Lumilipas ang mga linggo, ngunit hindi matahimik si Ava. Pilit niyang iniiwasan ang mga tanong ni Liam at ang mapanuring mga titig ni Kaiden. Ngunit sa bawat umaga, mas lalo niyang nararamdaman ang bigat ng kanyang sikreto; isang sikreto na hindi kayang itago ng katawan.
Madaling mapagod, madalas na pagsusuka, at ang hindi na dumadating na buwanang dalaw. Hanggang sa isang gabi, mag-isa siyang nakaupo sa banyo ng kanyang maliit na condo hawak ang pregnancy test. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinapanood ang guhit na unti-unting lumilinaw. Dalawa. Positive. Dahil sa panginginig ay nalaglag ang test kit sa sahig, sabay pagbagsak ng kanyang luha. Hindi na ito maitatanggi, nagdadalang-tao siya. Ang ama? Ang lalaking ayaw niyang maalala ngunit hindi rin niya kayang kalimutan—Kaiden Alcaraz. Halos hindi siya makapagtrabaho nang maayos. Sa bawat pagpikit niya’y bumabalik ang gabing iyon, ang init ng katawan ni Kaiden, ang marahas na halik, ang halinghing na tinangka niyang itago. Bunga ng lahat ng iyon, isang bagong buhay ang umuusbong. Isang bagong buhay sa kaniyang sinampupunan na hindi niya alam kung paano papalakihin ng tanging siya lang. “Hey,” bulong ng isang pamilyar na tinig habang wala itong kaalam-alam na nakatitig siya sa pader nang halos isang oras. Napatigil siya nang makita si Liam, nakatayo sa tabi ng kaniyang mesa at may hawak na kape. “You look pale. Have you been eating right?” tanong nito, puno ng malasakit na parang walang nangyaring kasalanan noon. “Ava, I know I messed up. But if you’ll let me… I want to take care of you.” Napalunok si Ava, pinilit ngumiti, ngunit ang mga mata’y nag-iiwas. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang mga salitang iyon, lalo na ngayong may hawak siyang mas mabigat na katotohanan. Wala pa man din ay doon niya naramdaman ang biglaang lamig sa paligid. Kaiden. Nakatayo ito sa di-kalayuan, nakahalukipkip, nakamasid sa kanila. Ang titig nito’y parang mga talim ng kutsilyo, matalim, mapanganib. Isang kilos lang ay tiyak na masusugat si Liam. “Ava,” malamig nitong tawag, hindi man lang tinitingnan si Liam. “In my office. Now.” Pagkapasok pa lamang, agad niyang naramdaman ang bigat ng presensya nito. Nakasara ang blinds, at silang dalawa lang ang nasa loob. Kaiden walked closer, mabagal ngunit puno ng pwersa. “Do you enjoy making me jealous?” “What? No, I—” “Then why the hell are you letting him talk to you like that?” mariin nitong bulong, halos nakadikit ang mukha sa kanya. Ramdam niya ang init ng hininga nito, ang tensyon sa bawat galaw. Napatras siya, ngunit bigla nitong dinakma ang kaniyang baywang. “Kaiden…” mahina nitong bulong, pilit pinipigilan ang sarili. Ngunit ang kanyang puso ay kumakabog, hindi lamang dahil sa takot, kundi dahil sa katotohanang dala niya ngayon. Isang bagong buhay. Alam niyang hindi magtatagal ay mabubunyag din ang lahat at natatakot siya sa isang bagay; paano na lamang kung hindi tanggapin ni Kaiden ang kaniyang sariling anak? Lumayo ang babae, mabilis na tinipon ang lakas ng loob kahit pa sa mga oras na iyon ay bumibigay ang kaniyang mga kalamnan. “I need space,” kaniyang sambit, tinatakpan ang sarili, para bang may pinoprotektahan. Kaiden narrowed his eyes, studying her. “Something’s off with you. And I will find out what it is.” Paglabas niya ng opisina, napahawak siya sa kanyang tiyan, tahimik na nagdasal na sana’y hindi pa ngayon ang araw. Hindi pa siya handa sa mga posibleng mangyari sa kaniya at sa kaniyang magiging anak. Hindi pa niya alam kung paano haharapin si Kaiden—ang lalaking may hawak ng kanyang puso, ng kanyang katawan… at ngayon, ng kanyang kinabukasan.Tahimik ang buong opisina, tanging lagaslas ng aircon at tik-tak ng wall clock ang maririnig. Nakatayo si Ava sa harap ng mesa ni Kaiden, nakayuko, pilit itinatago ang pagkaligalig. Kanina pa siya kinukulit ng tanong nito, at pakiramdam niya’y wala nang matatakasan.“You’ve been… distracted,” ulit ni Kaiden, mababa ang boses pero mariin. “Is there something you’re not telling me?”Napapikit si Ava. Gusto niyang sumagot ng simpleng “wala,” pero alam niyang hindi siya paniniwalaan. At higit sa lahat, alam niyang may nakita na ito. Ang tanong na lang, hanggang saan ang nalalaman ng CEO?Huminga nang malalim si Kaiden, saka marahang tumayo. Lumapit ito sa kanya, hindi inaalis ang titig. “Ava,” mahina nitong sambit, ngunit ang bigat ng tinig ay parang bakal na bumabalot sa kanya. “Hindi mo na kailangang itago. I know.”Nanlamig ang katawan ni Ava. “W-what do you mean?” pilit niyang tanong, kahit halata ang panginginig ng boses.Dumukot si Kaiden sa drawer ng mesa at inilapa
Hindi mapakali si Ava buong linggo. Sa tuwing nakikita niya si Clara sa opisina, laging may ngiting matamis ngunit may tinatagong talim. Laging malapit kay Kaiden, laging may dahilan para pumasok sa mga meeting kung saan naroon din siya.At lalong sumisikip ang dibdib ni Ava sa tuwing nakikita niya ang mga titig ni Kaiden kay Clara, hindi dahil sa interes, kundi dahil sa kasaysayang mahirap kalimutan. Kundi sa sakit na hindi niya maiparamdam kung bakit niya nararamdaman.Isang gabi pauwi na sana siya mula sa trabaho nang hindi sinasadya na marinig ni Ava ang usapan sa hallway. Hindi malakas, ngunit sakto na upang maintindihan niya ang konteksto ng kanilang pinag-uusapan.“Are you sure about this?” pamilyar na boses ng isang lalaki. Sa bawat pagtakbo ng oras ay mas bumibilis ang pintig ng kaniyang puso. Isa lamang ngayon ang sinasambit ng kaniyang isipan, ang malaman kung sino ang mga tao sa boses na iyon. Kinakabahan man ay dahan-dahan siyang lumapit at nanlalamig
Ilang araw na ang lumipas mula nang sumabog ang lahat. Tahimik si Ava sa opisina, pilit na binabalewala ang mapanuring titig ng mga tao. Ang bulung-bulungan tungkol sa banggaan nina Kaiden at Liam ay kumalat na parang apoy, lahat ay nagtataka kung bakit palaging siya ang nasa gitna. Nagsusumikap siyang maging normal. Papasok sa trabago na tila ba walang problemang kinakaharap, hanggang dumating ang isang umagang hindi niya inaasahan at hindi niya kailanman pinangarap. May nagbabalik ayaw na niyang makita kahit kailanman. Normal naman ang lahat pagpasok niya sa boardroom para sa weekly meeting. Naroroon ang ibang mga kasamahan niya, ngunit biglang nanlamig ang kanyang mga kamay nang mapatingin sa bagong taong naroroon ngayon kasama sila sa iisang kwarto. Tila ba nais na niyang humagulhol at tumakbo sa mga oras na iyon, ngunit pinatili niya ang kaniyang tindig. Nandoon ang taong ngayon ay lubos niyang kinamumuhian. Si Clara. Eleganteng nakatayo, naka-business attire, may kump
Tahimik ang buong opisina, ngunit ang bawat salita ay parang kulog. Nakatayo si Ava sa gitna, habang sa magkabilang panig ay ang dalawang lalaking minsang naging mundo nito. Si Liam, ngayon ay hawak ang result na kanina lang ay nagbago ng lahat. Maputla ang mukha ngunit mariing kumakapit, desperado. Si Kaiden, nakatayo nang tuwid, malamig ang titig ngunit apoy ang nagliliyab sa mga mata. “This child is mine,” mariing ulit ni Kaiden, bawat salita’y parang utos na hindi puwedeng kontrahin. May awtoridad at kung sino mang sumuway ay tiyak na may kaparusahan “Back off,” mabilis na sagot ni Liam. “Ava and I… we were still together weeks before everything ended. Don’t act like you own her. I am the first and you're just the last. I am her first love, her first kiss, her first boyfriend.” Parang tinamaan si Ava. Ang mga mata niya’y nanlaki, ngunit hindi niya masabi ang totoo. Tunay na si Liam ang una niyang pag-ibig at minahal niya ito higit pa sa kaniyang sarili. Hindi niya
Ava thought she still had time. Ilang linggo pa raw bago siya ulit dapat magpa-checkup, ilang linggo pa bago niya harapin ang kinatatakutan niyang pag-amin. Ngunit ang mga iyon ay hindi pala aayon sa tadhana. Ang kapalaran ay marunong magbunyag kahit wala sa oras. Ang mga bagay ay mayroon din hangganan at lahat ng sikreto ay mabubunyag. Isang gabi, matapos ang mahabang araw ng trabaho, naiwan siyang mag-isa sa opisina. Pagod at nahihilo, dumiretso siya sa restroom dala ang maliit na brown envelope; ang resulta ng medical test na palihim niyang kinuha kanina. Naupo siya at pinagmamasdan ang papel na hawak. “Six weeks pregnant" ang nakasulat doon. Hindi niya maipagkaila sa sarili na mas nangunguna ngayon ang kaba, ngunit kahit papaano ay nagagalak sa katotohang dinadala niya ngayon ang kaniyang sariling dugo at laman. Mahigpit niyang pinisil ang papel kasabay ng pag-agos ng kaniyang mga luha, sa mga oras na iyon ay hindi niya alam na sa pagtapak niya sa restroom ay hindi siya
Lumilipas ang mga linggo, ngunit hindi matahimik si Ava. Pilit niyang iniiwasan ang mga tanong ni Liam at ang mapanuring mga titig ni Kaiden. Ngunit sa bawat umaga, mas lalo niyang nararamdaman ang bigat ng kanyang sikreto; isang sikreto na hindi kayang itago ng katawan. Madaling mapagod, madalas na pagsusuka, at ang hindi na dumadating na buwanang dalaw. Hanggang sa isang gabi, mag-isa siyang nakaupo sa banyo ng kanyang maliit na condo hawak ang pregnancy test. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinapanood ang guhit na unti-unting lumilinaw. Dalawa. Positive. Dahil sa panginginig ay nalaglag ang test kit sa sahig, sabay pagbagsak ng kanyang luha. Hindi na ito maitatanggi, nagdadalang-tao siya. Ang ama? Ang lalaking ayaw niyang maalala ngunit hindi rin niya kayang kalimutan—Kaiden Alcaraz. Halos hindi siya makapagtrabaho nang maayos. Sa bawat pagpikit niya’y bumabalik ang gabing iyon, ang init ng katawan ni Kaiden, ang marahas na halik, ang halinghing na tinangka