NANG pumailanlang ang sweet music, kinabig siya ni Tristan. Uminit ang mukha niya nang mapasandal sa dibdib ng binata. Naririnig niya ang mabilis na tibok ng puso nito.
“Paniwalaan mo kaya ang sasabihin ko sa ‘yo, Jewel?”
Nag-angat siya ng mukha. Nakita niya ang paggalaw ng adam’s apple nito.
“A-ano ba ang sasabihin mo?”
“Gusto kita, Jewel,” pag-amin nito.
Totoo ba ang narinig niya?
Baka naman ilusyon pag-ibig niya lang ‘yon?
“T-totoo ba ang sinasabi mo, Tristan?”
“Yes. Gusto kita, Jewel. M-mahal na nga yata kita.” Tila iyon isang tape recorder na panay rewind sa utak niya. Naramdaman niyang masuyo nitong hinahaplos ang kanyang buhok sa likuran.
To the highest level ang kaligayahang nadama niya sa gabing iyon. Ika nga, walang katumbas. Kaligayahang pinutol ng galit na galit na tinig ng kanyang ina na biglang lumitaw sa gitna ng malawak na lawn.
Nabitawan siya ni Tristan nang biglang may humalbot sa buhok niya mula sa kanyang likuran. Nasaktan siya. Pakiramdam niya ay matatanggal ang kanyang anit sa ulo.
“Ate Vivian, bitawan mo ang buhok ko. Nasasaktan ako!” Sinubukan niyang hiklasin ang kamay nito na mahigpit ang pagkakakapit sa kanyang buhok.
Nakita naman ni Rochelle ang ginawa ni Vivian sa kaibigan. Mabilis na sinaklolohan nito si Jewel. “Kahit kailan talaga, demonyita ka!”
Nabitawan ni Vivian ang buhok ni Jewel nang kagatin ito sa kamay ni Rochelle.
“How dare you! Bakit mo ako kinagat, ha?”
Hindi sumagot si Rochelle, mahigpit siyang niyakap ng kaibigan.
“Sino ang nagbigay ng karapatan sa ‘yong babae ka na magpa-party rito?”
“M-ma. . .” Nangatal ang mga labi niya sa nakikitang galit sa mukha nito.
Hindi lang iyon ang unang beses na ginawang pagpapahiya sa kanya ng ina at Vivian. Nagsimula nang mag-panic at mag-usyoso ang mga tao na imbitado, karamihan ay classmates niya.
“Ma,” singit ni Vivian, naniningkit sa galit ang mga mata. “Imagine, mukhang balak pa yatang landiin ang manliligaw kong si Tristan ng babaeng 'yan!”
“What?” maang na reaksyon ni Tristan. Nabigla rin ito sa nangyari. Nang subukan yakapin ni Vivian ang binata ay umiwas ito.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Tristan, sa lalaking kanina lang ay nagtatapat ng pag-ibig sa kanya, at sa kanyang Ate Vivian. Nasaktan siya sa kanyang nalaman. May balak pa yata ang binata na tuhugin silang magkapatid.
“She’s lying, Jewel,” paliwanag ni Tristan.
“Hindi ako sinungaling, Tristan. Kahapon lang ay nabasa ko ang love letter mo. Binigay sa ‘kin ng mga kaibigan mo.”
“Nagkakamali ka,” patuloy pa rin sa pagtanggi ang binata.
“Hoy, lalaki!” Hinarap ito ni Sonia. “Umalis ka na, at ‘wag na ‘wag ko makikita ‘yang pagmumukha mo rito sa aking pamamahay!”
Napalunok si Jewel. Hiyang-hiyang siya sa inasal ng kanyang ina. Nakita niyang gusto siyang lapitan ni Tristan pero nagpasya na ring tumalikod para umalis.
“Ang kapal talaga ng mukha mong babae kang gawin pa ang selebrasyon sa pamamahay ko,” patuloy ni Sonia na pagigil pang hinawakan ang braso ng nabiglang si Jewel. Hinila siya ng ina palayo sa kaibigan niya. Hinarap nito ang kanyang mga bisita. “Tapos na ang kasiyahang ito! Maaari na kayong umuwing lahat!”
Isa-isang tumayo ang mga panauhin. Nagbubulungan habang paalis sa malawak na lawn ng mga Buenavista.
“M-Ma, nagtapos ho ako ng high school with honors.” Nangilid sa luha ang kanyang mga mata. Naniniwala kasi siyang ang pagtatapos ng high school ay isang achievement na dapat ipagpasalamat.
“So?” si Vivian, humalukipkip ito at tinaasan siya ng kilay. “Ano naman ngayon? Wala naman pakialam si Mama kahit mapuno pa ng medalya ang leeg mo! Ang issue rito, hindi ka niya binigyan karapatan gawin dito sa bakuran ang selebrasyon na inuungot mo sa kanya. Pero ano, ha? Nagpatuloy ka pa rin. Ingrata!”
“Watch your words kung ayaw mong ipakain ko sa ‘yo, Vivian!” pasigaw na babala ni Cesar. Mabilis itong lumabas ng kabahayan nang sabihin ng kasambahay na nagkakagulo sa bakuran.
“Pa?” Namutla si Vivian. Mabilis na sumiksik sa katawan ng ina. Natakot ito sa nakikitang galit sa mukha ng ama.
“Ano’ng kaguluhan ito, Sonia?” tanong ni Cesar nang harapin ang asawa.
“Ito kasing anak mo, nagpa-party sa bakuran ng pamamahay ko. Wala siyang karapatan na gawin ‘yon.” Galit na tiningnan ni Sonia si Jewel.
Pagak na tumawa si Cesar. Masama ang loob na tinignan sa mukha ang asawa. “Karapatan din naman ng anak ko ang magdiwang sa loob ng tahanang ito, Sonia. At kung pag-uusapan ang karapatan ay mas higit na may karapatan si Jewel kaysa sa inyong mag-ina!”
“C-Cesar?” Namutla si Sonia. May laman ang salitang binitawan ng asawa. “Kung magsalita ka parang hindi mo anak si Vivian!”
“Handa sana akong patawarin ka, Sonia. Dahil mahal kita. Pero sumosobra ka na. Handa–” Mabilis na sinapo nito ang tapat ng dibdib sa pakiramdam na nagsikip iyon.
“P-Papa?” hintakot na sambit ni Jewel. Nakita niyang nagusot ang mukha ng ama. Nahihirapan itong huminga.
“C-Cesar?” Kinabahan si Sonia nang makitang namumutla ang mukha ng asawa.
Mabilis na nilapitan ni Jewel ang ama. Inalalayan niya ito sa likod at braso. “Ano ang nangyari sa inyo, Papa?”
“J-Jewel, patawarin mo ako, anak. . . B-balang araw ay may magandang kapalit ang lahat ng mga paghihirap ng kalooban mo. Huwag mong paiiralin ang galit sa iyong puso. Palagi kang handang magpatawad. M-mahal na mahal kita–” hindi na natapos ni Cesar ang sana'y sasabihin pa. Walang buhay itong bumagsak sa mga braso ni Jewel.
“Papaaaaa!”
“Cesar!” sigaw ni Sonia. Histerikal itong sumigaw sa malawak na lawn.
“Papa!” Sinubukan niyang gisingin ang wala nang buhay na ama. “Ma, dalhin natin sa ospital si Papa!” humahagulgol na pakiusap niya sa ina. Yakap-yakap niya ang katawan ng ama.
Dinala nila sa ospital si Cesar. Umiiyak si Jewel habang umuusal ng dasal sa non-denominational chapels na nasa loob ng ospital. Hinihiling niya sa Diyos na ‘wag muna nitong bawiin ang binigay na buhay sa kanyang ama.
Mahal na mahal niya si Papa Cesar. Ito lang ang nagpakita sa kanya ng pag-aalala at pagmamahal na pinagdadamot sa kanya ng inang si Sonia. Ang kanyang Papa Cesar ang tanging kakampi niya sa tuwing pakiramdam niya’y inaapi siya ng ina’t kapatid.
Ngunit hindi naging sapat ang mga dasal niya. Kahit lumuha siya ng dugo, hindi na magbabago ang katotohanang wala na ang kanyang ama.
“R-Red…” nahihirapang sabi ni Jewel. “Paano ako makakasiguro na tunay ang pagmamahal na sinasabi mo? K-kung sinasabi mo lang ‘yan ay dahil sa anak ko, mabuti pang umalis ka na. Pinapangako ko sa ‘yo, hindi ko pababayaan ang aking anak. Bubusugin ko siya ng pagmamahal na hindi kailangan ng pagmamahal ng isang ama.” “Anak natin, huwag mong solohin. Ilang pruweba ba ang puwede kong ipangalandakan sa ‘yo para paniwalaan mo ang iba pang sasabihin ko? Isa pa, nariyan si Rochelle, siguro naman, sa loyalty sa ‘yo ng kaibigan mong ‘yun, hindi niya ako papayagan makalapit sa ‘yo kung alam niyang niloloko lang kita.” May katuwiran ito. Nangingilid ang luha sa mga mata niya. Mayamaya, kinabig siya ni Red at niyakap nang mahigpit. Iyon ang kanina pa niya gustong maramdaman–ang yakap ng lalaki na mag-aalis ng kanyang alalahanin. Buong puso siyang tumugon sa yakap at ipinadama ang pagmamahal niya para rito. Nadama niya ang mabini nitong halik sa kanyang noo. Napapikit siya sa pagsuyong naramdama
IYAK ng sanggol ang nakapagpadilat sa mga mata ni Jewel. “A-ang baby ko…” ‘yon ang salitang unang namutawi sa kanyang bibig. Kahit na nga medyo malabo pa sa paningin niya ang mga taong nasa tabi niya. “Don’t worry, he’s fine…” pabatid sa kanya ng isang pamilyar na tinig. “Ang kailangan lang, magpalakas ka, para makarga mo na ang baby natin.” Nababaghan siya sa mga pangungusap ng pamilyar na tinig na iyon. Anong karapatan nitong angkinin ang anak niya? “Thank goodness!” narinig niyang sambit ng kung sino man. “I can say, it's a miracle. Ang inaasahan ko ay ang muling mapatibok ang puso ng pasyente. Hindi ko inaasahan na magigising siya mula sa pagkaka-coma, kasabay ng muling pagtibok ng puso niya.” Red and Rochelle, they rush her to the operating room for an emergency c-section. However, a blood clot that was loose in her system sent her into a coma. The medical staff caring for her felt defeated. Dahil pagkalipas ng ilang linggo, Jewel was still unconscious and no treatment se
KABABAKASAN ng tuwa ang mukha ni Vivian nang makita si Red. “Sweetheart, mabuti naman at nagpakita ka na sa akin,” malambing nitong sabi. Matalim ang mga matang tumingin ito kay Jewel. “Sabihin mo sa babaeng ‘to, hindi ka niya pwedeng kunin sa akin. Ako ang mahal mo, ‘di ba?” Aalis na sana si Jewel, nang matigilan. Nararamdaman niya ang masakit na paghilab ng kanyang tiyan. “Jewel!” Narinig niya ang boses ni Rochelle, nakita niya ang kaibigan at may kasama itong apat na lalaki. “Saan ka pupunta, huh?” Hinila ni Vivian ang buhok ni Jewel. “Akin lang si Red! Tandaan mo ‘yan!” “Vivian, stop it!” dumagundong ang sigaw ni Red, mabilis na nilapitan ito at tinanggal ang mga kamay na nakasabunot sa buhok ni Jewel. “M-manganganak na yata–” hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Jewel nang maramdaman unti-unting dumidilim ang kanyang paningin. Mabilis na naagapan ni Red ang pagbagsak ni Jewel sa sementong sahig. “Ipagdasal mong walang masamang mangyari sa mag-ina ko, Vivian. Dahil kapag n
AGAD na pinuntahan ni Sonia ang anak sa kwarto nito matapos makausap sa cell phone. “Vivian!” “Ma…” “Hanggang ngayon, hindi mo pa rin matalikuran ang bisyong ‘yan!” galit na turan ni Sonia na isa-isang ipinagtatapon ang mga ipinagbabawal na gamot na nagkalat sa ibabaw ng kama ng anak. “Gusto mo ba talagang tuluyang sirain ang buhay mo, huh?!” “Kailangan ko ang mga ‘yan, Ma. Give it to me, please…?” umiiyak na pakiusap ni Vivia sa ina. “Makakatulong sa ‘kin ang mga ‘yan na makalimutan ang lahat ng problema ko.” “Tumigil ka!” “Si Red, hindi niya ako sinipot sa simbahan kanina, Ma…” humahagulgol na sumbong nito sa ina. “Mahal na mahal ko siya, Ma!” “Ano’ng gusto mong gawin ko, huh? Hanapin si Red, lumuhod sa harapan niya at pakiusapang ituloy ang kasal n’yo, gano’n ba ang gusto mo?” lumuluha na ring turan ni Sonia. Niyakap nito nang mahigpit ang anak. “Alam mo bang pinatalsik na rin ako sa kumpanya? Lahat ay unti-unti nang nawawala sa atin.” Natigil sa pag-iyak si Vivian. “What d
“ANO ang ibig sabihin nito?” nanggagalaiting sigaw ni Sonia. Halos manlaki ang ulo nito sa nabungarang tagpo. Nakakalat ang mga kagamitan nito sa labas ng opisina. “Sino ang may gawa nito?”“Ma’am, kahit ano pong awat namin sa kanila, ayaw nila kaming pakinggan. Hindi na raw ikaw ang Managing Director ng kumpanya,” pabatid kay Sonia ng kanyang sekretarya. “Si Mr. Carlo Burgos, siya po ngayon ang nakatalagang papalit sa iiwan n’yong posisyon sa kumpanya, ma’am.”“At sinong baliw ang nagsabi?”“Ako.”“Who are you?”“Ako si Atty. Macnel Rojo. Isa ako sa mga abogadong pinagkakatiwalaan ng nasira mong asawa na si Mr. Cesar Buenavista.”“Hindi ikaw ang abogadong kinuha ng asawa ko. Umalis ka na kung ayaw mong ipakaladkad kita palabas ng kumpanya!” pagbabanta ni Sonia sa lalaki.“Si Atty. Delgado ba ang tinutukoy mo, Mrs. Buenavista?” seryoso ang mukhang patanong na sabi ng abogado. “Umamin na si Atty. Delgado. Binalak n’yong manipulahin ang iniwang testamento ni Mr. Buenavista. At itong Bue
NIYAKAP ni Vivian si Red. “Sweetheart, please… patawarin mo ako. Simulan natin muli ang lahat. Mahal mo naman ako, ‘di ba? It's not too late, mag-aampon tayo. I swear, you will learn to love the child we will adopt.” “Whose child? Kay Jewel na kapatid mo?” Patda si Vivian. “P-paano mo nakilala si Jewel?” “And that's what I wonder about. You didn't tell me you had a sister.” “For what? She is not part of our family. I don't even consider her a sister.” “Hindi mo siya itinuturing na kapatid pero interesado ka sa pinagbubuntis niya. How dare you na angkinin ang anak na hindi naman sa ‘yo!” “N-nagkakamali ka,” napalunok na turan ni Vivian. “S-siya mismo ang may gustong ibigay sa akin ang bata–” “Enough!” ani Red, marahas na inihinto niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Napahagulgol naman ng iyak sa mga palad nito si Vivian. “Matagal mo nang alam na hindi ka na maaaring maging ina. Kaya nga gusto mong angkinin ang bata pagkatapos manganak ni Jewel, right?” “Si Mama ang may idey