Share

Chapter 3

Gustong matawa ni Thunder ng magmadaling pumasok sa loob ng condo si Gianna matapos nitong makumpirmang hindi lang siya halusinasyon nito.

Ipinilig niya ang ulo at pumasok na sa loob ng condo nito kahit walang imbitasyon. Ayos lang naman siguro 'yon dito, iniwan ngang bukas 'yong pinto e.

Pagkapasok niya ay ipinalibot niya ang paningin sa kabuuan ng condo nito at halos mapangiwi siya nang makita ang napakaraming kalat. May mga nakakalat na bote ng alak at cake. Kalat-kalat din ang mga unan at plastic bottles sa sahig.

Tsk! Kababaeng tao ang kalat ng condo!

Paniguradong matatagalan pa ito kaya nagdesisyon siya na maglinis muna ng kalat sa sala nito para may maupuan naman siya. Hindi naman siguro ito magagalit kung pakikialaman niya ang mga gamit nito.

He picked up the floor-scattered blanket and folded it properly. After that, he started to pick up each bottle of wine and water that was scattered across the floor. He hauled the mess into the kitchen.

He raised an eyebrow as he noticed the nearly empty kitchen.

Sa pagkakaalam niya matagal na itong nakatira sa condo na ito. Mga limang taon na rin kaya naman kung siya ang tatanungin daig pa nito ang bagong lipat.

He tossed the items into the sink and the bottles into the trash can on the side.

Kunot-noo siyang naglakad patungo sa lagayan ng mga pinggan, halos mapangiwi siya nang makitang dalawang pinggan lang naroon at dalawang mangkok. Wala sa loob na binuksan niya ang cabinet na nasa ilalim ng lagayan ng pinggan. Nagulat siya nang makitang isang set lang ng utensils ang naroon.

Grabe sa bahay naman niya kahit siya lang mag-isa sobrang dami niyang gamit sa kusina, pero ang babaeng 'yon! Ibang klase!

Napapailing na nilapitan niya ang nag-iisang malaking gamit na naroon. Ang double door nitong ref. Akmang bubuksan niya iyon nang makarinig ng tikhim mula sa likuran niya.

Nilingon niya ito, "Miss Ledesma," pormal na bati niya rito na para bang hindi niya pinakialaman ang mga gamit nito. Maayos na ang itsura nito at naka-office attire na rin.

Nagtataka itong napatingin sa kaniya. "Ano pong ginagawa niyo dito sa kusina?"

Tumikhim siya at wala sa sariling naituro ang basurahan kung saan niya inilagay ang mga basura nito. "May tinapon lang," simpleng sagot niya rito.

She nodded her head. "Ah…Sir? Gusto ko po mag-sorry dahil naabutan niyo akong marungis kanina." Pigil niyang matawa nang makita ang pamumula ng mukha nito. "Hindi ko po kasi alam na pupunta kayo, sana po nagsabi kayo." Kakamot-kamot sa ulo na sabi nito. Halatang naiilang ito sa kaniya dahil hindi ito makatingin nang diretso.

Nginitian niya ito upang mawala ang pagkailang nito. "Sorry, I didn't know that you're still sleeping. It's already afternoon na at kanina pa kita hinihintay sa office dahil may meeting tayo." Simula kasi ng maging empleyado niya ito never itong umabsent kaya nag-alala siya na baka may nangyari dito.

Akmang magsasalita siya nang bigla itong naglakad at lumapit sa cofee maker. "Gusto niyo po ba ng kape sir?" tanong nito.

Hindi siya sumagot at sinundan niya lang ito nang tingin kaya't kitang-kita niya ang pagbagsak ng mga balikat nito na animong nanlumo. Napapahiya itong humarap sa kaniya at ngiting asong nagkamot ng ulo.

"Wala na po pala akong stock ng kape Sir, medyo busy po kasi lately nakalimutan ko pong mag-grocery." Gusto niyang matawa nang bumakas ang pagkapahiya sa mukha nito at hindi na malaman kung ano ba talaga ang makati dahil kung saan-saan ito nagkakamot.

"No, it's okay. Nag-cofee naman na ako sa office." Pigil ang tawang saad niya.

"Gano'n po ba? Bakit po pala kayo napadaan sa condo ko? Don't get me wrong Sir, gusto ko lang po malaman."

Dahil sa tanong nito naalala niya ang dahilan kung bakit siya nagpunta sa condo nito.

Huminga siya ng malalim at umayos ng tindig. "Actually, I came here to apologize do'n sa naabutan mo kagabi, hindi ko gusto na masaksihan mo 'yon. Medyo nakalimutan ko kasi na darating ka." Tinignan niya ito ng diretso upang maipakitang sincere siya.

Nagsalubong ang mga kilay nito, "Medyo?"

Galit ba ito?

Napabuntong-hininga siya, "Fine, ang totoo nawala talaga sa isip ko and I'm really sorry about that. I didn't mean to." Totoo ang sinabi niya, nakalimutan niya talaga na darating ito. Kung naalala niya lang sana ay hindi na niya pinapasok si Angela sa bahay niya. Nahihiya rin siya na nasaksihan ni Moira ang ginagawa nila ni Angela. Mabuti na nga lang ay nakasaplot pa siya.

Nag-iwas ito ng tingin kapagkuwan ay nginitian siya na ikinahinga niya ng maluwag. "Ano ka ba Sir, wala ka naman pong dapat na ipaliwanag, buhay mo 'yon at labas ako do'n dahil empleyado mo lang ako. Tsaka kasalanan ko naman dahil pumasok ako ng walang pahintulot."

Yumuko ito na animong nahihiya, nilapitan niya ito at hinawakan sa balikat. Dahil sa pagkakalapit nila nasamyo niya ang mabango nitong amoy na animong may intensyong akitin ang sinumang makakaamoy.

Ipinilig niya ang ulo upang iwaksi ang naiisip, kilala niya si Moira at ayaw niyang mabastos ito o igaya sa mga babaeng ikinakama niya. Masyado itong mabait, papasa na nga itong anghel mula sa ugali, pananamit, at pananalita.

"Hayaan mo na 'yon, as much as you can forget about what happened para hindi mo na maalala okay?" Malumanay na tanong niya, dahan-dahan naman itong nag-angat ng tingin dahilan para magtagpo ang mga mata nila.

Namangha siya nang makita ng malapitan ang mga mata nito. Magkaiba ang kulay no'n. Brown ang isa at dark brown naman ang isa pa. "Magkaiba ang kulay ng mga mata mo," namamanghang usal niya.

Natigilan siya sa kislap ng mga mata nito, ngunit sa pagkurap niya agad rin iyong naglaho.

"Ang Daddy ko kasi ay dark brown ang color ng mata niya while 'yong Mommy ko naman ay brown. Sabi nila namana ko raw 'yon pareho that's why." Nakangiting paliwanag nito, napatango siya at hindi pa rin maiwasang tignan ang mga mata nito.

Knowing that he knew someone with a distinctive eye colour astounded him. Maybe her parents' genetic makeup actually did influence it.

A long silence surrounds them, making both of them feel awkward. He immediately took his hand off her shoulder. He cleared his throat to relieve his embarrassment at what he had done.

"A-ang mabuti pa po siguro umalis na tayo, may appointment pa kayo kay Mr. San Diego. Nakakahiya po kapag na-late tayo." Wala sa sarili na napangiti siya nang magmadali itong umalis.

Napangiwi siya ng maalala ang ginawang pagtitig kanina sa dalaga. Hindi niya alam kung bakit ginawa niya 'yon.

PAGKARATING sa opisina ay kinuha lang ni Moira ang mga gamit at documents na kailangan sa afternoon meeting nila sa bago nilang supplier ng strawberries na gagamitin sa bagong product na ila-launch nila this year.

Siya lang ang pumasok sa building nila at hinintay lang siya ni Thunder sa parking lot. Matapos makuha ang lahat ng kailangan ay nagmadali siyang naglakad palabas ng opisina. Alas singko ang start ng meeting at alas dos na. Sa Baguio pa ang location ng meeting. .

Nang bumukas ang elevator agad siyang lumulan at pinindot ang ground floor.

"Good afternoon Miss Ledesma," magiliw na bati sa kaniya ni Jeanna na nasa loob din pala ng elevator.

"Good afternoon din, Jeanna!" Mas masiglang pagbati niya na ikinatawa nila pareho. "Sabi ko naman sa'yo Moira na lang. Hindi niyo naman ako amo dito."

"For formality ba Miss, tutal parang ikaw na nga ang boss namin since laging absent si Sir." Napailing na lang siya, ang kulit talaga!

Ilang beses na niya itong sinabihan noon ngunit hindi talaga nakikinig, kaya tuloy halos lahat ng empleyado dito ay Miss na ang tawag sa kanya.

Nang tumigil ang elavator sa ground floor ay sabay silang lumabas ni Jeanna. Naghiwalay lang sila paglabas ng building. Dumiretso ito sa highway upang maghintay ng masasakyan samantalang siya ay dumiretso sa parking lot kung saan naghihintay ang Boss niya.

Nadatnan niya itong nakasandal sa kotse nito habang abala sa pagta-type sa cellphone nito.

Nilapitan niya ito, bago pa siya makalapit ay nag-angat na ito ng tingin sa kaniya. Halos tumalon ang puso niya sa kilig nang ngumiti ito at pinagbuksan siya ng pinto ng kotse.

"Sakay na, malayo pa ang biyahe natin baka ma-late tayo," pinigil niyang magpalamon sa sayang nararamdaman dahil hindi iyon ang oras para ro'n. Nagmadali siyang sumakay at inayos ang seatbealt niya. Nang maayos na ang lahat ay isinara nito ang pinto sa gilid niya bago umikot para sumakay sa driver seat.

Kanina nang dumating ito ay totoong ikinagulat niya 'yon dahil ito pa lang ang unang beses na pumunta ito sa condo niya. Bukod pa roon gusto niya rin mahiya nang malamang naglinis ito, hindi niya inaasahan 'yon. Alam niyang ayaw nito sa mga kalat pero nahihiya siya na ito pa ang naglinis ng condo niya. Aaminin din niyang kinilig siya ng magpaliwanag ito sa kaniya at purihin ang mata niya. Feeling niya tuloy nawala lahat ng sakit na naramdaman niya kagabi.

Hay! Bakit ba ang rupok niya pagdating sa lalaking 'to? Kagabi lang iniyak-iyakan niya pa ito dahil sa sakit ngunit ngayon parang gusto na niyang marindi sa lakas ng tibok ng puso niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status