Gusto sana niyang sabihin na huwag itong mangamba. Pero alam ni Marion sa kaniyang sarili kung gaano ka-judgemental ang kaniyang ama. Siguradong unang kita pa lamang nito sa binata, iisipin kaagad ng Daddy niya na nagustuhan lang niya si Seojun dahil sa panlabas nitong anyo. Totoo naman iyon pero… Napipikon siya kapag naisip niyang baka asarin siya nito. Kaya ngayon pa lang, gusto na niyang magkaroon ng ideya si Seojun kung anong klase ito ng tao. “W-wala namang problema sa ‘kin iyon…” Tumawa nang bahagya ang binata at bahagyang umusod palayo. “Alam ko naman kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Saka huwag kang mag-alala, hindi ako mag-iisip ng kung ano-ano… Alam kong ginagawa mo lang ang lahat ng kaya mo para naman kahit paano, maging pantay ang tayo natin sa mata ng iba…” Hindi tuloy niya alam ang dapat maramdaman sa reaksyon nito… Na para bang imposible na mahalin siya nito nang higit pa sa isang kaibigan. Tiningnan na lang tuloy niya ang kaniyang sariling repleksyon… P
Ipinikit na ni Marion ang mga mata nito nang masigurong maayos na ang pagkakahiga niya. Si Seojun naman ngayon ang hindi makatulog. Kahit anong sikap niya na pumikit at magbilang ng mga tupa, hindi siya dinadalaw ng antok. Panay pa ang biling ng dalaga kaya palaging napupunta rito ang kaniyang atensyon. Malikot ito at halatang hindi sanay sa masikip na higaan nito. Bahagya lang itong huminto nang yakapin nito ang unan na dapat nitong gamitin para sa ulo nito. “Okay ka lang? Gusto mo ba ng dagdag na unan?” bulong niya. Ilang segundo pa ang pinalampas niya ngunit wala siyang nakuhang reaksyon mula kay Marion. Tumalikod na lang siya at humarap sa may pinto. Muli niyang ipinikit ang kaniyang kama habang inaalis ang lahat ng kaniyang iniisip. Dahil na rin siguro nasa bangka sila at nakadaong malapit sa aplaya ng Deokjeokdo island, hindi masyadong maalon, tila hinehele lang siya hanggang sa tuluyan siyang antukin. Hindi alam ni Seojun kung anong oras na. Pero nang magtan
Tulog pa ang kaluluwa ni Marion nang gisingin ito ni Olivia. Pupungas-pungas pa siya at nagsisimulang mag-inat nang mapansin ang dalawang babaeng stylist na nakatayo sa kaniyang paanan. Kaagad niyang hinanap ang pamilyar na mukha na inaakala niyang makikita niya paggising ngunit wala na ito. Pero ang ipinagtataka niya, paano siya napunta sa foam na nakalatag lang sa sahig samantalang natulog siya sa double deck. “Miss Marion, I’m sorry po pero kailangan na nating magsimula sa pag-aayos sa inyo. Nagdala na rin ako ng hot cappucino para magising ang diwa niyo,” untag ni Olivia. May hawak nga itong mainit na kape na nakalagay sa paper cup. “Anong oras na ba?” Wala pa siya sa tamang huwisyo kaya iginala na muna niya ang kaniyang paningin. Napansin niyang nakasabit pa ang kumot niya sa kamq kaya halatang nahulog siya sa kamang iyon habang natutulog. Gusto sana niyang itanong kung nasaan si Seojun pero naunahan siya ng hiya. Nakabulagta pa siya sa kama bago dumating ang mga ito
Ibinigay ni Seojun ang tseke sa mga kamay ni Marion nang maghiwalay sila. Nawala na ang pamumula ng mga mata nito na tila maluluha na kanina. Kahit paano, nawala na rin ang mga agam-agam sa kaniyang isipan. Ang importante, maging maayos ang pagsasama nilang dalawa hanggang sa piliin nito na iwan siya… “Teka, nagugutom ka na nga pala, ‘no? Anong gusto mong kainin?” pag-iiba niya ng topic habang inaalis ang mga nakaharang na hibla ng buhok sa mukha ni Marion. “A… Oo nga.” Ngumiti si Marion at bahagyang pinunasan ang mga pisngi nito. “Hinahanap na siguro tayo ng mga bisita natin. Ang mabuti pa… Bumalik na tayo sa loob ng tent.” “Sige…” Inilahad niya ang kaniyang kamay. Napansin kasi niyang nahihirapan na si Marion sa paglalakad sa malambot na buhangin habang nakasuot ito ng wedding gown na limang dipa ang haba ng trahe. Lumuwang ang ngiti ni Marion at hinawakan ang kaniyang kamay. Sabay na silang naglakad habang kumakaway sa mga bisitang tumatawag sa kanila.
Sa wakas… Dumating din ang ‘catch’ na hinihintay ni Marion. Base sa pagkakakilala niya sa ugali ng kaniyang ama, hindi nito basta ibibigay ang kompaniya at pera nito nang ganoon kadali. Kung hindi niya maipapakita ang gusto nitong resulta, siguradong ang offer lang nito na one hundred billion pesos ang matitikman niya mula rito. “Pwede bang… Iwan niyo muna kaming dalawa ng asawa ko?” Ngumiti siya nang hindi inaalis ang tingin kay Seojun. “B-bakit?” Naging malikot ang mga mata nito, tila naghahanap ng mali sa sarili nito. Nang masiguro niyang wala na silang kasama, ini-lock niya ang pintuan sa loob. Napaupo nang tuwid si Seojun na para bang naghihintay ito ng iuutos niya. Napailing na lang siya dahil sa pagiging inosente ng kaniyang asawa kahit ito ang may anak. Umupo siya sa dati niyang puwesto at iniharap ang swivel chair nang direkta sa lalaki. “Seojun… Hindi ko alam kung nasabi na nila sa iyo pero… Tatlong araw na lang ang natitira sa tourist visa
“O! Bakit parang ang dami naman ng mga damit na binabaon mo?” tanong ni Seojun nang mapansin na nakakalat ang mga damit ni Eclaire sa kama nito. “Isang linggo lang tayo roon. Baka mamaya, hindi tayo makasakay dahil sa dami ng bagahe mo. Gano’n daw iyon, ‘di ba? Ilang kilo lang ang pwede dalhin.” Napakamot sa ulo si Eclaire. “Ano pong gagawin ko? Pwede po ba kong maglaba sa banyo ng tutuluyan natin sa Jeju? Malamang… Sa hotel po tayo, ‘di ba? Kasi nga, kung apat o limang tshirt lang ang bitbit ko, kakapusin po ako ng pamalit. Alangan naman ilang araw kong suot ang damit ko?” May punto ang dalagita kaya napaisip rin siya. “Ewan… Hindi ko rin alam. Gagawan na lang natin ng paraan pagdating doon. Ang mahalaga, makapag-empake na tayo ng mga damit.” Binuksan niya ang maleta na binili ni Marion para kay Eclaire. “Dad, ako na pong bahala rito. Mag-empake na rin kayo. Gusto kong maligo bago kumain kaya nagmamadali na po ako.” Pinagpatong-patong ni Eclaire ang limang tsh
Alas-dos y’ medya na ng hapon nang makababa sa Jeju International Airport ang sinakyang private plane nila Marion. Hindi naman sila masyadong nainip sa paghihintay dahil naayos na ni Andrew ang lahat ng accomodations na gagamitin nila. Iniwan niya ang binata sa Seoul dahil kailangan nitong humanap ng paraan upang matupad ang gusto niya. Kung may company na may kapareha niya ng gusto, doon na lang niya ilalagay ang investment na ibinigay ng Daddy niya. Pero sa ngayon, kailangan niyang magbakasyon para naman maramdaman niyang nakatira talaga siya sa ibang bansa. Sinundo sila ng limousine na nai-provide ng hotel na tutuluyan nila. Pagkatapos noon, bumaba sila sa entrance ng Lutte Jeju Hotel, ang isa sa pinakamamahaling hotel sa buong isla. Ibinaba na ng driver ang mga suitcase. Tutulong sana si Seojun ngunit hindi ito hinayaan ng hotel staff na umalalay sa kanila. Ang mga ito ang naglagay ng tatlong malalaking suitcase, dalawang bagpack, at isang duffel bag. Hawak ni Marion sa dala
“W-what? Ano? Sige… Ikaw ang bahala –” Halos malaglag ni Marion ang hawak nitong baso na may laman pang beer. “Ako na ang mag-aayos nito. Ikaw na ang mauna. Sunod na lang ako.” “Sige…” Kumunot ang noo ni Seojun dahil sa naging reaksyon ni Marion ngunit hindi na siya nag-komento pa. Pumasok na siya sa banyo dahil nagliligpit na si Marion ng mga ginamit nilang baso, pati na rin ang ginamit sa kanilang samgyupsal. Ayaw magpatulong ni Marion kaya napilitan siyang mag-shower na lang. Naisip niya na baka gusto lang talaga nitong matulog na silang tatlo para naman makapagpahinga na. Kahit inalok niya ito na siya na ang mahuhuling maligo, kinulit rin siya nito na ito na lang ang mahuhuli. “Ewan… Ang weird ni Marion. Dahil siguro sa alak…” Binuksan niya ang shower at itinapat ang sarili sa tubig. May air freshener sa loob na amoy rosas kaya iyon ang naamoy niya sa buong banyo. Mainit-init ang tubig na naglalandas sa kaniyang balat kaya nakaramdam siya ng kaginahaw