Share

Chapter 7

Author: Ethaniel Rein
last update Last Updated: 2024-08-03 11:15:14

Sinuri ng tingin ni Sylvio si Sierra mula ulo hanggang paa. Namumula ang mata nito at madalas ang pagpikit ng mariin at paglunok. 

Nang magmulat ito ng mata ay hindi alam ni Sierra kung pinaglalaruan lang ba siya ng imahinasyon niya o talagang pilyong ngumisi sa kanya si Sylvio. 

“There is a need, pretty lady.” Saad nito sa baritonong tinig dahilan upang magtaasan ang balahibo sa batok ni Sierra. 

Nang bahagyang inangat ni Sierra ang kanyang ulo upang tingnan ang mga naroon, doon lamang niyang napagtantong lasing nga si Sylvio. Si Julian ay nakaupo sa isang itim na couch at malakas na rin ang tama ng alak, lupaypay ito at napapansandal ngunit patuloy pa ring sinasalinan ng alak ang baso niyo ng assistant ni Sylvio. 

Para bang sinasadya ng mga itong lasingin ang lalaki. 

May mga babaeng nakahelera sa isa pang mahabang sofa na animo'y naghihintay kung kailan kakailanganin. Napailing si Sierra nang mapagtanto kung anong klaseng pangangailangan iyon. 

‘Lagot ang Julian na ito kapag nalaman ni Adriana ang pinaggagagawa'. 

“You like what you're seeing inside, hmm?” Palihim na napahawak si Sierra sa kanyang dibdib nang marinig ang baritonong tinig ni Sylvio. 

Nag-angat siya ng tingin rito at halos manakit ang leeg dahil matangkad ang lalaki! Hanggang dibdib lamang siya rito. Hindi namamalayang napaawang ang mga labi ni Sierra habang sinusuri ng tingin ang kabuoan ng makisig na mukha ng misteryosong binata. 

O binata nga bang talaga ito? 

Bahagyang namumula ang mata nito marahil dahil sa labis na alak na nainom, may iilang hibla ng buhok ang nahulog sa noo nito na siyang dumagdag sa kaguwapuhan nito. Bigla ay nais niyang inangat ang kamay at may kung anong nagtutulak sa kanyang isipan na haplusin ang mukha nito. 

Ngunit bago pa man niya iyon tuluyang maisagawa ay sinampal niya ang sarili ng katotohanan. 

‘Mag-focus sa kung anong ipinunta mo rito, Sierra! Kakakasal mo lang tapos lumalandi ka na!’ anang maliit na tinig sa likod ng kanyang isip. 

“Uhm…” Bigla'y nangapa si Sierra sa kung anumang sasabihin. 

Nag-iwas siya ng tingin sa lalaki ngunit may kung ano yata sa mga mata nito na siyang humihigit sa kanyang humarap rito at patuloy itong titigan. 

“Kailangan ninyo po ba ng mainit na sopas nang sa ganoon ay mahimasmasan kayo?” Muntik pang palakpakan ni Sierra ang sarili nang sa wakas ay nakabuo na rin siya ng tamang salita. 

Sa namumungay na mga mata ay tamad na sumandal sa nakabukas na pintuan si Sylvio, taman na tamad na pumipikit ang kanyang mga mata sa sobrang kalasingan, doon din napagtanto ni Sierra kung gaano kakapal at kahaba ang piluka nito sa tuwing ito'y pipikit. 

“Could you please bring me to the 15th floor?” Anito sa napapaos na tinig. 

Ano raw?! 

Bago pa man makapagtanong si Sierra ay halos matumba na siya nang bumagsak sa kanya ang malaking katawan ni Sylvio! Kung hindi pa dahil sa pader ay talagang sa sahig sila pupuluting dalawa. 

“Oh my goodness! Are you okay sir? Sir!” Tinapik pa nito nang dalawang beses ang balikat nito ngunit isang ungol lamang ang naging sagot. 

“15th floor, dalhin mo ako sa 15th floor.” Ulit nito sa inaantok na boses. 

Napalunok si Sierra at sandaling nag-isip. 15th floor. Hindi pa siya kailanman nakararating doon ngunit sa pagkakaalam niya ay ang Luther's Club ay mga pinagsamang aliwan, pahingahan at hotel. Ang 15th floor nitong gusali ay ang presidential suites kung saan mga mayayamang tao lang ang may kayang kunin. 

Kung isang Sylvio Narvaez ka ba naman siyempre hindi ka matutulog sa hotel na basta-bastang lang. 

“Okay sir, 15th floor.” Sa sinabi ay may multo na ng ngisi ang mga labi ni Sierra. 

Magpapahatid ito sa sariling silid, ibig sabihin ay may tiyansa na siyang kausapin ito tungkol sa pinag-usapan nila ni Julian Montezides at kumbinsihin itong tanggihan ang alok nito! 

Gagawin niya ang lahat kahit ano para lang hindi kumampi ang mga Narvaez sa mga Montezides. Maging ang kapalit man nito'y pagtataksil sa walang kaalam-alam na asawa. 

Si Sierra na ang pumindot sa numero nang pumasok sila sa elevator. Hindi gumagalaw si Sylvio habang nakasandal sa balikat ni Sierra, para bang mahimbing pa itong natutulog dahil sa malalim nitong paghinga. Ngunit nang makarating sila sa 15th floor ay kusang umayos ng tayo ang lalaki at tumigil sa isang pintuan na sa wari ni Sierra ay pagmamay-ari nito. 

Inilabas lamang nito ang key card at bumukas na ang pintuan. Nang tuluyan itong bumukas, bumalik ito sa balikat ni Sierra na para bang nanumbalik ang pagkalasing. 

Napakunot na lamang ng noo si Sierra. 

Ang laking tao nito kumpara sa kanya. Halos magkanda-dapa na sila nang papasok dahil hindi naman siya katabaang babae para umakay sa ganitong kalaking tao! 

“Narito na ho tayo, Mr. Narvaez…” Pukaw ng atensyon ni Sierra kay Sylvio. Madilim ang loob ng silid nito at ang nagsisilbing liwanag lang ay ang ilaw sa pasilyo. 

Naglakad si Sierra papasok, nagangapa kung saan ang kama dahil ilalapag na niya ang lalaki. Ngunit ganoon na lamang ang paggapang ng kaba niya nang tumunog ang pintuan hudyat na na-lock ito! 

Sa sobrang taranta ay nabitawan niya si Sylvio at sa hindi inaasahan ay naisama siya nito pabagsak. Isang mahabang singhap ang kumawala sa bibig ni Sierra. Inihanda ang sarili sa matigas na bagay na kababagsakan nang tumama siya sa kung ano. 

Matigas nga ngunit hindi naman kasing tigas ng semento! Teka… 

“How do you know my surname? Do you know who I am?” Anang malalim at paos na tingin malapit sa tainga niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Gemma Cruz
chapter 89 please lagi n lang po bumabalik e
goodnovel comment avatar
Gemma Cruz
bumalik n nman sa chapter 1 e chapter 89 n ako bakit kaya lagi bumabalik
goodnovel comment avatar
Gemma Cruz
chapter 83 pls kc 83 n ko bakit bumabalik
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 182

    Sumulyap si Marco kay Sierra, ang sulok ng kanyang labi ay bahagyang naka-angat. Na para bang batid na nito ang nais niyang mangyari.Naramdaman ni Sierra na ang aura ng nilalang na nasa kanyang tabi ay gumaan, hindi niya tuloy mapigilan ang sariling mapairap. "Ang possessive naman." Bulong-bulong niya.Habang pinapanood ang interaksyon ng mag-asawa, mas lalong lumawak ang ngiti ni Deion. "Ano ang mga gusto mong malaman, Ms. Sierra?""Anything about Douglas Rodriguez," huminga siya sandali bago nagpatuloy. "I've heard that the relationship of Mr. and Mrs. Rodriguez is quite extraordinary. Mas maganda kung sa iyo mismo manggaling ang kwentong iyon tutal at sa mahabang panahon ay nasa industriyang pinangangalagaan mo siya napabilang."Tumango si Deion."Magkaklase sina Douglas at ang asawa niya sa kolehiyo, parehong nag-aaral ng acting. Nagkakilala sila noong first year college. Pagpasok sa industriya ng entertainment, mas umangat ang career ni Douglas kaysa sa asawa niyang si Jiara. K

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 181

    Hindi pinansin ni Sierra ang pangalan ni Marco, bakus ay hinanap niya ang pangalan ni Deion at iyon ang in-add.Sa pinakamataas na palapag kung nasaan ang opisina ni Deion, niligpit niya ang kanyang mga gamit at saka tumayo. "Let's go," anyaya niya sa katabing si Marco.Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang tumunog ang kanyang telepono. "Oh, bud. Your wife just sent me a friend request, should I accept it?" Imporma ni Deion sa kaibigan sabay pakita rito ng kanyang telepono.Sumulyap si Marco sa screen, 'Itsmesierra.m.' Iyon lamang ang nakalagay na pangalan.Nag-iwas siya ng tingin at bahagyang gumalaw ang kanyang panga. "Your choice."Tumango si Deion at in-accept ang friend request. Napaisip siya kung ano ang susunod na gagawin, uunahan ba niya iyong batiin o hahayaan lamang itong magpadala ng mensahe?Ngunit bago pa man niya mapinalidad ang iniisip ay tumunog muli ang kanyang telepono sa isang mensahe.From itsmesierra.m: Hi, good day, Deion. Are you free now? Nasa lobby ak

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 180

    Katulad ng...Paano mo ginagamot ang iyong mga binti?Bakit ako masyadong sentimental?Siya ngayon si Sierra. Ito ang unang pagkakataon na nagkita silang dalawa, at maraming mga tanong na nararapat itanong.Pagkatapos kumalma, dahan-dahang sinabi ni Jiara, "Matagal nang hindi nakikipagkaibigan si Riri. Sa totoo lang, kasing aloof at walang pakialam lang siya tulad ng kanyang ipinapakita. Dati siyang napakasaya, masigla, at outgoing. Ngunit may ilang mga bagay na nangyari sa kanyang pamilya na nagpabago sa kanyang personalidad. Kung makakasama mo siyang mabuti, malalaman mong napakabuti niyang babae."Nakita ni Sierra na natatakot si Jiara na hamakin niya si Rianna. "Talagang napakabuti niya. Auntie, huwag kang mag-alala. Dahil magkaibigan tayo, magiging magkaibigan tayo habambuhay."Tumango si Jiara, naantig. "Salamat, hija.""Auntie Jiara, maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ang nangyayari dito sa bahay?"Pagkasabi ni Sierra, nakita niyang nawalan ng kulay ang mukha ni Jiara. Kay

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 179

    Ang naisip ni Sierra noon ay basta't makuha ni Estrella ang posisyon ng presidente at makontrol ang kompanya ng kanyang ama, maaari niya itong tulungan nang pribado sa pagpapatakbo ng kompanya.Wala pa talaga siyang magandang plano kung paano makukuha ni Estrella ang posisyong ito."Isang hakbang sa isang pagkakataon at manatiling hindi nagbabago sa gitna ng lahat ng pagbabago." Suhestyon ni Gwen.Napatango-tango si Sierra."Sige."Pagkatapos ibaba ang telepono, naisip ni Sierra na dahil kinontak ni Rianna si Gwen ngayon, mukhang nakabalik na ito sa kompanya. Dahil wala siyang gagawin sa hapon, naisip niyang mas mabuting pumunta sa pamilya Rodriguez para bisitahin ito at ang kanyang ina.Noong siya ay buntis at nakatira sa villa ni Rianna, inalagaan siya nang mabuti ng ina nito at hindi siya hinamak dahil nabuntis siya nang hindi pa kinakasal. Siya ay isang makatwiran, banayad at tahimik na mabuting ina.Noong panahong iyon, labis niyang kinaiinggitan si Rianna dahil namatay ang kanya

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 178

    Kinuha ni Marco ang isang piraso ng isda at dahan-dahang tinanggal ang mga tinik. "Halos gumaling na ang mga binti ko, at makakabalik na ako sa kompanya. Ngunit ang pagbabalik ko ay hindi magiging madali." Ngayong si Julian ang namamahala sa kompanya, at halata namang ayaw ni Stevan na hayaan si Marco na muling mamuno, hindi nga madali para sa kanya na mabawi ang posisyon ng presidente sa ngayon.Interesado ang Montezides Group na makipagtulungan sa kanya, pero tumanggi siya dahil kay Julian.Kung makukuha ni Marco ang kooperasyong ito sa ngayon, malaking tulong nga ito para sa kanya.Tinanong siya ni Sierra, "Gusto mo bang makipag-usap tungkol sa kooperasyon sa AS?""Um."Tama siya, gaya ng inaasahan.Kahapon, tuluyan ng sinibak si Lorenzo Gabral ng A.C's Apparel, at malapit nang matapos ang kaso sa pagitan ni Estrella Santillan at Adrianna. Desidido na ang kapalaran ni Adrianna sa usapin.Matapos harapin ang mga iyon, si Julian na ang susunod.Ang tanging taong mabilis na makapag-a

  • One Night Stand With The Mysterious Billionaire    Chapter 177

    Hindi lubos na akalain ni Sierra na mismong si Marco ang kikilos.Lumapit si Sierra kay Marco. "Thank you, thank you for doing this for me." Sinsero niyang wika."Thank you lang?" Pinagtaasan siya ng kilay ni Marco.Natigilan si Sierra. Naalala niya tuloy ang nangyari kanina bago sila ipatawag ni Stevan.Nag-init ang pisngi ni Sierra. "Let's go, i-aakyat na kita."Sumakay sila ng elevator. Pagdating sa taas, akala ni Sierra diretso sila sa kwarto, ngunit biglang nagsalita si Marco.“Sa study tayo.” sabi ni Marco.Napahinto si Sierra. Napakurap-kurap.“Sa study ulit? Eh, bagong linis lang ni Alea iyon, kawawa naman kung paglilinisin ulit…”Naningkit ang mata ni Marco. "Bakit? Ayaw mo?"Ngumiti siya, pilit pero may lambing. “Of course not. Kung saan mo gusto ay iyon ang masusunod.”Dahil sa mga nagawa ni Marco para protektahan siya, kahit na ang ibig sabihin niyon ay mabunyag ang pinaka-iingantan nitong sekreto. Kaya sino siya para tumanggi rito?Pagpasok nila sa study, maingat niyang s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status