Share

Chapter 5

Matapos ang eksena nila sa labas ng restaurant, nanatili siyang walang kibo. Instead na ihatid siya nito sa condo niya ay dinala siya ni Thunder sa isang coffee shop.

Gabi na at pagod na siya, gusto na niyang magpahinga pero gusto niya pang makasama si Thunder kaya nang ayain siya nito agad siyang sumama.

"Coffee." Inilapag ni Thunder sa harapan niya ang in-order nitong kape at slice ng cake bago ito na-upo sa tapat niya.

"I'm sorry," paumanhin nito habang matamang nakatingin sa kaniya.

Nanatili lang siyang walang kibo at hinihintay ang susunod pang sasabihin nito. Alam niya sa sarili niya na hindi siya galit sa ginawa nitong paghalik sa kaniya at pagpapakilala bilang fiance nito. Nababaliw na yata siya para masiyahan dahil imbis na magalit ay kinilig pa siya. Parang gusto na nga rin niyang hilinging sana totoo na lang.

"Are you mad? I'm sorry talaga dahil sinabi kong fiancée kita." Pinagsalikop nito ang mga kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

"Hindi ka ba mag-so-sorry sa paghalik mo sa'kin kanina? You snatch my first kiss!" Inis niya itong tinignan ngunit ang damuho tinawanan lang siya.

"Why would I? Para ka pa ngang nabitin sa halik ko." Dinampot niya ang tissue na nasa table nila at binato ito na nailagan naman nito.

"H-hindi ako nabitin 'no!" namumulang singhal niya rito. "Pwede ba Sir? Tigilan mo na ang pang-aasar kasi kasalanan mo naman kung bakit nangyari 'yon!”

Natatawang itinaas nito ang dalawang kamay na para bang sumusuko. " Okay! Okay! Hindi na." Tumikhim ito bago tinignan siya nang seryoso.

"P-Pero Sir, curious lang ako. Totoo bang nabuntis mo 'yong babae kanina?" Nag-aalangan man ay tinanong na niya. Baka kasi hindi siya makatulog sa kaiisip.

Napatingin siya rito nang dilaan nito ang gilid ng labi nito matapos nitong uminom ng kape. Naalala na naman tuloy niya ang pakiramdam nang mahalikan nito. Malinaw pa sa ala-ala niya kung gaano kalambot ang labi nito. Nag-iinit ang pisnging nag-iwas siya nang tingin.

Nagiging mahalay ka na self! Mukhang nababaliw na nga talaga siya.

"Hindi. I have a rule sa sarili ko when it comes to my flings. Two weeks of relationship only. Hindi ako nakikipag-sex sa hindi ko girlfriend. Lexi is not my girlfriend. She only assume that she is."

"Gano'n?" hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi kasi talaga siya makapaniwala na may gano'n palang rule. Buti may mga babae pa na pumapayag sa gano'ng condition.

Well...kung ako rin naman papayag ako. Why not diba? Kung si Thunder naman ang makakarelasyon ko. Chance ko na 'yon para akitin siya.

oportunistang mindset ba.

"Possible ba 'yon? Ano siya baliw na pinapaniwala ang sarili niya?" tanong niya rito.

"Gano'n na nga, baka nabaliw na siya sa pagkakagusto sa'kin." Napangiwi siya sa sinabi nito na ikinatawa lang nito.

Ang hangin ah! Sabagay siya rin naman malapit na ma-mental sa pagkakagusto niya rito.

Napatakip siya sa bibig habang nanlalaki ang mata nang maalalang ipinakilala nga pala siya nitong fiance sa babaeng 'yon!

"Hey! May nakalimutan ka ba? What’s the problem?" Natatarantang tanong nito.

"Hala! Paano pala kung saktan ako no'ng babaeng 'yon? Sabi mo pa naman baliw 'yon!" Nahihintatakutan niyang tanong dito na ikinatawa nito.

"Well… if that's the case don't worry I won't let anyone harm you in any way." He caress her face gently na ikinapula niya.

Natawa ito sa naging reaksiyon niya. "You're so beautiful when you blush," sabi nito na mas lalo niyang ikinapula. Pakiramdam niya pinagpapawisan siya sa sobrang init ng pakiramdam niya.

Nagpatuloy sila sa kwentuhan at asaran. They were enjoying each other's company. Sobrang saya nang puso niya, alam niya kung gaano niya kagusto ang boss niya and being kissed by him is already a dream come true.

Nag-stretch siya ng likuran ng makaramdam nang pangangalay. Ramdam niya na ang pagod dala rin marahil nang hangover niya kanina tapos nagbiyahe pa sila.

She's in the middle of stretching her legs when she heard him sigh. Agad siyang napatingin dito. Kunot na kunot ang noo nito na para bang may malalim na iniisip. Nag-alala tuloy siya at the same time kinakabahan, okay naman sila kanina bigla na lang itong sumeryoso na para bang may sobrang lalim na iniisip.

"May problema ba Sir?" kinakabahang tanong niya.

"Tara na, ihahatid na kita sa condo mo." Nauna na itong tumayo bago umikot sa side niya para alalayan siya sa pagtayo.

Bago sila umalis nag-iwan ito ng cash sa table nila bilang bayad sa order nila.

"May problema ba Sir?” pag uulit niya sa tanong kanina. “Bigla na lang kasi nagbago 'yong mood mo." Huminto siya sa paglalakad dahilan para huminto rin ito.

"I'm just thinking of something," sabi nito na halatang may malalim nga na iniisip.

She doesn't want to interfere pero may part rin sa kanya na hindi mapakali dahil mukhang bothered ito masyado sa iniisip nito.

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad. Gusto man niyang magtanong dito ngunit tahimik lang itong naglalakad habang nakapamulsa.

Palingon-lingon siya habang naglalakad. She needs to temporarily divert her attention. Nakaka-ilang kasi ang katahimikan nila. Pakiramdam tuloy niya ang layo-layo ng condo niya dahil sa pagka-ilang na nararamdaman.

Nang nasa tapat na sila ng condo building kung nasaan ang unit niya ay huminto ito sa paglalakad at humarap sa kaniya.

Akmang magpapaalam na siya rito nang bigla na lang nitong hapitin ang bewang niya at sakupin ang mga labi niya. Dala nang pagkabigla napahawak siya sa balikat nito bilang suporta. Ramdam niya ang gigil nito sa mga labi niya. Namalayan na lang niya na ginagaya na ng labi niya ang galaw ng labi nito.

Naghiwalay lang ang mga labi nila nang maubusan sila nang hininga. Nanatili itong nakatitig sa kaniya bago sumilay ang isang ngiti sa labi nito.

"I have a proposal to you," mahinang bulong nito. Ramdam niya ang hininga nitong tumatama sa mukha niya at napakabango nito.

"P-proposal? What kind of proposal? Aayain mo ba akong mag-business?" Nagtatakang tanong niya.

Naiilang man sa pagkakadikit nilang dalawa, hindi pa rin talaga maawat ang curiousity niya.

Hinapit nito maigi ang bewang niya dahilan para magdikit ang katawan nila lalo. Inilapit nito ang labi sa tenga niya bago bumulong. "Will you marry me?" mahinang tanong nito na ikinanganga niya. What the heck! Mahina lang nito iyon sinabi ngunit pakiramdam niya nayanig ang mundo niya. "That's my proposal to you."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status