Share

Chapter 6

Inis na ginulo-gulo ni Moira ang buhok niya. Kanina pa siya pa-ikot-ikot sa kinahihigaan. Hindi siya makatulog dahil sa nangyari kanina lang sa mismong harap ng condo building na tinitirhan niya.

Parang panaginip lang ang lahat. Hindi pa rin siya makapaniwala na nag-propose sa kaniya si Thunder.

Umupo siya sa kama at sinampal-sampal ang sarili para magising siya sa katotohanan. "Come on Moira! wake up!" Ayaw niya kasing umasa lang, baka panaginip lang pala ang lahat tapos pag nagising siya balik na naman sa dati.

"Hindi ba talaga panaginip 'yon?" Napabuntong-hininga siya. Hindi dahil may problema siya kundi dahil hindi niya alam kung paano niya pipigilan 'yong kilig na nararamdaman niya.

Isa pa, hindi niya alam kung paano niya haharapin si Thunder pagpasok niya sa office. Napapikit siya nang maalala ang ginawa niyang pagtulak at pag-iwan niya dito matapos nitong alukin siya ng kasal. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa ginawa nito.

"Hay! Bakit ko ba kasi ginawa 'yon." Minsan t
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status