MasukBandang alas-kuwatro ng hapon nang makauwi si Elise.
Pagbukas niya ng p***o, sinalubong siya ng pamilyar na katahimikan ng kanilang bahay. Hindi man kalakihan, maaliwalas at maayos iyon. May ilang framed family pictures sa dingding, mga halaman ng mama niya sa tabi ng bintana, at isang maliit na bookshelf na halos punô ng textbooks at teaching materials ng mga magulang niya.
“Ma, I’m home!”
“Nandito ako, anak!”
Mula sa dining area ang boses ng mama niya.
Paglapit ni Elise, nadatnan niya itong nakaupo sa mesa. Bukas ang laptop sa harap nito, katabi ang ilang libro, class records at yellow pad na punô ng sulat.
Napangiti si Elise.
Pamilyar na sa kanya ang ganitong eksena. Kahit nasa bahay na ang mama niya, hindi pa rin talaga tapos ang trabaho nito.
“May ginagawa ka pa, Ma?”
Saglit siyang nilingon ng mama niya at ngumiti.
“May tatapusin lang akong lesson plan para bukas. Kumusta ang first day?”
“Okay naman, Ma.”
“Okay lang?”
Napangiti nang mas malaki si Elise.
“Okay na okay.”
Hindi na niya ginulo pa ang mama niya. Alam niyang kapag ganitong nakatutok ito sa lesson plan, gusto lang nitong matapos agad para makapagpahinga rin mamaya.
“Nasaan si Daddy?”
“Nasa school pa. May meeting daw sila.”
Tumango si Elise.
“Baka late na naman siya.”
“Baka. Magme-message naman daw siya.”
Sanay na si Elise sa ganoong setup.
Parehong teacher ang parents niya, kaya alam niyang hindi natatapos ang trabaho nila kapag tumunog na ang bell sa school. May lesson plans, papers na iche-check, meetings, grades at kung anu-ano pang kailangang ihanda para sa susunod na araw. Lalo na ngayon na first day of classes.
Hindi naman siya nagdamdam.
Habang lumalaki siya, mas lalo niyang naiintindihan kung gaano kasipag ang mga magulang niya para mabigyan siya ng maayos na buhay.
Hindi man sila mayaman, hindi rin siya kinakapos.
May maayos siyang bahay, magandang school, kumpletong gamit at sapat na allowance. Kapag may kailangan siya para sa projects o school activities, ginagawa ng parents niya ang lahat para maibigay iyon.
Siguro, nasanay lang talaga siyang hindi mang-abala.
Kapag busy sina Mama at Daddy, kaya niyang asikasuhin ang sarili niya.
Kapag may problema siya, madalas iniisip muna niya kung kaya niya itong solusyunan bago magsabi.
At kapag may gusto siyang ikuwento pero mukhang pagod ang mga magulang niya, naghihintay na lang siya ng ibang pagkakataon.
“Elise!”
Napalingon siya nang lumabas mula sa kusina si Ate Gina.
May hawak itong basahan at gaya ng dati, malawak ang ngiti.
“Kanina pa kita hinihintay. Kumain ka na. Mainit pa ’yung ulam.”
Stay-out ang kasambahay nilang si Ate Gina. Alas-otso ito pumapasok at alas-singko ng hapon umuuwi. Dahil alas-tres ang uwian ni Elise, madalas ay naaabutan pa niya ito pagdating sa bahay.
Mabait si Ate Gina at maalaga. Kahit hindi naman nito trabaho na bantayan siya dahil malaki na siya, nakasanayan na nitong asikasuhin si Elise mula nang bata pa siya.
“Ano pong ulam?”
“Chicken adobo. May gulay din. Kain ka na.”
Napatingin si Elise sa mama niya.
“Ma, kain tayo?”
Umiling ang mama niya habang nagta-type.
“Hindi pa ako gutom, anak. Mauna ka na. Tatapusin ko lang talaga ito.”
“Okay, Ma.”
Walang tampo sa boses ni Elise.
Pero napatingin siya kay Ate Gina.
“Ate…”
Alam na agad nito ang ibig sabihin ng tingin niya.
“Ano?”
“Kain tayo?”
Napatawa si Ate Gina.
“Ako na naman?”
“Please?”
“Elise, kakakain ko lang.”
“Kahit konti lang.”
“Hindi ka talaga marunong kumain mag-isa.”
Ngumiti si Elise.
“Mas masarap kapag may kasama.”
Umiling-iling si Ate Gina, pero kumuha pa rin ito ng plato.
“Hay naku. Sige na nga.”
Agad na lumiwanag ang mukha ni Elise.
Magkatapat silang naupo sa dining table.
Habang kumakain, si Ate Gina ang halos walang tigil sa pagkukuwento. Kung ano ang nakita nito sa palengke, kung bakit tumaas na naman ang presyo ng mga bilihin, hanggang sa kapitbahay nilang ilang araw nang sunod-sunod ang online deliveries.
Tahimik na nakikinig si Elise, paminsan-minsang tumatawa.
Ganito madalas ang hapon niya.
Kapag wala pa ang daddy niya at busy ang mama niya, si Ate Gina ang nagiging kasabay niyang kumain at kakuwentuhan.
“Kumusta nga pala ang bagong section mo?” tanong ng mama niya mula sa kabilang dulo ng mesa.
“Okay naman, Ma. Mukhang mas challenging lang.”
“Expected na ’yan. Higher section na.”
“Opo.”
“Classmate mo na si Belle?”
“Opo.”
“Good. At least may kasama ka na.”
Napangiti si Elise.
At sa simpleng tanong na iyon, may isa pang pangalan na biglang pumasok sa isip niya.
Jason.
Naalala niya ang bolang tumama sa binti niya.
Ang dumi sa pink checkered skirt niya.
At higit sa lahat—
ang pagtingin ni Jason sa kanya.
Sorry! Hindi sinasadya!
Hindi niya namalayang napapangiti na pala siya habang nakatingin sa plato.
“Ano ’yang ngiti mo?”
Napatingin siya kay Ate Gina.
“Ha?”
“Kanina ka pa nakangiti.”
“Hindi ah.”
“Meron.”
“Wala po.”
Bahagyang sumingkit ang mga mata ni Ate Gina.
“May crush?”
“Ate Gina!”
Napatawa ito.
Maging ang mama niya ay napatingin mula sa laptop.
“May crush ka na?”
“Ma!”
Namula si Elise.
“Wala!”
Hindi naman mukhang nag-aalala ang mama niya. Sa halip, ngumiti lang ito.
“Okay lang naman magkaroon ng crush. Normal lang ’yan. Basta huwag pababayaan ang studies.”
“Opo.”
Mabilis na yumuko si Elise at nagsubo ng kanin.
Narinig niya pa ang mahinang tawa ni Ate Gina.
“Aba, namumula.”
“Ate!”
“Sige na nga. Hindi na kita aasarin.”
Pero hindi nawala ang ngiti nito.
At lalong hindi nawala ang pamumula ng mukha ni Elise.
Pagkatapos kumain, dumiretso siya sa kwarto.
Nagpalit siya ng pambahay bago inayos ang uniform na hinubad niya.
Pagkatapos ay inilabas niya ang notebooks at textbooks mula sa bag.
May ilang assignments agad kahit first day pa lang.
Umupo si Elise sa study table, nagsuot ng earphones at nagpatugtog ng mahina habang nagsisimulang gumawa.
Tahimik ang kwarto.
Paminsan-minsan, maririnig lang ang paglipat niya ng pahina at ang mahinang tunog ng ballpen sa papel.
Pero makalipas ang ilang minuto, natigil ang pagsusulat niya.
Naalala na naman niya ang nangyari kanina.
Thud!
Aray!
Napangiwi siya nang maalala kung paano tumama ang bola sa binti niya.
Pero kasunod noon ay ang sinabi ng lalaking kumuha ng bola.
Hindi ako ’yon. Si Jason ’yon.
Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi niya.
“Elise…”
Mahina niyang pinagsabihan ang sarili.
“Assignment.”
Nagpatuloy siya.
Ilang minuto lang ang lumipas—
napangiti na naman siya.
Tinakpan niya ang mukha gamit ang dalawang kamay.
Nakakahiya.
Bola lang iyon.
Nasaktan pa nga siya.
Nadumihan pa ang uniform niya.
At kung tutuusin, hindi naman lumapit si Jason para mag-sorry.
Pero kahit ganoon, may isang maliit na bahagi ng alaala ang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya.
Tumingin ito sa kanya.
Ilang segundo lang.
Pero sapat na iyon para kiligin ang isang babaeng matagal nang tahimik na may crush sa kanya.
Gabi na nang matapos ni Elise ang assignments niya.
Isinara niya ang huling notebook at nag-unat.
“Finally.”
Akmang tatayo na siya nang mapansin niya ang pink checkered skirt na nakalagay sa laundry basket..
May bahagyang marka pa rin ng dumi sa bahagi kung saan tumama ang bola.
Tinitigan niya iyon.
Pagkatapos ay bigla siyang napangiti.
Kinuha niya ang phone niya at inilatag nang maayos ang palda.
Click.
Tiningnan niya ang picture.
Simple lang.
Isang maruming bahagi ng uniform.
Pero para sa kanya, may kuwento iyon.
Kinuha niya ang mini printer sa drawer at ikinonekta iyon sa phone.
Makalipas ang ilang segundo, unti-unting lumabas ang maliit na larawan.
Maingat niya iyong kinuha.
Pagkatapos ay binuksan niya ang isa pang drawer.
Naroon ang journal niya.
Makapal na iyon at medyo pudpod na ang mga gilid dahil madalas niyang sulatan.
Umupo si Elise sa kama at dahan-dahang binuklat ang mga pahina.
Halos kalahati na ang puno.
May mga litrato.
Movie tickets.
Receipts mula sa cafés.
Pressed flowers.
May entry tungkol sa birthday niya.
May litrato noong recognition day.
May malaking TOP 1! na isinulat niya sa isang buong pahina nang malaman niyang siya ang nanguna sa section nila noong nakaraang school year.
May masasayang araw.
May malulungkot.
May mga simpleng pangyayari na baka wala namang halaga para sa ibang tao.
Mama cooked my favorite dinner today.
Belle and I fought, but we made up.
Daddy said he was proud of me.
May mga pahina ring mas tahimik.
Mga araw na wala siyang mapagsabihan.
Mga bagay na hindi naman sapat para tawaging problema, pero gusto pa rin niyang ilabas.
Iyon ang dahilan kung bakit mahalaga sa kanya ang journal.
Doon niya inilalagay ang mga bagay na gusto niyang maalala.
Pati ang mga bagay na hindi niya kayang sabihin nang malakas.
Binuksan niya ang isang bagong pahina.
Maingat niyang idinikit ang picture ng pink checkered skirt.
Pagkatapos ay kinuha niya ang paborito niyang pen.
First day of Grade 12.
Huminto siya.
Ngumiti.
At muling nagsulat.
Today, Jason accidentally hit me with a ball.
Masakit. Nadumihan pa uniform ko. Galit na galit si Belle.
Napatawa siya nang maalala ang mukha ng best friend niya.
Pagkatapos ay naging mas mabagal ang pagsusulat niya.
Pero hindi ko alam kung bakit masaya pa rin ako.
Saglit siyang natigilan bago idinagdag—
He looked at me.
He said sorry.
Napakaliit na bagay.
Alam niyang baka bukas ay hindi na iyon maalala ni Jason.
Sa dami ng nangyayari sa buhay nito, bakit naman nito tatandaan ang isang bolang aksidenteng tumama sa kaklase?
Pero para kay Elise, iba iyon.
Matagal na niyang crush si Jason.
Isa ito sa mga taong madalas niyang tingnan mula sa malayo pero hindi niya inaasahang mapapansin siya.
Maraming babae ang gustong makausap ito.
Maraming mas maganda.
Mas confident.
Mas popular.
Samantalang siya—
si Elise lang.
Kaya kahit saglit lang, masaya na siya.
For a few seconds today, Jason noticed me.
Matagal niyang tinitigan ang huling pangungusap.
Pagkatapos ay gumuhit siya ng maliit na puso sa gilid.
Agad din niyang tinakpan iyon gamit ang kamay.
“Ang corny.”
Pero tumatawa siya.
Isinara niya ang journal at niyakap iyon sa dibdib bago humiga.
Nakatingin siya sa kisame habang nakangiti.
Sa napakaraming nangyari sa unang araw niya bilang Grade 12 student, iyon ang pinili niyang itago sa journal.
Isang maruming palda.
Isang bolang hindi sinasadyang tumama sa kanya.
At ilang segundong tingin mula sa lalaking matagal na niyang gusto.
Maliit na bagay para sa iba.
Pero para kay Elise—
isang alaala iyon na gusto niyang itago.
SOMEONE I HAVEN’T METKinabukasan, maagang bumangon si Elise para pumasok.Pagkababa niya ng hagdan, agad niyang napansin ang mama niya sa sala.Napahinto siya.Hindi pa ito nakabihis para pumasok sa trabaho. Nakaupo lang ito sa sofa, hawak ang cellphone habang paminsan-minsang napapatingin sa pinto.At kahit pilit nitong itago, halatang puyat ito.Namumugto rin ang mga mata.“Ma?”Agad na napatingin sa kanya ang mama niya.“Oh, gising ka na.”Lumapit si Elise. “Hindi ka papasok?”“Late na lang siguro.”Umupo siya sa tabi nito.“Okay ka lang?”“Okay lang ako.”Pero hindi kumbinsido si Elise.“Si Papa?”Sandaling natahimik ang mama niya bago muling tumingin sa cellphone.“Hindi umuwi kagabi.”Nanikip ang dibdib ni Elise.“Hindi umuwi?”“Hinintay ko. Baka marami lang talagang ginagawa.”May pilit na ngiti sa labi nito, pero mas lalo lang iyong nagpakaba kay Elise.Ilang araw na rin niyang napapansin na bihira niyang makita ang papa niya sa bahay.At kapag naroon man ito, madalas nasa is
CHEERS, LETTERS, AND A LITTLE JEALOUSYMalapit na ang intramurals kaya halos buong campus ay naging abala.Araw-araw ang practice ng basketball team nina Jason, habang sina Elise at Belle naman ay napasama sa cheering squad.Okay lang naman iyon sa kanilang dalawa. Marunong naman silang sumayaw at sanay ding mag-perform sa harap ng maraming tao. Nakakapagod lang talaga ang halos araw-araw na practice.At kahit busy ang lahat, may isang bagay na hindi nagbabago sa routine ni Elise.Ang mga sulat sa locker niya.Gaya ngayong araw.Pagbukas niya ng locker, agad niyang nakita ang pamilyar na maliit na papel. Hindi niya napigilan ang ngiti bago iyon binuksan.Hi, Elise,How are you? Mukhang busy ka lately.Please don’t forget to eat lunch, okay? And don’t push yourself too hard.Are you enjoying being part of the cheering squad? Mukhang bagay naman sa’yo. You always look like you’re having fun when you perform.Pero ingat ka sa routines.I saw what happened yesterday. Muntik ka nang mahulo
FROM NOTES TO LETTERSLumipas pa ang ilang araw, pero hindi natapos ang misteryo sa locker ni Elise.Sa halip, parang naging parte na iyon ng routine niya.Tuwing umaga, bago pa man siya tuluyang makapasok sa classroom, dumidiretso muna siya sa locker niya. At kahit pilit niyang sinasabihan ang sarili na huwag mag-expect, hindi niya mapigilang bumilis ang tibok ng puso niya sa tuwing bubuksan niya iyon.At palaging may note.Minsan, simpleng—“You look nice today.”Minsan naman—“Don’t skip lunch again.”At may mga araw na parang alam nitong kailangan niya ng kaunting encouragement.“You did better than you think. Stop being too hard on yourself.”Hindi niya alam kung paano, pero unti-unti, nasanay siyang hanapin ang maliliit na papel na iyon.At mas nakakahiya mang aminin…Natutuwa siya.Sobra.Kaya naman kung anu-anong haka-haka na ang nabuo sa isip niya.Sino ba talaga ang nagsusulat?Classmate niya?Senior?Someone from another department?At higit sa lahat…Lalaki ba?Napangiwi s
CuteKinabukasan, pagpasok ni Elise sa school, isang bagay agad ang nasa isip niya.Ang locker niya.Habang naglalakad sa hallway, pilit niyang sinasabihan ang sariling normal lang ang lahat. Wala naman siyang dahilan para kabahan. Locker lang iyon. Kukunin lang niya ang mga libro niya gaya ng ginagawa niya araw-araw.Pero habang papalapit siya roon, lalong bumibilis ang tibok ng puso niya.Nakakahiya mang aminin, pero—umaasa siya.Paano kung may note ulit?At mas nakakahiya—paano kung wala?Napabuntong-hininga siya.“Ano ba, Elise…”Huminto siya sa harap ng locker at inilagay ang kamay sa lock.Click.Dahan-dahan niya iyong binuksan.At agad siyang natigilan.May maliit na nakatiklop na papel sa loob.Nanlaki ang mga mata niya.“Meron…”Hindi niya napigilang mapangiti.Mabilis siyang lumingon sa paligid.May mga estudyante sa hallway, pero walang mukhang nagbibigay-pansin sa kanya.Kinuha niya ang note at maingat na binuksan.Ilang salita lang ang nakasulat.That beautiful smile y
The First NoteKinabukasan, mas maaga nang kaunti si Elise sa school.Maingay na ang hallway kahit hindi pa nagsisimula ang klase. May mga estudyanteng nagkukuwentuhan sa gilid, may nagmamadaling tapusin ang assignment, habang ang iba naman ay nakatayo sa harap ng lockers at abala sa pag-aayos ng gamit.Diretso si Elise sa locker niya.May ilang libro siyang iniwan doon kahapon para hindi mabigat ang bag niya. Isinabit niya muna ang bag sa isang balikat bago ipihit ang maliit na lock.Click.Pagkabukas niya—may isang maliit na nakatiklop na papel na agad na nahulog sa harap niya.Napakunot-noo si Elise.“Ano ’to?”Dinampot niya iyon.Simple lang ang papel. Walang pangalan sa labas. Wala ring nakasulat kung kanino galing.Akala niya noong una ay baka reminder lang mula sa teacher o kung ano mang iniwan ni Belle.Pero nang buksan niya iyon, dalawang maikling linya lang ang bumungad sa kanya.You tap three times when you're nervous.You smile even when you're hurt. :)Natigilan si Elise
A Small MemoryBandang alas-kuwatro ng hapon nang makauwi si Elise.Pagbukas niya ng pinto, sinalubong siya ng pamilyar na katahimikan ng kanilang bahay. Hindi man kalakihan, maaliwalas at maayos iyon. May ilang framed family pictures sa dingding, mga halaman ng mama niya sa tabi ng bintana, at isang maliit na bookshelf na halos punô ng textbooks at teaching materials ng mga magulang niya.“Ma, I’m home!”“Nandito ako, anak!”Mula sa dining area ang boses ng mama niya.Paglapit ni Elise, nadatnan niya itong nakaupo sa mesa. Bukas ang laptop sa harap nito, katabi ang ilang libro, class records at yellow pad na punô ng sulat.Napangiti si Elise.Pamilyar na sa kanya ang ganitong eksena. Kahit nasa bahay na ang mama niya, hindi pa rin talaga tapos ang trabaho nito.“May ginagawa ka pa, Ma?”Saglit siyang nilingon ng mama niya at ngumiti.“May tatapusin lang akong lesson plan para bukas. Kumusta ang first day?”“Okay naman, Ma.”“Okay lang?”Napangiti nang mas malaki si Elise.“Okay na ok







