DC department store. Kasama ni Jewel ang kaibigang si Rochelle upang mamili ng mga nursery clothes at iba pang kakailanganin ng magiging anak niya. “You’re so lucky, Jewel!” humahagikgik na bulong ni Rochelle sa kanya. Kasalukuyang naroon sila sa baby’s section ng naturang department store. “Mantakin mo ba namang halos gabi-gabi akong kinukulit ni Red. Siya pala ang lalaking pinagregaluhan sa ‘yo ng mga kaibigan niya. Jeez! He’s so handsome and macho. Bukod doon ay mabait pa. Kaya pala in-snob niya ang beauty ko dahil ibang babae ang hinahanap sa bar. Naku, bakit ba ikaw pa ang ipinasok ko sa kahon na ‘yon. 'Di sana ako ang nakakulong sa mga bisig niya.” Parang wala naman naririnig si Jewel. Patuloy siya sa pamimili ng mga lampin. “Ito pa, talagang kinukulit niya akong samahan siya sa bahay n’yo para ma-meet ka ulit. Grabe talaga! Nakakainggit ka ‘day!” Pinandilatan niya ang kaibigan. “Iyon ang huwag na huwag mong gagawin, Rochelle. Magkakagalit talaga tayo. Bilin sa ‘kin ni Mama,
“M-MA, saan n’yo po ako dadalhin?” maang na tanong ni Jewel. Sapo niya ang kanyang tiyan habang hila-hila siya ng ina palabas ng kanyang silid.Hindi siya sinagot ng ina hanggang sa makarating sila sa basement.“Tandaan mo, Jewel, hindi ka lalabas diyan hangga’t hindi ko sinasabi. Dito ka lang at bahala na ang catering services sa lahat. Huwag na huwag kang magtatangkang lumabas. Ayokong mapag-usapan ng aking mga amiga at kasama sa negosyo! Ayokong makita ka nilang ganyan ang ayos mo. Huwag mo akong bigyan ng kahihiyan lalo na’t engagement party ngayon ng aking anak. Maliwanag ba ang lahat, Jewel?” nandidilat ang mga matang sabi ni Sonia.Mariing kinagat ni Jewel ang ibabang labi upang pigilan ang bibig na dumaing sa sakit. Halos bumaon kasi sa balat ng kanyang braso ang mga kuko nito.“Sumagot ka. Naiintindihan mo ba?”“Naiintindihan ko po, Ma.”“Ma, kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Padating na ang fiancé ko at kasama ang nakakatanda niyang kapatid,” pabatid ni Vivian s
“Red, sweetheart, I want you to meet my Mom. Ma, si Red, ang magiging manugang niyo.” Naglahad ng palad si Red. “Ikinagagalak ko po kayong makilala, ma’am!” “Gayun din ako, hijo. Isang malaking karangalan sa ‘kin na makitang sa mabuting lalaki mapupunta ang aking anak. Every parents wants the best for their children, at isa na rin doon ang makakasama nila sa buhay ‘pag lumagay na sila sa tahimik. And I’m so proud to say na ikaw ang magiging manugang ko. My daughter got the best man in this world na bihirang makuha ng iba. Gusto kita para sa anak kong si Vivian.” “Thank you, ma’am!” “Ikasisiya ko kung sisimulan mo na akong tawaging, Mama.” “Oh, thank you, Ma. At masuwerte rin naman ako dahil ang nag-iisang anak n’yo ang babaeng pag-aalayan ko ng aking apelyido. Vivian, I should say, is one in a million!” sabay hapit sa bewang ng nobya, “that’s why I love her so much.” “Oh…” sambit ni Vivian at niyakap si Red. Makahulugang ngumiti ito sa ina. “Mahal na mahal din kita.” NAGPAALAM
MALALIM na ang gabi. Mula sa kinaroroonan ni Jewel, wala na siyang marinig na ingay mula sa labas. Marahil tapos na ang party. Tulog na rin siguro ang kanyang Mama at Ate Vivian. Ganito naman lagi siya, laging kasalo ang kalumbayan habang lumuluha. Araw-araw niyang iniluluha ang kapaitang naranasan sa piling mismo ng sariling pamilya. Pati ang anak niya, ‘di yata’t magdurusa ring tulad niya. Hindi! Hindi niya mapapayagang angkinin ng Ate Vivian niya ang kanyang anak. Sapat na ang kanyang pagdurusa. Mapapatay muna siya ng mga ito bago makuha ang anak niya. Niloko siya ng kanyang ina. Hindi siya nagpapakababa para lamang sa kaligayahan ni Vivian. Sa kadahilanang hindi nito mabibigyan ng anak ang mapapangasawa kaya siya ang ginamit para mabuntis. Muli siyang napaluha nang maalala ang madalas sabihin ng ina. Na siya ay isang kahihiyan sa kanilang pamilya. Kahihiyan na hindi niya alam kung saan nagsimula. Alam niya, malaki ang kinalaman niyon sa dinaranas niyang kalbaryo sa piling ng
MABILIS na lumabas din ng basement si Red. Gustuhin man habulin ang babae, ngunit natigilan siya nang maulinigan ang tinig ni Vivian. “Sweetheart, where are you?” “I’m here,” pabatid niya sa nobya. Kasalukuyang nasa kusina siya. “Kanina pa kita hinahanap narito ka lang pala,” wika ni Vivian nang makita siyang umiinom ng tubig. “Nauhaw kasi ako, e. Mahimbing ang tulog mo, hindi na kita ginising.” “Magtatampo na sana ako sa ‘yo, akala ko kasi umuwi ka na habang tulog ako.” Malambing na inilambitin nito ang mga braso sa leeg niya. “Naiinitan ako. Baka gusto mong samahan akong maligo sa pool? At doon ay magpaligaya ulit tayong dalawa. Gusto kong sulitin ang gabing kasama ka, sweetheart.” Napapailing si Red. Hindi dahil sa tinuran ni Vivian. Kundi sa katotohanan na sumampal sa kanya sa babaeng kay tagal niyang hinanap. “Alas tres na ng madaling-araw,” ani Red. “Bumalik na tayo sa iyong silid para makapagpahinga.” Natutukso siyang tanungin ang nobya tungkol sa babae. Gusto niyang
INILAYO ni Jewel ang katawan kay Yaya Lourdes. “Yaya, may mga gusto akong itanong sa 'yo. May lihim ba sa aking pagkatao? Bakit galit na galit sa ‘kin si Mama? Lagi niyang pinamumukha sa ‘kin na isa akong kahihiyan sa aming pamilya.” “J-Jewel…” Malungkot na sinapo nito ang kanyang mga kamay. “Nakikiusap ako, Yaya Lourdes. Para sa ganap na ikatatahimik ng kalooban ko. Lagi na lang ako nangangapa sa kawalan kung ano ang nagawa kong kasalanan para magdusa sa piling ng aking ina.” Wala nang patid ang pag-agos ang kanyang luha. “Please, sabihin mo sa ‘kin kung may nalalaman ka sa pagkatao ko. Karapatan kong malaman ang totoo. Ampon lang ba ako, o anak sa labas ni Papa?” Nakita niyang humugot ng isang malalim na hininga si Yaya Lourdes. Dahil sukol na, wala nang mapagpilian ang matanda. Naisip nito, panahon na upang muling buksan ang libro ng katotohanan sa harapan ng humihikbing si Jewel. Na batid nitong kay tagal na panahon nang nagdurusa magpahanggang ngayon. “Siguro nga panahon na
KAGIGISING lang ni Rochelle nang hapong ‘yon nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto. Sino kaya itong nasa labas at tila balak gibain ang dahon ng pinto? sambit sa isipan ni Rochelle. “Sandali!” sigaw nito. “Kapag nasira ang pinto, ikaw ang pagbabayarin ko niyan!” “Rochelle.” “Ay kabayo!” bulalas nito nang mapagbuksan ng pinto si Red. “A-anong ginagawa mo rito? Halika, pasok ka.” “Thank you,” ani Red nang makapasok sa inuupahang apartment ng babae. “Maupo ka muna at ikukuha kita ng maiinom,” hindi magkandatuto nitong sabi. “Huwag na, Rochelle. Hindi naman ako magtatagal may gusto lang akong itanong sa ‘yo.” “Pasensiya na, hindi ko naman akalaing ikaw pala ang kumakatok sa labas. Mainit kasi kaya naka-bra lang ako kung matulog,” agad na paliwanag ng babae nang mapunang medyo naaasiwa ang panauhin na nakatingin dito. “It’s okay. Don’t worry about me.” “Alam ko naman ‘yon. Kahit siguro maghubad pa ako sa harapan mo hindi kita maaakit. At alam ko rin, hinding-hindi ko ma
MULING naging panauhin ni Rochelle si Red nang umagang ‘yon. Kauuwi lang ng babae galing bar na pinagtatrabahuhan nito. “Kagabi lang ay nagkita tayo. Iniisip mo bang itinatago ko sa ‘yo si Jewel kaya ka naparito?” tanong ni Rochelle sa binata. “Of course not,” agad na tugon ni Red. “Nagbabakasakali lang ako na baka narito siya ngayon. Galing ako sa bahay ng mga Buenavista kagabi. Hindi ko nakita sa bahay nila ang kaibigan mo.” Inilapag ng babae ang shoulder bag nito sa monoblock chair. Pagkatapos ay tinungo ang maliit na kusina at nagtimpla ng kape. “Magkape ka muna.” “Salamat.” Tinanggap ni Red ang tasa na may kape. Hindi na rin siya tumanggi nang alukin nito ng pandesal. “Hindi pa rin tumatawag sa ‘kin ang kaibigan ko,” ani Rochelle at umupo sa sofa. “Nag-aalala na nga ako sa kanya. Naisip ko ngang baka may ginawang hindi maganda ang mag-ina sa kanya. Hindi malayong may katotohanan ang aking hinala.” Hindi natuloy ang pag-inom niya ng kape sa tinuran nito. Wala pa siyang gaan