Share

Chapter 36

Author: Neko Kuroha
last update publish date: 2026-04-12 16:45:31

Tahimik ang loob ng kotse pagkapasok ni Luna. Hindi agad niya isinara ang pinto. Nakahawak pa siya sa handle, kalahati ng katawan niya nasa loob, kalahati nasa labas—animo’y nagdadalawang-isip kung sasakay o hindi.

“Luna.”

Agaw pansin sa kanya ni Adrian. Sa huli ay sumakay na rin siya.

Kasya naman makpag-agawan siya sa taxi.

Sumandal siya at inihilig ang ulo sa headrest. Medyo nakaramdam siya ng ginhawa nang buksan ni Adrian ang aircon ng sasakyan.

“Seatbelt,” paalala nito habang sinisimula
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • One Night, Forever Mine   Chapter 39

    Hindi agad nakaalis si Luna sa opisina matapos nilang pumirma. Nakatayo lang siya sa harap ng mesa, hawak ang bag niya, habang nakatingin sa kontrata na parang may hinihintay pa siyang maramdaman—kaba, pagkaligalih, at kahit konting pagsisisi.Pero ang dumating lang ay isang mabigat na katahimikan. Samantalang si Adrian ay ibinalik ang atensyon sa tablet nito at tahimik na nagbabasa, na para bang hindi sila kagagaling lang sa isang desisyong pwedeng magbago ng buhay nila. Napailing si Luna at napabuga ng hangin. “Ganun na lang ‘yon?” mapang-uyam niyang sambit.Hindi niya malaman kung matatawa ba siya o maiinis sa sitwasyon niya ng mga oras na iyon. Hindi agad sumagot si Adrian; ilang segundo pa ang lumipas bago siya nito sinulyapan. “We signed,” simpleng sambit nito “What else?” Napairap si Luna at napailing. “Ewan ko. Kahit konting reaction?” sagot niya, sabay kibit-balikat. “Big deal ‘to, in case hindi mo napansin.” “Noted,” sagot ni Adrian. Natawa siya ng mahina. “Grabe ka.

  • One Night, Forever Mine   Chapter 38

    Mas tahimik ang opisina kaysa sa inaasahan ni Luna, pero hindi iyon nakatulong para kumalma siya. Pagbukas pa lang ng elevator, ramdam na niya agad yung mga tingin—yung tipong mabilis iiwas kapag nahuli niya, pero sapat lang para malaman niyang may napapansin ang mga tao sa paligid niya. Hindi na siya masyadong nag-isip. Diretso lang ang lakad niya, medyo mas mabilis kaysa sa nakasanayan niya habang hawak ang bag na parang doon niya ibinubuhos ang kaba niya. Pagdating sa harap ng opisina ni Adrian, saka siya huminto. Nakahawak siya sa doorknob pero hindi niya agad iyon pinihit. Napabuga siya ng hangin at bahagyang napailing sa sarili. “Drama mo,” bulong niya bago kumatok.“Come in.”Pagpasok niya, nadatnan niya si Adrian sa mesa nito, may hawak na tablet pero agad din itong ibinaba nang makita siya. Hindi ito ngumiti, pero hindi rin malamig ang aura. “Sit,” utos nito.Napairap si Luna habang umuupo. “Good morning din,” aniya sabay ayos ng bag sa kandungan niya. Saglit siyang tin

  • One Night, Forever Mine   Chapter 37

    Hindi agad nakatulog si Luna nang gabing iyon. Paulit-ulit siyang nagpabaling-baling sa kama, hinila ang kumot pataas, saka ibinaba ulit, animo’y may hinahanap siyang posisyon na kayang patahimikin ang isip niya. Pero kahit anong gawin niya, bumabalik at bumabalik pa rin ang eksena nila ni sa kotse nito—yung sandaling sinabi niyang “okay,” yung paraan ng pagtitig ni Adrian, at yung katahimikan pagkatapos ng kanilang usapan, na mas mabigat pa kaysa sa kahit anong salita.Napabuntong-hininga siya at tuluyang tumitig sa kisame.“Ang galing mo, Luna,” bulong niya sa sarili, sabay irap kahit walang nakakakita. “Hindi ka nga sigurado, pumayag ka pa.”Pinikit niya ang mata niya, pero imbes na makatulog, mas lalo lang naging malinaw ang pakiramdam sa dibdib niya—hindi lang kaba, hindi lang pagduda… kundi may halong antisipasyon na ayaw niyang aminin.At ‘yon ang mas nakakainis.Kinabukasan, mas maaga siyang nagising kaysa sa dati. Hindi rin siya nagtagal sa kama. Bumangon siya na parang may

  • One Night, Forever Mine   Chapter 36

    Tahimik ang loob ng kotse pagkapasok ni Luna. Hindi agad niya isinara ang pinto. Nakahawak pa siya sa handle, kalahati ng katawan niya nasa loob, kalahati nasa labas—animo’y nagdadalawang-isip kung sasakay o hindi. “Luna.”Agaw pansin sa kanya ni Adrian. Sa huli ay sumakay na rin siya. Kasya naman makpag-agawan siya sa taxi. Sumandal siya at inihilig ang ulo sa headrest. Medyo nakaramdam siya ng ginhawa nang buksan ni Adrian ang aircon ng sasakyan. “Seatbelt,” paalala nito habang sinisimulang buhayin ang makina ng sasakyan. “Alam ko,” she hissed.Hinila niya ang seatbelt, ngunit hindi na iyon mahila dahil sumabit ang bandang dulo niyon.Napakagat-labi siya habang pilit na hinihila ang seatbelt. “Wait—”Pero bago pa niya iyon maayos ay gumalaw na si Adrian. Dahan-dahan itong lumapit at yumuko para abutin ang seatbelt sa gilid niya. Halos magdikit ang balikat nila, at sandaling sumayad ang braso nito sa kanya.Hindi siya gumalaw.Hindi rin siya makahinga. At halos magrigudon ang la

  • One Night, Forever Mine   Chapter 35

    Paglabas ni Luna ng building, sinalubong siya ng halo-halong ingay ng gabi—mga bus na humihinto sa malayo, jeep na nagbababa ng mga pasahero, at mga taong nagmamadaling makasakay bago pa tuluyang dumilim ang paligid. May bahagyang init pa rin sa hangin kahit gabi na, parang nakakapit pa rin ang pagod ng buong araw sa kalsada.Huminto siya sandali sa gilid ng entrance, hinigpitan ang hawak sa strap ng bag niya habang pinapanood ang dumadaang tao. Pinasya niyang maglakad papunta sa gilid ng kalsada para pumara ng taxi. Panay ang para niya sa mga dumadaang taxi. Ngunit lagi siyang nauunahan ng ibang mga pasahero. “Ano ba yan?” mahina niyang bulong, sabay napailing at hinilot ang sentido niya.Hindi niya alam kung kaya niyang umuwi agad.Hindi pa.Nag-vibrate ang phone niya sa kamay niya. Napasinghap siya nang makita kung kaninong pangalan ang nasa screen.Si Mark.Hindi niya napigilang mapabuntonghininga. “Ano na naman ang kailangan nito?" iritado niyang sambit Binuksan niya ang mess

  • One Night, Forever Mine   Chapter 34

    Hindi naging magaan ang umaga ni Luna. Kahit nakatulog naman siya, may naiwan pa ring bigat sa isip niya—hindi na tungkol kay Mark, kundi sa mas komplikadong problemang kinakaharap niya ngayon. Pagpasok niya sa opisina, sinalubong siya ng malamig na hangin ng aircon at mahihinang bulungan mula sa paligid. May ilang napatingin sa kanya, mabilis lang, bago agad umiwas na parang walang nangyari. Sanay na siya sa gano’n, pero hindi ibig sabihin ay hindi niya nararamdaman. Diretso siyang naglakad papunta sa desk niya, inilapag ang bag, at kakahawak pa lang sa mouse nang mag-vibrate ang phone niya.Saglit niya itong tinitigan bago binasa ang message. “Mr. Adrian is requesting your presence.” Napabuntong-hininga siya, saka tumayo. Inayos niya ang buhok niya gamit ang daliri, huminga ng malalim, at naglakad palabas ng department nila. Habang naglalakad sa hallway, mas malinaw sa kanya ang bawat tunog—ang tik-tak ng sapatos niya sa sahig, ang mahinang ugong ng aircon, at ang katahimikang p

  • One Night, Forever Mine   Chapter 24

    Hindi agad natapos ang gabi para kay Luna kahit nakalabas na sila ng venue. Inalalayan pa rin siya ni Adrian palabas ng function hall. Ramdam pa rin niya ang mga matang sumusunod sa kanila—mga tinging hindi na kailangang marinig para maintindihan. Pagdating sa labas, bahagyang napahinga siya nang

  • One Night, Forever Mine   Chapter 23

    Pumasok si Luna sa loob, at kasunod niya si Adrian. Ipinosisyon nito ang kamay sa kanyang baywang para alalayan siya. That move made her shiver. Iba ang epekto ng pagkakadaiti ng kamay nito sa kanyang katawan. She roam her gaze. Everyone is looking. Part of her was partially disappointed. ‘Only

  • One Night, Forever Mine   Chapter 27

    Lunes ng hapon nang mag-vibrate ang phone ni Luna habang nasa desk siya. Adrian: Conference room. 3 PM. Let’s finalize the terms. Napatingin siya sa screen ng ilang segundo, parang tinitimbang kung gaano kabigat ang “finalize” na sinasabi nito. Hindi na siya nag-reply. Sa halip, marahan niyang in

  • One Night, Forever Mine   Chapter 26

    Hindi agad nakabalik si Luna sa desk niya pagkatapos ng usapan nila ni Adrian.Paglabas niya ng opisina nito, diretso siyang naglakad papuntang pantry, hindi na tumitingin kung may makakasalubong. Pagpasok niya, saka lang siya huminto. Tahimik doon—walang tao, maliban sa mahina at paulit-ulit na tu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status