Share

Chapter 3

Author: Débora Oliveira
Nag-vibrate ang cellphone ni Pascal at nabasag ang katahimikan ng kwarto. Pagod pa siya mula sa magdamag na kasama ang kabit, kaya sinagot niya ang tawag nang walang gana.

“Good morning, sir… are you satisfied with what you had? Did it feed your cravings?”

Matalim ang boses sa kabilang linya.

“Good morning? You made me lose time and money, Pascal. Wala sa kama ko ang girlfriend mo gaya ng napag-usapan natin! I ended up sleeping while waiting!”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Pascal.

“Paano nangyari ’yan…”

“Tama na. Wala nang promotion na naghihintay sa ‘yo!”

Agad pinutol ang tawag. Wala siyang pagkakataon para magsalita pa.

Napatayo si Pascal sa gitna ng kwarto, hindi makapaniwala. Ilang segundo ang lumipas bago sumabog ang galit niya. Inihagis niya ang cellphone sa pader.

“Bwisit ka…” ungol niya, namumula ang mga mata sa galit. “Sinira mo ang lahat!”

***

Labinlimang araw ang lumipas.

Mabagal ang takbo ng oras para kay Eloise. Hindi siya mapakali. May mabigat siyang pakiramdam sa dibdib na hindi niya maipaliwanag. Ang mga message niya kay Pascal ay seen lang o minsan hindi man lang nabubuksan. Ang mga tawag niya, diretso sa voicemail.

Sa unang linggo, pinilit niyang intindihin.

“Siguro busy lang… maraming work…” bulong niya sa sarili.

Pero pagsapit ng ikalawang linggo, mas lalong bumigat ang katahimikan. Ang pagmamahal na akala niya ay matatag, parang unti-unting nababasag araw-araw.

Sa sobrang pag-aalala, tumawag siya sa magiging biyenan niya para magtanong ng balita. Doon niya nalaman ang bagay na halos magpatumba sa kanya.

“May inaasikaso siyang problema sa ibang branch, hija. Nasa ibang state siya for a few days,” malamig na sabi ng babae. “Hindi ba niya sinabi sa ’yo?”

Parang nahulog ang puso ni Eloise. Nagsikip ang lalamunan niya pero pinilit niyang maging normal ang boses.

“Ah… oo. Nasabi naman niya. Nabanggit lang niya ng konti,” pagsisinungaling niya. “Nakalimutan ko lang.”

Pagkababa ng tawag, tuloy-tuloy na tumulo ang mga luha niya.

Kinulong niya ang sarili sa opisina niya sa kumpanya nang araw na iyon. Sinubukan niyang mag-focus sa mga reports, pero hindi siya makapag-concentrate. Ang mahinang tunog ng ulan sa bintana ay parang sumasalamin sa lungkot niya.

Biglang bumukas ang pinto.

Pumasok si Orion, maputla ang mukha at halatang problemado.

“Eloise, we need to talk,” nanginginig ang boses niya.

Agad tumayo si Eloise.

“Ano na naman ’to, Orion? Anong kalokohan na naman ang ginawa mo?”

Isinara niya ang pinto at sumandal sa mesa, parang nawawalan ng lakas ang mga tuhod.

“May nagawa akong malaking problema, Eloise,” mabilis niyang sabi. “Pumasok ako sa isang malaking sugal… high stakes. Natalo ako. Ginawa kong collateral ang kumpanya at… at natalo ko.”

Nanlaki ang mga mata ni Eloise.

“Ano?” malakas niyang sabi. “Nababaliw ka ba? Ang kumpanya lang ang meron tayo!”

“Sigurado akong mananalo ako, pero pumalpak,” sabi ni Orion habang hinihimas ang buhok niya, pawis na pawis. “Para mabawi ang mga papeles, umutang ako sa mga loan shark. Ngayon, tinatakot nila ako… pati tayo.”

Napahawak si Eloise sa bibig niya, hindi makapaniwala.

“Wala ka talagang utak minsan, Orion,” sabi niya, nanginginig sa galit.

Nagpatuloy si Orion, halos mabasag ang boses.

“Sabi nila kapag hindi ako nagbayad agad, hahabulin nila ang pamilya. You’re in danger, Eloise. Si Papa… si Mama… lahat tayo.”

“Si Papa…” mahina niyang sabi habang napapikit. “Alam mo kung ano mangyayari kapag nalaman niya ’to. Hindi na kakayanin ng puso niya ang isa pang ganyang problema.”

Tumango si Orion, may luha sa mga mata.

“Alam ko. I know. Iyon ang kinakatakot ko. Hindi niya puwedeng malaman ang problema, Eloise.”

Sumabog ang galit ni Eloise.

“Kailan ka ba matututo, Orion?” sigaw niya, halos maiyak. “Ikaw ang panganay! Pagod na pagod na ako sa pag-aayos ng mga gulo mo. Ako lagi ang sumasalo! Ako lagi ang naglilinis ng kalat mo!”

Yumuko si Orion, nahihiya.

“Alam ko… nagkamali ako…”

“Nagkamali?” malakas niyang hinampas ang mesa. “Hindi sapat ang salitang ’yan!” Lumapit siya at tinitigan siya nang diretso. “Magkano ang utang mo?”

Nag-atubili si Orion. Parang natatakot siyang sabihin ang halaga.

“Kasama ang interes… 30 million pesos.”

Parang umikot ang mundo ni Eloise. Napaatras siya ng isang hakbang, tulala.

“T-Thirty million?” Halos mawalan siya ng hininga. “Orion, papatayin talaga kita! Galit na galit ako ngayon!”

Hindi na siya nakapag-isip. Tumama ang palad niya sa pisngi ng kapatid.

“Sobra na ’yang bisyo mo! How are we supposed to get that kind of money?” Umiiyak na siya. “Wala tayong ganyang halaga sa cash flow. Kapag may malaking galaw sa account, mapapansin ni Papa. Alam mo kung ano ang ibig sabihin nun!”

Tinitigan siya ni Orion, namumula ang pisngi. Mas masakit ang hiya kaysa sa sampal.

“Hindi ako nag-isip… akala ko mananalo ako…”

“Iyon nga ang problema!” sigaw niya. “Hindi ka nag-iisip! Basta ka na lang gumagawa ng desisyon, tapos kami ang nagbabayad. Ako ang sumasalo, tayo ang nadadamay!”

Bumagsak ang mabigat na katahimikan sa pagitan nila. Hinihingal si Eloise, magulo ang isip. Galit siya, sugatan, pero may isang katotohanang hindi niya kayang itanggi: mahal niya ang kapatid niya. Kahit gaano pa ito ka-troublemaker.

Pumikit siya at pinunasan ang luha.

“Ako ang aayos nito,” mahina niyang sabi.

“Ano? Paano?” nanginginig na tanong ni Orion. “Wala nang paraan, Eloise. There’s no way out.”

Biglang pumasok sa isip niya ang isang alaala. Parang malamig na hangin na dumaan sa likod niya.

Ang card.

Ang itim na card na iniwan sa tabi ng kama. Ang akala niya noon ay simbolo ng pagmamahal ni Pascal.

Bumilis ang tibok ng puso niya.

“Alam ko na ang gagawin ko,” matatag niyang sabi. “Pascal, patawarin mo ako.”

Naguguluhan si Orion.

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Huling beses na ’to na tutulungan kita. Naiintindihan mo?” malamig na sagot niya. “May ipapangako ka muna sa akin. Magpapagamot ka. Rehabilitation. Hindi ka na magsusugal ulit. Ever. Promise me.”

Tumango si Orion, desperado na.

“I swear, Eloise. I swear in the name of Mama.”

Huminga nang malalim si Eloise at tumingin nang diretso sa kapatid.

“Ngayong gabi, dadalhin mo ako sa pinagkakautangan mo.”

Mabigat ang gabi nang makarating sila sa address. Isang lumang bodega sa gilid ng lungsod. Amoy kalawang at gasolina ang paligid, may maririnig na malalayong tunog ng motor. May dalawang malalaking lalaki sa entrada, puro tattoo at seryoso ang mga mukha.

Mahigpit na hinawakan ni Eloise ang kamay ni Orion at pumasok. Parang lalabas ang puso niya sa kaba, pero pinanatili niyang mataas ang ulo.

Sa loob, may isang lalaking nakaupo sa likod ng mesa. Malamig ang mga mata, may sigarilyo sa kamay. Tinitingnan sila na parang hayop na naghihintay.

“So…” dahan-dahan niyang sabi habang nagbuga ng usok. “Dinala mo ang kapatid mo para ayusin ang kalokohan mo.”

Nanginginig si Orion, pero si Eloise ang nagsalita.

“Nandito ako para bayaran ang utang.”

Napangiti nang pahilis ang lalaki.

“Ang 30 million pesos ay hindi biro, miss. Sigurado ka bang kaya mo?”

Dahan-dahang binuksan ni Eloise ang bag niya. Kinuha ang itim na card at inilapag sa mesa.

“Swipe mo na.”

Tumaas ang kilay ng lalaki. Kinuha niya ang terminal at ipinasok ang card. Ilang segundo ang lumipas bago nag-confirm ang transaksyon. Mahina siyang natawa.

“Impressive. Ang ganda mo na, ang generous mo pa,” sabi niya habang inaabot pabalik ang card. “Swerte ng kapatid mo sa ’yo.”

Walang sagot si Eloise. Kinuha niya ang card, hinawakan ang braso ni Orion at hinila ito palabas. Ang bilis ng tibok ng puso niya.

Paglabas nila, sinalubong siya ng malamig na hangin ng gabi. Pero hindi nito napakalma ang magulong pakiramdam sa dibdib niya.

Naniniwala siyang tama ang ginawa niya. Nailigtas niya ang kapatid, naprotektahan ang pamilya, naiwasan ang mas malaking gulo.

Hindi niya alam na sa pag-swipe niya ng card na iyon, may binuksan siyang pinto sa mga pangyayaring tuluyang magbabago sa kapalaran niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 100

    Nakatitig pa rin si Locklan sa pinto.Sa loob ng ilang segundo, nanahimik ang kwarto, pero walang kahit anong payapa doon. Mabigat ang tensyon, halos maramdaman sa hangin, parang pinupuno nito ang bawat espasyo sa pagitan nila.Huminga nang malalim si Eloise, pilit inaayos ang gulo sa loob niya. Pero sa tuwing magsasalita siya, mas nangingibabaw ang sakit kaysa kontrol.Dalawang bagay ang napansin ni Locklan nang sabay:hindi titigil si Eloise… at nandun pa rin ang anino sa labas ng pintoSapat na iyon para kumilos siya.“What the hell…” mahina niyang sabi, hindi nagtataas ng boses. “Kaya ayoko talagang mag-asawa.”Mababa ang tono niya, matigas, at kontrolado.Walang sigaw. Walang panginginig.Yung lamig ng boses ni Locklan, halatang galing sa matagal na pagpipigil at pagiging matatag.“Kakagaling ko lang sa nakakapagod na biyahe, tapos sasalubungin ako ng ganitong reklamo, parang kailangan kong i-explain bawat galaw ko.”Ngumiti siya nang bahagya, pero walang init. Hindi

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 99

    Habang maingay at magulo ang hapag-kainan sa ibaba, ang silid sa itaas ay balot ng mabigat na katahimikan.Isinara ni Locklan ang pinto sa likod niya nang may diin. Ang tunog ng pag-click ng kandado ay parang hudyat na nasa lugar na siya kung saan pakiramdam niya ay siya ang may kontrol.Lumayo si Eloise ng ilang hakbang, parang kusa siyang umiwas. Huminto siya malapit sa bintana, nakayakap sa sarili, na parang iyon lang ang kaya niyang gawing panangga.Tumingin siya kay Locklan. Mabilis pa rin ang paghinga niya, pero matatag ang tingin.“Okay. Ayan. Private stage mo na ito. Now talk, husband.”Saglit na hinawakan ni Locklan ang doorknob, parang doon siya kumakapit para hindi tuluyang magpadala sa galit. Pagkatapos, lumayo siya at dahan-dahang lumapit kay Eloise. Masyadong kalmado ang mga hakbang niya, halatang pilit.“You’re overreacting,” panimula niya, maingat ang bawat salita. “Hindi ito ang tamang oras para sa—”“Don’t use that tone with me, Locklan,” agad siyang pinutol ni

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 98

    Parang nanatiling nakabitin sa hangin ang sinabi ni Eloise.“Akala mo ba talaga tatanggapin ko ‘tong sitwasyon na ‘to, Locklan?”Tinitigan siya ni Locklan nang ilang segundo, pero parang mas matagal pa iyon kaysa sa totoo. Nakahawak pa rin siya sa braso ni Eloise, mainit, mahigpit, parang pinipigilan siyang umalis. Nakaigting ang panga niya, bahagyang gumagalaw ang muscle, senyales na pinipilit niyang kontrolin ang sarili.Bumaba ang tingin ni Eloise sa kamay nitong nakahawak sa kanya, saka muling umangat sa mukha nito. Nagsalita si Locklan, mababa ang boses, diretso, walang puwang para sa pagtutol.“Sa kwarto tayo mag-usap.”Walang lambing sa tono. Hindi iyon pakiusap. Utos iyon.Napatawa si Eloise nang maiksi, isang tawang mas galing sa sakit kaysa sa saya.“Ano bang problema kung dito tayo mag-usap, Locklan?” balik niya, tinaas ang baba, nagliliyab ang mata sa galit. “Kilala ka ng pamilya mo. Wala ka namang tinatago, di ba?”Bahagyang humigpit ang hinlalaki ni Locklan sa bra

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 97

    Tahimik si Felix hanggang sa sandaling iyon. Itinaas niya ang tingin mula sa kubyertos at pinagmasdan ang apo. Pagkatapos, dahan-dahan siyang tumingin kay Valleraine. Sa huli, ibinalik niya ang tingin kay Eloise.Si Daphne, halatang hindi na kayang pigilan ang sarili, bahagyang yumuko pasulong. Ang ilaw sa silid ay tumama sa mga mata niyang ngayon ay seryoso at matalim.“Bakit hindi kasama si Eloise sa trip mo?” diretsong tanong niya. “At bakit, exactly, ikaw Kuya at si Valleraine ang magkasama sa jet pabalik?”Dahan-dahang itinaas ni Locklan ang tingin at sinalubong ang mata ng kapatid. Sa loob ng isang segundo, isang mabilis na segundo, parang nawala ang lamig niya.“It's business, Princess,” sagot niya, may bahagyang ngiti. Iyong klase ng ngiti na si Daphne lang ang nakakakuha kahit sa pinakamasamang timing. “Nothing more.”“Business,” ulit ni Daphne, tuyo ang tono. “Of course. Laging very professional.”Hindi niya gustong makipag-away. Gusto lang niyang makita ni Locklan kung

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 96

    Si Amelia ang unang nag-react.Ngumiti siya nang malambing, bahagyang yumuko pasulong na parang gusto niyang damayan si Eloise sa simpleng kilos pa lang.“Apo…” sabi niya sa mahinahon at mainit na boses. “Relax ka lang. You look perfect. Elegant, beautiful, at may glow ka na hindi kayang pekein. ‘Yan ‘yung dating ng babaeng sigurado sa sarili. Wala kang kailangang baguhin.”Parang gumaan nang kaunti ang pakiramdam ni Eloise. Hindi niya alam kung ngingiti ba siya o iiwas na lang ng tingin.Si Felix naman, maingat na inilapag ang tinidor sa mesa, pinunasan ang labi gamit ang napkin, saka tumingin kay Eloise nang kalmado pero may bigat.“Miss…” panimula niya, mababa at siguradong tono. “You look stunning.” Saglit siyang tumigil, pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa nang walang pag-aalinlangan, parang may sinusukat. “Mukha kang handang guluhin ang isip ng apo ko.”Napatawa si Daphne pero napigil. Tinaasan ng kilay si Philip. Napabuntong-hininga si Hazel. Si Amelia naman ay napalaki

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 95

    Kumuha si Daphne ng isang piraso ng prutas, halatang good mood pa rin.“Lolo, mayamaya baka hindi na nga siya makaligo nang maayos,” sabi niya nang natural, may halong pilyang ngiti. “So better enjoy habang kaya pa.” Kumuha siya ng ubas sa mangkok, pinaikot-ikot muna sa daliri bago kinain. “At tungkol naman sa pagseselos ni Locklan…” dagdag niya, sabay tingin kay Eloise na parang may inside joke. “Ay, madaling solusyon ‘yan.”Isinandal niya ang baba sa kamay, halos hindi maitago ang konting malisya sa ngiti.“Mag-suot lang si Sister in law ng killer lingerie, tapos sayawan niya si Locklan.” Lalong lumapad ang ngiti niya, elegante pero mapang-asar. “Sure ako, kakalma agad ‘yung dragon.”Biglang nahiya si Eloise. Bahagyang namula ang pisngi niya. Bumaba ang kamay niya sa napkin, parang gusto niyang itago ang sarili sa kahit anong simpleng galaw. Yung dating maayos na ngiti, naging mahiyain at medyo alanganin. Ibinaba niya ang tingin sa plato, hindi alam kung saan titingin.Nanlaki

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 7

    Parang biglang tumigil ang ingay sa buong hall room. Nagkamali ng isang nota ang string quartet. Ibinaba ng mga photographer ang kanilang mga camera. Naputol ang usapan ng mga bisita. Si Locklan Reed Herrera, isa sa pinakamayayamang CEO sa mundo, ay naroon, hawak sa baywang si Eloise. Para sa karami

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 4

    Sa mansyon ng pamilya Herrera, nakaupo si Felix sa kanyang malaking upuan sa dulo ng hapag-kainan. Kahit halata na ang edad at ang sakit na unti-unting kumakain sa lakas niya, tuwid pa rin ang tindig niya. Ang mga mata niya ay matalim pa rin, parang kayang kontrolin ang buong silid. Sa tabi niya, si

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 2

    Binuksan niya ang ilaw sa sala. Basta na lang niyang inihagis ang mamahaling coat sa sandalan ng sofa. Nakalawit ang necktie niya habang isa-isa niyang inaalis ang mga butones ng puting polo, hinubad iyon at hinayaang mahulog sa sahig. Saglit na kumislap ang suot niyang Swiss na relo bago niya iyon

  • One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire   Chapter 1

    Kahit pagod matapos ang isang mabigat na umaga sa kumpanya, pakiramdam ni Eloise Odette Biazon ay magaan ang lahat at masaya siya.Sa maulang araw na iyon, kakaiba ang tibok ng puso niya. Ibang klase ang excitement na nararamdaman niya. Iyon ang third anniversary nila ni Pascal Salvatores. Tatlong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status