MasukSOMEONE I HAVEN’T METKinabukasan, maagang bumangon si Elise para pumasok.Pagkababa niya ng hagdan, agad niyang napansin ang mama niya sa sala.Napahinto siya.Hindi pa ito nakabihis para pumasok sa trabaho. Nakaupo lang ito sa sofa, hawak ang cellphone habang paminsan-minsang napapatingin sa pinto.At kahit pilit nitong itago, halatang puyat ito.Namumugto rin ang mga mata.“Ma?”Agad na napatingin sa kanya ang mama niya.“Oh, gising ka na.”Lumapit si Elise. “Hindi ka papasok?”“Late na lang siguro.”Umupo siya sa tabi nito.“Okay ka lang?”“Okay lang ako.”Pero hindi kumbinsido si Elise.“Si Papa?”Sandaling natahimik ang mama niya bago muling tumingin sa cellphone.“Hindi umuwi kagabi.”Nanikip ang dibdib ni Elise.“Hindi umuwi?”“Hinintay ko. Baka marami lang talagang ginagawa.”May pilit na ngiti sa labi nito, pero mas lalo lang iyong nagpakaba kay Elise.Ilang araw na rin niyang napapansin na bihira niyang makita ang papa niya sa bahay.At kapag naroon man ito, madalas nasa is
CHEERS, LETTERS, AND A LITTLE JEALOUSYMalapit na ang intramurals kaya halos buong campus ay naging abala.Araw-araw ang practice ng basketball team nina Jason, habang sina Elise at Belle naman ay napasama sa cheering squad.Okay lang naman iyon sa kanilang dalawa. Marunong naman silang sumayaw at sanay ding mag-perform sa harap ng maraming tao. Nakakapagod lang talaga ang halos araw-araw na practice.At kahit busy ang lahat, may isang bagay na hindi nagbabago sa routine ni Elise.Ang mga sulat sa locker niya.Gaya ngayong araw.Pagbukas niya ng locker, agad niyang nakita ang pamilyar na maliit na papel. Hindi niya napigilan ang ngiti bago iyon binuksan.Hi, Elise,How are you? Mukhang busy ka lately.Please don’t forget to eat lunch, okay? And don’t push yourself too hard.Are you enjoying being part of the cheering squad? Mukhang bagay naman sa’yo. You always look like you’re having fun when you perform.Pero ingat ka sa routines.I saw what happened yesterday. Muntik ka nang mahulo
FROM NOTES TO LETTERSLumipas pa ang ilang araw, pero hindi natapos ang misteryo sa locker ni Elise.Sa halip, parang naging parte na iyon ng routine niya.Tuwing umaga, bago pa man siya tuluyang makapasok sa classroom, dumidiretso muna siya sa locker niya. At kahit pilit niyang sinasabihan ang sarili na huwag mag-expect, hindi niya mapigilang bumilis ang tibok ng puso niya sa tuwing bubuksan niya iyon.At palaging may note.Minsan, simpleng—“You look nice today.”Minsan naman—“Don’t skip lunch again.”At may mga araw na parang alam nitong kailangan niya ng kaunting encouragement.“You did better than you think. Stop being too hard on yourself.”Hindi niya alam kung paano, pero unti-unti, nasanay siyang hanapin ang maliliit na papel na iyon.At mas nakakahiya mang aminin…Natutuwa siya.Sobra.Kaya naman kung anu-anong haka-haka na ang nabuo sa isip niya.Sino ba talaga ang nagsusulat?Classmate niya?Senior?Someone from another department?At higit sa lahat…Lalaki ba?Napangiwi s
CuteKinabukasan, pagpasok ni Elise sa school, isang bagay agad ang nasa isip niya.Ang locker niya.Habang naglalakad sa hallway, pilit niyang sinasabihan ang sariling normal lang ang lahat. Wala naman siyang dahilan para kabahan. Locker lang iyon. Kukunin lang niya ang mga libro niya gaya ng ginagawa niya araw-araw.Pero habang papalapit siya roon, lalong bumibilis ang tibok ng puso niya.Nakakahiya mang aminin, pero—umaasa siya.Paano kung may note ulit?At mas nakakahiya—paano kung wala?Napabuntong-hininga siya.“Ano ba, Elise…”Huminto siya sa harap ng locker at inilagay ang kamay sa lock.Click.Dahan-dahan niya iyong binuksan.At agad siyang natigilan.May maliit na nakatiklop na papel sa loob.Nanlaki ang mga mata niya.“Meron…”Hindi niya napigilang mapangiti.Mabilis siyang lumingon sa paligid.May mga estudyante sa hallway, pero walang mukhang nagbibigay-pansin sa kanya.Kinuha niya ang note at maingat na binuksan.Ilang salita lang ang nakasulat.That beautiful smile y
The First NoteKinabukasan, mas maaga nang kaunti si Elise sa school.Maingay na ang hallway kahit hindi pa nagsisimula ang klase. May mga estudyanteng nagkukuwentuhan sa gilid, may nagmamadaling tapusin ang assignment, habang ang iba naman ay nakatayo sa harap ng lockers at abala sa pag-aayos ng gamit.Diretso si Elise sa locker niya.May ilang libro siyang iniwan doon kahapon para hindi mabigat ang bag niya. Isinabit niya muna ang bag sa isang balikat bago ipihit ang maliit na lock.Click.Pagkabukas niya—may isang maliit na nakatiklop na papel na agad na nahulog sa harap niya.Napakunot-noo si Elise.“Ano ’to?”Dinampot niya iyon.Simple lang ang papel. Walang pangalan sa labas. Wala ring nakasulat kung kanino galing.Akala niya noong una ay baka reminder lang mula sa teacher o kung ano mang iniwan ni Belle.Pero nang buksan niya iyon, dalawang maikling linya lang ang bumungad sa kanya.You tap three times when you're nervous.You smile even when you're hurt. :)Natigilan si Elise
A Small MemoryBandang alas-kuwatro ng hapon nang makauwi si Elise.Pagbukas niya ng pinto, sinalubong siya ng pamilyar na katahimikan ng kanilang bahay. Hindi man kalakihan, maaliwalas at maayos iyon. May ilang framed family pictures sa dingding, mga halaman ng mama niya sa tabi ng bintana, at isang maliit na bookshelf na halos punô ng textbooks at teaching materials ng mga magulang niya.“Ma, I’m home!”“Nandito ako, anak!”Mula sa dining area ang boses ng mama niya.Paglapit ni Elise, nadatnan niya itong nakaupo sa mesa. Bukas ang laptop sa harap nito, katabi ang ilang libro, class records at yellow pad na punô ng sulat.Napangiti si Elise.Pamilyar na sa kanya ang ganitong eksena. Kahit nasa bahay na ang mama niya, hindi pa rin talaga tapos ang trabaho nito.“May ginagawa ka pa, Ma?”Saglit siyang nilingon ng mama niya at ngumiti.“May tatapusin lang akong lesson plan para bukas. Kumusta ang first day?”“Okay naman, Ma.”“Okay lang?”Napangiti nang mas malaki si Elise.“Okay na ok







