kapag nagkaroon ng puppies, bigyan kita.

Ibig sabihin, naisip ni Jason na bigyan siya ng aso?

“Elise, kalma.”

Huminga siya nang malalim.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Pero lalo lang siyang kinilig.

Napatingala siya na para bang may makikita siyang sagot sa kisame ng hallway.

Lord… ano ’to?

Napahawak siya sa dibdib.

Bakit ang dami N’yo pong pa-surprise?

At pagkatapos ay mahina siyang natawa.

“Hindi ko naman po birthday.”

Isinara niya ang locker at nagsimulang maglakad papunta sa classroom.

Pero hindi nawala ang ngiti niya.

Hindi niya napansin na sa loob ng bag niya, nakatago ang pangalawang note mula sa taong lihim na humahanga sa kanya.

At hindi rin niya alam na sa araw na iyon, hindi ang note ang paulit-ulit niyang babasahin sa isip niya.

Kundi ang simpleng pangako ng lalaking matagal na niyang crush—

“Kapag nagkaroon ng puppies, bigyan kita.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 8

    SOMEONE I HAVEN’T METKinabukasan, maagang bumangon si Elise para pumasok.Pagkababa niya ng hagdan, agad niyang napansin ang mama niya sa sala.Napahinto siya.Hindi pa ito nakabihis para pumasok sa trabaho. Nakaupo lang ito sa sofa, hawak ang cellphone habang paminsan-minsang napapatingin sa pinto.At kahit pilit nitong itago, halatang puyat ito.Namumugto rin ang mga mata.“Ma?”Agad na napatingin sa kanya ang mama niya.“Oh, gising ka na.”Lumapit si Elise. “Hindi ka papasok?”“Late na lang siguro.”Umupo siya sa tabi nito.“Okay ka lang?”“Okay lang ako.”Pero hindi kumbinsido si Elise.“Si Papa?”Sandaling natahimik ang mama niya bago muling tumingin sa cellphone.“Hindi umuwi kagabi.”Nanikip ang dibdib ni Elise.“Hindi umuwi?”“Hinintay ko. Baka marami lang talagang ginagawa.”May pilit na ngiti sa labi nito, pero mas lalo lang iyong nagpakaba kay Elise.Ilang araw na rin niyang napapansin na bihira niyang makita ang papa niya sa bahay.At kapag naroon man ito, madalas nasa is

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 7

    CHEERS, LETTERS, AND A LITTLE JEALOUSYMalapit na ang intramurals kaya halos buong campus ay naging abala.Araw-araw ang practice ng basketball team nina Jason, habang sina Elise at Belle naman ay napasama sa cheering squad.Okay lang naman iyon sa kanilang dalawa. Marunong naman silang sumayaw at sanay ding mag-perform sa harap ng maraming tao. Nakakapagod lang talaga ang halos araw-araw na practice.At kahit busy ang lahat, may isang bagay na hindi nagbabago sa routine ni Elise.Ang mga sulat sa locker niya.Gaya ngayong araw.Pagbukas niya ng locker, agad niyang nakita ang pamilyar na maliit na papel. Hindi niya napigilan ang ngiti bago iyon binuksan.Hi, Elise,How are you? Mukhang busy ka lately.Please don’t forget to eat lunch, okay? And don’t push yourself too hard.Are you enjoying being part of the cheering squad? Mukhang bagay naman sa’yo. You always look like you’re having fun when you perform.Pero ingat ka sa routines.I saw what happened yesterday. Muntik ka nang mahulo

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 6

    FROM NOTES TO LETTERSLumipas pa ang ilang araw, pero hindi natapos ang misteryo sa locker ni Elise.Sa halip, parang naging parte na iyon ng routine niya.Tuwing umaga, bago pa man siya tuluyang makapasok sa classroom, dumidiretso muna siya sa locker niya. At kahit pilit niyang sinasabihan ang sarili na huwag mag-expect, hindi niya mapigilang bumilis ang tibok ng puso niya sa tuwing bubuksan niya iyon.At palaging may note.Minsan, simpleng—“You look nice today.”Minsan naman—“Don’t skip lunch again.”At may mga araw na parang alam nitong kailangan niya ng kaunting encouragement.“You did better than you think. Stop being too hard on yourself.”Hindi niya alam kung paano, pero unti-unti, nasanay siyang hanapin ang maliliit na papel na iyon.At mas nakakahiya mang aminin…Natutuwa siya.Sobra.Kaya naman kung anu-anong haka-haka na ang nabuo sa isip niya.Sino ba talaga ang nagsusulat?Classmate niya?Senior?Someone from another department?At higit sa lahat…Lalaki ba?Napangiwi s

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 5

    CuteKinabukasan, pagpasok ni Elise sa school, isang bagay agad ang nasa isip niya.Ang locker niya.Habang naglalakad sa hallway, pilit niyang sinasabihan ang sariling normal lang ang lahat. Wala naman siyang dahilan para kabahan. Locker lang iyon. Kukunin lang niya ang mga libro niya gaya ng ginagawa niya araw-araw.Pero habang papalapit siya roon, lalong bumibilis ang tibok ng puso niya.Nakakahiya mang aminin, pero—umaasa siya.Paano kung may note ulit?At mas nakakahiya—paano kung wala?Napabuntong-hininga siya.“Ano ba, Elise…”Huminto siya sa harap ng locker at inilagay ang kamay sa lock.Click.Dahan-dahan niya iyong binuksan.At agad siyang natigilan.May maliit na nakatiklop na papel sa loob.Nanlaki ang mga mata niya.“Meron…”Hindi niya napigilang mapangiti.Mabilis siyang lumingon sa paligid.May mga estudyante sa hallway, pero walang mukhang nagbibigay-pansin sa kanya.Kinuha niya ang note at maingat na binuksan.Ilang salita lang ang nakasulat.That beautiful smile y

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 4

    The First NoteKinabukasan, mas maaga nang kaunti si Elise sa school.Maingay na ang hallway kahit hindi pa nagsisimula ang klase. May mga estudyanteng nagkukuwentuhan sa gilid, may nagmamadaling tapusin ang assignment, habang ang iba naman ay nakatayo sa harap ng lockers at abala sa pag-aayos ng gamit.Diretso si Elise sa locker niya.May ilang libro siyang iniwan doon kahapon para hindi mabigat ang bag niya. Isinabit niya muna ang bag sa isang balikat bago ipihit ang maliit na lock.Click.Pagkabukas niya—may isang maliit na nakatiklop na papel na agad na nahulog sa harap niya.Napakunot-noo si Elise.“Ano ’to?”Dinampot niya iyon.Simple lang ang papel. Walang pangalan sa labas. Wala ring nakasulat kung kanino galing.Akala niya noong una ay baka reminder lang mula sa teacher o kung ano mang iniwan ni Belle.Pero nang buksan niya iyon, dalawang maikling linya lang ang bumungad sa kanya.You tap three times when you're nervous.You smile even when you're hurt. :)Natigilan si Elise

  • Once Your Wife, Now Your Dream   CHAPTER 3

    A Small MemoryBandang alas-kuwatro ng hapon nang makauwi si Elise.Pagbukas niya ng pinto, sinalubong siya ng pamilyar na katahimikan ng kanilang bahay. Hindi man kalakihan, maaliwalas at maayos iyon. May ilang framed family pictures sa dingding, mga halaman ng mama niya sa tabi ng bintana, at isang maliit na bookshelf na halos punô ng textbooks at teaching materials ng mga magulang niya.“Ma, I’m home!”“Nandito ako, anak!”Mula sa dining area ang boses ng mama niya.Paglapit ni Elise, nadatnan niya itong nakaupo sa mesa. Bukas ang laptop sa harap nito, katabi ang ilang libro, class records at yellow pad na punô ng sulat.Napangiti si Elise.Pamilyar na sa kanya ang ganitong eksena. Kahit nasa bahay na ang mama niya, hindi pa rin talaga tapos ang trabaho nito.“May ginagawa ka pa, Ma?”Saglit siyang nilingon ng mama niya at ngumiti.“May tatapusin lang akong lesson plan para bukas. Kumusta ang first day?”“Okay naman, Ma.”“Okay lang?”Napangiti nang mas malaki si Elise.“Okay na ok

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status