Share

Chapter 22

      October 21, 2021. Tatlong araw matapos umuwi si Peterson sa Manila at mag-isang namumuhay sa Seoul si Marion. Isang linggo na lang at simula na ang pagpasok ng winter sa South Korea kaya naman dalawang patong ng damit at mahabang coat ang suot-suot niya habang naglalakad-lakad. Tama nga ang Daddy niya, matutuwa siya sa Naksan Park dahil malaki ito at may magagandang view sa matataas na parte ng naturang park.

      Alas-kwatro na ng hapon kaya nag-uuwian na ang mga estudyante mula sa kalapit na Seoul High School. Nasa labinanim hanggang labingwalo ang edad ng mga estudyanteng nakakasalubong niya. Ang karamihan sa mga ito ay maraming aksesorya sa buhok o sa katawan, ang iba naman ay kumakanta ng mga awitin mula sa mga sikat na kpop groups at ‘yong iba naman ay halatang papunta sa mga cram school dahil sa malalaking libro at binders na hawak ng mga ito.

Winter_sorrow

Hello! Hindi ko alam kung tama ba ang korean phrases na ginagamit ko dahil umaasa lang ako sa google translate. Hahahahaha! Maintindihan niyo sana kung may nakita kayong mali. Thank you.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status