LOGIN“Sigurado ka ba riyan, Gwen?” Tanong ni Sierra.
“Oo, siguradong-sigurado, Sierra. Hindi pa ako kailanman nagkamali ng impormasyong sinabi sa iyo.” Seryosong sagot ng huli.
Napabuga ng hangin si Sierra dahil totoo naman ang sinabi ni Gwen. Hindi pa ito kailanman nagkamali sa tuwing nagbibigay ng impormasyon sa kanya.
“Sabihin mo sa akin kung saan sila magkikita at kung anong oras, pupunta ako roon ngayong gabi.” Sambit ni Sierra habang nakatingin sa asawang ni katiting na galaw ay hindi nagagawa.
Sa kabilang linya ay napakamot si Gwen sa sariling noo. Hindi nito alam kung talaga bang makakalabas si Sierra gayong ito ang gabi ng kanyang kasal. Dapat ay kasama nito ang asawa.
“Gabi ng kasal mo ngayon Sierra, paano kang makakalabas?” Tanong ni Gwen.
Umikot ang mga mata ni Sierra sa ere saka sinagot ang tanong ni Gwen.
“Walang problema iyan dahil imbalido naman itong asawa ko, wala siyang magagawa sa kung anong gusto kong gawin.”
Buntong-hininga na lang ang naging tugon ni Gwen.
Ilang saglit pa ay natanggap ba niya ang message ni Gwen.
Gwen:
Seven-thirty O’clock, second floor, room 304 at Luther’s Club.
Mabilis lang siyang pumili ng damit at lumabas na sa kwarto upang kausapin ang mga bantay ng asawa. Dalawa lang ang mga ito, ang personal nurse nito at ang lalaking butler.
Masayang binati si Sierra ng mga ito. Sa walang pagpaliguy-ligoy ay sinabi niyang magpapahinga muna siya sa kabilang kwarto dahil namamahay pa siya. Sinabi rin niyang hindi maganda ang pagkaka-ayos ni Marco sa kama kaya pumasok ang dalawa upang pagtulungang ayusin ang kalagayan nito.
Ang hindi nila alam ay gagawin iyong oportunidad ni Sierra upang tumakas. Nagmadaling siyang tumungo sa banyo at basta na lang hinubad ang wedding dress.
Isang itim na leather skirt na may slit sa kanang bahagi ng legs, ang pang-itaas niya ay isang spaghetti thin strapped top. Nang tuluyang natapos ay sinuri ni Sierra ang sarili sa harap ng salamin.
Napabuga siya ng hangin at bahagyang kinabahan.
Hindi naman siya mahilig mag-club na tao pero dahil sa taksil na dating kasintahan at sa posibilidad na maging kakampi nito ang mga Narvaez ay labis na nagpakaba sa kanya.
Ang kulot na buhok ay naka-high ponytail. May ilang hibla sa bawat gilid ng kanyang noo na siyang nagpapadagdag ng kanyang ganda.
Ilang saglit lang ay tapos na siya at umalis na ng bahay. Marahil ay busy sa dami ng ginawa kaya hindi na siya napansin pa.
Ang Luther’s Club ay isang high-end membership system. Hindi ka basta-bastang makakapasok at ang mga malalaking personalidad lamang ang pinapayagan.
Ang temporary membership card ang ginamit ni Sierra para makapasok. Nang tuluyang makapasok ay naghanap siya ng sekretong daanan kung saan mas mabilis niyang makikita si Sylvio Narvaez.
Hindi naman niya talaga kilala ang tao. Sa mga litrato lang na isini-send ni Gwen.
Ayon kay Gwen ay matinik daw ito pagdating sa negosyo. Marami silang mga business dito sa bansa maging sa labas.
Mga hotels, resorts, pharmaceutical, hospitals, clothing lines at iba pa na hindi pa kompormadong kanila. Halos pag-aari na nila ang bansa sa dami ng kanilang mga negosyo.
Lumapad ang ngiti ni Sierra nang matanawan ang isang sulok na walang tao. Doon siya mananatili habang hinihintay si Julian Montezides at Sylvio Narvaez.
Ilang saglit pa at nakaka-tatlong simsim pa lamang si Sierra ng cocktail ay natatanaw na niya si Julian Montezides na naglalakad. Nagsasalita ito ngunit hindi makikitaan ng pakialam ang kausap.
Nang tingnan ni Sierra ang cellphone ay nakumpirma niyang ang lalaking katabi ni Julian ay walang iba kundi si Slyvio Narvaez.
Ang lalaki ay matikas ang tayo habang matapang ang awra. Ang panga nito ay gumagalaw, ang mga mata ay hindi makikitaan ng emosyon o pakialam. Ang mga kamay ay nakapaloob lamang sa suot na itim na slacks.
Sa tindig at ayos pa lamang nito ay talagang maiihi ka na sa salawal sa takot.
Ni hindi man lang nito tinapapunan ng tingin ang nagsasalitang si Julian. Base sa awra nito at paraan ng pagkakangisi, halatang nagyayabang na.
Tanging ang lalaking katabi ni Sylvio ang sagot nang sagot at tango nang tango. Marahil ay assistant niya ito.
Dumako ang tingin ni Sierra sa dating kasintahan. Hindi maipagkakaila na gwapo ito at matikas, medyo payat ito sa suot na tuxedo at itim na slacks. Ngunit sa pagkakaalam niya ay hindi naman ito hands-on sa mga negosyo, ito ay isang happy-go-lucky lamang.
Kung hindi pa naaksidente si Marco na siyang original na namamahala sa Montezides corp anim na buwan na ang nakalilipas ay hindi pa mapupunta kay Julian ang responsibilidad.
Hindi nakatakas kay Sierra ay pagkunot ng noo ni Julian, ang bahagyang pagtatagis ng bagang nito sa galit dahil hindi ito kinakausap ngunit walang magawa dahil malaking tao ang binabangga niya.
Nagbuntong-hininga si Sierra. Malaking bagay ngang talaga ang pagiging makapangyarihan. Kahit gaano ka pa kaarogante ay kailangan mong magpakumbaba sa harap ng taong mas angat sa iyo.
Pinanood ni Sierra ang papasok ng mga ito sa elevator, nang mawala na ang mga ito sa paningin niya ay sumunod siya. Pumasok siya ng elevator at pinindot ang 5th floor.
Tumayo si Sierra malapit sa room 302 at nagkunwaring nagpipindot sa telepono. Ang totoo ay kailangan niyang makapasok sa loob upang malaman kung tinanggap ba ni Narvaez ang proposal ng Montezides!
Hindi iyon maaari kung nagkataon! Hindi pwedeng magsanib-pwersa ang dalawa dahil talagang hindi na niya magawa ang paghihiganti dahil mai-aangat na rin si Julian lalong-lalo na si Adriana!
Nag-iisang oras ang hinintay ni Sierra ngunit hindi pa rin lumalabas ang mga ito. Malakas ang naging bundol sa dibdib niya, sa tagal na panahong iyon ay hindi nga malabong makakakuha ng deal si Julian!
Sa sobrang kaba ay nagpalakad-lakad si Sierra sa floor na iyon. Nagkataon na may waitress na paparating kaya naman agad niya iyong nilapitan.
“Ten thousand, pumayag kang gamitin iyang suot mo.” Desperadang saad niya.
Napapantastikuhang napatingin lamang ang waitress sa kanya.
Inilabas ni Sierra ang sariling cellphone, “i-scan mo ang QR code mo rito, bilis!” Wala na talaga siyang oras kung aayaw pa ang babae!
Naguguluhan man ay kinuha pa rin ng waitress ang sariling cellphone at ini-scan ang QR code, saglit pa ay dumating na message sa kanya na nagsasabing natanggap na nito ang pera.
Dinala si Sierra ng waitress sa kanilang employee’s lounge para magpalit ng damit. Hindi kasi siya maaaring pumasok ng hindi magdi-disguise dahil makikilala siya ni Julian!
Maging ang make-up niya ay mas kinapalan pa niya. Dinagdagan ang eyeshadow at eyeliner, mukha na siyang panda! Naglagay siya ng mas pulang lipstick. Ang naka-ponytail na buhok ay hinayaan niya iyong bumagsak.
“Okay na po ba, ma'am?” Tanong sa kanya ng waitress.
Nag-thumbs up siya rito at nagpasalamat. Si Sierra na rin ang nagtulak sa trolley nitong may mga inumin na kung sinuswerte ngang talaga ay para pala ito sa room 304.
Nang nasa tapat na ng pintuan su Sierra ay inangat niya ang kamay upang kumatok, ngunit naibaba rin agad dahil sa kaba. Sa muling pag-angat ng kamay niya ay bumukas na ang pinto at iniluha niyon ang may namumungay na matang si Slyvio Narvaez.
“Hi, sir. Do you need anything?” Nasambit niya dahil sa kaba.
Natauhan si Sierra mula sa kanyang pagkatulala. "Oo... medyo mainit." Dali-dali niyang ibinaba ang kanyang ulo para magtali ng buhol, bahagya pang nanginginig ang kanyang mga kamay.Pagkatapos niya itong itali ng ilang beses, aalis na sana siya sa kanyang yakap nang hawakan siya nito sa beywang."B-Bakit?" Utal niya itong tiningala."I want to... Kiss you." Hindi iyon tunog nagtatanong, kundi tunog imporma. Bago pa man makasagot si Sierra ay naramdaman na niya ang hintuturo ni Marco sa kanyang baba at inanggulo ang kanyang ulo upang masiil ng halik ang kanyang labi. Bahagyang naningkit ang mata ni Sierra, nawala saglit sa sarili niya ang katayuan nila ni Marco. Kaya naman naisip niya itong itulak, ngunit nang maalalang mag-asawa nga pala sila at may napagkasunduan, pinikit na lamang niya ang kanyang mata at sinuklian ang banayad na halik nito.Dahan-dahang binitawan ni Marco ang labi ni Sierra. Isang ngisi ang sumilay sa kanyang labi nang makita ang pangangamatis ng mukha nito. Hu
"I'll leave this matter to you." Ani Marco kay Carlos. Tumango si Carlos. "Huwag ho kayong mag-alala boss, ako ng bahala."Tumango si Marco at inangat ang sarili mula sa pagkakaupo sa damuhan at tinungo ang sasakyan. Nakasunod si Sierra sa lalaki, nang masinagan ito ng araw ay doon napansin ni Sierra ang ibang kulay na humalo sa puti nitong damit. "May sugat ka!" Bulalas niya sa pag-aalala. Inalala niya kung paano, nang lumanding sila sa lupa kanina ay mahigpit siya nitong niyakap, sinisigurong hindi siya kailanman tatama sa kung saan. Marahil ay tumama sa bato o kung anumang matalas na bagay ang likod ng lalaki gayong una ang likod nitong tumama kanina!At talagang sinabi nitong ayos lang ito kahit na dumudugo ang likod nito! Ganoon ba talaga kataas ang pain tolerance ng lalaking iyon? "It's alright, get in the car," untag ni Marco nang makitang parang wala sa sarili si Sierra habang nakatitig sa kanyang likuran."Anong it's alright, it's alright ka riyan! No! We'll go to the hos
Sa kanilang daan pauwi, maganda ang mood ni Sierra. Nakangiti niyang tinanong si Marco. "Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng mga kulay ng rosas?" Umiling si Marco. "Kailangan bang may ibig sabihin?" Kunyaring tanong ni Marco. Of course he knows that every flower has their meanings. But he wants to hear those from her, he wants her to tell him more. Gusto niyang marinig ang boses nitong nagkukwento. Dahil gusto ng kanyang ina ang rosas, inaral niya na rin ito. "Oo naman! Bawat bulaklak may mga ibig sabihin. Kaya nga dapat kapag nagbibigay ng bulaklak, pinag-iisipang mabuti." Nakangiti niyang paliwanag sa lalaki. "Katulad naman ng rosas, ang bawat kulay ay may mga kaakibat na simbolo. Ang mga puting rosas ay sumisimbolo ng dalisay na pag-ibig, ang mga pulang rosas naman ay sumisimbolo ng madamdaming pag-ibig. Ang mga rosas na kulay rosas ay sumisimbolo ng panata ng pag-ibig, ang mga dilaw na rosas ay sumisimbolo ng walang hanggang ngiti, ang mga itim na rosas ay sumisimbolo ng
"This time, I wouldn't suppress myself of the things that I want to happen. Unlike what happened at the hot spring,"Nanigas sa kinatatayuan niya si Rianna. Nais niyang mangyari ang gusto ng lalaki ngunit alam niya sa kanyang sarili na hindi siya handa.Binasa ng maigi ni Deion ang mukha ng babae, kapagkuwan ay isang ngisi ang kumawala sa kanyang labi. "I'm craving a cigarette. I'll have one. Huwag mong kalimutang isara ang pinto." Aniya at tinalikuran ito. "Deion? Are you okay?" Untag ni Sierra dahil tila mayroong malalim na iniisip ang lalaki.Nagising si Deion sa kanyang malalim na pag-iisip. Tiningnan niya si Sierra at saka nagkibit ng balikat. "Maybe.""Alam mo ba kung bakit?""Masyado bang mahigpit ang isang ama sa kanyang anak na babae sa panahon ng pagrerebelde nito?"Hindi agad makapagsalita si Sierra. "Are you asking me?"Ngumiti si Deion at sinabi, "Pasensya na, hindi ko alam kung ano ang gusto mong malaman."Humugot ng malalim na hininga si Sierra. Nagpunta siya rito para
Sumulyap si Marco kay Sierra, ang sulok ng kanyang labi ay bahagyang naka-angat. Na para bang batid na nito ang nais niyang mangyari.Naramdaman ni Sierra na ang aura ng nilalang na nasa kanyang tabi ay gumaan, hindi niya tuloy mapigilan ang sariling mapairap. "Ang possessive naman." Bulong-bulong niya.Habang pinapanood ang interaksyon ng mag-asawa, mas lalong lumawak ang ngiti ni Deion. "Ano ang mga gusto mong malaman, Ms. Sierra?""Anything about Douglas Rodriguez," huminga siya sandali bago nagpatuloy. "I've heard that the relationship of Mr. and Mrs. Rodriguez is quite extraordinary. Mas maganda kung sa iyo mismo manggaling ang kwentong iyon tutal at sa mahabang panahon ay nasa industriyang pinangangalagaan mo siya napabilang."Tumango si Deion."Magkaklase sina Douglas at ang asawa niya sa kolehiyo, parehong nag-aaral ng acting. Nagkakilala sila noong first year college. Pagpasok sa industriya ng entertainment, mas umangat ang career ni Douglas kaysa sa asawa niyang si Jiara. K
Hindi pinansin ni Sierra ang pangalan ni Marco, bakus ay hinanap niya ang pangalan ni Deion at iyon ang in-add.Sa pinakamataas na palapag kung nasaan ang opisina ni Deion, niligpit niya ang kanyang mga gamit at saka tumayo. "Let's go," anyaya niya sa katabing si Marco.Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang tumunog ang kanyang telepono. "Oh, bud. Your wife just sent me a friend request, should I accept it?" Imporma ni Deion sa kaibigan sabay pakita rito ng kanyang telepono.Sumulyap si Marco sa screen, 'Itsmesierra.m.' Iyon lamang ang nakalagay na pangalan.Nag-iwas siya ng tingin at bahagyang gumalaw ang kanyang panga. "Your choice."Tumango si Deion at in-accept ang friend request. Napaisip siya kung ano ang susunod na gagawin, uunahan ba niya iyong batiin o hahayaan lamang itong magpadala ng mensahe?Ngunit bago pa man niya mapinalidad ang iniisip ay tumunog muli ang kanyang telepono sa isang mensahe.From itsmesierra.m: Hi, good day, Deion. Are you free now? Nasa lobby ak







