Share

Chapter Twenty Two: Punishment

Mabilis na kumalat ang balita patungkol sa nangyari kay Chanel sa kanilang Academy. Maraming nag-aalala sa kaniya ngunit ang ibang may lihim na galit sa kaniya ay natutuwa pa at sinasabing deserve niya iyon.

"Grabe 'yung nangyari kay Chanel, ano?" 

"Oo nga e. Sino kaya'ng gumawa no'n? Napakawalang puso."

"Ang lakas nga ng loob niya dahil kinidnap niya ang nag-iisang anak ng mga Ganza. Kung ako sa kaniya ay magtatago na ako, baka mapatay pa siya ng tatay ni Chanel."

Sa kabilang banda, kakababa lang ni Farrah ng kaniyang kotse at kasalukuyan nang naglalakad papasok ng building. Habang naglalakad siya, wala siyang ibang napapakinggan kun'di tungkol lamang sa nangyari kay Chanel.

"Uy, si Farrah," sambit ng isang lalaki na isa sa mga esdudyanteng nagkukwentuhan kanina. Itinuro pa niya ito at medyo napalakas ang pagkakasabi kaya naagaw nito ang atensiyon ng ibang estudyante.

<
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status