Share

CHAPTER 3

Penulis: xxxR_RUIZxxx
last update Tanggal publikasi: 2026-06-30 15:29:38

CHAPTER 3 : Ang Prinsipeng Walang Korona

May mga taong ipinanganak na kailangang magsumikap para yumaman. Mayroon namang ipinanganak na mayaman na at mayroon ding mga ipinanganak na sobrang yaman... na pati problema nila ay milyon ang halaga.

Isa na roon si Clarence Keiv Spenser.

Ngunit sa halos lahat ng taong nakakakilala sa kanya...

Isa lang ang tawag nila.

Keiv.

Hindi dahil iyon ang tunay niyang pangalan kundi dahil iyon ang pangalang gusto niyang gamitin sa tuwing gusto niyang mamuhay na parang ordinaryong tao.

Sa loob ng isang eksklusibong international university sa Vanguard Elite University of the Philippines

Nagmistulang boxing ring ang gymnasium may mga nagsisigawang mga estudyante, may mga nagvi-video at may mga sumisigaw ng...

"Bro! Bro! Suntukan!"

"Videohan mo!"

"Trending na naman 'to!"

Sa gitna ng kaguluhan... nakatayo si Keiv. Nakapulupot pa ang puting polo sa isang kamao habang ang kabilang kamay ay nakapasok lamang sa bulsa ng pantalon. Tahimik at walang emosyon, sa paanan niya ay may tatlong lalaking nakahandusay sa sahig. Namimilipit sa sakit, namumula ang mga mukha.

Samantalang siya... hindi man lang hinihingal.

"Tapos na ba?" tanong niya nang malamig. Tumayo ang isa sa mga lalaki habang may dugo sa labi.

"Hindi pa! Yaaaa!!!!!"

Muling sumugod ngunit bago pa man makalapit... isang mabilis na sidestep, isang siko at isang roundhouse kick.

Bagsak! Palakpakan na may halong sigawan! Napaatras ang ibang estudyante.

"Grabe..."

"Monster."

"Sinong lalaban diyan?"

Hindi man lang lumingon si Keiv. Pinulot niya ang cellphone niyang nahulog sa sahig. Tinignan ang screen at nakita niya itong may gasgas. Napabuntong-hininga siya.

"Sayang."

Akala ng lahat... Iyong mga lalaking nakahiga ang iniisip niya ngunit hindi pala dahil ang cellphone pala niya.

"KEIV!"

Umalingawngaw ang boses ng principal. Napakamot sa noo ang vice principal, heto na naman, pangatlong beses ngayong buwan, pang-limang beses ngayong semestre at panglabing-isang beses ngayong taon.

-

Sa guidance office...

Nakaupo lamang si Keiv sa guidance office, walang emotion, tahimik lang ito na parang walang nangyari.

"Do you even realize what you've done?"

"Yes."

"And?"

"They started."

Napapikit ang principal.

"They're in the hospital!"

"They'll live."

"You broke someone's nose!"

"He tried to stab me."

Natahimik ang prinsipal kaya naman ay napatingin ito sa CCTV footage.

Oo nga.

Naunang umatake ang tatlo.

Pero...

Hindi naman kailangang ipadala silang lahat sa emergency room.

"Mr. Spenser..."

"Yes?"

"We're calling your parents."

Tumango lamang siya dahil hindi na rin naman ito bago sa kanya.

"As expected."

-

Alas singko ng hapon. Sa pinakatuktok ng Spenser Global Holdings Tower sa Makati... isang conference room ang tila nilamon ng katahimikan.

Floor-to-ceiling glass, Italian marble, Modern architecture at isang lalaking nakaupo sa pinakadulong upuan.

Mr. Cevin Klein Spenser.

Ang chairman ng Spenser Global Holdings.

Kinikilalang Top 1 Richest Man in the Philippines.

Bilyonaryo.

Business tycoon.

At isa sa pinakamakapangyarihang negosyante sa buong Asya.

Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lamang siya sa report na nasa harapan. Samantalang sa kabilang side naman ay nakaupo si Keiv na tila parang walang pakialam. Tahimik na nagmamasid, ang kaibahan lang nilang dalawa, ang Ama ay tahimik dahil kalmado. Siya naman ay tahimik dahil wala siyang ganang magsalita.

"CCTV."

Iyon lang ang sinabi ni Mr. Spenser kaya inabot ng secretary ang tablet at pinanood niya ang buong video hanggang ito ay matapos.

Pagkatapos... Ibinalik niya iyon.

"Tama."

Napatingin ang lahat kay Mr. Spenser kasama ang abogado, ang assistant pati na rin ang principal.

"Tama ang ginawa mo."

Napanganga ang principal.

"Sir?"

"Self-defense."

Tumango si Mr. Spenser.

"Pero..." Napatingin siya sa anak. "Problematic ka. Lagi ka na lang nasa gulo."

Tahimik pa rin.

"Hindi dahil ikaw ang nagsisimula, kundi dahil lagi mong tinatapos." Bahagyang napangiti si Keiv.

"Someone has to."

"Exactly."

Tumayo ang ama niya at naglakad palapit sa malaking bintana at may mukhang tila nakabuo na ng desisyon niya.

"You're becoming dependent." Napakunot-noo si Keiv. "You rely too much on our name."

"I don't."

"You do."

Sandaling katahimikan ang namutawi sa buong conference room.

"Lahat inaayos ng kumpanya, lahat sinasalo ng abogado, lahat binabayaran." Humarap ito sa anak.

"Enough!"

-

Kinagabihan...

Nagtipon ang buong pamilya at sa katunayan nito ay dalawa lamang sila. Mag-ama. Napatingin si Keiv sa ama.

"So?"

"So." Malamig ang tono ng matanda.

"Starting today... you're cut off."

Napatawa si Keiv.

"Funny."

"I'm deadly serious here, Clarence!"

Hindi na siya natawa.

"Wala nang personal driver, wala nang bodyguards, wala nang credit cards, wala nang unlimited allowance, wala nang yaya, wala nang penthouse, wala nang luxury condo."

Isa-isang bumagsak ang bawat salita na parang martilyo na pumokpok sa kanyang taenga.

"You're moving."

"Saan?"

"Malolos."

Napataas ang kilay niya.

"Bulacan?"

"Yes!"

"Why?"

"Dahil gusto kong maranasan mong mabuhay nang hindi Spenser ang apelyido mo."

Tahimik.

"Simula bukas... ikaw ang maglalaba, ikaw ang magluluto, ikaw ang mamamalengke, ikaw ang magbabayad ng renta, ikaw ang sasakay ng jeep."

At ang pinakamasakit sa lahat...

"Allowance mo?"

Inilapag ng ama niya ang isang sobre na agad naman binuksan ni Keiv at halos mabitawan niya iyon.

"Ano 'to?"

"Monthly allowance."

"Dad... seryoso?"

"Oo."

"Hindi pa ito sapat sa gasolina ng kotse ko!"

"Wala ka nang kotse."

Natahimik siya sa kanyang narinig sobrang tahimik at pagkatapos ng ilang segundo ay napabuntong-hininga si Keiv.

"So this is punishment."

"No."

Saglit na ngumiti ang ama niya.

"This is life. Earn your own respect. Hindi iyong dahil anak ka ng pinakamayamang tao sa Pilipinas."

Lumapit ito sa kanya at tinapik ang balikat niya.

"Kapag napatunayan mong kaya mong mabuhay nang mag-isa ay ibabalik ko ang lahat sayo, Titulo, Pera, Negosyo as in lahat pero hindi ngayon."

Tahimik na tumayo si Keiv saka niya kinuha ang sobre at bago siya tuluyang lumabas ng silid... hindi man lang siya lumingon sa kanyang Ama.

"Okay, fine!"

"Game."

Ngunit hindi alam ng mag-ama na ang desisyong iyon ang magdadala kay Clarence Keiv Spenser sa isang condominium sa Tikay, Malolos. Sa isang simpleng buhay na kailanman ay hindi niya naranasan at higit sa lahat ay sa isang babaeng unang tumingin sa kanya na hindi dahil sa kanyang apelyido.

Kundi dahil...

Nakakainis ang mukha niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama   Chapter 42

    Ang Isyu na Hindi Niya HinilingKinabukasan, maaga pa lamang ay nasa campus na si Maeve. Dahil wala naman silang major activity ngayong araw, ang nasa isip lamang niya ay tapusin ang ilang readings at makapag-review para sa quiz nila kinabukasan. Hawak ang ilang libro at notebook, tahimik siyang naglalakad papunta sa kanilang classroom habang paminsan-minsan ay tinitingnan ang cellphone niya. May ilang mensahe mula kay Keiv na binasa niya habang naglalakad.Keiv: Good morning, Mahal.Napangiti siya.Maeve: Good morning din. Huwag kang magpalate, kailan ka ba babalik dito sa unit? Wala tuloy akong kasabay...Agad na dumating ang sagot.Keiv: Soon, Mahal! By the way I'm already here.Napailing siya."Maaga pa nga."Pero bago pa siya tuluyang makarating sa building, napansin niyang kakaiba ang dami ng mga estudyanteng nakatingin sa kanya. May mga nagbubulungan. May ilan pang biglang tumitigil sa pag-uusap kapag napapadaan siya.Napakunot-noo siya.Ano na naman kaya 'to?Hindi niya iyon p

  • Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama   Chapter 41

    Ang Date na Hindi Naging SimplePaglabas nila sa sinehan, bahagyang huminga nang malalim si Maeve. Akala niya, tapos na ang pinaka-weird na bahagi ng date nila.Pero mali pala siya.Pagbukas pa lamang ng pinto ng private elevator, dalawang lalaking nakaitim na agad ang sumalubong sa kanila."Sir, clear na po ang route."Napatingin si Maeve kay Keiv."Route?""Maeve...""Keiv."Napabuntong-hininga ang binata."Please don't start.""Hindi ako nagsisimula. Nagtatanong ako."Bago pa siya makasagot, biglang bumukas ang malaking glass door papunta sa isang private lounge."What's that?""Restaurant.""Alam kong restaurant.""Then?""Bakit walang tao?"Napakamot si Keiv sa batok."Reserved.""Buong restaurant?""Yes."Napatingin si Maeve sa kanya nang matagal."Keiv.""Hmm?""Date lang 'to.""I know.""Hindi business meeting.""I know.""At hindi rin state visit."Napangiti nang bahagya si Keiv."I know that too.""Then bakit parang presidente ang kasama ko?"Napatawa nang mahina ang butler

  • Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama   Chapter 40

    Ang Date na Hindi Naging SimpleMaulan ang araw na iyon.Mula pa noong umaga ay walang tigil ang pagbuhos ng ulan sa Malolos. Madilim ang kalangitan, malamig ang hangin, at ang mga kalsada ay unti-unting nababalutan ng tubig. Para sa karamihan, isa iyong ordinaryong maulang araw na mas gugustuhing manatili na lamang sa bahay kaysa lumabas.Pero para kay Maeve, perfect iyon.Dahil matagal na niyang gustong magkaroon sila ni Keiv ng isang simpleng date.Kaya bago pa man siya tuluyang makapagbago ng isip, nagpasya siyang sorpresahin si Keiv sa mismong kumpanya nito.Hindi naman siya nagbihis nang bongga.Sa halip, pinili niya ang isang simpleng eleganteng outfit—isang cream-colored blouse na may maliit na ribbon detail sa neckline, ipinares sa high-waisted dark brown midi skirt na bumabagsak hanggang ibaba ng tuhod. Nakasuot siya ng simpleng closed-toe flats, maliit na shoulder bag, at manipis na cardigan dahil malamig ang panahon. Bahagyang inayos lamang niya ang kanyang buhok at naglag

  • Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama   Chapter 39

    Ang Katotohanang Hindi Na Kayang ItagoMaagang nagtipon ang pamilya ni Vanessa sa kanilang malaking bahay sa Malolos. Maayos ang pagkakahanda ng dining area, nakaupo sa magkabilang panig ng mahabang mesa ang ilang malalapit na kamag-anak, habang nasa gitna sina Vanessa at ang kanyang mga magulang. Maging ang ilang kinatawan ng kanilang pamilya sa negosyo ay naroon din. Para kay Vanessa, kakaiba ang araw na iyon dahil alam niyang may mahalagang bagay na iaanunsyo ang kanyang ama."Vanessa," panimula ng kanyang ama habang ibinababa ang baso ng tubig, "matagal na naming pinag-uusapan ng iyong ina ang tungkol sa kinabukasan mo."Tahimik lamang siyang nakikinig.Alam na niya kung saan patungo ang usapan."At dahil nag-iisa kang anak namin, nais naming tiyakin na magiging maayos ang magiging buhay mo."Bahagyang ngumiti ang kanyang ina."Kaya napagdesisyunan na naming ipagpatuloy ang matagal nang pinag-uusapang kasunduan sa pagitan ng dalawang pamilya."Nanatiling tahimik si Vanessa.Hangga

  • Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama   Chapter 38

    Ang Lihim sa Likod ng LahatNanatiling nakatayo si Maeve sa loob ng unit, ilang hakbang ang layo mula sa pinto. Hindi niya alam kung bubuksan ba niya iyon o mananatili na lamang siyang tahimik. Ang boses na narinig niya ay hindi pamilyar sa kanya, ngunit may kakaibang lamig itong nag-iwan ng kaba sa kanyang dibdib.Samantala, sa kabilang panig ng pinto, tahimik na nakatayo si Art Leo. Bahagyang nakayuko ang ulo nito habang nakikinig sa katahimikan mula sa loob.May kung anong alaala ang muling sumagi sa isip niya.Ang mukha ni Vanessa.Ang mukha ni Maeve.Magkaiba sila, ngunit may isang bagay na pareho sa mga mata nila—ang takot na minsan na niyang nakita sa isang taong akala niya ay hindi kailanman matitinag.Bahagya siyang napangiti."Maeve..." bulong niya. "Hindi mo pa alam kung gaano kalalim ang pagkakadawit mo rito."Hindi niya agad binuksan ang pinto. Sa halip, umatras siya at naglakad palayo sa hallway.Ngunit bago siya tuluyang makalayo, muli niyang naalala ang isang gabi ilan

  • Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama   Chapter 37

    CHAPTER 37Ang Pangalan sa Likod ng Lahat"Art Leo!"Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ni Maeve ang pangalang iyon.Hindi siya agad kumilos. Nanatili siyang nakaupo sa sofa habang nakatitig sa laptop. Ilang minuto na niyang tinitingnan ang parehong litrato, umaasang baka may makita siyang ibang detalye na magpapatunay na mali ang iniisip niya.Pero habang mas sinusuri niya ito, mas lalo lamang siyang kinakabahan.Hindi sapat ang isang litrato para magbintang.Alam niya iyon.Kailangan niya ng mas malinaw na ebidensya.Kaya muli niyang binuksan ang browser at nagsimulang maghanap."Art Leo..."Ilang resulta ang lumabas.Hindi siya isang sikat na personalidad sa publiko, pero may ilang lumang artikulo tungkol sa mga business events at university activities kung saan lumilitaw ang pangalan nito.Mas lalo siyang napakunot-noo nang makita ang isang lumang litrato.Nandoon si Art Leo sa isang event.At sa tabi niya...Si Vanessa.Mabilis na kinuha ni Maeve ang screenshot."Okay..."Humin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status