LOGINHalos hindi pa tapos mag-impake si Luna nang makarinig siya ng mahinang katok sa pinto.Napahinto siya, hawak pa yung isang nakatiklop na blouse, at napatingin sa orasan. Alam na niya kung sino ang kumakatok—wala namang ibang pupunta sa kanya ng ganitong oras.Saglit siyang napabuntong-hininga bago lumapit sa pinto at binuksan iyon.Nandoon si Adrian, nakatayo sa labas. Simple lang ang suot nitong board shorts at isang blue polo shirt, literal na nakapambahay lang. “Ready?” diretsong tanong nito.Napakurap si Luna. “Wow. Hello din,” sagot niya, bahagyang napangiti kahit may konting pagod sa mukha niya. “Maaga ka.”“I said we’re doing it today,” sagot ni Adrian.Napailing siya. “Oo na. Sandali lang,” sabi niya, sabay bukas ng mas malaki ng pinto. “Hindi pa ako tapos.”Hindi na sumagot si Adrian. Pumasok lang ito sa loob, saka saglit na tumingin sa paligid.Hindi kalakihan ang apartment niya—halos isang tingin mo lang, kita mo na lahat. May konting kalat sa mesa, may nakasampay na dam
Hapon na ng makarating si Luna sa terminal ng bus. Sobrang hirap mag-book ng cab kaya pinili niyang mag-bus. Nakapila siya habang naghihintay ng masasakyan. Mahigpit ang hawak niya sa bag niya habang pinapanood ang mga dumadaan na jeep at bus. Ilang beses siyang umusog sa pila, tapos aatras ulit na parang hindi pa siya sigurado kung sasakay na ba siya o hindi. Pagod na siya, oo—pero hindi yung pagod na kayang ayusin ng tulog. Napabuntong-hininga siya. Pagkarating ng sasakyan niyang bus ay sumakay na siya. Pagdating niya sa apartment, sinalubong siya ng pamilyar na katahimikan. Walang nagbago—pareho pa rin yung maliit na sala, yung lamesa na medyo tabingi, yung electric fan na maingay kapag naka-number three. Naging normal na iyon kay Luna simula ng hiwalayan niya si Mark.. Sanay na siya rito. Pero ewan ba niya! Parang biglang ang hirap iwan. Ibinagsak niya ang bag sa kama at umupo sa gilid nito, nakasubsob ang siko sa hita niya habang nakatitig sa sahig. Ilang segundo siyang ganu
Hindi agad nakaalis si Luna sa opisina matapos nilang pumirma. Nakatayo lang siya sa harap ng mesa, hawak ang bag niya, habang nakatingin sa kontrata na parang may hinihintay pa siyang maramdaman—kaba, pagkaligalih, at kahit konting pagsisisi.Pero ang dumating lang ay isang mabigat na katahimikan. Samantalang si Adrian ay ibinalik ang atensyon sa tablet nito at tahimik na nagbabasa, na para bang hindi sila kagagaling lang sa isang desisyong pwedeng magbago ng buhay nila. Napailing si Luna at napabuga ng hangin. “Ganun na lang ‘yon?” mapang-uyam niyang sambit.Hindi niya malaman kung matatawa ba siya o maiinis sa sitwasyon niya ng mga oras na iyon. Hindi agad sumagot si Adrian; ilang segundo pa ang lumipas bago siya nito sinulyapan. “We signed,” simpleng sambit nito “What else?” Napairap si Luna at napailing. “Ewan ko. Kahit konting reaction?” sagot niya, sabay kibit-balikat. “Big deal ‘to, in case hindi mo napansin.” “Noted,” sagot ni Adrian. Natawa siya ng mahina. “Grabe ka.
Mas tahimik ang opisina kaysa sa inaasahan ni Luna, pero hindi iyon nakatulong para kumalma siya. Pagbukas pa lang ng elevator, ramdam na niya agad yung mga tingin—yung tipong mabilis iiwas kapag nahuli niya, pero sapat lang para malaman niyang may napapansin ang mga tao sa paligid niya. Hindi na siya masyadong nag-isip. Diretso lang ang lakad niya, medyo mas mabilis kaysa sa nakasanayan niya habang hawak ang bag na parang doon niya ibinubuhos ang kaba niya. Pagdating sa harap ng opisina ni Adrian, saka siya huminto. Nakahawak siya sa doorknob pero hindi niya agad iyon pinihit. Napabuga siya ng hangin at bahagyang napailing sa sarili. “Drama mo,” bulong niya bago kumatok.“Come in.”Pagpasok niya, nadatnan niya si Adrian sa mesa nito, may hawak na tablet pero agad din itong ibinaba nang makita siya. Hindi ito ngumiti, pero hindi rin malamig ang aura. “Sit,” utos nito.Napairap si Luna habang umuupo. “Good morning din,” aniya sabay ayos ng bag sa kandungan niya. Saglit siyang tin
Hindi agad nakatulog si Luna nang gabing iyon. Paulit-ulit siyang nagpabaling-baling sa kama, hinila ang kumot pataas, saka ibinaba ulit, animo’y may hinahanap siyang posisyon na kayang patahimikin ang isip niya. Pero kahit anong gawin niya, bumabalik at bumabalik pa rin ang eksena nila ni sa kotse nito—yung sandaling sinabi niyang “okay,” yung paraan ng pagtitig ni Adrian, at yung katahimikan pagkatapos ng kanilang usapan, na mas mabigat pa kaysa sa kahit anong salita.Napabuntong-hininga siya at tuluyang tumitig sa kisame.“Ang galing mo, Luna,” bulong niya sa sarili, sabay irap kahit walang nakakakita. “Hindi ka nga sigurado, pumayag ka pa.”Pinikit niya ang mata niya, pero imbes na makatulog, mas lalo lang naging malinaw ang pakiramdam sa dibdib niya—hindi lang kaba, hindi lang pagduda… kundi may halong antisipasyon na ayaw niyang aminin.At ‘yon ang mas nakakainis.Kinabukasan, mas maaga siyang nagising kaysa sa dati. Hindi rin siya nagtagal sa kama. Bumangon siya na parang may
Tahimik ang loob ng kotse pagkapasok ni Luna. Hindi agad niya isinara ang pinto. Nakahawak pa siya sa handle, kalahati ng katawan niya nasa loob, kalahati nasa labas—animo’y nagdadalawang-isip kung sasakay o hindi. “Luna.”Agaw pansin sa kanya ni Adrian. Sa huli ay sumakay na rin siya. Kasya naman makpag-agawan siya sa taxi. Sumandal siya at inihilig ang ulo sa headrest. Medyo nakaramdam siya ng ginhawa nang buksan ni Adrian ang aircon ng sasakyan. “Seatbelt,” paalala nito habang sinisimulang buhayin ang makina ng sasakyan. “Alam ko,” she hissed.Hinila niya ang seatbelt, ngunit hindi na iyon mahila dahil sumabit ang bandang dulo niyon.Napakagat-labi siya habang pilit na hinihila ang seatbelt. “Wait—”Pero bago pa niya iyon maayos ay gumalaw na si Adrian. Dahan-dahan itong lumapit at yumuko para abutin ang seatbelt sa gilid niya. Halos magdikit ang balikat nila, at sandaling sumayad ang braso nito sa kanya.Hindi siya gumalaw.Hindi rin siya makahinga. At halos magrigudon ang la
Hindi pa tuluyang humuhupa ang gulo sa isip ni Luna nang sumunod na araw. Kahit pilit niyang ibinabaon ang nangyari kagabi, dala niya pa rin iyon—sa bawat galaw, sa bawat tingin, sa bawat sandaling napapahawak siya sa labi niya nang hindi niya namamalayan. “Focus,” bulong niya sa sarili habang nag
Hindi agad umatras si Luna pagkatapos ng halik; ilang segundo siyang nanatiling nakapikit, parang hindi niya alam kung paano babalik sa reyalidad, hanggang sa unti-unting pumasok sa isip niya ang ginawa nila at doon siya napamulat. “Wait—” mahina niyang sabi bago bahagyang itulak si Adrian, hindi
Bandang tanghali, tinawag si Luna ng HR at inabutan ng makapal na envelope. “Paki-deliver na lang ito sa executive conference room,” sabi ng HR staff. “Legal team meeting ‘yan—urgent.” Napakunot ang noo ni Luna. “Legal team?” “Oo,” sagot nito habang abala sa files. “May negotiation today. Si Att
Hindi agad nakaalis si Luna matapos niyang sabihin ang mga salitang pilit niyang pinanindigan. “It meant nothing.” Para itong umalingawngaw sa buong silid, mabigat at matalim, at halatang hindi pinaniwalaan ni Adrian. Tahimik ang opisina, ngunit ang katahimikang iyon ay parang bagyong handang su







