ログインItinuro ni Eiden ang kaniyang mga magulang. “Mga... mga trabahador din sila rito sa mansyon ng mga Fierro. Si Nanay Felomina ang main maid dito o tagalinis rito sa loob, tapos si Tatay Juan naman 'yong hardinero sa labas.”Napatingin si Kiara sa suot ng dalawang matanda. Dahil simpleng pambahay na kasuotan lang ang gamit ng mga ito ngayon at walang anumang mamahaling alahas, hindi na siya nagtaka o naghinala pa.Agad na napalitan ng matinding paggalang at gulat ang mukha ni Kiara. Mabilis niyang ibinaba si Kairo, inayos ang kaniyang sarili, at saka siya humakbang papalapit.“Naku, magandang umaga po! Pasensya na po kayo, hindi ko po alam na dito rin po kayo nagtatrabaho,” malambing at may paggalang na wika ni Kiara, sabay yuko at yumakap sa kamay ng ina ni Eiden para magmano, bago gumawa rin ng ganoon sa ama ni Eiden.Muntik nang maiyak si Donya Felomina sa labis na tuwa nang maramdaman niya ang paggalang at kabaitan ng kaniyang manugang. Nakalimutan niya agad na dapat ay umiyak o uma
Bumagsak ang tingin ni Kiara sa dalawang batang nakayakap sa binti niya, saka dahan-dahang inangat ang kaniyang tingin kay Eiden... at sa dalawang matandang nakatayo sa likod nito na nakasuot ng napakasosyal na pambahay.Nagtagpo ang mga mata nina Kiara at Eiden. Puno ng matinding pagtataka, gulat, at galit ang mga mata ni Kiara, habang si Eiden naman ay para nang nakakita ng sarili niyang multo at hindi na alam kung paano pa siya magpapaliwanag.Bago pa man makapagsalita ang kaniyang ina at ama para batiin o tanungin si Kiara, mabilis na kumilos si Eiden. Halos madapa siya sa pagmamadali nang patakbong lumapit sa dalawang matanda. Mabilis niyang hinawakan ang mga braso ng mga ito, at pilit silang hinila patungo sa isang silid na malayo sa kinaroroonan ni Kiara.“Eiden! Ano ba?! Bakit mo kami hinahatak nang ganito?!” natatarantang pabulong na asik ni Donya Felomina habang inaayos niya ang kaniyang damit.Namamawis ang noo at halos lumuwa ang mga mata ni Eiden dahil sa matinding kaba.
Sa loob ng napakalawak na dining room ng mga Fierro, puno ng mga pagkain at sigla ang hapag-kainan. Masayang kumakain ng merienda sina Kairo at Kara kasama ang kanilang lolo at lola. Nakasuot pa rin si Sir Paws ng maliit na party hat habang nakaupo sa sarili nitong mamahaling upuan sa tabi ni Donya Felomina.“Lola! Look, I made a smiley face using the strawberry jam!” Masayang ipinakita ni Kara ang kaniyang pancake habang may nakapahid pang kulay pink na kalat sa kaniyang pisngi.“Aba, napakahusay naman ng apo ko! Napakatalino talaga!” tuwang-tuwang papuri ni Donya Felomina. Halos mabitiwan niya ang kaniyang mamahaling tasa ng tsaa para lang yakapin si Kara. Miss na miss na ng ginang ang mga apo niya. Ilang buwan na rin silang hindi nagkita at nagkausap dahil nga pagtatravel nila all over the world. Isama pa ang hindi pagsagot ni Eiden sa mga tawag ni Donya Felomina.Si Don Juan naman ay nakikipag-agawan sa limang taong gulang na si Kairo sa huling piraso ng chocolate donut. “Kairo
Kinabukasan, pumasok si Kiara sa opisina na may bahagyang kabagutan at pagtataka. Kagabi kasi, pagkauwi ni Eiden mula sa sinasabi nitong "emergency sa trabaho," halatang hindi ito nakatulog nang maayos at parang laging may malalim na iniisip. Pero isinantabi niya muna iyon dahil kailangan niyang mag-focus sa kaniyang trabaho sa Fierro Group of Companies.Sa kabilang banda, mainit ang ulo ni Olga habang nakatayo siya sa tabi ng photocopy machine. Nagngangalit pa rin ang bagang niya dahil nararamdaman niyang unti-unting nasisira ang mga plano niya. Biglang lumapit si Jessa sa kaniya, ang supervisor ng departamento, na may hawak na isang katamtamang laking kahon na nakabalot nang maayos at may pulang ribbon.“Olga, mabuti at nandito ka,” utos ni Jessa na may dalang mga folder. “Ipadala mo 'tong kahon sa mansyon ng mga Fierro sa Forbes Park. Importante 'yan, pinalalagay 'yan mismo ng HR at ng Board para sa pamilya ng CEO. Mabilis lang 'yan, mag-grab ka na lang.”Sumimangot agad ang mukha
Nanlamig si Eiden. Maya-maya pa, may kakaibang ingay na nanggaling sa likod ng sofa. Mula sa likod ng malaking unan, dahan-dahang lumabas ang ulo ng paboritong pusa ni Donya Felomina na si Sir Paws, isang mamahaling Persian cat na may suot na maliit na bowtie at maliit na party hat.“Tingnan mo!” turo ni Donya Felomina sa pusa. “Pati si Sir Paws, nag-handa ng welcome party para sa mga bata kasi akala namin uuwi kayo rito ngayong gabi! Maghapon siyang nakasombrerong gan'yan! Tapos uuwi ka rito nang mag-isa?!”Mabilis na napatingin si Eiden sa pusa na masungit na humiyaw sa kaniya ng “Meow!” tila nakikipag-away rin. Napahawak na lang si Eiden sa kaniyang noo. Nahihilo na siya sa halo-halong tensyon at kakatuwang sitwasyon.“Mom, Dad... pakiusap, intindihin niyo muna ako,” pagmamakaawa ni Eiden gamit ang boses na puno ng pagod. “Hindi ko itinatago ang mga bata para ipagkait sila sa inyo. May inaayos lang akong mga bagay-bagay. Masaya ang mga bata roon. Tahimik ang buhay namin at wala si
Mabilis ang takbo ng sasakyan ni Eiden hanggang sa marating niya ang napakalawak at napakahabang kalsada patungo sa grand driveway ng mansyon ng mga Fierro. Pagkababa pa lang niya ng kotse, sinalubong na agad siya ng dalawang nakatayong mga tauhan na pormal na nagbukas ng dambuhalang pint0 ng mansyon.Pagpasok ni Eiden sa malaking sala, agad na bumungad sa kaniya ang malamig na hangin. Nakaupo sa mamahaling leather sofa ang kaniyang ina na si Donya Felomina Fierro. Nakataas ang kabilang binti nito at hawak ang isang tasa ng tsaa, habang nakatayo naman sa tabi ng fireplace ang kaniyang ama na si Don Juan. Nakahawak naman ito sa baston nito habang seryosong nakatitig sa pint0.“Eiden,” malamig at may diing wika ni Don Juan habang marahang itinutukod ang hawak niyang baston sa sahig. “May oras ka pa palang umuwi sa sarili mong bahay?”Ibinaba ni Donya Felomina ang tasa sa lamesa ng may malakas na kalabog. Tumayo siya at mabilis na lumapit sa kaniyang anak.“Saan ka nanggaling, Eiden?!”
‘Akala ko ba, gold digger siya?’ sa isip-isip ni Eiden. Naging malikot ang kaniyang mga mata. Medyo nalilito na siya sa tunay na katauhan ng babae.Napatitig muli kay Kiara si Eiden. Ang kaniyang mga labi ay bahagyang nakaawang ngunit walang salitang lumalabas. Sa buong buhay niya bilang isang maka
“Kaya mo 'to, Kiara. Para sa promosyon at mas mataas na sahod!” bulong ni Kiara sa kaniyang sarili habang nakatingin siya sa mataas na gusali kung saan siya nagtatrabaho. Bumuntong hininga muna siya bago siya naglakad papasok ng mall.Makalipas ang limang taon ay walang ibang ginawa si Kiara kung h
“Dàmn it!” marahas na mura ni Eiden.Hindi makatulog si Eiden. Kanina pa siyang hindi mapakali sa kaniyang kama.“Why am I feeling this way? Bakit parang natatakot ako na kinakabahan? What the fúck is going on?" bulong ni Eiden habang nakatitig siya sa kisame ng penthouse ng Fierro Estate. May big
“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na dapat pagbalik ko ay pinalaglag mo na ang batang ‘yan!” galit na galit na sigaw ni Arturo nang makita niya ang anak na si Kiara o mas kilala sa tawag na Ara dahil nabuntis ito nang hindi nito alam kung sino ang ama ng dinadala nito. Siyam na buwan nang dinadala n

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





