แชร์

CHAPTER 4

ผู้เขียน: xxxR_RUIZxxx
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-30 15:31:58

CHAPTER 4 : Ang Hari ng Kamalasan at ang Reyna ng Kapalpakan

May kasabihan na maliit lang ang mundo ngunit hindi iyon pinaniwalaan ni Maeve. Hanggang sa sunod-sunod na niyang nakakasalubong ang lalaking pinakaaayawan niya sa buong Bulacan State University.

Hindi pa nga sila nag-uusap nang maayos, hindi pa nga sila magkakilala pero pakiramdam niya ay may personal na galit ang universe sa kanya.

Martes ng umaga.

Alas-siete pa lamang ay puno na ng estudyante ang buong campus.

Habang naglalakad si Maeve papunta sa College of Engineering building, nakatuon ang buong atensyon niya sa reviewer na hawak niya.

"Hindi ko talaga matatanggap kung bumagsak ako sa quiz. Hindi ako nag-aral para lang bumagsak. Nag-aral ako para magreklamo kapag ninety-eight lang score ko."

Napailing si Bea.

"Normal ka pa ba?"

"Hindi na."

"Hala."

"Acceptance is the key."

Pareho silang natawa ngunit sa sobrang abala ni Maeve sa pagbabasa at diretso siyang bumangga sa matigas na dibdib ng isang tao.

Pak!

"Ay!"

Napaatras siya habang nalalaglag ang mga papel niyang hawak.

"Aray naman..."

Napatingala siya at agad siyang napasimangot ng malaman niya kung sino ito.

"Ikaw na naman?"

Tahimik lamang na nakatingin sa kanya si Keiv. Suot nito ang simpleng puting polo, maitim na pantalon, at backpack na walang kahit anong mamahaling logo at kung hindi mo siya kilala, iisipin mong ordinaryong estudyante lang siya pero hindi maitatago ng mukha nito ang pagiging... nakakainis.

"Good morning," kalmado nitong bati.

Napairap si Maeve.

"Hindi na good ang morning ko."

"Kasalanan ko?"

"Oo."

"Bakit?"

"Ikaw ba naman ang nabangga ko."

"Tama!"

"See?"

"Pero ikaw ang nakabangga."

"..."

Napakurap si Maeve.

"Excuse me?"

"Busy kang magbasa."

Tumuro si Keiv sa reviewer niyang nasa sahig.

"Hindi sa daan."

Natahimik siya at tila pakiramdam niya ay napahiya ito sa lalaki kaya napatingin si Bea kay Maeve. Ramdam na niya ang paparating na pagsabog.

"Tama ka."

Bahagyang tumango si Keiv ngunit ngumiti si Maeve.

"Pero nakakainis ka pa rin."

Iniwan niya ang lalaki habang pinupulot ang mga papel. Tahimik lamang na pinagmamasdan siya ni Keiv at pagkatapos ay nagpatuloy rin ito sa paglalakad ng hindi lumilingon, hindi rin nagsalita at lalong hindi humingi ng tawad.

"Grabe." Bulong ni Maeve. "Feeling CEO."

-

Pagkatapos ng klase...

Dumaan si Maeve sa convenience store sa loob ng campus.

"Kape lang." Sabi niya sa kanyang sarili. "Isang iced coffee lang. Hindi ako bibili ng chips."

Pagkaraan ng limang minuto ay may hawak na siyang iced coffee, dalawang chocolate, tatlong biscuits, isang instant noodles at ice cream.

Napabuntong-hininga siya.

"Marketing talaga ang kalaban."

Habang papunta siya sa cashier ay may isang kamay na sabay ding kumuha ng huling bottled water sa refrigerator.

Pareho silang napahinto.

Pareho ring napatingin.

"Ikaw na naman?"

Sabay nilang sabi at biglang tahimik kaya napatingin si Keiv sa bottled water.

"Tuloy mo na."

"Ha?"

"Ikaw na."

Napakunot-noo si Maeve.

"Hindi ako charity case."

"Hindi ko sinabi."

"Bakit ibibigay mo?"

"Dahil tubig lang." Napairap siya. "Kaya kunin mo na."

Tumango si Keiv.

"Sige." At literal na kinuha nito ang tubig saka ito naglakad palayo at iniwan si Maeve na nakatulala.

"..."

Napabuka nang bibig si Bea dahil sa nangyare at napa-ngiwi ito sa kaibigan.

"Akala ko ibibigay niya sa'yo."

"Akala ko rin." Habang naka tingin parin kay Keiv sa malayo.

"Anong klaseng lalaki 'yon?"

"Alien siguro."

-

Lumipas ang dalawang araw ay halos tatlong beses silang nagkasalubong. Kung minsan ay isang beses sa library, dalawang beses sa hallway at isang beses...

Sa elevator ng condominium.

Napasandal si Maeve sa dingding habang hinihintay ang elevator dahil pagod na pagod siya. May thesis, may laboratory report, may quiz, may terror na professor at may bwisit pang transfer student.

Ding!

Bumukas ang elevator pero pagpasok niya ay nanlaki ang mga mata niya.

"Ikaw na naman?!" Asik ni Keiv ng pabulong na halos rinig na rinig naman ito ni Maeve. Tahimik lang na nakatayo roon si Keiv, may hawak na dalawang paper bag ng grocery at nakatitig lamang sa kanya.

"Ito na naman tayo... tsk!" Bulong ni Maeve kaya napatingin si Keiv.

"Nakikita mo rin pala ako."

"Ano?"

"Akala ko poste lang ako."

Napasinghap si Maeve.

"Narinig mo iyon?"

"Hindi."

"Tama."

"Guess ko lang."

Napakagat siya sa labi.

"Galing manghula."

"Hindi."

"Magaling lang mag-observe."

Tahimik na sumarado ang elevator. Sa loob ay pareho silang hindi nagsasalita.

Hanggang...

Grrrr...

Napapikit si Maeve, Hindi... sa isip niya. Hindi iyon dahil sa elevator kundi dahil sa tiyan niya. Unti-unti siyang napalingon sa kisame.

"Lord please... huwag naman ngayon."

Napatingin si Keiv.

"Tunog ba iyon ng---"

"HINDI!"

"Tiyan mo?"

"Hindi ng aircon."

"Tunog tiyan!?"

"Special aircon 'yon."

Bahagyang gumalaw ang sulok ng labi ni Keiv na halos hindi iyon mapansin pero... ngumiti siya.

Napakunot-noo si Maeve.

"Ngumiti ka ba?"

"Hindi."

"Ngumiti ka eh, nakita ko."

"Guniguni mo lang 'yon."

"Hindi ako bulag."

"Baka gutom ka lang."

Napairap siya.

"Mas lalo kang nakakainis! Bwisit!"

Ding!

Nagbukas ang elevator at sabay silang lumabas. Hanggang sa... pareho din sila ng huminto sa iisang pinto.

Unit 512.

Napatingin si Maeve sa number at pagkatapos ay kay Keiv, pagkatapos ulit sa pinto.

"..."

"..."

"Ano'ng ginagawa mo rito?" sabay nilang tanong.

Tahimik ang hallway ng condominium sabay naman itinaas ni Keiv ang kanyang susi.

"D'yan ako nakatira."

Ganito rin ang ginawa ni Maeve.

"Ako rin."

Pareho silang natigilan at makalipas ang ilang segundo ay pareho rin silang napatingin sa numerong nakasabit sa pinto. Hindi maaaring magkamali, hindi rin maaaring dalawa ang may-ari ng iisang unit.

Napakamot si Maeve sa ulo.

"Teka..."

Tumango si Keiv.

"May mali."

Tahimik na nagkatinginan ang dalawa, parehong naghihintay na may magsasabing, "Nagbibiro lang."

Ngunit walang dumating.

Napatingin muli si Maeve sa susi niyang may nakaukit na 512. Maging si Keiv ay ginawa rin iyon, saka muling tumingin sa pinto na tila umaasang kusang magbabago ang numero nito.

"Sigurado ka bang tama ang unit mo?" tanong ni Maeve habang nakakunot ang noo.

"Mas sigurado ako kaysa sa'yo."

"Wow. Confidence."

"Hindi confidence. Facts."

Napairap si Maeve. "Mas lalo kang nakakainis kapag kalmado kang magsalita."

"Wala pa akong ginagawa."

"Iyon nga ang nakakainis."

Napailing na lamang si Keiv bago niya inilabas ang cellphone at tinawagan ang landlord. Ilang segundo rin ang lumipas bago may sumagot sa kabilang linya.

Habang hinihintay ang paliwanag, napasandal si Maeve sa pader ng hallway. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis.

"Lord," bulong niya sa sarili. "Tatlong beses ko pa lang siyang nakakausap, gusto ko na siyang ibalik sa pinanggalingan niya."

Samantala, lihim namang napabuntong-hininga si Keiv.

Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakatagpo ng isang babaeng hindi natitinag sa malamig niyang pakikitungo. At sa kung anong dahilan, pakiramdam niya ay magiging mas maingay ang dati niyang tahimik na buhay.

Hindi pa nila alam na ang simpleng pagkakatapat nila sa iisang unit ang magiging simula ng pinakakomplikado, pinakakatawa, at pinakamagulong kabanata ng kanilang buhay.

At sa pagkakataong ito...

Hindi na aksidente ang pagtatagpo nila.

Magiging araw-araw na.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama   Chapter 43

    Isang Imbitasyong Hindi Niya Alam ang LihimKinabukasan, maaga pa lamang ay nasa opisina na si Keiv. Tahimik siyang nakaupo sa harap ng malaking desk ng kanyang ama, habang hawak ang isang tasa ng kape na ilang minuto na niyang hindi nagagalaw. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang sasabihin niya. Sanay siyang humarap sa mga business meeting, investors, at mga taong kayang magbigay sa kanya ng matinding pressure, pero pagdating sa isang bagay na may kinalaman kay Maeve, bigla siyang nagiging isang anak na naghahanap ng tamang salita.Napansin iyon ng kanyang ama."May problema ba?" tanong nito habang ibinababa ang hawak na dokumento.Umiling si Keiv."Wala naman, Dad.""Then why do you look like you're about to negotiate a billion-peso deal?"Bahagyang natawa si Keiv."Mas mahirap pa yata rito."Napataas ang kilay ng kanyang ama."Love?"Tahimik na tumango si Keiv.Agad namang ngumiti ang kanyang ama."Maeve?""Yes."Ibinaba ni Keiv ang kanyang tasa at sandaling tumingin sa labas n

  • Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama   Chapter 42

    Ang Isyu na Hindi Niya HinilingKinabukasan, maaga pa lamang ay nasa campus na si Maeve. Dahil wala naman silang major activity ngayong araw, ang nasa isip lamang niya ay tapusin ang ilang readings at makapag-review para sa quiz nila kinabukasan. Hawak ang ilang libro at notebook, tahimik siyang naglalakad papunta sa kanilang classroom habang paminsan-minsan ay tinitingnan ang cellphone niya. May ilang mensahe mula kay Keiv na binasa niya habang naglalakad.Keiv: Good morning, Mahal.Napangiti siya.Maeve: Good morning din. Huwag kang magpalate, kailan ka ba babalik dito sa unit? Wala tuloy akong kasabay...Agad na dumating ang sagot.Keiv: Soon, Mahal! By the way I'm already here.Napailing siya."Maaga pa nga."Pero bago pa siya tuluyang makarating sa building, napansin niyang kakaiba ang dami ng mga estudyanteng nakatingin sa kanya. May mga nagbubulungan. May ilan pang biglang tumitigil sa pag-uusap kapag napapadaan siya.Napakunot-noo siya.Ano na naman kaya 'to?Hindi niya iyon p

  • Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama   Chapter 41

    Ang Date na Hindi Naging SimplePaglabas nila sa sinehan, bahagyang huminga nang malalim si Maeve. Akala niya, tapos na ang pinaka-weird na bahagi ng date nila.Pero mali pala siya.Pagbukas pa lamang ng pinto ng private elevator, dalawang lalaking nakaitim na agad ang sumalubong sa kanila."Sir, clear na po ang route."Napatingin si Maeve kay Keiv."Route?""Maeve...""Keiv."Napabuntong-hininga ang binata."Please don't start.""Hindi ako nagsisimula. Nagtatanong ako."Bago pa siya makasagot, biglang bumukas ang malaking glass door papunta sa isang private lounge."What's that?""Restaurant.""Alam kong restaurant.""Then?""Bakit walang tao?"Napakamot si Keiv sa batok."Reserved.""Buong restaurant?""Yes."Napatingin si Maeve sa kanya nang matagal."Keiv.""Hmm?""Date lang 'to.""I know.""Hindi business meeting.""I know.""At hindi rin state visit."Napangiti nang bahagya si Keiv."I know that too.""Then bakit parang presidente ang kasama ko?"Napatawa nang mahina ang butler

  • Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama   Chapter 40

    Ang Date na Hindi Naging SimpleMaulan ang araw na iyon.Mula pa noong umaga ay walang tigil ang pagbuhos ng ulan sa Malolos. Madilim ang kalangitan, malamig ang hangin, at ang mga kalsada ay unti-unting nababalutan ng tubig. Para sa karamihan, isa iyong ordinaryong maulang araw na mas gugustuhing manatili na lamang sa bahay kaysa lumabas.Pero para kay Maeve, perfect iyon.Dahil matagal na niyang gustong magkaroon sila ni Keiv ng isang simpleng date.Kaya bago pa man siya tuluyang makapagbago ng isip, nagpasya siyang sorpresahin si Keiv sa mismong kumpanya nito.Hindi naman siya nagbihis nang bongga.Sa halip, pinili niya ang isang simpleng eleganteng outfit—isang cream-colored blouse na may maliit na ribbon detail sa neckline, ipinares sa high-waisted dark brown midi skirt na bumabagsak hanggang ibaba ng tuhod. Nakasuot siya ng simpleng closed-toe flats, maliit na shoulder bag, at manipis na cardigan dahil malamig ang panahon. Bahagyang inayos lamang niya ang kanyang buhok at naglag

  • Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama   Chapter 39

    Ang Katotohanang Hindi Na Kayang ItagoMaagang nagtipon ang pamilya ni Vanessa sa kanilang malaking bahay sa Malolos. Maayos ang pagkakahanda ng dining area, nakaupo sa magkabilang panig ng mahabang mesa ang ilang malalapit na kamag-anak, habang nasa gitna sina Vanessa at ang kanyang mga magulang. Maging ang ilang kinatawan ng kanilang pamilya sa negosyo ay naroon din. Para kay Vanessa, kakaiba ang araw na iyon dahil alam niyang may mahalagang bagay na iaanunsyo ang kanyang ama."Vanessa," panimula ng kanyang ama habang ibinababa ang baso ng tubig, "matagal na naming pinag-uusapan ng iyong ina ang tungkol sa kinabukasan mo."Tahimik lamang siyang nakikinig.Alam na niya kung saan patungo ang usapan."At dahil nag-iisa kang anak namin, nais naming tiyakin na magiging maayos ang magiging buhay mo."Bahagyang ngumiti ang kanyang ina."Kaya napagdesisyunan na naming ipagpatuloy ang matagal nang pinag-uusapang kasunduan sa pagitan ng dalawang pamilya."Nanatiling tahimik si Vanessa.Hangga

  • Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama   Chapter 38

    Ang Lihim sa Likod ng LahatNanatiling nakatayo si Maeve sa loob ng unit, ilang hakbang ang layo mula sa pinto. Hindi niya alam kung bubuksan ba niya iyon o mananatili na lamang siyang tahimik. Ang boses na narinig niya ay hindi pamilyar sa kanya, ngunit may kakaibang lamig itong nag-iwan ng kaba sa kanyang dibdib.Samantala, sa kabilang panig ng pinto, tahimik na nakatayo si Art Leo. Bahagyang nakayuko ang ulo nito habang nakikinig sa katahimikan mula sa loob.May kung anong alaala ang muling sumagi sa isip niya.Ang mukha ni Vanessa.Ang mukha ni Maeve.Magkaiba sila, ngunit may isang bagay na pareho sa mga mata nila—ang takot na minsan na niyang nakita sa isang taong akala niya ay hindi kailanman matitinag.Bahagya siyang napangiti."Maeve..." bulong niya. "Hindi mo pa alam kung gaano kalalim ang pagkakadawit mo rito."Hindi niya agad binuksan ang pinto. Sa halip, umatras siya at naglakad palayo sa hallway.Ngunit bago siya tuluyang makalayo, muli niyang naalala ang isang gabi ilan

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status