"Ang lalim yata ng iniisip mo." Napalingon ako nang biglang pumasok si mommy dito sa loob ng kwarto ko, may dala syang gatas at halatang naghahanda na rin sa pag tulog.
"Ma, naman. Hindi mo na dapat ako pinag timpla. Dapat magpahinga kana, it's getting late na rin," Sabi ko habang inaabot yung isang baso ng gatas, tinawanan nya ako bago tingnan ang inii-sketch ko. "New client?" Tanong niya habang nakatingin sa ball gown na dine-design ko. "Yes mom, masyadong mapili at maarte sa designs eh, need po pag puyatan." Sagot ko, binuklat niya ang sunod na page ng sketch pad ko at sumalubong sa kanya ang hindi pa tapos na portrait ni Azriel, ireregalo ko sana ito for our Wedding Anniversary next month, ang kaso hindi na umabot. Huminga ng malalim si mommy bago isarado ang sketch pad at halikan ang noo ko. "Don't forget to rest okay?" Tumango-tango ako bilang sagot, agad rin naman siyang lumabas dahil dinadalaw na raw siya ng antok. I handed my phone and started scrolling into my f******k account, I stalked Azriel's account dahil nakaramdam na naman ako ng pagka-miss, sa loob ng apat na taon ngayon ko lang ulit siya hindi na katabi sa pagtulog, kakaiba na sa pakiramdam,, iyong tipong parang may kulang na. "Azi, namimiss mo rin kaya ako? Umiiyak ka rin kaya sa mga oras na to?" Tanong ko habang nakatitig sa profile picture nya, parang last year lang ay kaming dalawa pa nakalagay dito, ngayon hindi na. Wala rin siyang gaanong post dahil masyado siyang busy sa mga pasyente nya, also he's running their family business na ipinamana na rin sa kanya, malakas pa nga ang loob ko dating isipin na hindi na sya magkakaroon pa ng babae dahil bukod sa may tiwala ako sa kanya ay kampante rin ako na wala na siyang oras para mambabae pa. And now here I am again questioning my own worth. Umiling iling ako habang pinupunasan ang luha ko, hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatitig sa pictures nya. I checked his albums, napangiti ako matapos makita na hindi nya pa dinedelete ang mga pictures namin doon, tsk, Am I still hoping na babalikan niya pa ako? He already chased Monica. Pinatay ko ang ilaw ng kwarto at agad na nag talukbong ng kumot, doon ko binuhos ang lahat ng luha ko, nagbabakasakali na maubos at mapagod rin ako. Nagising ako dahil pakiramdam ko ay bumabaliktad ang sikmura ko, nasanay na ako dahil halos 1 week na rin siguro akong ganito, hindi lang alam ni Azriel dahil nga maaga syang umaalis papuntang trabaho. Mapakla akong napangiti matapos makita na wala ako sa kwarto namin ni Azi, I'm at my Maidens home. "Breakfast?" Tanong ni mama, tumango ako bago sumunod sa kanya papunta sa kusina. "What happened? Narinig kitang umiiyak kagabi, Jade you should take care of yourself, ganoon na rin sa Mental Health mo." Paalala nya, I sighed before nodded. "I will mom, gusto ko lang iiyak lahat sa ngayon." Sagot ko habang sumasandok ng makakain ko. "What really happened?" Tanong ni mommy, I don't know, I don't know mom kasi pati ako ay itinatanong rin yan. Sa mga sumunod na araw ay pinilit kong mabuhay ng wala sya, pinilit gumising sa araw araw ng hindi siya iniisip at iniiyakan, well mahirap noong umpisa pero kinaya ko, kinakaya ko, not for me but for my baby. Hindi ko naman itatanggi na umiiyak parin ako, hindi naman kasi talaga ganon kadali pero atleast, nakakaya ko nang tanggapin na hanggang doon na lang yon, na kailangan kong gumising sa araw araw na walang Azi sa tabi ko, walang good morning from him. Well 11 years na kaming mag karelasyon ni Azi, sinong mag aakala na mauuwi lang sa ganito ang lahat? Iniisip ko nga rin minsan kung anong gayuma ba ang ginamit ni Monica kay Azriel para lang magamit ko rin sa kanya at mapabalik sya sakin. I'm 2 months pregnant, hindi pa naman ganun kalaki ang tyan ko and hindi parin alam ni mommy na buntis ako dahil natatakot akong sabihin nya kay Azi, knowing her, baka sugurin nya pa si Azriel para lang pilitin na makipagbalikan sa akin. "What happened?" Tanong ni mommy, kumakain na sya ng breakfast and napansin niya siguro na hindi pa ako kumakain. "Bakit nakatakip ka sa ilong mo?" Dagdag na tanong nya. "Don't you like the food?" Parang nagtatampo pang sabi nya, mahina akong tumawa bago sumandok ng pagkain kahit na nababahuan ako, ganito ba talaga pag buntis? sayang naman dahil favorite ko yon kung hindi ko makakain. Pinipigilan ko ang paghinga sa tuwing susubo ako, pakiramdam ko ay masusuka ako dahil sa amoy non, hindi ko talaga kaya. Napatingin sakin si mommy nang ilayo ko ang pinggan ko, inamoy niya ang pagkain dahil hindi ko bibitawan ang ilong ko. "Okay ka lang ba?" Tanong nya, lumapit pa sya sakin para i check ang noo at leeg ko, my god I'm not sick! "I'm fine p—" Napatakbo ako matapos kong masuka, sinundan ako ni mommy hanggang sa makarating kami sa lababo. Kitang kita ko ang pagtaas ng kilay nya, I know what she's thinking, my mom is not dumb. "May hindi ka ba sinasabi sakin?" Tanong nya, It scares me.YEARS BEFORE THE WEDDING"Oh ayusin mo yan Laurence!" Sigaw ko dahil manganganak na ang asawa nyang si Claire, paano ba naman nag panic, tinawagan pa kami sya 'tong doctor at ang sinabi pang dahilan sa amin e hindi naman daw sya marunong mag pa anak at bigla raw syang natakot sa dugo."I hate you Laurence!" Sigaw ni Claire habang hindi na malaman kung saan ba ilulugar ang sakit na nararamdaman nya."Pre, samahan mo sa loob yung asawa mo." Rinig ko kay sa boses ni Azriel, he's talking to Laurence.Nangangatog syang pumasok sa loob ng delivery room habang kami ni Azriel ay nag aantay lang dito sa labas."How's daddy Laurence?" Tanong ni Xavi habang tumatakbo palapit sakin, tinignan ko si mommy dahil sya lang naman ang nag dala kay Xavi dito sa Hospital."Mom, dapat nag video call nalang tayo." Sabi ko pero umiling sya."Tignan mo nga ang itsura nyan, iyak ng iyak yan oh." Sabi ni mama, tinawanan ko lang sya bago buhatin si Xavi, she's 7 years old."Uuwi rin naman kami, bakit ka raw umii
"Hi Monica!" Bati ko sa kanya, Nandito kami sa Sementeryo ni Azriel, umupo ako para mahawakan ang lapida nya."I really missed you, your evilness, your accent, your voice, kakainis ka naman, ang daya mo!" "Akala mo ba hanggang ngayon hindi parin ako maka get over doon sa Pregnancy test na binili ni Azriel, akala ko buntis ka nung time na 'yon, ang tricky naman kasi ng kilos mo, akala ko tuloy may nangyari na sa inyo ng kuya mo but still, you kissed him in front of me and hindi ko 'yon malilimutan." Pang aaway ko sa kanya, bahagya akong natawa nang may malamig na hangin ang dumaan sa harapan ko."We haven't sex, she's still my sister, Jade." Singit ni Azriel bago umupo sa tabi ko."Kaya nga akala ko meron e, bakit kasi ganoon kayo kumilos non? Pati saan mo ginamit yung pt? Ang tagal na nating nag balikan pero hindi mo parin binabanggit sakin kung saan mo ginamit ang pregnancy test na 'yon!" Pinanlakihan ko sya ng mata, he hugged me before kissed my forehead."Gusto mo bang gamitin?" T
"Xavier don't run!" Sigaw ko habang hinahabol ang anak ko, ang pangalawang anak namin ni Azriel.It's been 5 years since that happened, now we have Xavier, he's 2 years old.Sa loob ng dalawang taon ay walang ibang ginawa si Azriel kundi ang iparamdam sa akin na nag sisisi sya sa nangyari, na mahal nya ako ganon na rin ang anak namin, niligawan nya ako ulit, kaming dalawa ni Xavi hanggang sa makuha nyang muli ang tiwala ko, now we're planning to get married again for the second time but this time, wala ng makakasira samin, wala ng makakasira sa 20 years namin. "Mommy si Xavier ayaw tumigil!" Sumbong ni Xaviara, she's 9 years old.Parang ang bilis ng araw, ang bilis lumaki ng mga bata.Parang noong nakaraan lang ay nag uusap kami ni Azriel for what happened to us, naniniwala ako na lahat ng 'yon ay pag subok lang.15 years old kami ni Azriel noong simulan naming mahalin ang isa't isa, sinong mag aakala na hindi lang pala iyon puppy love hindi ba?"Anong iniisip mo?" Napabalik ako sa
"Puro ka kalokohan!" Inis na sabi ko habang patuloy parin sa pag bato."But honestly, hindi pa ako umuuwi kasi I want to talk to you seriously, Jade alam kong marami akong masamang nasabi sayo, and believe me lahat ng 'yon ay pinag sisisihan ko, I don't really know what happened and I regret na hindi kita pinakinggan that time." Napahinto ako sa pag bato dahil don, I want to hear his side, just for now, sa lahat ng nangyari nag focus kayo sa side ko so now, let him say his side."Go on." Sagot ko, isa isa kong pinulot ang mga nag kalat na unan, this past 5 months ay puro iyakan lang ang nanyari dahil sa pagkawala ni Monica, it hurts for him, for his family."I'm so sorry for everything what happened, hindi ko lang talaga kayang sabihin dahil baka pag sinabi ko sayo ang reason ko ay mas lalo kang hindi makipag hiwalay sakin, Jade I did that for my sister's happiness and look at her now, she's happy for us. Jade all I want is happy ending, happy family, and sabi nga sa kantang palagi na
Walang ibang ginawa si Azriel kundi umiyak ng umiyak, dumating na rin ang parents nila kahapon, sa mother side sila half siblings. Hindi ko iniwan si Azriel, hindi pa kami nag kakausap dahil nga inaayos nya pa ang pag papadala ng katawan ni Monica sa pilipinas. "Have some sleep." Paalala ko sa kanya, nilingon nya ako bago ko i abot sa kanya yung kape. "How are you? Nakatulog kana?" Tanong nya, tumango ako bilang sagot. "Umuwi ako kahapon, nag iiyak daw si Xavi." "How's her? Is she mad at me? Alam ba nya na hiwalay na tayo?" Tanong nya ulit, I tap his shoulder dahil may dumi doon. "No, hindi ko pa sinasabi." Sagot ko, napatingin ako sa kamay nya and I saw our wedding ring there. "Bakit suot mo yan?" Takang tanong ko, mahina syang tumawa bago hawakan ang kamay ko. "Bawal ba?" Tanong nya. "Bawal, hindi na rin naman tayo kasal diba?" Patanong na sabi ko. "Sino nag sabi?" Kunot noo ko syang tinignan dahil don. "Baliw ka ba?" Bulyaw ko sa kanya, tumawa ulit sya, ngayon
Nakasalubong namin si Laurence, taka nya pa kaming tinignan bago ako ngisian. "Totoo bang nandito si Monica?" Tanong ko kay Laurence, tumango sya bilang sagot. "Inaantay ata kayo, nakita ko kanina nakatingin sa pinto e." Sagot nya, umalis na rin sya dahil kailangan raw sya sa emergency room. "Monica, Jade is here." Rinig ko sa boses ni Azriel bago ako tuluyang pumasok sa loob, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, ang daming aparato na nakakabit sa kanya, naka oxygen at dextrose rin sya, halata rin na may sakit sya dahil sa lalim ng eye bag nya. "Good morning, Monica." She smiled at me bago paupuin sa tabi nya. "Kuya labas ka muna." Nakangiting sabi nya, lumabas naman agad si Azriel. Kuya? "Hindi ba Azriel ang tawag mo sa kanya?" Tanong ko, mahina syang tumawa dahil don. "Kaya nga kita gustong makausap." Sagot nya. "I'm his half sister." Panimula nya, ilang beses pa akong napapikit dahil sa gulat. "Is that true?" Gulat na sabi ko, nginitian nya ako bago tumango. Humi