Beranda / Romance / One Last Time / ONE LAST TIME CHAPTER 1

Share

One Last Time
One Last Time
Penulis: MIKS DELOSO

ONE LAST TIME CHAPTER 1

Penulis: MIKS DELOSO
last update Tanggal publikasi: 2026-07-21 01:39:08

Ang mga ilaw ng Manila ay parang mga bituin na bumaba sa lupa. Mula sa penthouse nila sa BGC, tinitigan ni Venice Ray-Rodrique ang nakasisilaw na skyline habang inaayos ang kanyang pearl earrings. Ngiti ang nasa labi niya. Gabi na naman ng pagdiriwang para kay Romer—isa na namang malaking deal ang na-secure ng Rodrique Pharmaceuticals.

"Ang gwapo talaga ng asawa ko," bulong niya sa sarili habang tinitingnan ang litrato nila sa bedside table. Tatlong taon na silang kasal, pero parang kahapon lang nang mag-propose si Romer sa kanya sa rooftop ng hotel sa New York. "Kahit kailan, hindi ka nagbago sa'kin."

Tinapos niya ang pag-aayos at kinuha ang handbag. Ngayong gabi, magkikita sila ni Mara, ang best friend niya na kakauwi lang mula sa States. Matagal na rin nilang hindi nagkita. Excited na excited si Venice. Gusto niyang i-share ang lahat—kung gaano siya kasaya, kung gaano kahusay si Romer bilang asawa.

Hindi niya alam na ang gabing iyon ang magiging simula ng pagbagsak ng buong mundo niya.

Sa Loob ng Eclipse Bar, Makati

"Venice! Oh my god, ang ganda mo pa rin!" sigaw ni Mara habang yakap-yakap siya. "Ang tagal nating hindi nagkita! Kamusta ka na? Kamusta si Mr. Perfect CEO?"

Ngumiti si Venice habang nauupo sila sa reserved table. "Masaya. Sobrang saya, Mara. Si Romer... sobrang perfect pa rin. Busy nga lang talaga sa company, pero every night, umuuwi siya. Nagluluto pa ako para sa kanya."

"Grabe, ikaw pa rin 'yung college girl na head-over-heels kay Romer Rodrique," tukso ni Mara habang iniinom ang cocktail. "Akala ko naman after marriage, may reality check na."

"Wala. Mas lalo pa ngang lumalim 'yung pagmamahal ko," sagot ni Venice, ang mga mata ay nagniningning. "Alam mo 'yun? Minsan iniisip ko, paano kung hindi niya ako pinili? Paano kung—"

Biglang tumigil siya. Sa kabilang side ng bar, sa isang malaking VIP table, nakita niya si Romer. Kasama ang barkada niya—si Drake, si Marcus, at si Ethan. Tumatawa sila, may hawak na whiskey glasses. Nagdiwang talaga sila.

"Uy, andiyan pala si Romer," sabi ni Mara. "Gusto mong lapitan?"

Umiling si Venice. "Hayaan mo na. Baka importanteng usapan. Mag-enjoy muna tayo."

Pero hindi niya maiwasang mapatingin. At doon, sa ingay ng music at tawanan, narinig niya ang mga salitang sisira sa kanya.

Si Romer ay nakaupo sa gitna, ang coat niya ay nakasabit sa likod ng upuan. Mukha siyang hari ng mundo.

"Bro, congrats sa bagong deal! Fifty million dollars, tangina!" sigaw ni Drake habang binabato ng high-five.

Tumawa si Romer. "Salamat. Pero mas importante, may ibang balita ako."

"Ano?" tanong ni Marcus, curious.

"Olive is back."

Biglang natahimik ang mesa. Pagkatapos ay sumabog ang hiyawan at tawanan.

"Putangina! Si Olive ba? 'Yung first love mo? 'Yung model na umalis papuntang Europe five years ago?" tanong ni Ethan.

"Oo," sagot ni Romer, may ngiti sa labi na hindi niya makita ni Venice noon. "Nag-message siya sa'kin last week. She's back for good. Single pa rin. At... tangina, pare. Kahit ilang taon na, siya pa rin 'yung feeling ko eh."

"Eh si Venice?" tanong ni Drake, pabiro pero may halong seryoso.

Napabuntong-hinig si Romer. Uminom muna siya ng isang shot bago sumagot.

"Si Venice? She's... a good wife. Responsible. Maganda. Supportive. Pero let's be honest, bros. Stand-in lang siya. Convenience. Nung nawala si Olive, siya 'yung nandun. College love namin, tapos nagkatuluyan. Pero 'yung totoong pagmamahal? Si Olive 'yun. Palagi."

Sumabog ang tawanan ng mga kaibigan niya.

"Grabe ka, Romer! May asawa ka na, may ganyan ka pang sinasabi!" sabi ni Marcus.

"Ano ba naman. Hindi naman niya alam. At saka, tatlong taon ko na siyang binigyan ng magandang buhay. Mayaman siya ngayon dahil sa'kin. Hindi naman siya kawawa," dagdag ni Romer, tumatawa rin.

"Pero bro, kung babalik si Olive, ano'ng plano mo kay Venice?" tanong ni Ethan.

"Divorce. Clean break. Sasabihin ko sa kanya nang maayos. Pero ngayon, enjoy muna tayo. Olive is coming back to my life. At this time, hindi ko na siya pakakawalan."

Tumatawa sila. Parang normal na usapan lang.

Sa likod ng isang malaking haligi, nakatayo si Venice. Parang binuhusan ng yelo ang buong katawan niya. Ang mundo ay umikot. Ang dibdib niya ay parang hinahati ng kutsilyo.

"Venice? Venice!" bulong ni Mara na biglang lumapit. "Ano'ng nangyari? Putla mo!"

Hindi makapagsalita si Venice. Umiiyak na siya nang tahimik. "Naririnig mo ba, Mara? Narinig mo ba 'yung sinabi niya?"

Narinig din ni Mara ang huling bahagi. Niyakap niya nang mahigpit ang kaibigan. "Putangina niya. Venice... huwag kang maniwala. Baka lasing lang siya—"

"Narinig ko mismo, Mara. 'Stand-in lang.' 'Si Olive ang mahal niya.' Tatlong taon, Mara. Tatlong taon kong binigay lahat. Akala ko mahal niya ako. Akala ko ako na 'yung end game niya."

Umiyak si Venice nang walang ingay. Pinahid ni Mara ang luha niya.

"Ano'ng gusto mong gawin? Lapitan natin siya? Sabihin mo sa kanya na narinig mo?"

Umiling si Venice. "Hindi. Ayoko ng awa. Ayoko ng paliwanag. Tapos na."

Tumingin siya kay Romer mula sa malayo. Ang lalaking minahal niya nang sobra. Ang lalaking akala niya ay kanya magpakailanman.

"Desisyon na ako, Mara. Gusto ko nang makipaghiwalay."

Umuwi sila ni Mara sa isang maliit na private room sa bar. Umiyak si Venice nang todo. Lahat ng alaala nila ni Romer ay bumalik.

"College pa lang, siya na 'yung lalaki ko. Nung sinabi niyang 'I love you', akala ko totoo. Nung pinakasalan niya ako sa US, akala ko forever na. Tapos ganito lang pala?"

"Venice, huwag kang magmadali. Baka may mali—"

"Wala nang mali, Mara. Narinig ko. Crystal clear. Ako lang 'yung tanga."

Nag-order si Venice ng maraming shots. Nagpakalasing siya. Gusto niyang kalimutan. Gusto niyang masaktan nang sobra para matutong wala nang maramdaman.

"Kapag umuwi ako mamaya, pipirmahin ko siya sa divorce papers. Kinasal naman kami sa US. Madali lang 'yun."

"Venice, lasing ka—"

"Alam ko. Pero mas masakit kapag lasing ako. Mas madali."

2:47 AM – Rodrique Penthouse

Lasing na lasing si Venice nang dumating siya sa bahay matapos ang mahabang gabi ng pag-iisip at pag-iyak. Nakaupo siya sa sofa ng sala, naka-nightdress lang na manipis, walang bra, at ang mga paa ay nakataas sa center table. Hinintay niya si Romer. Alas tres na ng madaling araw nang marinig niya ang tunog ng susi sa p***o.

Pumasok si Romer, lasing din. Amoy whiskey at sigarilyo ang buong katawan niya. Medyo gumuguhit ang buhok, ang damit ay gusot, pero ang ngiti sa labi niya ay parang walang problema.

"Love? Bakit gising ka pa?" tanong niya habang ngiting-ngiti, ang boses malambing pa rin kahit basag na basag sa alak.

Tinitigan ni Venice ang mukha ng lalaking minahal niya nang sobra. Ang mukha na dati’y nagbibigay sa kanya ng buong mundo. Ngayon, parang dayukdok na ng sakit at panghihinayang. Tumayo siya, nanginginig ang mga tuhod.

"Romer... bakit?" bulong niya, puno ng sakit ang boses.

"Ano’ng bakit?" Lumapit si Romer at niyakap siya mula sa likod. Mahigpit. Mainit. "Miss na miss kita kanina. Tangina, ang tagal kong wala."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Famela Torrecampo
Hmmn interesting :) 09-28-2026
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • One Last Time   ONE LAST TIME CHAPTER 117

    Ang mga batang iyon ay hindi lamang naghihintay na makilala siya.Sila mismo ang naghanap ng sagot sa tanong na matagal nang iniiwasang sagutin ng mga nakatatanda.“Bakit hindi mo sinabi sa akin?”“Dahil natatakot ako.”“Sa akin?”“Oo.”Napahawak si Romer sa noo.“Venice, hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa iyo noon. Hindi ko maalala ang lahat. Pero hindi ko gustong matakot sa akin ang mga anak ko.”“Hindi ko sinasabing masama kang ama, Romer. Hindi ko sinasabing wala kang karapatang makilala sila. Ang sinasabi ko, hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nalaman mong mga anak mo nga sila.”“Ngayon, alam ko na.”Nanginginig ang boses niya.“Alam kong mga anak ko sila, Venice. Pero hindi ko alam kung paano haharapin ang katotohanang pitong taon akong wala sa buhay nila.”Tahimik na nakinig si Venice.

  • One Last Time   ONE LAST TIME CHAPTER 116

    Sa apartment ni Venice, nakaupo ang triplets sa paligid ng mesa nang dumating ang isang tawag mula sa laboratoryo.Sinagot ito ni Venice.“Hello?”“Magandang araw po, Ma'am Reyes. Tumatawag kami tungkol sa naunang DNA test na isinagawa para sa inyong mga anak.”Napatingin si Venice sa tatlo.“Ano po ang kailangan ninyo?”“Kailangan po naming kumpirmahin ang isang detalye sa dokumento bago namin maibigay ang kopya ng resulta. Maaari po ba kayong pumunta sa laboratoryo?”“Oo. Kailan?”“Sa oras na komportable po kayo. May bagong kahilingan din po mula sa kabilang panig para sa hiwalay na pagsusuri, kaya kailangan naming tiyaking maayos ang lahat ng rekord.”Natahimik si Venice.Hindi niya alam kung paano nalaman ni Romer ang tungkol sa naunang pagsusuri.Ngunit malinaw na hindi na maaaring manatiling nakatago ang resulta.Pagkatapos

  • One Last Time   ONE LAST TIME CHAPTER 115

    Sa halip, naghintay siyang si Venice ang magbigay ng senyas.Pagkaraan ng ilang segundo, tumango si Venice.Saka lamang siya lumapit.“Magandang umaga.”“Magandang umaga po,” sabay na sagot ng mga bata.Napangiti siya nang bahagya.“Handa na ba kayo?”“Opo,” sagot ni Raine. “Pero may tanong po ako tungkol sa accuracy ng DNA test.”Napatingin si Romer sa bata.“Anong tanong mo?”“Paano po kung may pagkakamali sa pagproseso ng sample?”“May mga pamantayan ang laboratoryo para maiwasan iyon. At kung may anumang hindi malinaw sa resulta, maaari tayong humingi ng karagdagang pagsusuri.”Tumango si Raine.“Okay po.”Si Rian naman ay tumingin sa kanya nang diretso.“Kung sakaling lumabas na anak mo kami, ano ang mangyayari pagkatapos?”Napatigil si Romer.

  • One Last Time   ONE LAST TIME CHAPTER 114

    Huwag hayaang ang takot ang magdesisyon para sa kanya.At ngayon, tila ang mga anak niya mismo ang nagpapaalala sa kanya ng parehong bagay.“Alam ko,” bulong niya. “Susubukan ko.”Makalipas ang ilang araw, nagsimula ang paghahanda para sa opisyal na DNA test.Pinili ni Venice ang isang kinikilalang laboratoryo at sinigurong malinaw sa lahat ang proseso. Hindi niya hinayaang ang mga tauhan ni Romer ang magtakda ng lahat ng kondisyon. Nais niyang mapanatili ang karapatan ng mga bata at matiyak na walang sinumang gagamit sa resulta upang pilitin silang gumawa ng desisyong hindi nila nauunawaan.Pumayag si Romer sa lahat ng hinihingi niya.Wala itong ipinaglaban.Wala itong ginamit na kapangyarihan upang pabilisin ang proseso.At sa kabila ng pag-aalinlangan ni Venice, napansin niyang sinisikap nitong tuparin ang mga salitang binitiwan nito sa café.Ngunit may isang bagay na hindi alam ni Romer

  • One Last Time   ONE LAST TIME CHAPTER 113

    Ngunit alam niyang hindi na maaaring manatili sa hinala ang lahat habang lumalaki ang mga anak nila.“Hindi ako papayag na kumuha ka ng sample sa mga bata nang walang pahintulot nila,” sabi niya.“Hindi ko gagawin iyon.”“Hindi rin ako papayag na gamitin mo ang resulta para bigla silang kunin sa akin.”Nanigas ang mukha ni Romer.“Venice, hindi ko sila kukunin.”“Hindi mo alam kung ano ang gagawin mo kapag nalaman mong mga anak mo sila.”“Maaaring hindi ko pa alam ang lahat ng mararamdaman ko,” sagot niya. “Pero alam kong hindi ko gustong takutin sila. Hindi ko gustong maging dahilan ng pagkasira ng buhay na binuo mo para sa kanila.”Napayuko si Venice.“Kung papayag ako, gusto kong malinaw ang lahat ng kondisyon. Dadaan tayo sa isang kinikilalang laboratoryo. Pareho tayong makakakuha ng kopya ng resulta. At walang gagamit ng mga ba

  • One Last Time   ONE LAST TIME CHAPTER 112

    Ngunit maaari siyang magsimula sa pakikinig.Sa pagdating ng Sabado, maaga siyang gumising at matagal na nag-isip kung ano ang dapat niyang isuot.Sa huli, pinili niya ang isang simpleng polo at maitim na pantalon. Hindi siya nagdala ng mga mamahaling regalo. Ayaw niyang isipin ng mga bata na sinusubukan niyang bilhin ang kanilang pagtanggap.Ang tanging dala niya ay isang maliit na kahon ng mga aklat na pambata, ngunit ilang beses niyang pinag-isipan kung dapat ba niya itong iwan sa kotse.Sa huli, isinama niya iyon.Hindi bilang kapalit ng isang relasyon.Kundi bilang simpleng alok sa tatlong batang nais niyang makilala.Eksaktong alas-diyes ng umaga nang dumating si Romer sa café.Nakita niya si Venice sa isang mesa malapit sa bintana.Nasa magkabilang panig nito ang tatlong bata.Si Rian ay nakaupo nang tuwid, nakatingin sa paligid na para bang sinusuri ang lugar. Si Raine ay may hawak na isang maliit n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status