Compartir

Chapter 3

last update Última actualización: 2025-10-24 14:17:59

HINDI maiwasang hindi magulat ni Colt nang marinig niya ang sagot ng babaeng kaharap niya. Bagamat kitang-kita sa mga mata nito ang takot ay pilit pa rin itong nagkukunwaring malakas. Hindi niya maiwasang hindi humanga sa lakas ng loob at tapang nito pero alam niya na kung sakaling makaharap na niya ng tuluyan si Astre ay baka manginig bigla ang tuhod niya sa labis na takot.

Saan naman kaya ito kumukuha ng lakas ng loob?

Kilala niya ito. Siya ang lang naman ang unica hija ni Alejandro Bernardino. Sa pagkakaalam niya ay isa itong spoiled brat at walang ibang alam kundi ang gumala ng gumala at maglustay ng pera ng kanyang ama.

Sa totoo lang ay nagulat siya nang malaman niya mula sa isa mga tauhan nila na hinahanap daw nito si Astre. Malamang na inaasahan nito na buhay pa ang ama nito. Kung siya lang ang tatanungin ay ayaw niya sanang dalhin ito kay Astre dahil baka mamaya ay may nakabuntot na pala dito. Kailangan pa namna nilang mag-ingat pero hindi niya akalain na si Astre mismo ay pumayag na makausap ang babaeng ito.

Bigla akong napatitig sa inosente niyang mukha. Napakaganda niya at sa unang tingin pa lang ay halatang anak mayaman na ito kaagad.

Sa huli ay wala siyang nagawa. Malamig ang mga mata niyang tiningnan ito. “Kung sawa ka na talaga sa buhay mo ay wala akong magagawa.” sabi niya at nauna nang naglakad palabas. “Sumunod ka sa akin.” sabi niya rito.

Kaagad silang dumiretso sa backdoor. Doon sila dadaan dahil doon ay walang cctv, kailangan niyang mag-ingat ng sobra dahil hindi lang basta-basta ang taong pupuntahan nila. Ayaw niyang magkaroon ng malaking gulo at maging problema.

HINDI maiwasang hindi kabahan si Zia habang nakasunod siya sa lalaki. Sa likod sila dumaan at para iyong secret door. Hindi niya alam kung saan iyon patungo pero wala siyang magawa kundi ang sumunod lang dito.

Ilang sandali pa ay tuluyan na silang lumabas sa parking lot at doon ay may naghihintay na kaagad na sasakyan. Pinagbuksan nila siya ng pinto ng sasakyan kung saan ay agad naman siyang pumasok kahit na unti-unti na siyang binabalot ng takot dahil paano ba naman ay mukhang mga goons ang lalaking nasa loob ng sasakyan.

Para silang mga taong bigla na lang papatay at magsasa-salvage ng tao. “Kailangan kitang piringan, katulad ng napagkasunduan natin.” narinig niyang sabi ng lalaki kanina kung saan ay tumango lang naman siya.

Kung iyon ang magiging daan para makita niya ang kanyang ama ay handa niyang gawin. Tumango siya at hindi nagsalita. Hinintay na mapiringan ang kanyang mga mata.

Wala siyang ibang hiling kundi tanging sana ay hindi siya biglang i-salvage ng mga ito at itapon na lang kung saan nang hindi niya man lang nakikita ang kanyang ama.

“Tara na.” utos ng lalaki kanina na hindi niya alam kung ano ang koneksyon sa lalaking nagpadukot sa kanyang ama.

Marahil ay baka tauhan siya nito. Hindi niya alam. Ilang sandali pa ay naramdaman na niya ang pag-andar ng sasakyan. Bigla siyang napasandal at napapikit. Baka malayo ang pupuntahan nila. Nagsusuka pa naman siya kapag sumasakay ng ganung sasakyan, yung saradong-sarado kahit na may aircon pa. Sinubukan niyang ipikit ang kanyang mga mata ng mariin.

Kailangan niyang matulog para hindi gumawa ng eksena. Baka mainis niya lang ang mga ito. Sinubukan niyang matulog hanggang sa unti-unti na siyang nakaramdam ng hilo at nakatulog.

~~~~

HINDI naman maiwasan ni Colt na mapakunot noo nang makita niya na halos malaglag na ang ulo ni Zia habang nakasandal sa upuan sa likod nila. Hindi niya akalain na basta na lang ito makakatulog ng ganun. Ni hindi man lang ba ito nag-aalala kung ano ang pwede nilang gawin sa kaniya? Ganun ba talaga kalakas ang loob nito?

Napailing siya. Tingnan na lang natin ang tapang niya kapag tuluyan na niyang nakaharap si Astre. Baka isang tingin pa lang nito ay nagkukumahog na itong tumakbo palayo rito.

Ilang sandali pa ay muli niyang ibinaling ang tingin sa kanyang harapan. Malapit na silang makarating sa kanilang destinasyon at halos ilang oras din naman ang naging byahe nila.

“Hindi pa ba siya natin gigisingin sir Colt?” tanong sa kaniya ni Lucas na nasa malapit dito.

Bumuntong hininga na lang siya. “Hayaan mo muna siyang matulog hanggang gusto niya para may lakas siyang humarap kay Astre.” sagot niya rito.

Hindi naman sumagot ito sa halip ay tinapunan niya lang ang natutulog na dalaga.

Hindi nga nagtagal ay tuluyan na silang tumigi sa tapat ng isang napakataas na gate na halos kung tutuusin ay dalawang palapag na ng bahay ang taas.

Ganun kaingat si Astre, gusto niya na halos hindi makita ang nasa loob.

“Gising niyo na siya.” utos niya kay Lucas nang tuluyan na silang makapasok sa loob ng gate.

~~~~

NAPANGISI si Astre habang nakatingin sa taong halos maga na ang mukha na nasa harapan niya. “Alam mo ba na nasa daan na ang anak mo para puntahan ka?” tanong niya rito na punong-puno ng panunuya.

Sa totoo lang ay hindi niya akalain na maglalakas ito ng loob na tumapak sa teritoryo niya kaya nga lang ay wala siyang plano na atrasan ito. Isa pa, curious siya kung ano ang magiging ekspresyon nito kapag tuluyan na silang nagharap na dalawa.

Kitang-kita niya ang pagbabago ng mukha nito. Napuno ng takot. “A-anong ibig mong sabihin? Huwag mong sasaktan ang anak ko.” may himig ng pagmamakaawa ang tinig nito nang sabihin iyon ngunit ngumiti lang siya.

“Wala akong pakialam sa pakiusap mo. isa pa, siya ang nag-presinta na pumunta mismo dito kaya kung anuman ang gawin ko sa kaniya ay labas ka na doon.” malamig na sabi niya rito.

Ilang sandali pa ay narinig na niya ang katok mula sa pinto. “Boss nandito na sila.” sabi ng isang tinig mula sa labas dahilan para muli siyang mapalingon sa nakaluhod na si Alejandro at muling ngumiti.

“Papasukin mo sila.” utos niya rito at ilang sandali pa ay tuluyan nang bumukas ang pinto.

Humarap siya sa pinto at napatingin sa mga taong pumasok. Sa harap ay si Colt at nakasunod dito ang ilang tauhan niya habang hawak ng mga ito ang isang babae. Nakapiring ito at ito ang unang beses na makikita niya ito sa totoo lang.

Narinig na niya ang pangalan nito dahil palaging nagre-report si Colt sa kaniya tungkol rito. Kung paano ito mabuhay at kung paano ito gumasta. Kung paano ito pumarty halos gabi-gabi.

Nagtagis ang kanyang mga bagang at naging madilim ang kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay sinenyasan niya si Colt na tanggalin ang piring nito.

Nang makita niya ang ekspresyon nito ay agad siyang napatiim bagang. Tama nga ang palaging sinasabi ni Colt na napakaganda nito. Isa pa ay kahit nasa bente dos pa lang ang taon nito ay makikita mo na sa katawan ang napakagandang hubog at alam niya na napakakinis nito dahil alagang-alaga ito.

“Daddy!” sigaw ni Zia at halos mapaiyak na nang makita niya ang kanyang ama sa kanyang harapan. Wala siyang ibang nakikita kundi tanging ito lang. Biglang nanginig ang kanyang mga kamay nang hawakan niya ang mukha nito. Medyo madilim sa silid ngunit sapat na para makita niya ang bugbog at kaawa-awa nitong itsura. Halos madurog ang puso niya ng wala sa oras habang nakatingin sa kanyang ama.

“Zia, anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado rito?” sunod-sunod na tanong ng kanyang ama sa kaniya. Mas inuna pa siyang alalahanin nito kaysa sa sarili niya mismo na dapat ay ang sarili nito ang inaalala.

“Daddy, kamusta ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba? Pasensya ka na at—” bago niya pa man matapos ang kanyang sinasabi ay biglang may tumikhim sa likod niya.

“Hindi ba at sinabi mo na gusto mo akong makausap Miss?” isang malamig at baritonong boses ang nagmula sa likuran niya na halos ikatayo ng balahibo niya dahil sa lamig. Boses pa lang iyon paano na lang kapag nagsalubong na ang mga mata nila?

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • One Year Contract with Mafia |SPG|   Chapter 10

    WARNING: EXPLICIT CONTENT. RATED SPG.ANG bawat salita na lumabas sa bibig ng lalaki ay parang patalim sa pandinig ni Zia. parang invisible nga lang ang talim ng mga ito dahil hindi makikita sa labas ang sugat na ginawa nito kundi tanging sa puso niya lang makikita. Ang mga mata nito ay nakatingin sa kaniya na para bang napakababa niya at napakawalang halaga niya.Nag-umpisang mag-init ang sulok ng kanyang mga mata ngunit pinigil niyang bumagsak ang mga ito mula sa kanyang mga mata dahil ayaw niyang magmukhang mahina sa mata nito. Ayaw niyang magmukhang kawawa pa lalo dahil baka mas alipustahin lang siya nito. Habang tumatagal ay mas nakikilala niya kung anong ugali at pagkatao ng lalaking ito at hindi na niya kailangan pang tanungin si Kate para malaman iyon. Unti-unti niyang nakikita ang pag-uugali nito. Biglang naging matalim at naging madilim ang kanyang mga mata habang nakatingin dito ng hindi niya namamalayan. Ilang sandali pa ay bigla na lamang nitong hinawakan ang kanyang muk

  • One Year Contract with Mafia |SPG|   Chapter 9

    MABILIS na lumipas ang buong maghapon sa buhay ni Zia at maghapon niya ring hindi nakita ang pagmumukha ni Astre. Tanging ang mga tauhan lang nito ang nakita niya at maingat na nagbabantay sa paligid. Nakakagalaw naman sila sa buong bahay ng may kalayaan pero nakakulong pa rin sila. Ang kinalalagyan nilang bahay ay may matataas na pader na halos walang katapusan sa sobrang taas.Tahimik siyang nahiga sa kanyang kama. Binigyan siya ng silid ni Kate sa pangalawang palapag ng bahay at siya naman ay nasa unang palapag. Hindi niya alam kung bakit hindi na lang sila sa magkatabing silid ngunit hindi na niya ito nagawang tanungin pa.Maganda at maayos naman ang silid ngunit pag-akyat niya kanina doon ay kaagad niyang napansin na nakabalot sa puting tela ang halos lahat ng gamit sa dinaanan nila na para bang ayaw malagyan ng alikabok ang mga kagamitan. Bukod pa roon ay napansin niya na medyo madilim ang bahaging iyon ng bahay dahil sa mga makakapal na kurtina.Napakarami niya pa sanang guston

  • One Year Contract with Mafia |SPG|   Chapter 8

    NAPAKUYOM ang mga kamay ni Zia ng wala sa oras. Hindi naman siguro mangyayari ang sinasabi ng babaeng nasa harapan niya hindi ba? Siguro naman ay susunod sa usapan nila ang lalaking iyon hindi ba? Isang taon lang ang kasunduan nila. Isang taon lang siyang mananatili doon para sa utang ng kanyang ama at hindi na sosobra pa.Hindi siya makakapayag na hindi siya makaalis doon pagkatapos ng isang taon dahil anong mangyayari sa buhay niya kung sakali? Anong kahihinatnan ng buhay niya kung hindi siya makakaalis doon? Ibig bang sabihin ay habang buhay siyang magiging isang parausan ng lalaking iyon?Huminga siya ng malalim at pumikit ng mariin. Ngayon pa lang ay gusto na niyang maiyak. Idagdag pa na gusto na niyang pagsisihan ang naging desisyon niya pero kung hindi niya naman pinili ang desisyong iyon ay ano na lang ang mangyayari sa kanyang ama? Baka pinatay na siya ng lalaking iyon. Mukha pa naman itong walang puso.“Hindi ko alam kung maaawa ba ako sayo o ano, pero mukhang katulad ko ay

  • One Year Contract with Mafia |SPG|   Chapter 7

    PAGKATAPOS siyang gamitin ng lalaki ay tinanggal nito ang pagkakatali sa mga kamay niya. Dahil sa higpit ng pagkakatali dito ay nagmarka ang tali sa maputi niyang balat. Halos mawalan ng lakas ang kanyang katawan pagkatapos. Agad niyang ibinalot ang sarili sa kumot dahil sa takot.Ang malalamig nitong mga mata ay tumingin sa kaniya pagkatapos magbihis. “Huwag na huwag kang gagawa ng ikakagalit ko dahil kung hindi ay baka kung ano ang mangyari sayo.” banta nito sa kaniya.“Tyaka isa pa, hindi ka magiging donya dito. Magbihis ka at lumabas para tulungan ang mga kasambahay.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Naglakad ito patungo sa pinto at binuksan ito pagkatapos ay malakas na isinara na halos ikagulat niya. Muling nagtubig ang kanyang mga mata at pagkatapos ay napakagat-labi. Ito na ba ang magiging bagong buhay niya?Kahit masakit pa ang pagitan ng kanyang mga hita ay bumangon pa rin siya. Sa takot na baka kung ano ang gawin nito sa kaniya kapag hindi niya sinunod ang gusto nito. Pinulo

  • One Year Contract with Mafia |SPG|   Chapter 6

    BIGLANG nanginig ang aking katawan nang maramdaman ko ang kanyang labi sa likod ko. Ilang sandali pa ay tinanggal na niya ang suot kong bra. Hindi ako makasigaw dahil sa nakabusal na damit sa aking bibig.Napapikit ako ng mariin nang tuluyan niyang hawakan ang aking dibd*b. Ang kanyang mga luha ay nagtuloy-tuloy sa pagpatak. Bakit? Bakit kailangang mangyari ang bagay na ito? Tanong niya sa kanyang isip.Gusto niyang magsisi sa naging desisyon niya pero alam niyang huli na ang lahat. Ang labi nito ay dumapo sa kanyang leeg na nagdulot ng matinding kilabot sa buo niyang katawan. Para siyang pinapaso.Mahigpit niyang naikuyom ang kanyang kamay at sinusubukang hilahin mula sa pagkakatali ngunit sadyang mahigpit ito. Pinaluhod siya nito at pagkatapos ay biglang pumwesto sa kanyang ilalim. Nanlalaki ang mga mata niya dahil sa takot hanggang sa bigla na lang nitong isubo ang isa sa kanyang dibdib. Napasinghap siya dahil sa kakaibang sensasyon na ginagawa nito sa katawan niya lalo na nang lar

  • One Year Contract with Mafia |SPG|   Chapter 5

    HINDI alam ni Zia kung saan siya nito dadalhin. Kahit na natatakot siya ng mga oras na iyon ay wala na siyang magagawa pa kundi ang tatagan na lang ang loob niya. Kailangan niyang gawin ang kahit na anumang iuutos nito para sa kaligtasan ng mga magulang niya. Hindi niya kayang mawala ang mga taong nagbigay ng buhay sa kaniya.Ilang sandali pa ay tumigil sila sa isang silid. Binuksan nito iyon at hinila siya papasok. Bigla siyang natigilan nang makita niyang isa pala iyong silid. “A-anong ginagawa natin dito?” halos nauutal na niyang tanong at pagkatapos ay napalingon dito.Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. “Bakit kailangan mo pang tanungin kung anong ginagawa natin dito? Hindi ba at ikaw na rin ang nagsabi na handa mong gawin ang lahat para palayain ko ang ama mo?” tanong nito sa kaniya habang malamig na nakatingin sa kaniya.Bigla siyang nakaramdam ng pangingilabot ng wala sa oras. Napaatras siya lalo na nang nag-umpisa na itong humakbang palapit sa kaniya. Ang kanyang dibdib

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status