LOGINNanatili muna si Hector sa labas para palamigin ang ulo. Pagbalik niya sa kwarto, gising na pala si Lola Melba. Nakatabi si Barbara kay Lola Melba na halatang-halatang balisa at wala sa sarili dahil sa matinding hiya at pagsisisi sa nangyari.
"Gabi na, mga apo. Umuwi na kayo at para makapagpahinga na rin ako," mahinang utos ng matanda.
"Caroline, ano ang kailangan mo? Ako nang uuwi sa bahay para ikuha ka ng mga gagamitin mo, tapos babalik ako rito para samahan ka," malambing na alok ni Hector. Hinding-hindi niya hahayaang mag-isa ang dalaga sa pagbabantay sa ospital ngayong gabi.
"Naku, 'wag na, Hector. Hindi na ako magpapaiwan."
"Ano?"
"Si Barbara na ang magbabantay kay Lola Melba. Sasabay na ako sa'yo pauwi."
Nang ihayag iyon ni Caroline, mabilis na inilipat ni Hector ang tingin kay Barbara. Iniiwas naman ng dalaga ang kaniyang paningin. Halatang may mga luhang nagbabadyang pumutok sa mga mata nito, malamang ay dahil sa matinding galit o sama ng loob sa pambubulyaw kanina. Pero para kay Hector, ginagawa lang nito iyon dahil alam nitong kasalanan talaga niya.
"Bababa muna ako para bumili ng mga kailangan. Paki-samahan muna si Lola, sandali lang ako," paalam ni Barbara.
"Gusto mo bang samahan na kita?" alok ni Harris. Alam niyang masama pa rin ang loob n Barbara sa nangyari. Nakakaawa ring tingnan ang bagsak nitong mukha, pero kilala niya si Barbara. Kapag ayaw nitong magpatulong o magpaalaga, walang makakapilit sa kaniya.
"Salamat na lang, Kuya Harris. Kaya ko na ito mag-isa."
Pagkasabi niyon ay mabilis siyang lumabas ng kwarto. Planong bumili ng charger ng cellphone at kaunting maiinom o makakain para hindi na siya pabalik-balik sa ibaba, para mabantayan niyang maigi si Lola Melba nang walang katiting na pagkurap.
Pumasok si Barbara sa convenience store sa loob ng ospital. Kumuha siya ng charger, maliit na facial wash, sabon, at isang katamtamang kumot na pwedeng pansamantalang gamitin. Kumuha rin siya ng gatas at kaunting biscuit. Pagkalapag na pagkalapag ng mga binili niya sa counter para magbayad, may biglang kamay na nag-abot ng pera sa cashier bago pa man siya makakilos.
Paglingon ni Barbara, nakatayo sa likod niya si Hector na nakatitig sa kaniya.
Ayaw niya itong kausapin. Kung gusto nitong magbayad, 'di magbayad siya. Kinuha na lang ni Barbara ang mga gamit at mabilis na lumabas ng tindahan nang hindi man lang ito nililingon.
Pero pagkalabas niya, mabilis siyang sinundan ng lalaki at biglang inagaw ang mga bitbit niya.
"Ano bang ginagawa mo, Kuya Hector?! Akin na nga 'yan!"
"Ako na ang magbubuhat."
"Kaya ko itong buhatin! Bakit ka ba sumusunod? Ano na naman bang ibubulyaw mo sa akin?" matalim niyang tanong habang nakatitig sa lalaki. Huwag nitong isiping nakalimutan na niya ang mga masasakit na salitang ibinato nito sa kaniya kanina.
"Hindi ako sumunod para sigawan o pagalitan ka. Gusto ko lang itanong kung may kailangan ka pa para maipadala ko na lang sa mga kasambahay mula sa bahay."
Napakalayo talaga ng pagtrato nito sa kaniya kumpara sa Ate Caroline niya. Walang-wala kahit kaunting pagkakapareho. Kay Caroline, sobra-sobra ang pag-alaga at pag-asikaso, habang sa kaniya ay wala man lang kahit katiting na pakialam.
"Wala. Hindi ko kailangan ng kahit ano."
"What was that? Nagtatampo ka dahil pinagalitan kita?"
"Hindi. Ayaw ko lang pag-usapan o unggatin pa ang lahat.”
"Ang lahat ng bagay?"
Napatigil sa paglakad si Barbara. Mabilis siyang humarap sa lalaki.
"Anong ibig mong sabihin, Kuya Hector?"
"Nang sabihin mong ayaw mo nang ungkatin pa ang lahat, ibig sabihin ba noon kasama na pati ang nangyari sa atin nung gabing 'yon?"
"At ano namang makukuha ko kung i-ungkat ko pa 'yon? Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Kung ganun, ibigay mo sa akin ang account number mo para mai-transfer ko na ang pera. Para matapos na ito. Gabi-gabi akong minumulto ng nangyari, ayokong may nakabitin pa."
"Ano bang pumapasok diyan sa utak mo para isiping pera ang makakalutas ng lahat, Kuya Hector?"
Napakagat-labi si Hector sa sobrang gigil. Hindi niya napigilan ang pagbuntong-hininga sa pagmamatigas ng dalaga.
"Pumunta ako rito para humingi ng paumanhin kung napasobra ang mga nasabi ko kanina. Masyado lang akong nag-alala kay Lola. At nagso-sorry ako dahil ayokong magkaroon tayo ng mas malalim na lamat o samaan ng loob. Alam mo namang magpro-propose na ako sa ate mo, 'di ba?"
"Hindi ka pa ba nag-propose sa kaniya?"
"Nag-propose na ako. Pero hindi pa siya nakakasagot nang diretso dahil nangyari nga ito kay Lola."
"Ah... Kaya pala galit na galit ka sa akin kanina? Kasi sa tingin mo, ako ang dahilan kung bakit hindi pa sumasagot si Ate Caroline at kung bakit hindi pa rin napapalagay ang loob mo?"
"Inaamin ko. Oo."
Napatitig si Barbara sa lalaki. Hanggang ngayon, malinaw na malinaw na sa kaniya kung gaano nito kinababaliwan ang ate niya.
"Mahal na mahal ko ang ate mo, Barbara. Pangako, aalagaan ko siya nang mabuti. Hinding-hindi ko siya sasaktan o papaiyakin kailanman."
"Dapat sa kaniya mo sinasabi 'yan, hindi sa akin. Hindi ko kailangang marinig 'yan."
"Hindi ko kasi alam kung anong naiisip o nararamdaman mo tungkol sa nangyari nung gabing 'yon. Kaya gusto kitang kausapin muna. Mula noon hanggang ngayon, itinuturing kitang nakababatang kapatid… kapatid ni Caroline at kapatid ko rin. Kailanman hindi kita tiningnan sa ibang paraan. 'Yung nangyari nung gabing 'yon, hindi ko talaga sinasadya. Hindi ko talaga alam na ikaw 'yon, Barbara."
"Sige na. Kalimutan mo na 'yon." Iniiwas ni Barbara ang kaniyang mukha. Kahit ulit-ulitin pa nila ang paksang ito nang makasampung ulit, wala pa ring magbabago. Dahil pilit pa ring iginigiit ng lalaki na isa lamang iyong malaking pagkakamali at hindi talaga sinasadya.
"Nung nag-propose ako kay Caroline, nakita kong nag-aalinlangan siya. Naiiisip ko... baka nag-aalala siya sa'yo kaya hindi pa siya makapagdesisyon nang buo tungkol sa pagpapakasal natin."
"Walang kinalaman ang pagpapakasal ni Ate Caroline sa akin."
"Dahil nga sa pag-aalala. Baka kung may sarili ka nang boyfriend o may nakakarelasyon ka na, mas madaling makapagdesisyon ang ate mo."
Kumunot ang noo ng dalaga. "Anong ibig mong sabihin?"
"Kung may boyfriend ka na o may ipinakilala ka ng lalaki sa kanya, baka mas mapalagay ang loob ng ate mo."
"Sinasabi mo ba 'yan dahil gusto mo talaga akong magka-boyfriend? O baka naman hindi lang dahil sa ate ko? Baka natatakot ka lang na manghimasok ako sa buhay ninyo? Natatakot kang mang-gulo ako, natatakot kang hindi ako manahimik, o natatakot kang sabihin ko ang nangyari sa atin?"
"Aaminin ko... oo," diretsahang sagot ni Hector habang nakatitig sa kaniya. Ang ugali ni Barbara ay palaging nasa labas ng inaasahan niya. Minsan hindi niya ito mabasa, at ayaw niyang makipagsapalaran sa kahit anong bagay. Hindi niya kayang makipagsapalaran kung ang kapalit ay ang pagkawala ni Caroline sa kaniya.
"Bakit hindi ka subukang makipagrelasyon sa iba? Ayaw mo bang magka-boyfriend?" pahabol pa ni Hector.
"Buhay ko ito, Kuya Hector. Huwag mo nga ako pangunahan.”
"Matatapos ka na rin naman sa pag-aaral, 'di ba? Normal lang naman ang magkaroon ng kasintahan. Walang magagalit sa'yo. Kaya maghanap ka na. Dahil kapag nagpakasal na kami ni Caroline, wala nang mag-aalaga sa'yo rito."
"Magpakasal kayo kung kailan niyo gusto! Sabi ko naman sa'yo, walang kinalaman ang kasal niyo sa akin. At tungkol naman sa boyfriend, kapag handa na ako, ako ang magdedesisyon—hindi ko kailangang maghintay ng utos mula sa'yo."
"Nagmamalasakit lang ako."
"Itabi mo na lang 'yang malasakit mo, Kuya Hector. Hindi ko kailangan 'yan."
"Kung ganun, mangako ka sa akin. Mangako kang hinding-hindi mo ipagsasabi kahit kanino ang nangyari sa atin nung gabing 'yon." Inabot ni Hector ang braso ng dalaga para hawakan ito at siguraduhing makukuha niya ang sagot. Nakita niyang namumula ang mga mata ni Barbara na para bang maiiyak na naman, pero wala siyang pakialam sa mga luha nito.
"Mangako ka... na walang makakaalam ng nangyari sa atin. Na ang nangyari ng gabi na iyon ay mananatiling lihim habambuhay."
"Oo na! Ang pagkakamali na nangyari ng gabing iyon ay mananatiling lihim habambuhay!” Hindi na napigilan ni Barbara na singhalan ito sa bugso ng kanyang damdamin.
Dahil iyon ang gustong mangyari ni Hector, ibibigay iyon ni Barbara nang buong-buo. At higit pa roon ang ibibigay niya. Kung gusto nitong magka-boyfriend siya dahil sa lalim ng takot nitong mang-gulo siya sa buhay nila, lalo na't araw-araw silang magkikita sa iisang bubong. Mas higit pa roon ang gagawin niya. Hindi lang siya maghahanap ng lalaki, kundi lalayas siya sa bahay na iyon. Magdadahilan na lang siya Lola Melba na kailangan niyang lumipat sa sarili niyang apartment o maliit na boarding house dahil sa kanyang schedule sa pag-aaral niya.
Wala nang nagawa si Barbara kundi ang sumabay na lang sa biyahe pauwi sa bahay. Sa buong biyahe, isinaksak ng dalaga ang kaniyang AirPods sa kaniyang mga tainga, inilakas nang husto ang musika, at isinandal ang ulo sa pinto sa kaniyang tabi. Ayaw na ayaw niyang kausapin o makipagpalitan man lang ng kahit anong salita kay Hector.Sa hating-gabi ng biyahe, huminto si Hector sa isang coffee shop tulad ng dati. Inabot nito sa kaniya ang paborito niyang kape habang ang isa pang kamay nito ay may hawak na bag ng pastry at tsokolate, halatang ibibili at ipapasalubong nito para kay Caroline.Isang sulyap pa lang ay alam na niyang ang pinakamasarap at pinakamagandang balot ng pastry ang pinili nito para sa ate niya."Kausapin mo muna ako, Barbara." Biglang itinanggal ni Hector ang AirPods mula sa tainga ng dalaga nang walang paalam. Inis na sinulyapan ni Barbara ang gawi nito, pero wala namang pakialam ang lalaki sa kaniyang inis."Kumusta ang pag-aaral mo?" Maunang nagtanong si Hector dahil m
"Ibig sabihin, kailangan kong maghintay hanggang sa makuha mo ang gusto mo, ganun ba?"Ang selfish ng pag-iisip ni Hector!Halos isumpa na ni Barbara ang lalaki sa kaniyang isip, pero wala na siyang magagawa pa bukod doon. Ayaw na niyang pahabain pa ang nakairitang usapang ito, ang pagpapatalo sa away na ito ay aksaya lang sa oras."Kung sabagay, ikaw na ang bahala, Kuya Hector. Wala naman akong karapatang mamili mula't sapul.""Kung aalisin mo 'yung pagkakamali ko sa'yo nung gabing 'yon, anong masama sa akin? Hindi ba ako bagay para sa ate mo?” pabalang na sagot nito pabalik."Sinabi ko na sa'yo, pumunta ka kay Ate Caroline at sa kaniya ka makipag-usap. Walang kinalaman ang buhay mo sa akin.""May kinalaman, Barbara! Kung tutulungan mo ako at kakausapin mo si Caroline, mas madali siyang makakapagdesisyon! Mahal na mahal ka ng ate mo. Kapag tinulungan mo ako, mas madali siyang papayag na magpakasal sa akin.""Nasa sa'yo na 'yon. Kung totoo kang mabait at maayos, kusa ka namang pipilii
"Ganoon ba ang gusto mong mangyari, Kuya Hector? Gusto mo lang akong makitang itinatapon, walang nagmamahal, at walang nag-aasikaso sa akin? Ganoon ba?"Itinaas ni Barbara ang kaniyang mga braso at nag-krus ang mga ito sa dibdib habang nakatitig sa lalaki. Hindi niya alam kung paano napadpad si Hector sa lugar na iyon sa oras na ito. Kung si Harris iyon, hindi na siya magtataka kahit kailan. Pero si Hector? Hindi naman ito pumupunta sa lugar na ganito."Sa pinaggagagawa mo, sa tingin mo ba nararapat ka pa ring mahalin at kaawaan ni Lola?""Hindi ba't si Lola mismo ang dapat magdesisyon niyan at hindi ikaw, Kuya Hector?""Ayan! 'Yang ganyang ugali mo! Paano mo ie-expect na magugustuhan kita?!" Inis na asik ni Hector. Nagpadala lang siya sa kaniyang emosyon at nagsalita nang walang pag-iisip, pero mukhang tumagos iyon sa puso ng dalaga."Wala naman akong sinabing magustuhan mo ako, Kuya Hector. Kung ayaw mo sa akin, edi sige. Layuan natin ang isa't-isa. Huwag kang manghimasok at huwag k
Bumaba mula sa kaniyang mamahaling kotse ang matangkad na si Harris, nakasuot ng puting polo na may dalawa hanggang tatlong nakabukas na pindutan sa itaas at paboritong kupas na jeans. Nakita niyang nakarating na sa harap ng condo ang kaniyang kikitain.Nakatayo si Harris habang nakakrus ang mga braso at nakasandal sa kotse. Ang matatalim niyang mata ay nakatutok kay Barbara na nagbubukas ng pitaka para magbayad sa Grab driver na naghatid sa kaniya. Naghintay siya hanggang sa makalapit ang dalaga sa kinaroroonan niya."Matagal ka bang naghintay, Kuya Harris?" Ang simpleng ngiti sa magandang mukha ni Barbara ay kahit paano'y nakabawas sa init ng ulo ni Harris, pero pinanatili pa rin niya ang seryosong mukha."Bakit hindi ka naghintay sa akin?""Huh?""Nag-usap tayo na sabay tayong aalis sa bahay, 'di ba? Bakit hindi mo ako hinintay at nauna nang umalis nang hindi ako kasama?" Pagkagising niya para maligo at mag-ayos, wala na pala si Barbara. Nagtaka talaga siya. Kahit gaano pa ito nagm
"Talagang galit na galit ka sa akin, ha, Kuya Hector?" Tanong ni Barbara habang bahagyang ngumingiti nang mapait. Kahit pilit niyang ipinapakita na wala siyang pakialam, kabaligtaran naman 'yon ng tunay na nararamdaman ng kaniyang dibdib."Pagtiisan mo na lang. Ilang araw na lang naman tayong magkikita rito bago ako tuluyang umalis.""Sana nga totoo 'yang sinasabi mo. 'Wag kang puro salita.""Mag-iingat ka sa mga sinasabi mo, baka mamaya ay mauna pa akong magka-boyfriend na mas hihigit pa sa'yo!" Pabalang na tinulak ni Barbara ang dibdib ni Hector para palayuin ito. Noon naman ay hindi naman ganoon kainit ang ulo nito sa kaniya. Pero simula nung gabing 'yon, noong gabing nagkamali ito at inakalang si Caroline siya, lalong lumala ang pakikitungo nito sa kaniya araw-araw.Bakit ba siya lang ang sinisisi nito? Hindi ba't pareho lang naman silang nagkamali? Bakit tila ba siya ang nag-iisang may kasalanan sa lahat?"Sana nga! At sana huwag na huwag mong hayaang masira ang relasyon ninyo ni
Tinitigan ni Hector ang screen ng kaniyang cellphone na walang kagalaw-galaw bago niya napagtantong na-block na pala siya ng dalaga. Sinabi ni Barbara na ayaw na nitong makita ang mukha niya, at ang dahilan kaya ito lilipat sa city ay para hindi na sila kailanman magkaharap. Kung sa bagay, mas mabuti na rin 'yon. Iyon din naman ang gusto niya. Ayaw rin niyang makita ang mukha nito."Hector? Kanina ka pa ba nakauwi?"Ibinulsa ni Hector ang kaniyang cellphone bago tumingala sa nagtanong. Sa kabila ng lahat, ang maamong mukha ni Caroline ang nakapagpapawala sa kaniyang inis at galit."Kadarating ko lang. Nakita ko ang kotse ni Harris sa labas, nakauwi na ba siya?" tanong niya sabay lingon sa labas bago ibinalik ang tingin kay Caroline."Oo, nakauwi na sila. Kasama niya si Barbara at si Lola.""Nakauwi na si Lola?""Oo. Sabi ni Harris, nakiusap daw si Lola na makalabas na ng ospital dahil pakiramdam niya ay maayos na siya. Nasa kwarto na siya ngayon at nagpapahinga. Si Barbara rin.” malum







