LOGINBiyernes ng gabi. Matapos ang sunod-sunod na meeting at problemang kailangang asikasuhin sa Madrigal Corporation, sa wakas ay nakahinga rin nang maluwag si Sebastian Madrigal.
“Pare, huwag mong sabihing uuwi ka na naman nang maaga,” reklamo ni Alex habang inaayos ang kuwelyo ng polo niya. Nasa loob sila ng isang pribadong sasakyan kasama ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Adrian at Vince. Napagkasunduan nilang mag-inuman sa isang sikat na bar sa Makati. Matagal na rin silang hindi nakakapagkita nang kumpleto. “I'm not in the mood to stay late,” sagot ni Baste. “Hindi ka naman talaga laging in the mood,” singit ni Vince. “Kaya nga kailangan ka naming ilabas. Baka sakaling maalala mong may buhay ka sa labas ng opisina.” Napailing si Baste. “I'm perfectly fine.” “That's what you always say,” sagot ni Adrian. “Pero ang totoo, mas kabisado mo pa ang schedule ng kumpanya kaysa sa schedule ng sarili mong buhay.” Nagtawanan ang tatlo. Pagdating nila sa bar, sinalubong sila ng malakas na tugtog at makukulay na ilaw. Punong-puno ang lugar. May mga taong nagsasayaw sa gitna, may magkakaibigang nagkukuwentuhan sa mga mesa, at may ilan namang abala sa pagkuha ng litrato. Dumiretso sila sa VIP section na nakalaan para sa kanila. “Now, this is more like it!” sabi ni Alex habang umuupo. Umorder sila ng mga inumin at nagsimulang magkuwentuhan. Sa unang pagkakataon sa buong linggo, hindi trabaho ang pinag-uusapan ni Baste. Nakinig siya sa mga kuwento ng mga kaibigan, paminsan-minsang sumasagot at tumatawa sa mga biro nila. “By the way,” sabi ni Adrian habang nagbubuhos ng inumin, “may bago ka raw na assistant?” “Administrative assistant,” pagwawasto ni Baste. “Same thing. Kumusta naman?” “She's doing her job.” “Wow. Napakasiglang sagot,” komento ni Vince. “Anong gusto mong sabihin ko?” “Kung maganda ba.” Napatingin si Baste sa kaniya. “I'm not hiring people based on their looks.” “Hindi naman iyon ang tanong ko.” Hindi na sumagot si Baste. Ayaw niyang bigyan pa ng pagkakataon ang mga kaibigan niyang mang-asar. Maya-maya, tumayo si Alex at nag-alok na sumama sila sa dance floor. “Come on. Isang gabi lang. Kalimutan muna natin ang trabaho.” “Go ahead,” sagot ni Baste. “I'll stay here.” “Alam mo, minsan nakakatakot ka nang kasama. Para kang matandang may maintenance.” “Then stop inviting me.” Nagtawanan ang mga kaibigan niya bago tuluyang umalis. Naiwan si Baste sa sofa, hawak ang baso habang pinagmamasdan ang mga taong nagsasayawan. Hindi naman siya mahilig sumayaw, pero gusto niyang magpalipas ng oras kasama ang mga kaibigan. Hanggang sa may isang babaeng pamilyar ang tindig na napansin niya sa dance floor. Una, ang suot nito ang nakakuha ng pansin niya. Itim na fitted top, leather pants na bumagay sa mahahabang binti, at itim na boots. Nakalugay ang buhok at bahagyang nakataas ang isang kamay habang sumasabay sa tugtog. Hindi ito mukhang nahihiya sa mga taong nakapaligid. Kumikilos ito nang malaya, nakangiti at tila walang ibang iniisip kundi ang mag-enjoy. Napakunot-noo si Baste. Pamilyar ang mukha. Sinubukan niyang tingnan nang mas mabuti nang tumapat ang ilaw sa babae. “Wait a minute…” Siya iyon. Si Sunshine Alcazar. Ang bagong empleyado niyang tila laging may isasagot sa bawat pagkakataong nagkakasalubong sila. Hindi niya inaasahang makikita ito sa ganoong lugar. Sa opisina, simple lang ang pananamit nito. Madalas ay blouse, slacks, at sapatos na bagay sa trabaho. Pero ngayong gabi, ibang-iba ang itsura nito. Mas kumpiyansa. Mas relaxed. At higit sa lahat, mukhang masaya. Napatingin si Baste sa paligid nito. May ilang lalaking napapatingin sa kaniya, pero hindi naman ito tila interesado sa atensiyon ng mga iyon. “Baste!” Napalingon siya kay Marco na kararating lang kasama sina Adrian at Vince. “Anong tinitingnan mo?” Walang sagot si Baste. Itinuro niya ang dance floor gamit ang kaniyang tingin. Sinundan iyon ni Alex. “Uy! Hindi ba employee mo 'yan?” “Sunny,” maikling sagot ni Baste. “Ang layo ng itsura niya sa opisina!” “Apparently.” “Hindi ko akalaing ganoon siya ka-cool manamit,” dagdag ni Vince. Hindi sumagot si Baste. Patuloy niyang pinagmamasdan si Sunny habang sumasabay ito sa tugtog. Maya-maya, may isang magandang babae na lumapit dito. Mahaba ang buhok, nakasuot ng pulang damit, at halatang komportable sa presensiya ni Sunny. Nang magharap ang dalawa, agad na ngumiti si Sunny. Hindi nagtagal, hinawakan ng babae ang mukha niya at hinalikan siya sa labi. Napahinto si Baste. Hindi siya agad nakagalaw. Para bang biglang nawala ang ingay ng paligid kahit patuloy pa rin ang malakas na tugtog. Pagkatapos ng halik, yumakap ang babae kay Sunny. Mahigpit itong kumapit sa baywang nito habang may ibinubulong sa tenga. Tumawa naman si Sunny at niyakap din siya. “Whoa.” Napatingin si Baste kay Alex. “What's wrong?” Hindi siya sumagot agad. “Isn't that your employee?” tanong ni Vince, na nakasunod na rin sa direksiyon ng tingin niya. “Yes.” “Then who's the girl?” Bumalik ang tingin ni Baste sa dalawa. “I don't know.” Napangisi si Alex. “Mukhang hindi mo alam ang personal life ng empleyado mo.” “Why would I?” “Wala naman. Curious lang.” Sa dance floor, tuluyan nang nakalimutan ni Sunny ang trabaho. Ang babaeng kakarating lang ay si Mika, matalik niyang kaibigan na matagal na niyang hindi nakakasama dahil sa pagiging abala nila sa kani-kanilang buhay. “Girl! Ang tagal nating hindi nagkita!” sigaw ni Mika habang nakayakap sa kaniya. “Alam ko! Akala ko ba last month pa tayo magkikita?” “Busy ka. Busy rin ako. At saka may bago ka na raw trabaho?” “Oo. Finally!” “Good for you! So, celebrate tayo tonight.” Ngumiti si Sunny. “That's the plan.” Hinila siya ni Mika pabalik sa gitna ng dance floor. Hindi siya mahilig uminom nang sobra, pero gusto niyang magsaya. Matagal na rin siyang hindi nakakalabas kasama ang mga kaibigan. Hindi niya napansin na may isang pares ng matang nakasunod sa kaniya mula sa VIP section. “Baste,” tawag ni Adrian. “Are you okay?” “I'm fine.” “Parang hindi.” Bumaling si Baste sa kaibigan. “What's that supposed to mean?” “Wala. Kanina pa kasi nakatingin ka roon.” Napatingin siya ulit sa dance floor. Nakita niyang may ibinulong si Mika kay Sunny. Tumawa ang dalawa at muling nagyakapan. “Hindi ko lang inaasahang makikita ko siya rito,” paliwanag niya. “Employee mo siya, hindi mo pag-aari,” biro ni Alex. “Obviously.” “Then stop looking like you caught her committing a crime.” Napailing si Baste at uminom. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang reaksiyon niya. Wala namang masama sa ginagawa ni Sunny. Wala siyang karapatang mangialam sa buhay nito sa labas ng opisina. Pero may isang bagay na hindi niya maalis sa isip. Sa unang araw na nagkita sila, inakala niyang isa lamang itong palaban at medyo magulong bagong empleyado. Sa sumunod na mga araw, nakita niya kung gaano ito katapang sa harap ng mga taong sinusubukang maliitin ito. Ngayon naman, nakita niya ang isang bahagi ng pagkatao nitong hindi niya inaasahan. At ang halik na nasaksihan niya? Hindi niya alam kung bakit iyon ang pinakanagulat siya. “Let's go,” sabi ni Alex. “Sayang naman ang gabi kung dito ka lang nakaupo.” Tumayo si Baste at sumama sa mga kaibigan. Sinubukan niyang ituon ang pansin sa kanila, pero nang dumaan ang tingin niya sa dance floor, nakita niyang nakatingin din sa direksiyon niya si Sunny. Nagtagpo ang mga mata nila. Nawala ang ngiti sa mukha ni Sunny. Unti-unti niyang nakilala ang lalaking nakatayo malapit sa VIP section. Ang boss niya. Si Sebastian Madrigal. “Shit,” bulong niya. Mabilis siyang yumuko palapit kay Mika. “Anong nangyari?” tanong nito. “Nandoon ang boss ko.” “Which one?” “Yung lalaki sa may VIP. Si Baste.” Napatingin si Mika sa direksiyon na tinutukoy niya. “Gwapo naman pala.” “Mika!” “Ano? Totoo naman.” “Please, huwag kang maingay.” Ngumiti si Mika at muling niyakap siya. “Relax. Hindi ka naman niya pag-aari.” Napabuntong-hininga si Sunny. Alam niya iyon. Pero hindi niya alam kung paano niya haharapin ang boss niya sa Lunes matapos nitong makita ang eksenang iyon. Sa kabilang banda, napansin ni Baste ang biglang pagbabago sa mukha ni Sunny. Hindi na ito nakangiti gaya kanina. May ibinulong ito sa kasama at paminsan-minsang sumulyap sa kaniya. Napangiti nang bahagya si Baste. Mukhang hindi lang pala siya ang nagulat sa pagkikita nila ngayong gabi. At sa unang pagkakataon, may tanong siyang gustong itanong sa isang empleyado kahit hindi naman iyon bahagi ng trabaho. Sino ang babaeng hinalikan ni Sunshine Alcazar? At bakit pakiramdam niya, hindi magiging ordinaryo ang susunod nilang pagkikita sa opisina?“Daddy! Mommy Sunny! Dito tayo!”Halos hilahin ni Dahlia ang dalawang nakatatanda papunta sa registration booth. Halatang excited na excited ang bata habang mahigpit na hawak ang mga kamay nila.“Dahan-dahan, sweetheart,” paalala ni Baste. “Hindi naman tatakbo ang school.”“But I want to join everything!”Napangiti si Sunny.“Grabe, Dahlia. Parang ikaw ang may pinakamalaking energy dito.”“Because I'm happy!”Napatingin si Sunny kay Baste. May kakaibang gaan sa mukha ng lalaki habang pinagmamasdan ang anak.“Registration for Family Day?” tanong ng teacher sa kanila.“Yes,” sagot ni Baste.“Family name?”“Madrigal,” sagot niya.Isinulat ng teacher ang pangalan nila sa listahan at saka tumingin kay Sunny.“Mother?”Napatigil si Sunny.Bago pa siya makasagot, masayang sumingit si Dahlia.“She's Mommy Sunny!”Napangiti ang teacher.“That's sweet. Okay, Mommy Sunny, you can sign here.”Napatingin si Sunny kay Baste na halatang pinipigilan ang ngiti.“Sir, huwag kang tumawa.”“I'm not.”“Ki
“Bakit parang ang sama ng timpla mo?”Hindi man lang inangat ni Baste ang ulo mula sa laptop nang marinig ang tanong ni Alex.“I'm working.”“Alam ko. Kanina ka pa nagtatrabaho. Pero pangatlong beses mo nang binubuksan ang parehong file.”Napatingin si Baste sa screen.Tama ang kaibigan niya.“May kailangan ka ba?”“Meron. Gusto kong malaman kung bakit ka nagseselos sa girlfriend ng empleyado mo.”Matalim ang tinging ibinigay niya kay Alex.“Get out.”“Ayan! Guilty!”“Alex.”“Okay, fine. Pero pare, seryoso. May girlfriend si Sunny. At mukhang masaya sila.”“I know that.”“Then stop looking miserable.”Isinara ni Baste ang laptop.“I'm not miserable.”“Hindi nga. Mukha ka lang nawalan ng kontratang worth fifty million.”Bago pa siya makasagot, tumunog ang cellphone niya.Si Elena.Agad niya itong sinagot.“Hello?”“Sir, pasensya na po. May problema po tayo kay Dahlia.”Napatuwid siya sa pagkakaupo.“What happened?”“Wala naman pong masama sa kaniya. Ayaw lang po niyang pumasok sa schoo
“Baste, may problema ka ba?”Napatingin si Sebastian Madrigal sa kaibigang si Alex habang naglalakad sila papunta sa elevator.“Why?”“Kanina ka pa tahimik. Hindi ka naman ganito kapag kasama ako. Usually, pinagsasabihan mo akong tumahimik.”“I'm considering doing that now.”“See? Bumabalik na ang personality mo.”Napailing si Baste.Maaga silang dumating sa Madrigal Corporation dahil may business meeting silang kailangang paghandaan. May ilang dokumentong kailangan nilang tingnan bago magsimula ang araw, kaya nagpasya si Alex na samahan muna ang kaibigan sa opisina.Pagpasok nila sa elevator, may babaeng nakatayo sa loob. Maganda ito, mahaba ang buhok, maayos ang pananamit at may dalang dalawang paper bag. Sa isang kamay ay may hawak itong tray ng kape.“Good morning,” magalang na bati nito.“Good morning,” sagot ni Baste.Tumango rin si Alex.Habang umaakyat ang elevator, napansin ni Alex ang mga dala ng babae.“Looks like someone's bringing breakfast for the whole office.”Napangit
Hindi agad nawala sa isip ni Baste ang nakita niya sa birthday party ng anak. Kahit ilang beses na siyang kinausap ng mga bisita, kahit ilang litrato na ang kinunan kasama ang mga kamag-anak, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip niya ang mukha nina Dahlia at Sunshine. Magkahawig sila. Hindi niya alam kung bakit ngayon lang niya iyon napansin. Siguro dahil ngayon lang niya nakita ang dalawa na magkatabi, nakangiti at masayang nag-uusap. “Baste!” Napalingon siya kay Alex na kararating lamang kasama ang asawa nito. “Kanina pa kita tinatawag. Ano'ng iniisip mo?” “Nothing.” “Sinungaling. Kanina ka pa nakatingin doon.” Sinundan ni Alex ang direksiyon ng tingin niya. Nandoon sina Sunny at Dahlia, magkatabi sa maliit na mesa. Tinutulungan ni Sunny ang bata na buksan ang isang laruan habang masayang nagkukuwento si Dahlia. “Ah. Si Sunny.” “What's with her?” “Wala.” Umupo si Alex sa tabi niya at kumuha ng inumin. “Alam mo, hindi ko pa rin makalimutan ang mukha mo noong Friday nig
Maagang dumating si Sunny sa bahay ni Sebastian. Hindi dahil mahilig siyang gumising nang maaga, kundi dahil inatasan siyang tumulong sa paghahanda para sa kaarawan ni Dahlia.Personal na birthday party iyon ng anak ng CEO, pero dahil may ilang empleyadong naatasang tumulong sa pag-aasikaso, kasama siya sa listahan.Pagdating niya sa malaking bahay, saglit siyang natigilan sa harap ng gate.“Grabe. Bahay ba ito o resort?”Napanganga siya sa lawak ng bakuran. May mga makukulay na lobo, malalaking dekorasyon, at isang malaking tent na may temang prinsesa. Sa gitna ng garden ay may inflatable castle at ilang palaruan para sa mga bata.“Good morning, Ms. Alcazar.”Napalingon siya sa isang babaeng lumapit.“Good morning po. Ako po si Sunny. Pinapunta po ako ni Trina.”“Yes, we've been expecting you. I'm Elena, Dahlia's nanny. Come with me.”Sumunod si Sunny sa babae. Habang naglalakad sila, napansin niyang halos lahat ay abala sa paghahanda. May nag-aayos ng mesa, may naglalagay ng dekoras
Hindi gusto ni Sunshine ang Lunes.Hindi dahil tinatamad siyang pumasok sa trabaho, kundi dahil pakiramdam niya ay masyadong maikli ang weekend para sa lahat ng kailangang gawin.At ngayong Lunes, may dagdag pa siyang problema.Ang boss niyang nakita niya sa bar noong Biyernes ng gabi.“Good morning, Sunny!”Napalingon siya kay Trina na masiglang nakangiti habang hawak ang kape.“Good morning. Bakit parang ang saya mo?”“May sahod na malapit na!”“Ah. Akala ko may nanalo ka sa lotto.”“Mas masaya kung pareho.”Napatawa si Sunny at inilapag ang bag sa mesa. Binuksan niya ang computer at inayos ang mga dokumentong kailangan nilang tapusin bago magtanghali.Ilang minuto pa lang siyang nagtatrabaho nang marinig niya ang boses ng isang lalaking ayaw niyang marinig sa ganitong kaagang oras.“Good morning.”Sabay-sabay na tumayo ang ilang empleyado.“Good morning, sir!”Napatingin si Sunny sa pintuan.Si Sebastian Madrigal.Naka-dark blue suit ito, maayos ang buhok, at may hawak na tablet.







