LOGINAlas dose na ng tanghali nang matapos ni Sunny ang pag-aayos ng mga dokumentong kailangan para sa susunod na meeting.Pagod siya pero masaya. Hindi araw-araw nakakakita siya ng negosyanteng tulad ni Victoria na mabilis niyang nakasundo. Bukod sa pagiging matalino at prangka nito, magaan din itong kausap kapag hindi na tungkol sa kontrata ang pinag-uusapan.Habang nag-aayos siya ng mga papeles, may natanggap siyang mensahe.Victoria: Are you free for lunch? I'd love to treat you. My way of saying thank you for helping us yesterday.Napangiti si Sunny.Sunny: Sure, Ma'am. Thank you!Victoria: Please, call me Victoria. No need for formalities.Sunny: Okay, Victoria. See you in a bit!Isinara ni Sunny ang laptop at kinuha ang bag niya. Bago pa siya makalabas, nadaanan niya si Trina.“Saan ka pupunta?” tanong nito.“Lunch.”“Kasama ako?”“Hindi. May lunch date ako.”Napataas ang kilay ni Trina. “Lunch date?”“Relax. Hindi romantic date.”“Eh, sino kasama mo?”“Si Victoria.”Napanganga si T
“Hindi ko pa rin nakikita kung bakit kailangan naming pumirma sa ganitong Kontrata.”Muling ibinaba ni Victoria Reyes ang hawak niyang proposal sa ibabaw ng conference table.Napatingin si Baste kay Alex. Pangatlong beses na nilang ipinaliwanag ang parehong bagay, pero mukhang wala pa rin silang nararating.Si Victoria ang may-ari ng isang malaking international logistics company. Matagal na nilang gustong makuha ang kompanya nito bilang strategic partner ng Madrigal Corporation. Hindi lang basta ordinaryong kontrata ang pinag-uusapan. Malaki ang magiging epekto nito sa kanilang operasyon at pagpapalawak ng negosyo sa susunod na mga taon.Kaya naman personal na humarap sina Baste at Alex sa negosasyon.“Ms. Reyes,” mahinahong paliwanag ni Baste, “we understand your concern. Kaya nga namin inilagay sa proposal ang safeguards para maprotektahan ang inyong kumpanya.”“I've read those safeguards, Mr. Madrigal. But I still think the arrangement gives your company too much control.”“Hindi
“Bakit nakasimangot ka pa rin, Daddy?”Napatingin si Baste sa anak habang nakaupo sila sa restaurant ng resort. Abala si Dahlia sa pagkain ng ice cream habang si Sunny naman ay nasa kabilang upuan at may kausap sa cellphone.“Hindi ako nakasimangot,” sagot niya.“Pero parang galit ka.”“Hindi ako galit.”“Then why do you look like that?”Napatingin siya kay Sunny. Nakangiti ito habang nagbabasa ng mensahe sa cellphone. Paminsan-minsan ay napapatawa pa.Hindi niya kailangang hulaan kung sino ang kausap nito.Si Vanessa.“Sunny,” tawag niya.Napatingin ito mula sa cellphone. “Hmm?”“Hindi ka pa ba tapos?”“Sandali lang. May kausap lang ako.”“Kanina ka pa may kausap.”“Bakit? May hinahabol ba tayong oras?”“Wala. I'm just asking.”“Okay. Then I'm just answering.”Napailing si Baste.Natawa si Dahlia. “Daddy, you're funny.”“Hindi ako nagpapatawa.”“Pero funny ka.”Ngumiti si Sunny bago ibinaba ang cellphone. “Sorry. Tapos na.”“Good.”“Bakit parang galit na galit ka sa cellphone ko?”“H
Hindi pa rin mawala ang ngiti ni Dahlia habang naglalakad sila sa gilid ng resort.Kanina pa ito abala sa pagkolekta ng maliliit na kabibe sa buhangin. Si Sunny naman ay walang sawang sumasabay sa mga kuwento ng bata, habang si Baste ay naglalakad sa tabi nila, may hawak na maliit na bag na naglalaman ng mga gamit ni Dahlia.“Daddy, look! Ang ganda nito!” sigaw ni Dahlia habang ipinapakita ang isang maputing kabibe.“Ang ganda nga,” sagot ni Baste.“Mommy Sunny, sa'yo na lang. Para maalala mo ako kapag umuwi ka na.”Napangiti si Sunny at tinanggap ang kabibe. “Thank you, baby. Itatago ko ito.”“Promise?”“Promise.”Napailing si Baste. “Parang ang dami mo nang pasalubong kay Sunny.”“Daddy, wala ka bang ibibigay sa kanya?”“Meron.”Napatingin si Sunny sa kanya. “Talaga? Ano naman?”“Bayarin sa resort.”Napatawa si Sunny. “Ang kuripot mo talaga!”Tumawa rin si Dahlia bago tumakbo papunta sa playground na ilang hakbang lang ang layo.“Dahan-dahan lang!” paalala ni Baste.“I'm okay, Daddy
“Sunny, may plano ka ba this weekend?”Napatingin si Sunny mula sa computer nang marinig ang boses ni Baste.“Wala naman po. Bakit?”“Daddy! Sabihin mo na!”Biglang sumulpot si Dahlia mula sa likod ng daddy niya. Halatang excited na excited habang hawak ang maliit na stuffed toy.Napangiti si Sunny.“Hello, princess! Anong meron?”“Weekend outing tayo!”Napatingin siya kay Baste.“Outing?”“Yes. May nahanap akong magandang resort sa Batangas. I thought we could spend the weekend there.”“Kasama ako?”“Oo naman! Ikaw ang gusto kong kasama!”Natawa si Sunny sa excitement ng bata.“May swimming pool ba?”“Meron! May beach din! At may playground!” sunod-sunod na sagot ni Dahlia.“Wow. Mukhang kumpleto ang plano mo ah.”“Daddy planned everything!”Napatingin si Sunny kay Baste.“Sir, hindi ba kayo busy?”“I've cleared my schedule for the weekend.”“Ang sosyal naman. May CEO na kayang mag-leave.”“Even CEOs need weekends.”“Fair enough.”Lumapit si Dahlia at hinawakan ang kamay ni Sunny.“P
“Alex, nasaan na ang business partner natin?”“On the way na raw. Five minutes.”Napatingin si Baste sa relo niya. May meeting sila ngayong umaga para sa proposed partnership sa isang bagong real estate development project. Importante ang deal na ito para sa kumpanya, kaya personal niyang aasikasuhin ang negotiation.“Who's handling the presentation?”“Sunny prepared the documents. Nasa labas siya ngayon.”Tumango si Baste at binuksan ang laptop.Ilang sandali pa, bumukas ang pinto.“Good morning, gentlemen!”Pumasok ang isang lalaking nakasuot ng mamahaling suit. Matangkad, maayos ang buhok, at may kumpiyansang ngiti sa mukha.“Baste! It's been a while!”Tumayo si Baste at nakipagkamay dito.“Gabriel. Welcome to Madrigal Corporation.”Si Gabriel ang bagong business partner nila. Kilala ito sa real estate industry at may ilang malalaking proyekto na rin sa bansa. Bukod sa negosyo, kilala rin itong palakaibigan at mahilig makipagbiruan.“Where's Alex?”“Here, handsome,” sagot ni Alex h







