Share

Chapter 4

Halos dalawang oras na silang nasa biyahe. Tanging tugtog lang mula sa radyo ng sasakyan ang nagsisilbing ingay nila. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kasama niya si Thunder sa meeting dahil madalas itong absent. Ito rin ang unang pagkakataon na nakasama niya ito sa iisang sasakyan. Kahit for business meeting ang pupuntahan nila hindi pa rin niya na-iwasang kiligin.

Napangiwi siya nang maramdaman ang pananakit ng likod. Kanina pa sumasakit ang balakang niya, feeling niya rin nag-iinit na 'yong puwet niya sa tagal na naka-upo. Nagugutom na rin siya dahil hindi pa siya nag-aalmusal at tanghalian dahil nga tanghali na siya nagising. Walang stock sa unit niya at nahihiya naman siyang magpa-deliver pa dahil baka ma-late na sila.

Bakit ba kasi ang layo no'ng location ng meeting? Gutom na gutom na ako! Sana lang talaga Lord huwag mag-ingay ang bulate sa tiyan ko, ayaw kong mapahiya sa harap niya!

Wala sa loob na napahawak siya sa tiyan niya nang tumunog ito, hindi malakas para marinig ni Thunder ngunit hindi nakaligtas sa paningin nito ang kamay niya.

"Kumakain ka ba ng pagkain from drive thru?" Nabaling ang paningin niya rito mula sa pagtanaw sa mga gusaling nadadaanan nila.

"Oo naman Sir, 'yon nga po ang madalas kong kinakain. Alam niyo kasi hindi ako marunong magluto kaya nagpapa-deliver na lang ako palagi sa unit." Nginitian niya ito ng nakakaloko nang may maisip. "Bakit Sir ililibre mo ba ‘ko? Kasi kung oo hindi na ako tatanggi, feeling ko nga mamamatay na ako sa gutom e!" mahabang sabi niya rito na ikinatawa nito. May nakakatawa ba sa sinabi niya? Totoong gutom na siya at kung aalukin siya nito hindi na siya magpapakipot pa.

"Ang daldal mo. Oo at hindi lang itinatanong ko kung ano-ano na ang sinabi mo." nakangiting sabi nito habang itinatabi ang sasakyan sa drive thru. "Anong gusto mo?" Baling nito sa kaniya matapos tanungin nang babaeng nasa counter 'yong order nila.

"Ikaw Sir," sagot niya rito ngunit nanatili lang itong nakatingin sa kaniya.

"Ako ang gusto mo?" May nakakalokong ngisi nitong tanong.

Ramdam niya ang pag-iinit ng mukha sa tanong nito. “Sir! Ang tanong mo ano, hindi sino!" Kahit kinilig siya sa tanong nito at gustong-gusto niyang umu-o hindi siya aamin. Hindi pa naman siya gano'n kadesperada magpapakipot muna siya kaunti.

Dinilaan nito ang gilid ng labi na sinundan ng paningin niya. Bakit ang hot niya do'n!

"Well… I'm just kidding!" Tumawa ito kapagkuwan ay humarap sa babaeng nasa counter na namumula pa ang pisngi at halatang nagpapa-cute rito na ikinasimangot niya.

Hindi naman cute! Hindi niya napigilang umirap sa hangin habang hinihintay na matapos masabi ang order. Halatang tinatagalan ng babaeng nasa counter dahil pinapaulit-ulit pa nito ang orders na pangatlong beses na nitong ginawa at ang amo naman niya halatang gustong-gustong magpalandi!

Inis siyang sumandal sa upuan ng sasakyan hanggang sa wakas ay umandar na rin ito sa kabilang building para makuha ang order nila.

"Here." Inabot nito sa kaniya ang mga in-order nito. Kahit inis agad siyang kumuha ng fries at Coke float na paborito niya. 'Yong ibang natira ay inilagay nila sa back seat.

"Okay lang naman siguro kung mag-stop muna tayo para kumain. Twenty minutes na lang naman ang biyahe from here hanggang sa restaurant." Naghanap ito nang parking lot kung saan maari silang huminto para makakain.

"Sir? Pwede akin na lang 'yong float mo? Kung okay lang naman." nginitian niya ito at binuntutan pa nang mahinang bungisngis.

Sana pumayag. Piping hiling niya.

Napatingin ito sa coke float nito na nakapatong sa dashboard. "Pero nainuman ko na 'yan," nagugulat na sabi nito, "kung gusto mo ibibili na lang kita ulit."

Napasimangot siya. "Huwag na Sir baka matagalan pa tayo. Halata pa naman na nagpapa-cute sa'yo 'yong babae kanina sa counter." Natawa ito sa tinuran niya.

"Napansin mo rin 'yon? Sige, ito na huwag ka na sumimangot." Inabot nito sa kaniya 'yong float nito na agad niyang kinuha.

"Okay lang Sir, hindi naman ako laway conscious." Napailing na lang ito sa kaniya bago muling minaneho ang kotse nito. Tapos na rin itong kumain. Samantalang siya ay iniinom ang float na para rito.

"May first kiss ka na ba Miss Ledesma?" tanong nito na ikinasamid niya. "Hey! Are you okay?" inabutan siya nito ng panyo na agad naman niyang tinanggap at pinunasan ang bibig niya at baba na natuluan ng float.

"Sir naman! That's TMI!" Namumulang sagot niya rito. Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi niya sa tanong nito.

Natatawa itong nilingon siya. "You know, you're not the type of girl na may first kiss na."

"Really?" Hindi makapaniwalang nilingon niya ito. "Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o matatawa e."

"What I mean is you look so pure and innocent kahit na maingay ka. That's why I ask you if you already have your first kiss." Nag-iwas siya ng tingin dito at hindi na sinagot ang tanong nito dahil nahihiya siyang sabihin na wala pa siyang first kiss.

Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa restaurant, pagpasok pa lang nila sa loob agad silang sinalubong ng waitress na mukhang naka-aasign talaga to guide the customer.

"Good afternoon Ma’am and Sir, table for two?" Nakangiting bati nito. Bakas ang pormalidad sa itsura nito at galaw. Mukhang dumaan ito sa training at sanay nang makisalamuha sa mga pogi. Hindi katulad ng ibang waitress kapag nakakita ng poging customer natutulala at nagpapapansin.

"Reserved VIP table under my name Thunder Cabral," pormal na usal ni Thunder. Mukha siyang hot pag pormal dahil nagmumukha siyang seryoso at hindi babaero. Parang ibang tao ito at hindi ang lalaking kasama niya kanina sa sasakyan.

"This way po sir." Iginiya sila nito sa dulong bahagi ng restaurant. Overlooking ang buildings doon na nakadagdag sa modern ambiance ng buong restaurant.

“Ang ganda!” Hindi niya napigilang mamangha sa ganda ng tanawin. Agad siyang sinalubong ng malamig na hangin paglabas niya ng balkonahe. Malapit lang kasi ro'n ang table nila.

Hindi niya napigilang mapapikit ng muling humampas ang malamig na hangin sa mukha niya. Wala sa sariling napayakap siya sa sarili, naka-long sleeve siya pero hindi sapat 'yon para mainitan ang katawan niya.

Bata pa lang siya lamigin na siya. Kaya madalas sa unit niya nagbubukas lang siya ng aircon kapag sobrang mainit. Madalas kasi kapag nalalamigan siya ay sinisipon siya o kaya naman ay inu-ubo.

"Ang ganda nga." Halos mapatalon siya sa gulat ng marinig ang boses ni Thunder sa tabi niya muntik na niyang makalimutan na kasama niya pala ito. Napapahiya niya itong nilingon ngunit nanatili lang itong nakatingin sa tanawin. Bakas ang pagkamangha sa mga mata nito na para bang first time lang nito nakakita no'n.

May parte rin sa kanya na nadismaya dahil akala niya katulad sa mga pelikula na napapanood niya, siya ang sinabihan nito ng maganda. Napasimangot siya sa naisip.

Assumera ka talaga self! Gusto niyang batukan ang sarili sa mga naiisip niya.

"Bakit nakasimangot ka na naman?" tanong nito na pumutol sa pag-iisip niya. Hindi niya namalayang nakatingin na ito sa kaniya.

"Ha? Ako nakasimangot? Hindi ah! Nakangiti nga ako oh!" Humarap siya rito at ngumiti nang pagkalaki-laki. "Mabuti pa mag-order na tayo Sir baka dumating na si Mr. San Diego." Agad niya itong tinalikuran para hindi na ito magtanong pa. Mamaya niyan baka masabi pa niya ang nilalaman ng assuming niyang utak.

Nang makabalik sa table nila, inabala niya ang sarili sa pag-scroll sa social media. Ilang minuto lang din ay dumating si Mr. San Diego kasama ang sekretarya nitong si Macy. Matapos magpakilala ay nag-umpisa na ang meeting. Ang ginawa lang niya ay ang mag-take down notes ng mga important details.

"Thank you so much for the offer Mr. Cabral. Alam mo naman na willing kami palagi na mag-supply sa inyo ng mga strawberries." Nakangiting sabi ni Mr. San Diego dahilan para mas lalo itong maging gwapo sa mga mata niya. Akala niya no'ng una matanda na ito, madalas kasi sa mga news papers na nababasa niya puro lang iyon patungkol sa farm na pagmamay-ari nito. Halos walang information na nakalagay patungkol sa may-ari kahit na matunog ang pangalan nito. Masyado itong pribado.

"We're very glad that you accepted our offer Mr. San Diego. We really want the best for our product and we knew that your strawberry farm are one of the best in Asia." Papuri ni Thunder na tinawanan lang ni Mr. San Diego. Totoo naman kasi talaga na isa ang strawberry farm ni Mr. San Diego sa mga sikat na farm na nag-e-export nation wide.

"I think we already settled everything between this meeting, about the contract signing my lawyer will visit you at your office. We'll just call your secretary for appointment Mr. San Diego," pormal na sabi ni Thunder bago tumayo at nag-abot ng kamay kay Mr. San Diego na agad ding tumayo at tinanggap ang kamay ni Thunder. "Thank you for your time and for accepting our offer, our company are looking forward to work with you."

"Thank you Mr. Cabral, I hope it's okay if I'll go ahead first? I still have so many paper works waiting to be sign this day," paalam ni Mr. San Diego.

"Yeah, sure!" nakangiting sagot ni Thunder na tumayo at nakipagkamay muli kay Mr. San Diego bilang pamamaalam.

Nang makaalis si Mr. San Diego muling naupo si Thunder sa upuan na nasa tabi niya. Halos inabot din ng isang oras ang meeting. Puro about sa agenda at benefits ng parehong kumpanya lang naman ang diniscuss.

Napatingin siya sa table kung saan sobrang daming pagkain. Sayang naman kung iiwan nila ito.

"Sir? Pwede ba i-take-out 'yong mga pagkain? Sayang naman kasi," may panghihinayang niyang tanong.

Napataas ang kilay nito at tinignan din ang mga pagkain na nasa table nila. "Bakit? Ipapakain mo ba sa alaga mo?" Inosenteng tanong nito.

"Sir naman! Alaga lang ba ang kumakain niyan, hindi ba pwedeng ako? Sure naman akong hindi ako mukhang alagang hayop tsaka wala akong gano'n!" Inis niya itong tinignan bago tinawag ang waitress kanina para ipabalot 'yong natirang foods.

Hindi niya alam pero kumportable na siya na makipag-usap kay Thunder siguro dahil na rin pareho nilang na-witness ang nakahihiyang bagay na ginagawa nila. Nakita niya itong nakikipag-make-out sa babae nito at siya naman ay nakita nitong dugyot.

Dati kasi nahihiya pa siya dahil kahit magkakilala na sila mula pa college hindi naman sila gaanong naging close. Nang pumasok kasi siya sa kumpaniya nito ay madalas ay pala-absent na ito kaya nawalan din sila ng time to work together sa office. Madalas na half day lang din ito kaya no choice siya kundi mag-adjust kahit hindi niya trabaho ginagawa na niya para hindi na ito mahirapan pa.

Matapos makuha ang pina-take out nila. Sabay silang lumabas ng restaurant ngunit agad ding natigilan nang biglang may babaeng sumulpot sa harapan nila at ang sunod nitong ginawa ay talaga namang ikinagulat niya.

Hinila nito ang neck tie ni Thunder at walang sabi-sabing hinalikan nito ang Boss niya. Napaatras siya sa nasaksihan. Parang nanumbalik 'yong sakit na naramdaman niya kagabi nang masaksihan niya rin itong may ginagawang makamundo kasama ang isa sa mga babae nito. Parang gusto niyang maiyak ngunit walang lumalabas na luha. Nanatili lang siyang walang reaksiyon habang nakatingin sa dalawa ngunit sa loob-loob niya ramdam niya ang sakit na unti-unting lumulukob sa kaniya.

"Our baby miss you so much babe," malambing na sabi ng babae matapos nitong halikan si Thunder. "Mabuti na lang talaga at may nagsabi sa'kin na you're here."

Our baby? What the heck? Nabuntis siya ni Thunder?

Maraming tanong ang nabubuo sa isipan niya. Wala sa loob na pinagmasdan niya ito, bakat na nga ang tiyan nito. Marahil ay ilang buwan na itong buntis.

Hindi siya makapaniwalang napatingin kay Thunder dahilan para magtagpo ang paningin nila dahil nakatingin din ito sa kaniya.

Bakas ang pag-aalala sa mga mata nito habang magkatagpo ang paningin nila. Ngunit para kanino? Nag-aalala ba itong malaman ng ibang tao na nakabuntis ito?

Napabuntong-hininga ito bago nag-iwas ng tingin. Kinalas nito ang braso ng babae na nakayakap dito na halatang nagulat sa inakto ni Thunder. Ngunit ang sunod nitong ginawa ay labis niyang ikinagulat.

Nilapitan siya nito, hinapit sa bewang at walang sabi-sabing inangkin ang kaniyang mga labi na ikina-estatwa niya. Ramdam na ramdam niya ang lakas ng tibok ng puso niya. Sa sandaling iyon ay para bang nawalan siya ng pakialam kung may ibang tao man sa paligid nila.

Akmang gaganti siya sa halik nito ng basta na lang itong bumitaw dahilan para magmukha siyang naghahabol sa halik nito. Kitang-kita niya nang ngumisi ito na para bang nasisiyahan sa nasaksihan.

Umuklo ito sa gilid ng tenga niya. "How was that for your first kiss?" mahinang bulong nito na ikinapula ng pisngi niya. Gusto niyang paypayan ang sarili sa labis na init na nadarama. Ang hudyo! Alam niyang nagustuhan niya ang halik nito ngunit may parte sa kanya ang naguguluhan. Bakit naman siya nito hahalikan sa harap ng babaeng nabuntis daw nito?

Napatingin siya sa babaeng natigilan sa nasaksihang paghalik sa kaniya ni Thunder. Bakas ang kaguluhan sa reaksiyon nito, ngunit agad ding napalitan ng galit nang pagsalikupin ni Thunder ang kamay nilang dalawa na pinadoble lang ang lakas ng tibok ng puso niya.

"W-what is the meaning of this?" naluluhang tanong nito habang hindi maalis ang tingin sa kamay nila ni Thunder.

"Obvious ba? Moira is my fiance, right Hon?" Nanlaki ang mata niya sa gulat sa sinabi nito. What the heck! Kailan pa niya ako naging fiancée?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status