共有

Chapter 2

last update 最終更新日: 2025-10-24 14:17:25

NANG kumalma ang kanyang ina ay doon na niya tinanong ang lahat. Nalaman niya na nalulong daw pala diumano ang kanyang ama sa sugal sa isang casino at halos umabot ng dalawang bilyon ang utang ng kanyang ama sa nagngangalang Astre Ford Miller. Hindi alam ng kanyang ina kung ano ang itsura nito o kung sino ito.

Nagulat na lang din daw siya nang bigla na lang may dumating sa bahay nila at naniningil. Kitang-kita niya raw ang takot sa mukha ng kanyang ama lalo na para sa kaniya. Ginawan naman daw ng paraan ng kanyang ama para makabayad siya sa utang kaya lang ay naubos na ang palugit nitong isang buwan at hindi siya nakaipon ng dalawang bilyon.

Palagi nga daw nag-aaway ang kanyang ina at ama dahil dito ngunit ni isang beses ay hindi siya nagsuspetsa lalo na at palagi namang okay ang mga ito sa harapan niya. Mukha naman silang masaya at walang problema kapag nakikita niya ang mga ito kaya hindi siya nag-isip ng kung ano-ano pero sa kabila pala ng kanilang mga ngiti ay may napakalaking problemang kinakaharap ang kanyang ama.

“Alam niyo ba kung saan siya nakatira?” tanong niya sa kanyang ina ngunit mabilis itong umiling.

“Hindi ko alam kung saan siya nakatira. Napaka-misteryoso niyang tao sa totoo lang. Tanging ang pangalan niya lang ang alam ko at ni minsan ay hindi ko pa siya nakita.” sagot sa kaniya ng kanyang ina na halos paiyak na naman ng mga oras na iyon.

Napasinghot ito. “Sana ay hindi nila galawin ang Daddy mo…” muling gumaralgal ang tinig nito kaya dali-dali niyang inabot muli ang kamay nito pagkatapos ay marahang pinisil.

“Huwag na kayong mag-alala Mommy. Gagawa ako ng paraan.” sabi niya rito ngunit mabilis naman siyang nilingon nito.

“Anong gagawin mo? Saan ka kukuha ng ganun kalaking pera?” tanong nito sa kaniya.

Sa totoo lang ay hindi niya rin alam. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng dalawang bilyon. Napakalaki nun. Sa totoo lang ay napakarami niyang mga luxury bags at mga sapatos. Ang plano niya ay ibenta ang lahat ng iyon para maipangdagdag sa pambayad nila sa utang ng kanyang ama kaya lang ay nasisiguro niyang kahit na maibenta niya ang lahat ng mga iyon ay kulang pa rin.

“Hindi pa tayo pwedeng umutang kay Tito?” tanong niya rito.

Kapatid iyon ng kanyang ama at sa pagkakaalam niya ay napakayaman din nito. Umiling ito. “Ang Daddy mo nga ay mismong nagmakaawa pa sa kaniya pero hindi niya man lang pinautang.” sagot naman ng kanyang ina na maluha-luha.

Nang marinig niya iyon ay napakuyom ang kanyang mga kamay. Nilunok na pala lahat ng Daddy niya ang kanyang pride at kinayang magmakaawa sa harap ng Tito niya pero hindi pa rin ito pinautang, ano na lang kaya ang naramdaman nito ng mga oras na iyon. Bigla tuloy siyang naawa sa kanyang ama.

“Basta akong bahala.” sabi niya sa kanyang ina.

Kuung kinakailangang lumuhod siya sa harap ng lalaking iyon para makiusap na pakawalan niya ang kanyang ama at bigyan lang sila ng isang taong para mabayaran ang utang nito ay gagawin niya. Handa niyang gawin ang lahat para sa ikaliligtas ng kanyang ama. Kahit na ano.

~~~~~

HINDI naging madali ang pagtatanong kung saan niya matatagpuan ang lalaking iyon. Ni hindi nila nagawang magsumbong sa pulis dahil baka mamaya ay mas lalo lang pahirapan ang kanyang ama o mas worst ay baka patayin na ito ng tuluyan.

Isang araw pa lang ang lumipas ngunit alam niya na napakarami na ang pwedeng mangyari sa loob ng isang araw na iyon kaya ayaw na niyang mag-aksaya pa ng oras. Ni halos ang matulog ay hindi niya nagawa dahil sa labis na pag-aalala sa kanyang ama.

Mabuti na lang at may naging lead siya kung saan niya ito pwedeng makita o kahit na makausap man lang ang tauhan nito.

Pagpasok niya sa isang silid ay agad niyang nakita ang malamig na mukha ng isang lalaki at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Biglang nagtaasan ang balahibo sa kanyang katawan dahil sa takot. Sunod-sunod ang naging paglunok niya.

Ilang sandali pa ay nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito. “Sigurado ka ba talaga na gusto mong makita si boss?” tanong nito sa kaniya.

Napalunok siyang muli. Ngayon at malapit na siya rito ay hindi na siya aatras pa. Kailangan niyang makita ang kanyang ama at kailangan niyang masiguro na ligtas ito.

Wala mang kasiguraduhan ang plano niya ay wala sa isip niya ang sumuko.

Sinalubong niya ang mga mata nito at tumango. “Sigurado ako. Gusto ko siyang makausap.” sagot niya rito.

Biglang napuno ng pagka-amused ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya at pagkatapos ay biglang dinampot ang cellphone na nakapatong sa mesa. Narinig niya ang pagring na para bang tinatawagan ito at ilang sandali pa ay sinagot na yata ng kung sino man ang tinatawagan nito. Tumalikod ito sa kaniya at siya ay nanatili lang na nakatayo doon, malapit sa pinto sa takot na baka kung ano ang gawin nito sa kaniya.

Hindi niya narinig ang sinabi nito sa kausap ngunit pagkalipas lang ng ilang sandali ay tuluyan na nitong ibanaba ang hawak nitong cellphone at muli siya nitong nilingon. Malalamig pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.

“Pumayag si boss na makausap ka niya pero sa isang kundisyon.” sabi nito kaagad pagharap nito sa kaniya.

Agad na napalunok si Zia. “anong kundisyon?” tanong niya rito kaagad.

“Kailangan mong mapiringan para hindi mo malaman kung saang lugar siya matatagpuan.” sabi nito sa kaniya at dahil dito ay hindi na siya nagdalawang isip pa.

Mabilis siyang tumango. “Deal. pumapayag ako sa gusto mo.” sagot niya rito.

Nang marinig ang sagot niya ay bigla na lang itong natawa ng wala sa oras. “Ang lakas ng loob mo. baka hindi mo alam kung sino siya? At higit sa lahat, kapag nagpunta ka doon sa tingin mo ba ay makakalabas ka pa? Sa tingin mo ba ay bubuhayin ka niya pagkatapos niyong mag-usap?” tanong niya sa akin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Biglang namuo ang pawis sa noo niya at pagkatapos ay naging marahas ang kanyang paghinga. Susuko na ba siya dahil sa mga banta nito? Hindi na ba siya tutuloy dahil sa pananakot nito? Pero paano ang kanyang ama? Anong mangyayari sa kanyang ama kung hindi niya ito ililigtas? Baka patayin nila siya.

Napakagat-labi siya. Kahit na unti-unti na siyang nilalamon ng matinding takot ay hindi pa rin pwede na umatras siya. Nangako siya sa kanyang ina na gagawin niya ang lahat para iligtas ang kanyang ama.

“Wala akong pakialam. Basta gusto ko siyang makausap.” matapang na sagot niya rito.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • One Year Contract with Mafia |SPG|   Chapter 7

    PAGKATAPOS siyang gamitin ng lalaki ay tinanggal nito ang pagkakatali sa mga kamay niya. Dahil sa higpit ng pagkakatali dito ay nagmarka ang tali sa maputi niyang balat. Halos mawalan ng lakas ang kanyang katawan pagkatapos. Agad niyang ibinalot ang sarili sa kumot dahil sa takot.Ang malalamig nitong mga mata ay tumingin sa kaniya pagkatapos magbihis. “Huwag na huwag kang gagawa ng ikakagalit ko dahil kung hindi ay baka kung ano ang mangyari sayo.” banta nito sa kaniya.“Tyaka isa pa, hindi ka magiging donya dito. Magbihis ka at lumabas para tulungan ang mga kasambahay.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Naglakad ito patungo sa pinto at binuksan ito pagkatapos ay malakas na isinara na halos ikagulat niya. Muling nagtubig ang kanyang mga mata at pagkatapos ay napakagat-labi. Ito na ba ang magiging bagong buhay niya?Kahit masakit pa ang pagitan ng kanyang mga hita ay bumangon pa rin siya. Sa takot na baka kung ano ang gawin nito sa kaniya kapag hindi niya sinunod ang gusto nito. Pinulo

  • One Year Contract with Mafia |SPG|   Chapter 6

    BIGLANG nanginig ang aking katawan nang maramdaman ko ang kanyang labi sa likod ko. Ilang sandali pa ay tinanggal na niya ang suot kong bra. Hindi ako makasigaw dahil sa nakabusal na damit sa aking bibig.Napapikit ako ng mariin nang tuluyan niyang hawakan ang aking dibd*b. Ang kanyang mga luha ay nagtuloy-tuloy sa pagpatak. Bakit? Bakit kailangang mangyari ang bagay na ito? Tanong niya sa kanyang isip.Gusto niyang magsisi sa naging desisyon niya pero alam niyang huli na ang lahat. Ang labi nito ay dumapo sa kanyang leeg na nagdulot ng matinding kilabot sa buo niyang katawan. Para siyang pinapaso.Mahigpit niyang naikuyom ang kanyang kamay at sinusubukang hilahin mula sa pagkakatali ngunit sadyang mahigpit ito. Pinaluhod siya nito at pagkatapos ay biglang pumwesto sa kanyang ilalim. Nanlalaki ang mga mata niya dahil sa takot hanggang sa bigla na lang nitong isubo ang isa sa kanyang dibdib. Napasinghap siya dahil sa kakaibang sensasyon na ginagawa nito sa katawan niya lalo na nang lar

  • One Year Contract with Mafia |SPG|   Chapter 5

    HINDI alam ni Zia kung saan siya nito dadalhin. Kahit na natatakot siya ng mga oras na iyon ay wala na siyang magagawa pa kundi ang tatagan na lang ang loob niya. Kailangan niyang gawin ang kahit na anumang iuutos nito para sa kaligtasan ng mga magulang niya. Hindi niya kayang mawala ang mga taong nagbigay ng buhay sa kaniya.Ilang sandali pa ay tumigil sila sa isang silid. Binuksan nito iyon at hinila siya papasok. Bigla siyang natigilan nang makita niyang isa pala iyong silid. “A-anong ginagawa natin dito?” halos nauutal na niyang tanong at pagkatapos ay napalingon dito.Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. “Bakit kailangan mo pang tanungin kung anong ginagawa natin dito? Hindi ba at ikaw na rin ang nagsabi na handa mong gawin ang lahat para palayain ko ang ama mo?” tanong nito sa kaniya habang malamig na nakatingin sa kaniya.Bigla siyang nakaramdam ng pangingilabot ng wala sa oras. Napaatras siya lalo na nang nag-umpisa na itong humakbang palapit sa kaniya. Ang kanyang dibdib

  • One Year Contract with Mafia |SPG|   Chapter 4

    NAGING malakas ang pagkabog ng kanyang dibdib ng wala sa oras. Nagsunod-sunod din ang kanyang paglunok. Parang may mga kabayong nagtakbuhan sa kanyang dibdib dahil sa labis na kaba. “Anak hindi mo kailangan magmakaawa sa kaniya. Umalis ka na rito. Mas mahalaga ang kaligtasan mo.” sabi sa kaniya ng kanyang ama ngunit tiningnan niya lang ito at pagkatapos ay bahagya siyang ngumiti na para bang sinasabi na okay lang siya at huwag itong mag-alala.Dahan-dahan siyang umikot, itinaas ang ulo at sinalubong ang nagbabagang titig ng isang lalaki sa gitna. Halos mapaatras siya nang tuluyang magsalubong ang kanilang mga mata. Nanunuot ang titig nito na para bang hinahalukay ang buong pagkatao niya. Napakalamig ng mga mata nito at ni wala man lang siyang mabasang eskpresyon.Idagdag pa na kapansin pansin ang nakakatakot nitong awra. Halos mawalan ng lakas ang mga tuhod niya. Muli siyang napalunok. Hindi niya akalain na totoo nga pala ang sinabi ng lalaki kanina. Nakakatakot nga pala talaga ito pe

  • One Year Contract with Mafia |SPG|   Chapter 3

    HINDI maiwasang hindi magulat ni Colt nang marinig niya ang sagot ng babaeng kaharap niya. Bagamat kitang-kita sa mga mata nito ang takot ay pilit pa rin itong nagkukunwaring malakas. Hindi niya maiwasang hindi humanga sa lakas ng loob at tapang nito pero alam niya na kung sakaling makaharap na niya ng tuluyan si Astre ay baka manginig bigla ang tuhod niya sa labis na takot.Saan naman kaya ito kumukuha ng lakas ng loob?Kilala niya ito. Siya ang lang naman ang unica hija ni Alejandro Bernardino. Sa pagkakaalam niya ay isa itong spoiled brat at walang ibang alam kundi ang gumala ng gumala at maglustay ng pera ng kanyang ama.Sa totoo lang ay nagulat siya nang malaman niya mula sa isa mga tauhan nila na hinahanap daw nito si Astre. Malamang na inaasahan nito na buhay pa ang ama nito. Kung siya lang ang tatanungin ay ayaw niya sanang dalhin ito kay Astre dahil baka mamaya ay may nakabuntot na pala dito. Kailangan pa namna nilang mag-ingat pero hindi niya akalain na si Astre mismo ay pum

  • One Year Contract with Mafia |SPG|   Chapter 2

    NANG kumalma ang kanyang ina ay doon na niya tinanong ang lahat. Nalaman niya na nalulong daw pala diumano ang kanyang ama sa sugal sa isang casino at halos umabot ng dalawang bilyon ang utang ng kanyang ama sa nagngangalang Astre Ford Miller. Hindi alam ng kanyang ina kung ano ang itsura nito o kung sino ito.Nagulat na lang din daw siya nang bigla na lang may dumating sa bahay nila at naniningil. Kitang-kita niya raw ang takot sa mukha ng kanyang ama lalo na para sa kaniya. Ginawan naman daw ng paraan ng kanyang ama para makabayad siya sa utang kaya lang ay naubos na ang palugit nitong isang buwan at hindi siya nakaipon ng dalawang bilyon.Palagi nga daw nag-aaway ang kanyang ina at ama dahil dito ngunit ni isang beses ay hindi siya nagsuspetsa lalo na at palagi namang okay ang mga ito sa harapan niya. Mukha naman silang masaya at walang problema kapag nakikita niya ang mga ito kaya hindi siya nag-isip ng kung ano-ano pero sa kabila pala ng kanilang mga ngiti ay may napakalaking pro

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status