Share

CHAPTER 4: BAGONG KATULONG

Author: horngry0rl_y
last update publish date: 2026-07-12 16:12:16

"Kayong mga college students..." malamig na sabi ni Mr. Montenegro habang nakasandal sa sofa. "Maparaan din talaga kayong kumita ng pera."

May bahid ng panunuya ang boses niya.

Ramdam ko iyon.

Pero wala na akong lakas para patulan pa.

Pagod na pagod na ako, hindi lang ang katawan ko, kundi pati isip at puso.

Huminga ako nang malalim bago ko siya tiningnan.

"Kailangan ko lang talaga ng pera."

Walang pagmamataas sa boses ko.

Wala ring pagmamakaawa.

Katotohanan lang.

Tahimik siyang nakatingin sa akin na para bang sinusubukan akong basahin.

"Sabihin mo," seryoso niyang tanong. "Magkano ang kailangan mo?"

Napakagat ako sa labi.

Nahihiya akong magsabi.

"Kahit... sampung libo."

Para sa ibang tao, baka maliit lang ang halagang iyon.

Pero para sa akin?

Parang langit na ang hinihingi ko.

Ilang segundo siyang walang sinabi.

Pagkatapos ay dahan-dahan niyang inilabas ang wallet niya.

Kumuha siya ng makapal na salapi at iniabot sa akin.

"Dalawampung libo."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Hindi... sobra po ito."

"Dinagdagan ko dahil nah enjoy ako. Ang sarap mo. You're super tight, at ang galing mong gumiling, Kaye."

Hindi ko na alam ang sasabihin kahit nakaka-insulto ang sinasabi niya.

Mahigpit kong hinawakan ang pera.

Parang unang beses kong makahawak ng ganoong kalaking halaga.

Mabilis akong lumabas ng silid.

Hindi na ako lumingon.

Hindi dahil sa galit.

Kundi dahil natatakot akong muling marinig ang mga salitang magpapabigat na naman sa dibdib ko.

Sa halip na umuwi, dumiretso ako sa bahay ng tita kong si Judy.

Siya lang ang taong pakiramdam kong ligtas akong lapitan sa tuwing gusto ko nang sumuko.

Pagkabukas pa lang niya ng p***o, agad na siyang napakunot-noo.

"Naku, Kaye! Bakit mukha kang lantang gulay?"

Napatawa ako nang mahina.

"Tita naman. Gulay agad?"

"Eh ano? Mukha kang pechay na naiwan sa init."

Kahit papaano, napangiti ako.

Ganoon talaga si Tita Judy.

Kahit mabigat ang problema, may paraan siyang patawanin ang tao.

"Pumasok ka muna."

Pagkaupo ko sa lumang sofa nila, agad niya akong inabutan ng isang basong malamig na tubig.

"Kamusta na si Miko?"

Nawala ang ngiti ko.

"Nasa ospital pa rin."

Tahimik siyang tumango.

"Kailangan pa rin ng malaking halaga para sa operasyon."

Napabuntong-hininga si Tita.

"Alam mo..."

Parang may naisip siya.

"May kaibigan akong mayordomo."

Napakunot-noo ako.

"Mayordomo?"

"Oo. Sa isang napakalaking mansyon."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Parang sa teleserye?"

"Teleserye ang structure ng mansyon, pero kulang na lang may dragon."

Napatawa ako.

"Aba, kung may dragon, pass muna ako."

"Huwag kang arte. Malaki ang sahod."

Bigla akong natahimik.

"Magkano?"

"Mas mataas kaysa karaniwang sweldo ng katulong."

Parang nabuhayan ako.

"Tita... puwede mo ba akong i-refer?"

"Hintayin mo’ko."

Agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan ang kaibigan.

Ilang minutong usapan lang ang lumipas.

Pagkababa niya ng tawag, ngumiti siya.

"May screening ngayon."

"Talaga?"

"Oo. Heto ang address."

Iniabot niya sa akin ang isang papel.

"Pumunta ka na agad."

Hindi na ako nag-aksaya ng oras.

Pagdating ko sa address, halos malaglag ang panga ko.

"Hala..."

Napatingala ako.

"Hindi ito bahay."

Huminto ako sandali.

"Kastilyo na yata ito!"

Napakalaki ng gate.

Napakalawak ng hardin.

May fountain pa sa gitna.

Kung hindi lang gumagalaw ang mga tao sa paligid, iisipin kong nasa isang historical movie ako.

"Ate, applicant ka rin ba?"

Napalingon ako sa isang babaeng nakapila.

"Oo."

"First time mo?"

"Oo."

"Good luck."

"Kailangan ko yata ng higit pa sa good luck."

Napatawa siya.

Pagpasok namin sa loob, lima na pala silang naghihintay.

May isang lalaking nasa limampung taong gulang ang nakatayo sa harapan.

Maayos ang suot nitong itim na suit.

Diretso ang tindig.

Halatang disiplinado.

Siguro ito ang mayordomo.

"Oh, ikaw."

Tinuro niya ako.

"Halika rito para makapagsimula na tayo."

Mabilis akong pumila kasama ang iba.

"Tingnan ninyo ang kusina."

Halos malaglag na naman ang panga ko.

"Grabe..."

Mas malaki pa yata ito kaysa buong apartment namin.

Kompleto ang gamit.

Parang cooking show.

"Kayo ay nag-a-apply bilang kasambahay."

Mahinahon pero matigas ang boses ng mayordomo.

"Ang unang pagsusulit ay pagluluto."

Nagkatinginan kaming lahat.

"Kung sino ang makakapagluto ng pagkaing may pinakamasarap na lasa..."

Bahagya siyang ngumiti.

"...siya ang matatanggap."

Huminga ako nang malalim.

"Kaya mo 'to, Kaye."

Habang ang iba ay gumagawa ng mamahaling putahe, steak, pasta, at seafood, ako naman ay tahimik na naglabas ng manok, gata, sili, luya, bawang, at sibuyas.

"Ginataang manok?"

Napangiti ako.

Paborito iyon ni Miko.

Tuwing may okasyon noon, lagi ko siyang pinapagluto.

"Ate, dagdagan mo ng sili. Konti lang. Matapang ako eh."

Napatawa ako habang nagluluto.

"Duwag ka naman talaga."

Hindi ko namalayang nagsasalita pala ako mag-isa.

Unti-unting kumalat ang bango ng gata at pampalasa.

Hindi ito mamahalin.

Simple lang.

Pero luto ito na may kasamang alaala.

Isa-isang tinikman ng mayordomo ang bawat putahe.

Tahimik lang siya.

Walang reaksyon.

Pagdating sa luto ko, kumuha siya ng isang kutsara.

Sandali siyang ngumunguya.

Pagkatapos ay inilapag ang kutsara.

Hindi siya nagsalita.

Kinabahan ako.

Ilang minuto pa ang lumipas bago siya tumayo.

"Napili na namin."

Napapikit ako.

"You are hired."

Napangiti ang babaeng nasa tabi ko.

Siya ang tinuturo ng mayordomo.

Napalunok ako.

Napayuko.

"Okay lang."

Pinilit kong ngumiti.

"Bawi na lang."

Pati ba naman pagiging katulong...

Hindi pa rin ako sapat?

Tahimik akong tumalikod para umalis.

Ngunit bago pa ako makalayo, isang matandang babae ang dahan-dahang pumasok sa dining hall.

May tungkod siya ngunit healthy pa rin ang tindig para sa edad niya.

Lumapit siya sa mesa.

Isa-isa niyang tiningnan ang mga pagkain.

Pagkatapos ay huminto sa harap ng niluto ko.

Kumuha siya ng isang kutsara.

Tahimik niyang tinikman.

Biglang nagbago ang ekspresyon niya.

Nanlaki ang mga mata nito.

Dahan-dahan siyang napangiti.

"This food..."

Mahina ngunit malinaw ang boses niya.

"...parang luto ito ng mga magulang ko noong bata pa ako."

Natahimik ang buong silid.

"Sinong nagluto nito?"

Agad akong itinuro ng mayordomo.

"Ako po."

Lumapit siya sa akin.

Matagal niya akong tiningnan bago muling ngumiti.

"Ang hinahanap ng mansyon na ito ay hindi lang taong marunong magluto."

Huminto siya sandali.

"Kailangan namin ng taong kayang magluto na may puso."

Iniabot niya ang kamay niya.

"You're hired."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Oops! I Slept With my Billionaire Boss   CHAPTER 30: IRON SUPPLEMENTS

    "Pasensya na, Dylan."Halos maubusan na ako ng boses sa kakapaliwanag."Hindi talaga na-send 'yung message ko. Akala ko natanggap mo na."Nakatayo pa rin ako sa gitna ng sala, hawak ang cellphone ko habang pilit ipinapakita sa kanya ang failed message.Kakabalik ko pa lang naman dito sa bahay niya.Ayoko nang magkaroon agad ng problema.Lalo na pagkatapos ng lahat ng nangyari nitong mga nakaraang araw.Tahimik akong tumingin sa kanya.Pero imbes na sagutin niya ang paliwanag ko, iba ang unang tanong niya."Sinong kasama mo?"Napakurap ako."A-Ano?""Sinong kasama mo sa ospital?"Napayuko ako."Sinamahan ako ni Doctor Rigel."Iyon lang ang sinabi ko.Pero sapat na iyon para magbago ang ekspresyon niya.Kanina ay seryoso lang siya.Ngayon, parang mas lalong bumigat ang tingin niya. Kapag talaga tungkol kay Doctor Rigel, iba ang reaction niya. Parang may sariling alarm system ang lalaking ito.Kapag narinig niya ang pangalan ni Doc Rigel, automatic na nag-iiba ang mood.Dylan stood up st

  • Oops! I Slept With my Billionaire Boss   CHAPTER 29: SENDING FAILED

    "Ma, mahiya ka naman." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Walang obligasyon sa atin si Doc Rigel. Kakatapos lang ni Miko sa surgery. Hindi naman puwedeng tanggap lang tayo nang tanggap ng pera." Mariin kong isinara ang sobre at iniabot iyon pabalik kay Doctor Rigel. "Doc, maraming salamat po sa kabutihan ninyo, pero hindi ko po ito puwedeng tanggapin." Saglit na natahimik ang buong silid. Si Mama naman ay halos mamula sa galit. "Ano ba'ng ginagawa mo, Kaye!" Mabilis niyang hinablot ang kamay ko. "Hindi mo ba naiintindihan ang sitwasyon natin?Pera 'yan! Malaking pera! Makakatulong 'yan sa pamilya natin!" Napabuntong-hininga ako. "Ma..." "...pwede ba? Umayos naman kayo." Hindi ko namalayang medyo tumaas na rin ang boses ko. Napalingon tuloy si Miko sa amin. Ayokong marinig niya ang pag-aaway namin. "Ganiyan ba kita pinalaki, Kaye?" Mas lalo pang lumakas ang boses ni Mama. "Porke may trabaho ka na, kakalimutan mo na kaming pamilya mo? Kakalimutan mo

  • Oops! I Slept With my Billionaire Boss   CHAPTER 28: PERA

    "Actually may gagawin po ako mamayang gabi, Doc."Napatingin sa akin si Doctor Rigel habang mariin rin siyang nakatingin sa akin. Gusto ko talaga siyang tanggihan in a way na hindi siya mao-offend."Ano'ng plano mo?" Napatanong naman siya kaagad. "Bibisitahin ko po ang kapatid kong si Miko sa ospital. Kagagaling lang kasi niya sa operasyon."Bahagyang nagbago ang ekspresyon niya. Napataas ang kilay niya at tila nagulat sa narinig."Talaga? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na nasa ospital pala ang kapatid mo? Edi sana nakapag-paabot ako ng tulong man lang."Napakurap ako."Ha-ha?" "Kung sinabi mo lang sana, baka may naitulong pa ako. Doktor ako, Kaye. Kahit papaano, may mga kakilala rin ako."Napangiti ako nang alanganin."Nakakahiya naman po, Doc. Sobra na kayong nakakatulong sa akin."Umiling siya."Hindi iyon abala." Napangiti siya sabay tinapik ang balikat ko, "besides, apprentice kita. Responsibilidad kong siguraduhing maayos ka."Napayuko ako.Hindi ko alam kung bakit, pero p

  • Oops! I Slept With my Billionaire Boss   CHAPTER 27: KARIBAL?

    "Oh, sige."Napabuntong-hininga si Dylan bago bahagyang ngumiti. Kung ano man ang iniisip niya, sana makaiwas ako sa pangungulit niya ngayon."Sa ngayon, pagbibigyan muna kita."Marahan niyang tinapik ang noo ko gamit ang isang daliri."Huwag ka munang magpuyat."Napakurap ako.Hindi naman iyon masakit. Parang simpleng pang-aasar lang.Pero ewan ko ba. Bakit parang biglang uminit ang pisngi ko?"Good night, Kaye. Matulog ka nang maaga."Tumango lang ako."O-Okay... good night."Lumabas siya ng kwarto at marahang isinara ang pinto.Naiwan akong mag-isa. Napahiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame.Grabe.Ang bilis magbago ng mood ng lalaking iyon.Kanina seryoso.Mamaya nang-aasar.Tapos ngayon, parang ang bait-bait.Napailing ako."Ano ba talaga ang problema ng taong iyon?"Hindi ko maitatanggi, gwapo siya.Sobrang gwapo.Matangkad.Mayaman.Successful.At kahit simpleng polo lang ang isuot niya, mukha pa ring model ng mamahaling magazine.Pero arogante nga lang.Mayabang.At kun

  • Oops! I Slept With my Billionaire Boss   CHAPTER 26: PERIOD

    Pagkarating namin sa ospital, halos hindi na ako makahinga sa kaba.Mahigpit kong hinawakan ang strap ng bag ko habang mabilis ang mga hakbang papunta sa room ni Miko. Kahit paulit-ulit kong sinasabi sa sarili kong magiging maayos ang lahat, hindi pa rin mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko.Nang marahan kong itulak ang pinto, agad kong nakita ang kapatid ko.Nakaupo na siya sa kama.Maputla pa rin ang mukha niya, may nakakabit pa ring mga tubo at monitor sa katawan, pero nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti."Ate..."Mahina niyang tawag.Parang nabunutan ako ng napakalaking tinik."Miko!"Mabilis akong lumapit at marahan siyang niyakap."Okay ka na ba? Masakit pa ba?"Umiling siya."Sabi ni Doc, kailangan ko lang daw magpahinga."Napangiti ako kahit namumuo na naman ang luha sa mga mata ko.Maya-maya ay pumasok ang doktor."Miss Collins."Napalingon ako."Successful ang operasyon. Stable na ang kondisyon ng kapatid ninyo. Kailangan na lang niyang mag-recover nang maayos.

  • Oops! I Slept With my Billionaire Boss   CHAPTER 25: SUCCESSFUL OPERATION

    Napalunok ako.Grabe that was really wild of me. Hindi ko akalain na mag-eenjoy rin ako pero deep inside, hindi ko na rin kayang maghintay.Bawat minutong lumilipas, iniisip ko si Miko na nasa ospital. Hindi ko alam kung nagsisimula na ba ang operasyon niya o naghihintay pa rin sila ng bayad.Huminga ako nang malalim bago ako muling nagsalita."Pwede ko na bang makuha ang pera?"Diretso kong tanong.Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.Nagulat ako nang mapangiti lang si Dylan.Maya-maya ay napailing pa siya, parang may nakakatawang narinig.Hindi ko tuloy maiwasang mapakunot-noo."Bakit?"May mali ba sa sinabi ko?Tahimik siyang naglakad papunta sa isang maliit na kabinet sa gilid ng opisina.May kinuha siyang malaking itim na kahon.Hindi ko alam kung ano iyon.Mukha iyong lalagyan ng sapatos.O baka mamahaling damit.Sa sobrang kaba ko, hindi ko na alam ang iniisip ko.Napalapit ako nang kaunti."Ano 'yan?"Hindi ko napigilang itanong."Nandiyan ba sa loob ang pera?"Pagkasabi ko no'n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status