Share

Chapter 4

Author: Débora Oliveira
Sa mansyon ng pamilya Herrera, nakaupo si Felix sa kanyang malaking upuan sa dulo ng hapag-kainan. Kahit halata na ang edad at ang sakit na unti-unting kumakain sa lakas niya, tuwid pa rin ang tindig niya. Ang mga mata niya ay matalim pa rin, parang kayang kontrolin ang buong silid. Sa tabi niya, si Amelia, ang asawa niya, tahimik na nagmamasid. Kita sa mukha nito ang pag-aalala sa kalagayan ng matanda.

Sa kabilang bahagi ng mesa, si Philip, ang anak ni Felix, at ang asawa nitong si Hazel, na madrasta ni Locklan, ay palihim na nagkakatinginan.

Nang makaupo na ang lahat, itinaas ni Felix ang baso ng alak. Pero hindi siya nag-toast. Sa halip, nagsalita siya, mabigat at diretso ang boses.

“Para sa magiging apo ko sa tuhod,” anunsyo niya. “Kailangang magpakasal agad si Locklan.”

Si Amelia ang unang umalma. Bahagya siyang yumuko, halatang nahihirapan.

“Felix, hindi mo puwedeng pilitin ang apo natin,” mahinahon niyang sabi, pero may lungkot sa tinig. “May karapatan siyang pumili para sa sarili niya. Alam mong bata pa lang siya, sinasabi na niyang ayaw niya ng kasal.”

Ipinatong ni Felix ang nanginginig niyang kamay sa mesa. Kita ang mga litid sa kamay niya, pero matatag pa rin ang boses.

“Wala akong pakialam,” malamig niyang sagot. “Ang pamana ng Herrera, kailangan may legal na tagapagmana. Para ma-validate ang mana, alam ni Locklan na kailangan niyang magpakasal at magkaroon ng anak sa legal niyang asawa. At dapat tumagal ang kasal nang hindi bababa sa isang taon.”

Napabuntong-hininga si Amelia at napayuko, parang hindi na kayang kontrahin ang katigasan ng asawa.

“Kinukulong mo ang buhay niya sa mga kondisyon…”

“Hindi ’yan simpleng rules,” putol ni Felix. “Mga kondisyon ’yan. Kung hindi susundin ni Locklan, mapupunta ang lahat sa pinsan niya.”

Inayos ni Philip ang suot niyang amerikana at bahagyang sumandal pasulong.

“Tama lang naman,” sabi niya, parang matagal nang handa ang sasabihin. “Choice naman ni Locklan ang buhay na gusto niya.”

Sumingit si Hazel, may malamig na ngiti.

“Kailangan niyang maintindihan na hindi lang siya ang mahalaga dito. It’s about the family.”

Tinignan sila ni Amelia nang may dismaya, halos maluha ang mga mata.

“Puro pera ang iniisip ninyo. Buhay ng tao ang pinag-uusapan natin. At apo mo rin si Caleb, anak mo rin si Andres, Felix.”

Lalong bumigat ang hangin sa silid.

Biglang narinig ang mga hakbang sa hallway. Lumitaw si Locklan sa may pintuan. Halatang pagod sa biyahe, pero buo pa rin ang presensya. Sanay siyang tinitingnan at hinuhusgahan.

Natahimik ang lahat at sabay-sabay siyang tinignan.

“Mukhang dumating ako sa gitna ng trial,” sabi niya, paos ang boses at may halong sarkasmo.

Napilitang ngumiti si Hazel.

“Pinag-uusapan lang namin ang future mo, Locklan.”

Bahagyang kumunot ang noo niya at napatawa nang maikli.

“Pinag-uusapan? I would call it something else.” Lumapit siya sa mesa at hinawakan ang sandalan ng isang upuan habang nakatingin kay Hazel.

Biglang hinampas ni Felix ang mesa. Umalingawngaw ang tunog.

“Maupo ka. Kailangan kitang kausapin.”

Umupo si Locklan, hinila ang upuan nang may konting inis.

Diretso ang tingin ni Felix.

“Alam mo ang kondisyon. Para makuha mo ang mana at manatili kang namumuno sa mga kumpanya, kailangan mong magpakasal. At bigyan mo ako ng apo sa tuhod.”

Napatawa si Locklan nang maiksi, pero mapait.

“Seriously, Lolo? Ilang beses na natin ’to pinag-usapan.” Umupo siya nang mas komportable at tumingin sa matanda. “Hindi ko ’yan gusto. At hindi ko gugustuhin. I’m perfectly fine with my life.”

Sumingit si Philip, medyo tense ang tono.

“Hindi ito tungkol sa gusto mo, Locklan. It’s your duty.”

Agad lumingon si Locklan sa kanya. Matalim ang tingin at halata ang lumang sama ng loob.

“Duty?” malamig niyang tanong. “Ikaw ang magsasalita tungkol sa duty, Philip? Hindi ka nga naging maayos na ama. Hindi ka rin naging mabuting asawa.”

Biglang tumayo si Philip, galit na galit, namumula ang mukha.

“Wala kang respeto!”

Diretsong tinignan siya ni Locklan, hindi kumukurap. May mapait na ngiti sa labi niya.

“Ang respeto, pinaghihirapan ’yan. At wala kang ginawa para irespeto kita.”

Sumingit si Hazel. Yumuko siya nang bahagya sa mesa, matamis ang boses pero may lason ang tono.

“Locklan, isipin mo kung ano ang mawawala sa ’yo. The luxury, the privileges, the trips…”

Dahan-dahang lumingon si Locklan sa kanya. Kita ang galit sa bawat salita.

“Natatakot ka bang mawala ang magandang buhay mo?” matalim ang tono niya. “Sa totoo lang, alam mong hindi basta-basta mawawala ang business empire na itinayo ng Lolo ko. Hindi tulad ng kaya ng asawa mo. Baka panahon na para magtrabaho ka rin, Hazel.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Hazel. Nawala ang ngiti niya. Napahawak si Amelia sa dibdib sa gulat, habang humakbang pasulong si Philip, galit na galit.

“Tama na, Locklan!” sigaw niya. “Puro galit ang kinikimkim mo. Ilang taon na ang lumipas! Move on na!”

Ngumiti si Locklan nang bahagya, malamig at parang nang-aasar.

“Para sa inyo siguro. Pero hindi para sa akin.”

Tumayo siya at hindi na pinansin ang ama at madrasta. Humarap siya kay Felix.

“Excuse me. Kailangan ko kayong makausap nang pribado, Lolo.”

Bahagyang tumango si Felix bilang pahintulot.

***

Nang gabing iyon, malayo sa mansyon, ipinarada ni Locklan ang kotse niya sa harap ng isang mamahaling condominium. Doon nakatira si Valleraine, ang girlfriend niya. Isa itong sikat na modelo, maganda, pero cold-hearted at calculative.

Sinalubong si Locklan nito ng praktisadong ngiti. Ang malinaw nitong mga mata ay mas puno ng ambisyon kaysa lambing. Nakasuot si Valleraine ng manipis na silk robe na halos hindi matakpan ang mahahabang binti.

“Mukha kang pagod, love,” sabi niya habang isinasara ang pinto.

Umupo si Locklan sa sofa at niluwagan ang necktie. Lumapit si Valleraine mula sa likod at dahan-dahang minasahe ang balikat niya.

“You’re so tense,” bulong niya malapit sa tainga nito.

Napapikit si Locklan at napabuntong-hininga.

“Matigas pa rin si Lolo tungkol sa kasal.”

“At hindi ka papayag,” sagot niya agad, kumpiyansa ang tono. Dumaan ang kamay niya sa dibdib ni Locklan. “Pero may idea ako.”

Binuksan ni Locklan ang mga mata at tinignan siya nang mabuti.

“Idea?” malamig niyang ulit. Halatang wala siyang gana.

Umikot si Valleraine at umupo sa tabi niya. Iba ang tingin niya, parang may plano na matagal nang iniisip.

“Contract marriage,” sabi niya na parang normal lang. “Isang babae na pipiliin para doon lang. She can carry the child.”

Kumunot ang noo ni Locklan.

“Carry the child?” tuyo ang boses niya. “Pumunta ako dito para mag-relax, hindi para sa ganitong usapan. Ayoko ngang maging ama, lalo na ang magpakasal.”

“Huwag kang magalit,” mahinahon pero kalkulado ang tono ni Valleraine. “Hindi ako pwedeng magkaanak ngayon, alam mo ’yan. May problema ako sa katawan, at ayoko ring maapektuhan ang career ko. But you can meet the condition. Magpakasal ka sa iba, magpanggap na perfect couple tapos magkaanak. After one year, get a divorce. Tapos tayo na ang magpapakasal. No problem with your grandfather. We’ll hire a nanny. Maayos ang lahat kapag ganoon, ‘di ba.”

Matagal siyang tinignan ni Locklan, nakatikom ang panga.

Bigla niyang hinawakan ang braso ni Valleraine at hinila ito palapit sa kanya.

“Hanggang dito lang ang topic na ’yan,” mababa pero mariin ang boses niya. “Ayoko nang marinig ’yan. I just want to forget tonight.”

Ngumiti si Valleraine, tila nasiyahan na iba ang atensyon na nakuha niya. Lumapit siya nang mas malapit at hinaplos ang leeg ni Locklan.

“Relax,” bulong niya. “Let me take care of you.”

Sumandal si Locklan sa sofa at pumikit. Hinayaan niyang maibsan ang tensyon sa katawan niya sa paraan na alam nilang dalawa.

Naghalo ang mabibigat na buntong-hininga at mahinang ungol sa loob ng condo. Wala iyong pagmamahal. Para kay Locklan, iyon ay pagtakas. Para kay Valleraine, isa iyong paraan para manatili sa kontrol.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 100

    Nakatitig pa rin si Locklan sa pinto.Sa loob ng ilang segundo, nanahimik ang kwarto, pero walang kahit anong payapa doon. Mabigat ang tensyon, halos maramdaman sa hangin, parang pinupuno nito ang bawat espasyo sa pagitan nila.Huminga nang malalim si Eloise, pilit inaayos ang gulo sa loob niya. Pero sa tuwing magsasalita siya, mas nangingibabaw ang sakit kaysa kontrol.Dalawang bagay ang napansin ni Locklan nang sabay:hindi titigil si Eloise… at nandun pa rin ang anino sa labas ng pintoSapat na iyon para kumilos siya.“What the hell…” mahina niyang sabi, hindi nagtataas ng boses. “Kaya ayoko talagang mag-asawa.”Mababa ang tono niya, matigas, at kontrolado.Walang sigaw. Walang panginginig.Yung lamig ng boses ni Locklan, halatang galing sa matagal na pagpipigil at pagiging matatag.“Kakagaling ko lang sa nakakapagod na biyahe, tapos sasalubungin ako ng ganitong reklamo, parang kailangan kong i-explain bawat galaw ko.”Ngumiti siya nang bahagya, pero walang init. Hindi

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 99

    Habang maingay at magulo ang hapag-kainan sa ibaba, ang silid sa itaas ay balot ng mabigat na katahimikan.Isinara ni Locklan ang pinto sa likod niya nang may diin. Ang tunog ng pag-click ng kandado ay parang hudyat na nasa lugar na siya kung saan pakiramdam niya ay siya ang may kontrol.Lumayo si Eloise ng ilang hakbang, parang kusa siyang umiwas. Huminto siya malapit sa bintana, nakayakap sa sarili, na parang iyon lang ang kaya niyang gawing panangga.Tumingin siya kay Locklan. Mabilis pa rin ang paghinga niya, pero matatag ang tingin.“Okay. Ayan. Private stage mo na ito. Now talk, husband.”Saglit na hinawakan ni Locklan ang doorknob, parang doon siya kumakapit para hindi tuluyang magpadala sa galit. Pagkatapos, lumayo siya at dahan-dahang lumapit kay Eloise. Masyadong kalmado ang mga hakbang niya, halatang pilit.“You’re overreacting,” panimula niya, maingat ang bawat salita. “Hindi ito ang tamang oras para sa—”“Don’t use that tone with me, Locklan,” agad siyang pinutol ni

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 98

    Parang nanatiling nakabitin sa hangin ang sinabi ni Eloise.“Akala mo ba talaga tatanggapin ko ‘tong sitwasyon na ‘to, Locklan?”Tinitigan siya ni Locklan nang ilang segundo, pero parang mas matagal pa iyon kaysa sa totoo. Nakahawak pa rin siya sa braso ni Eloise, mainit, mahigpit, parang pinipigilan siyang umalis. Nakaigting ang panga niya, bahagyang gumagalaw ang muscle, senyales na pinipilit niyang kontrolin ang sarili.Bumaba ang tingin ni Eloise sa kamay nitong nakahawak sa kanya, saka muling umangat sa mukha nito. Nagsalita si Locklan, mababa ang boses, diretso, walang puwang para sa pagtutol.“Sa kwarto tayo mag-usap.”Walang lambing sa tono. Hindi iyon pakiusap. Utos iyon.Napatawa si Eloise nang maiksi, isang tawang mas galing sa sakit kaysa sa saya.“Ano bang problema kung dito tayo mag-usap, Locklan?” balik niya, tinaas ang baba, nagliliyab ang mata sa galit. “Kilala ka ng pamilya mo. Wala ka namang tinatago, di ba?”Bahagyang humigpit ang hinlalaki ni Locklan sa bra

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 97

    Tahimik si Felix hanggang sa sandaling iyon. Itinaas niya ang tingin mula sa kubyertos at pinagmasdan ang apo. Pagkatapos, dahan-dahan siyang tumingin kay Valleraine. Sa huli, ibinalik niya ang tingin kay Eloise.Si Daphne, halatang hindi na kayang pigilan ang sarili, bahagyang yumuko pasulong. Ang ilaw sa silid ay tumama sa mga mata niyang ngayon ay seryoso at matalim.“Bakit hindi kasama si Eloise sa trip mo?” diretsong tanong niya. “At bakit, exactly, ikaw Kuya at si Valleraine ang magkasama sa jet pabalik?”Dahan-dahang itinaas ni Locklan ang tingin at sinalubong ang mata ng kapatid. Sa loob ng isang segundo, isang mabilis na segundo, parang nawala ang lamig niya.“It's business, Princess,” sagot niya, may bahagyang ngiti. Iyong klase ng ngiti na si Daphne lang ang nakakakuha kahit sa pinakamasamang timing. “Nothing more.”“Business,” ulit ni Daphne, tuyo ang tono. “Of course. Laging very professional.”Hindi niya gustong makipag-away. Gusto lang niyang makita ni Locklan kung

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 96

    Si Amelia ang unang nag-react.Ngumiti siya nang malambing, bahagyang yumuko pasulong na parang gusto niyang damayan si Eloise sa simpleng kilos pa lang.“Apo…” sabi niya sa mahinahon at mainit na boses. “Relax ka lang. You look perfect. Elegant, beautiful, at may glow ka na hindi kayang pekein. ‘Yan ‘yung dating ng babaeng sigurado sa sarili. Wala kang kailangang baguhin.”Parang gumaan nang kaunti ang pakiramdam ni Eloise. Hindi niya alam kung ngingiti ba siya o iiwas na lang ng tingin.Si Felix naman, maingat na inilapag ang tinidor sa mesa, pinunasan ang labi gamit ang napkin, saka tumingin kay Eloise nang kalmado pero may bigat.“Miss…” panimula niya, mababa at siguradong tono. “You look stunning.” Saglit siyang tumigil, pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa nang walang pag-aalinlangan, parang may sinusukat. “Mukha kang handang guluhin ang isip ng apo ko.”Napatawa si Daphne pero napigil. Tinaasan ng kilay si Philip. Napabuntong-hininga si Hazel. Si Amelia naman ay napalaki

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 95

    Kumuha si Daphne ng isang piraso ng prutas, halatang good mood pa rin.“Lolo, mayamaya baka hindi na nga siya makaligo nang maayos,” sabi niya nang natural, may halong pilyang ngiti. “So better enjoy habang kaya pa.” Kumuha siya ng ubas sa mangkok, pinaikot-ikot muna sa daliri bago kinain. “At tungkol naman sa pagseselos ni Locklan…” dagdag niya, sabay tingin kay Eloise na parang may inside joke. “Ay, madaling solusyon ‘yan.”Isinandal niya ang baba sa kamay, halos hindi maitago ang konting malisya sa ngiti.“Mag-suot lang si Sister in law ng killer lingerie, tapos sayawan niya si Locklan.” Lalong lumapad ang ngiti niya, elegante pero mapang-asar. “Sure ako, kakalma agad ‘yung dragon.”Biglang nahiya si Eloise. Bahagyang namula ang pisngi niya. Bumaba ang kamay niya sa napkin, parang gusto niyang itago ang sarili sa kahit anong simpleng galaw. Yung dating maayos na ngiti, naging mahiyain at medyo alanganin. Ibinaba niya ang tingin sa plato, hindi alam kung saan titingin.Nanlaki

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 7

    Parang biglang tumigil ang ingay sa buong hall room. Nagkamali ng isang nota ang string quartet. Ibinaba ng mga photographer ang kanilang mga camera. Naputol ang usapan ng mga bisita. Si Locklan Reed Herrera, isa sa pinakamayayamang CEO sa mundo, ay naroon, hawak sa baywang si Eloise. Para sa karami

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 6

    Isang linggo na ang lumipas, pero para kay Eloise, parang hindi tuwid ang takbo ng oras. Para itong isang maze na paikot-ikot, at sa bawat liko, bumabalik siya sa iisang gabi na tuluyang nagpabago ng lahat sa kanya. Pira-pirasong alaala lang ang naiiwan sa kanya. Mga malabong flashback. Isang pami

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 2

    Binuksan niya ang ilaw sa sala. Basta na lang niyang inihagis ang mamahaling coat sa sandalan ng sofa. Nakalawit ang necktie niya habang isa-isa niyang inaalis ang mga butones ng puting polo, hinubad iyon at hinayaang mahulog sa sahig. Saglit na kumislap ang suot niyang Swiss na relo bago niya iyon

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 1

    Kahit pagod matapos ang isang mabigat na umaga sa kumpanya, pakiramdam ni Eloise Odette Biazon ay magaan ang lahat at masaya siya.Sa maulang araw na iyon, kakaiba ang tibok ng puso niya. Ibang klase ang excitement na nararamdaman niya. Iyon ang third anniversary nila ni Pascal Salvatores. Tatlong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status