Sa labis na pagkagulat ay tumalon si Sierra paalis sa kama. Muntik pa nitong matangay si Marco dahil sumabit ang isang paa nito sa kumot! Mabuti at agad din niyang naitulak pahiga ang asawa kaya hindi ito tuluyang bumagsak sa sahig!
Napahawak si Sierra sa kanyang dibdib. Gulantang pa rin siya hanggang ngayon. Hindi niya alam kung gawa-gawa lamang ba iyon ng kanyang isipan o talagang gumalaw ang asawa.
Ngunit ang isa ng imbalido ang asawa niya. Si Marco ay hindi na magiging aktibo pa! Kaya malabo iyong mangyari.
Subalit hindi kaya, may katotohanan ang sinabi ng kaibigang shaman ni Mrs. Montezides?
Ipinilig ni Sierra ang kanyang ulo. Marahil ay napagod lamang siya sa as araw na ito kaya kung anu-ano na lang ang nakikita niya. Posible ngang pinalalaruan lang siya ng kanyang mga mata.
Oo ‘di kaya’y nangungulila lamang siya sa kakulitan ng anak kaya nangyayari ito. Kung anu-ano na lang ang idinahilan ni Sierra sa kanyang utak habang kagat-kagat ang hintuturo.
Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdadahilang iyon ay sumipol pa rin ang kuryusidad ni Sierra. Gusto niyang huwag na lamang iyong gawin ngunit talagang mayroong nag-uusig sa kaloob-looban niyang gawin ito.
Ibinaba ni Sierra ang mga kamay at ipinagsalikop iyon sa kanyang likuran. Humugot siya ng hangin mula sa kanyang dibdib, kagat-kagat ang pang-ibabang labi ay patingkayad siyang lumapit sa kaliwang bahagi ng kama, kung nasaan ang likod ni Marco.
Bahagya kasi itong nakatagilid kaya kaunting galaw lang niya ay may posibilidad itong mahulog. Hindi maintindihan ni Sierra kung bakit ganito ang posisyon ng asawa, ipagbibigay alam na lamang niya sa nurse nito mamaya at baka nakalimutan nito.
Ipinalobo ni Sierra ang kanyang pisngi at umusbong na naman ang kaba sa kanyang dibdib. Wala pa man siyang ginagawa ay nagwawala na ang mga paru-paro sa kanyang tiyan. Ganoon ito tuwing kinakabahan.
Isa. Dalawa. Tatlo.
Dahan-dahang dumukwang si Sierra upang bahagyang ilapit ang kanyang ulo sa dibdib ng asawa. Nais niyang marinig tibok ng puso ng asawa dahil baka hindi na pala ito humihinga! Mahirap na at baka siya pa ang mapagbintangan!
Parang tambol ang dagungdong sa dibdib ni Sierra, ngunit desidido na siya at talagang mas lumapit pa upang mailapat ng mabuti ang tainga sa dibdib ng hindi aktibong asawa.
Napalunok si Sierra sa nang marinig ang tibok ng puso nito. Wala sa sariling dinama rin niya ang tibok ng sariling puso at nangunot ang noo. Bakit parang parehong mabilis ang tibok ng kanilang puso?
“Alam mo, kung hindi ka lang imbalido, iisipin kong nai-intimidate ka sa akin. Crush mo ako, ‘no?” Mapaglarong sambit ni Sierra. “Sayang naman ang wedding night natin, tulog ka. Ano na lang ang gagawin kong mag-isa? Mag-imagine sa kung kaya mong gawin sa akin?” Dagdag na bulong pa ni Sierra. “Hoy, Marco, magaling ka ba sa kama?” Pilya pa niyang sinabi, pinamulahan siya sa sariling sinabi. “Shh! Sorry! Sorry! Sana ay hindi ka bangungutin sa mga sinabi ko, ah! Very good ka lang diyan, sleep like a baby, hubby. Goodnight!”
Nagmadaling umalis si Sierra sa pagkakasnadal sa dibdib ng asawa nang bigla siyang mawalan ng balanse, itinukod niya ang isang kamay sa malambot na kama ngunit dahil nag-iingat siyang huwag madaganan si Marco ay huli na nang mapansin niya ang maliit na bilog na bagay na nasa gilid niya, iyon pa naman ang napatungan ng kanyang kamay kaya naman dumulas ito at gumulong.
“Oh my, oh my!” Impit na lamang na napatili si Sierra nang tuluyan niyang masagi ang balikat ng asawa at bumagsak sa ibabaw nito!
Dahil hindi naman siya gaanong katangkaran at ang asawa ay malaking tao, nalislis ang kanyang wedding dress ay bahagyang nakapatong ang isang hita nito sa hita ni Marco. Ang kaliwang kamay ay nakatapat sa dibdib ng asawa.
Ibinaba niya ang nakapatong na paa, nang makatayo ng maayos ay inayos niya ang pwesto ng asawa kahit pa man mabigat ito. Inangat niya na rin ang comforter nito upang makumutan ng maayos ngunit ganoon na lamang ang gulat ni Sierra nang may masagi ang kanyang palad.
Malaki, matigas at mainit.
Sa nangungunot na noo ay sinilip niya iyon sa ilalim ng comforter sa pag-aakalang may heater sa loob o anuman.
Ngunit ganoon na lamang ang gitla ni Sierra sa nasaksihan. Hindi iyon heater o ano pa mang bagay kundi…
Iyon ay ang pagkalalaki ng kanyang asawa!
Nagpabalik-balik ang tingin ni Sierra sa walang malay na asawa at sa sumasaludo nitong kaibigan. Nag-init ang kanyang mga mata at wala sa sariling nag-iwas ng tingin ngunit hindi rin naman napipigilan ang sariling silipin ito.
Napalabi siya. Hindi rin ba imbalido ang bagay na ito?
Bakit tila mayroon itong physiological reaction?
Inayos na lang niya sa pagkakakumot si Marco nang marinig ang tunog ng kanyang telepono. Kinalma niya ang sarili dahil nag-iinit na ang kanyang mukha sa mga nasaksihan.
“Gwen, bakit?” Bungad nitong tanong rito.
“Julian Montezides. Ngayong isa ka ng ganap na Montezides kagaya ng iyong pinaplano. Ang iyong dating kasintahan ay kasalukuyang nakikipagmabutihan sa mga Narvaez, specifically, Slyvio Narvaez. Masyado siyang takot na maagaw mo ang posisyon niya sa kompanya kaya naghahanap na siya ng kakampi.” Imporma sa kanya ni Gwen.
Narvaez. Ang pinakamayamang pamilya sa buong bansa maging sa pang-international. Maging ang mga Montezides ay hindi pumapantay sa kanilang kayamanan.
Slyvio Narvaez. Ang business tycoon na misteryoso at nabibilang pa lamang sa mga kamay ang nakakakilala sa kanya ng personal.
Agad na bumaling si Mrs Buena sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Nang makitang si Marco iyon, bagama't nakararamdam siya ng lamig sa kanyang kalamnan dahil sa awra nito ay pinatatag niya ang sarili alang-alang sa kanyang anak. "My son fractured his spine because he just saved your wife, because of that, he is now bedridden. You, the Montezides' should give a compensation, right?" Taas noo niyang sinabi."What?" Kalmadong tanong ni Marco, ang isang kilay ay nakataas. "What did you just say?"Mariing lumunok si Mrs Buena, at saka matapang niyang sinagot si Marco. "It's a done deal, Mr. Montezides. I am not unreasonable. Kung makipag-kooperasyon ang Montezides sa mga Buena, maaari ko itong ipagsawalang bahala." Napatango-tango, ngayon ay naiintindihan na niya. Pumunta lamang ito rito upang gumawa ng kaguluhan. Noong una ay akala niya sobra lang itong concern sa anak nito kaya mas hinabaan pa niya ang pasensya, but it turns out, may iba pa pala itong pakay. She took advantage of his s
"Why not?" Si Mr. Lu na kapapasok lang. "Why don't you try, Sierra? I'm sure your career will bloom right away because you are good at what you're doing!"Tipid na ngiti ang iginawad ni Sierra. "Thank you, I appreciate the offer but Mr. Lu, I can't accept it, I'm sorry. Pumayag lang po ako gumanap sa parte ni Ms. Shanaia dahil wala na kayong choice, but I don't really see myself doing it as a part of my job. I have so much on my plate right now so I don't think I still have time to add more." Magalang niyang pagtanggi. Bumagsak ang balikat ng director. "As much as I wanted you to be part of our team, I don't want to disrespect your decision. Pero sana kapag nagbago ang isip mo, feel free to send me a message okay?" Nakangiting tumango si Sierra. Alas tres ng hapon ay umalis na si Sierra at tumungo sa presinto kung saan nakakulong si Beatriz. Gusto niyang makasigurado na nandoon nga ang dalawang lalaking iyon at gusto niya ring malaman kung may iba pa ba sangkot sa insidenteng iyon
Magpapanik na sana si Sierra nang maalalang ang tiyahin ni Marco, si Esmeralda ay isang Narvaez. Marahil ay coincidence lang na magkapareha sila ng apilyedo. Nang tuluyan ng mawala ni Senyora Elizabeth sa paningin ni Sierra ay bumalik na siya sa loob ng bahay. Nang makabalik si Sierra sa loob ng bahay ay wala na si Marco roon. Tanging si Alea na lamang. Nang mapansin ni Alea ang pagtatanong sa mga mata ni Sierra ay saka niya ito isinenyas ang itaas, kung nasaan umakyat si Marco kasama si Carlos.Tipid na tumango si Sierra at saka umakyat na rin upang makapagbihis. Isang beige chiffon shirt na ibinutones hanggang leeg upang maitago lang ang mga markang bakas ng kanilang ginawa. Isang itim naman na trousers ang kanyang pang-ibaba at isang two inches heels naman ang kanyang suot sa paa. Nilagyan niya ng ice compress at gamot ang pamumula ng kanyang pisngi, samantalang concealer naman ang sa kanyang leeg. Pagkatapos ng tanghalian ay umalis na si Sierra upang tumungo sa trabaho. Kaga
Napanganga na lang si Sierra sa gulat sa naging tanong ng anak. Nang akma na siyang magsasalita ay siya namang pagbaba ni Vester."Stupid," bulong ni Vester, subalit nang mapagtantong naroon ang ama ay awtomatiko niyang isinara ang bibig at kinuha na lang ang kamay ni Thalia. "Didn't you wanted me to teach you how to build a robot?" Sa narinig ay nawala ang atensyon ni Thalia sa ina at nabaling iyon kay Vester. "Really, Kuya? Hindi ka na magagalit kahit pa may masagi ako at hindi ako agad marunong?" Nagniningning ang matang tanong ng bata.Salubong ang kilay ni Vester na tumingin sa batang babae ngunit kalaunan ay tumango. "Yes, I will teach you so that you will know and you won't be destroying my things next time." Kapagkuwan ay lumipat ang kanyang tingin kay Senyora Elizabeth. "Grandma, please watch out for these people because it is not quite healthy to make fight a habit." Mariin nitong paalala na para bang kung makapagsalita ay aakalain mong isang Padre de pamilyang sawa na sa
Mabilis ang naging pangyayari kaya hindi na napansin pa ang pagdapo ng palad ni Stevan sa pisngi ni Marco. Kaya nang tangka na naman nitong gawin muli iyon ay umalma na siya. "Don't you dare hurt him again!" Aniya, hinuli ang pulsuhan ng matandang Montezides at buong tapang itong pinanlisikan ng mata. "How dare you interfere! You are nothing but a dirty woman who pushes herself into the family that she doesn't belong to!" Nanggagalaiting wika ni Stevan at gamit ang bakanteng kamay, sinampal niya si Sierra. Sa lakas ng pwersa ni Stevan ay nabitawan ni Sierra ang pagkakahawan niya sa pulsuhan nito. Napahakbang siya paatras at wala sa sariling dinama ang hapdi ng kanyang pisngi. "Who do you think you are, huh? Anong akala mo, porket kinakampihan ka ng imbalido kong anak-anakan ay may karapatan ka ng harangan ako sa kung anong nais ko? No fucking way!" Parang kulog na kumawala ang tinig ni Stevan, pumuno iyon sa buong kabahayan. "Don't you know who I am, huh, whore?" Nanlilisik ang
Nanlaki ang mga mata ni Stevan Montezides sa nasaksihan, bagama't iyon ay dahil kailanman hindi niya ito nakitaan ng pagkakaroon ng interes sa babae, sa higit trenta dekada nitong nabubuhay sa mundo. Naaalala niya pa, noong ito pa ang siyang kasalukuyang presidente ng kompanya, lahat ng mga naging sekretarya at assistant nito ay lalaki. Kahit na sa pagdalo ng mga social events ay hindi nito hinahayaang may babaeng sangkot. Nang isang beses nga, nais ng isang kasosyo na mas paunlarin pa ang kooperasyon ng kompanya kaya't nagdala ito ng babae upang paluguran ito. Ang babae ay hinawakan siya sa braso habang malaswang umiindayog ang katawan. Sa galit ni Marco ay binasag nito ang kanyang hawak na wine glass sa harapan ng maraming tao at nilisan ang lugar, dahil sa matinding pagkapahiya, ang kabilang partido ay tuluyan ng bumitaw na makipag-kooperasyon. Simula rin no'n ay kumalat na ang mga sabi-sabi na mayroon itong seryosong problema sa pag-uugali at maging ang sekswal na oryentas