Mag-log in“Magpadala ka ng mga eksperto upang suriin muna ang katawan ni Lola. Alamin kung may kakaibang sanhi ang kanyang pagkamatay.” Kahit na base sa sinabi ni Anita ay halos wala nang pag-asang may ibang gumawa nito, mas mabuti pa ring masuri nang maayos upang mawala ang pagdududa.Natigilan si Liam—naghihinala ba si Marco na sinadya ang pagpatay sa matanda? “Gagawin ko agad.”“Tingnan mo rin ang kalagayan ni Stevan. Maglagay ka ng ilang mapagkakatiwalaang tauhan na magbabantay sa kanya nang salitan. Huwag na huwag itong iiwan nang walang kasama. Sa sandaling magkamalay siya, ipaalam mo sa akin agad.”Tumango si Liam. “Sisimulan ko na ang pag-aayos nito.”“At isa pa—pwede mo bang sabihan ang silid ng mga rekording na kailangan kong tingnan ang mga kuha ng kamera?”“Walang problema.”Sa labas ng ICU.Matapos alamin ni Stephano ang kalagayan ni Stevan, pinalibutan siya ng mga kamag‑anak mula sa ibang sangay ng pamilyang Montezides na naghihintay sa paggising nito."Stephano, wala na ang matan
“Hindi iyan totoo!” Pigil ni Anita kay Stephano. “Master Stephano, mula nang maipasok ang matanda sa ospital, unti-unting bumaba ang kanyang presyon at naging maayos ang kanyang kalagayan. Walang kinalaman ang binata sa kanyang pagkamatay.”“Naniniwala naman ako sa kanya, ngunit malakas ang hatol ng opinyon ng mga tao. Kung haharangin niya nang ganito ang bangkay ng aking ina…”“Uncle,” putol ni Marco, “kapag nalaman na ang buong katotohanan, magbibigay ako ng tamang paliwanag sa inyo. Ako na ang bahala sa paglilibing ni Lola.”Tumahimik sandali si Stephano. “Sige. Ako pa rin ang may pananagutan sa lahat. Anak pa rin ako ng iyong lola, at kahit pilay na ako, may bigat pa rin ang aking salita. Dahil sinabi mo iyan, magtitiwala ako sa iyo. Ipinagkakatiwala ko na sa iyo ang lahat.”"Thank you, uncle."“Bakit pa tayo nag-uusap ng ganito? Kumusta naman si Stevan?”Idiniin ni Marco ang kanyang mga labi at sumagot makalipas ang ilang sandali. "Stable siya sa ngayon, ngunit kailangan pa ring
Bahagyang kumuyom ang mga kamao ni Ericka, nag-ipon siya ng lakas‑ng‑loob at tumakbo palapit kay Marco. "Get out of here! I won't let you see Stevan again! I know you're just here because you're guilt is creeping in, but I won't let you, he is my husband after all. From now on, I am cutting our ties! I am no longer your mother!" Habang nagsasalita ay patuloy na nakatapon ang kamao niya kay Marco. Mahigpit na hinawakan ni Marco ang pulso ni Ericka. Ibinaba niya ang kanyang malamig na tingin sa mukha nito na basang‑basa ng luha, at may malalim na tinig na nagtanong. "Why did he end up in this situation?" Nanigas ang buong katawan ni Ericka, bahagyang nanginginig ang kanyang mga pilikmata, at patuloy na humahagulgol. “Ikaw pa ang nagtatanong sa akin? Kasalanan mo ang lahat! Nagkasakit at naospital ang iyong amain dahil sa iyo. Inutusan ka niyang hiwalayan si Sierra, ngunit matigas ang iyong ulo at tumanggi ka. Nitong mga nakaraang araw, lalo pang lumala ang mga balitang kumakalat sa in
Naabutan niya si Marco na pilit binubuksan ang pinto ng sasakyang nakaparada sa labas. Nang hindi ito mabuksan, sa inis ay sinipa pa ito ng lalaki. Mabilis na bumalik si Carlos sa loob upang kunin ang susi ng sasakyan, at agad itong binuksan. Malinaw na wala sa tamang katinuan at kalagayan si Marco upang magmaneho. “Let's go to the hospital,” utos nito. Nang marinig ang salitang 'hospital,' agad na nahulaan ni Carlos na may kinalaman ito kay Senyora. Hindi na ito nagtanong pa, pinaandar agad ang makina at mabilis na humarurot ang sasakyan. Nadaanan nila ang ilang traffic lights sa daan, kaya pagdating nila sa tapat ng hospital ay may ilang traffic enforces na nakasunod da kanila. Pagkababa ay agad na tumakbo si Marco sa kinaroroonan ng kanyang Lola. Naiwan si Carlos upang asikasuhin ang mga paglabag sa batas-trapiko. Nang makita ni Anita si Marco sa bukana ng silid, dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo—nakayuko ang katawan at puno ng luha ang mga mata habang nagsalita n
Nanlamig ang buong katawan ni Ericka at mabilis na tumayo, ngunit napagtanto niyang mahigpit na hawak ni Stevan ang kanyang damit gamit ang dalawang kamay—hindi niya ito matanggal kahit anong pilit niya.Sa sobrang kaba ay namula ang kanyang mukha at tumulo ang pawis sa kanyang noo.Dumating ang doktor na gumagawa ng pag-iikot sa mga pasyente. Kumatok ito nang maayos at pagkatapos ay binuksan ang pinto.Sa isang iglap ay ibinaba ni Ericka ang lubid ng tawag, dumagan sa ibabaw ni Stevan, at sumigaw nang may halong pag-aalala. "Stevan, wake up! Please wake up!”Agad na nagbago ang mukha ng doktor at mabilis na pumasok sa silid. “Ano ang nangyari?”Mabilis na sumagot si Ericka. “Doc, pakiusap, iligtas ninyo ang asawa ko! Sinubukan ko sanang pindutin ang intercom, ngunit ayaw niya akong bitawan.”Tinulungan agad ng doktor na buksan ang mga daliri ng pasyente nang isa-isa, at nagsimula na itong magbigay ng paunang lunas. Habang ginagawa ang pagsasagip ng hininga, sinabi niya kay Ericka. "G
Sa halip na damayan ito gaya ng dati, lalo pa siyang nagsalita upang pag-initin ang ulo ng asawa. “Sa loob ng maraming taon, galit at poot ang nararamdaman sa iyo ni Marco. Itinuturing ka niyang kaaway, kahit na galit siya sa akin, mas lubos ang galit niya sa'yo. I am not lying when I told you I was the one who killed Dastan Narvaez and Marcus, you are still the one who took action on why did they resulted to that."“Tumahimik ka!” Sa tindi ng galit, kitang-kita ang pagtibok ng ugat sa noo ni Stevan.Mapang-asar na ngumiti si Ericka. “I am just starting. Bakit mo ako uutusan na manahimik? Naaalala mo pa ba noong nawala si Marco noong walong taong gulang pa lamang siya?”Biglang nanlaki ang mga mata ni Stevan sa matinding gulat.“Nahulaan mo na ba?” Tumango si Ericka. “Tama. Hindi iyon aksidente. Ako ang nag-utos na dukutin siya at iwanan sa isang liblib na bayan sa hangganan ng bansa, upang doon na lamang siya mamuhay nang mag-isa.”“Ikaw... H-halimaw ka…” Nanginginig ang buong katawa
Alas tres ng hapon nang matapos ang unang araw ng photoshoot. Kaya naman maagang nakaalis si Sierra at nagkaroon pa ng oras para pumunta ng mall para bumili ng regalo para kay Marco. Masyado na siyang maraming nagawang kasalanan sa lalaki kaya dapat lang na bumawi siya. Nag-ikot-ikot pa sa mall si S
“Okay, I'll be there in a few.” Aniya bago ibaba ang telepono. Malalim na nagbuntong-hininga si Sylvio nang maibaba niya ang tawag, liyong-liyo pa rin siya sa nangyari. Wala sa sarili siyang nagbaba ng tingin sa babaeng nakakapit pa rin ang mga braso at beywang sa kanya, ngunit nakasandal na lang it
“Darling, hindi ba ay dapat ka pang matuwa dahil ang anak natin mismo ang kusang dumalaw sa atin dito? You know Marco, mahirap siyang mapapunta rito nang kusang loob…” Pagpapakalma ni Ericka sa kanyang asawang nanginginig na dahil sa galit. Matalim na pinukol ng tingin ni Stevan si Ericka. “Are you
Alam ni Sierra na suklduan ang sama ni Adriana, ngunit hindi niya inasahan ang pangyayari sa araw na ito. Masyado yata siyang naging kampante, after all mula nang magtrabaho siya sa A.C's ay wala ng ginawa ang babae kundi ang sirain ang reputasyon niya. Nang mapansin ni Sierra na may paparating ay w
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






