Share

Chapter 1

last update Terakhir Diperbarui: 2021-09-12 10:49:41

Tiningala ko ang langit na may makakapal na ulap. On this morning the clouds diffuse the daylight, it dominated the sky leaving transient marks of blue. I rested my eyes in the horizon and inhaled the sweet calm air as a sense of freedom.

I wonder if anyone ever notices the sky when it's beautiful as this. I wonder if they can see the serenity of the clouds and hear its calmness.

Tumunog ang cellphone ko sa isang tawag, agad ko itong hinanap sa aking bag. Hindi naka-rehistro ang numero pero sinagot ko ito dahil umaasa akong may tatawag sa akin para sa final interview dahil nag-apply ako sa isang job fair kahapon.

Subalit bago pa ako makapag-salita ay bumungad na sa akin ang galit na boses ng isang pamilyar na babae.

"Hoy Adrianna, aba ano na at kailan ka magbabayad ng renta? Anong petsa na?"

Napangiwi ako, "Ate Lucy.."

"Ano ha? Palagi ka nalang huli kung magbayad! Malapit na kitang palayasin!"

Nanlaki ang mga mata ko, "Naku huwag po ate, magbabayad naman po ako." Humina ang boses ko dahil hindi ko naman talaga alam kung paano ko mababayaran ang inuupahan kong maliit na kwarto malapit sa dati kong trabaho.

"Aba at kailan ka pa magbabayad? Sa susunod na buwan? Maiipon na ang bayarin mo hija!"

Huminga ako ng malalim, "Nag-resign po kasi ako sa trabaho dahil na-ospital ang nanay ko, nagamit ko po ang pera."

Tumawa ito, tila nanunuya. "At anong pakialam ko sa nanay mo?"

Sumakit ang dibdib ko sa sinabi niya. Even if I'm very rich, I won't say those kind of words to other people. Pero gaya ng lagi kong ginagawa ay tinitiis ko na lamang ang sinasabi ng ibang tao.

This world is full of cruel people, we rarely meet the real ones and the good ones. Kaya sa halip na umasang mayroon pang taong ganoon ay sinisikap kong maging ganoon na lamang para sa iba.

"Umalis kana roon sa kwarto at ipapaupa ko iyon sa iba, yung mabilis magbayad hindi katulad mo!" Atsaka nito pinutol ang tawag.

I sighed. I looked up at the sky once again, holding onto it like it's my only source of strength.

Hindi ko na rin naman na kakailanganin ang kwartong iyon dahil nag-resign na ako sa trabaho. Pero iniisip kong magiging pabigat lang ako sa nanay ko kung isisiksik ko pa ang sarili ko sa kwarto niya sa kaniyang trabaho.

Nagtatrabaho ang nanay bilang isang kasambahay sa isang mayaman at kilalang pamilya. Kampante ako dahil mayroon siyang makakain at matutulugan roon kaya ayos lang na ako ang mahirapan dito sa labas.

Kaya lang ay nagkasakit ito at na-ospital, nagamit ang pera namin doon at halos wala nang matira ngayon dahil bumibili pa kami ng maintenance na gamot.

I used to work as a waitress in a karaoke bar, pero umalis ako roon dahil nababastos ako lagi ng mga customers. Kung hindi man mabastos ay madalas akong pag-initan ng mga kapwa ko waitress sa hindi ko malamang dahilan. It was toxic for me, lalo na't nag-aaral ako para sa huling taon ko sa college. Totoong mahirap pagsabayin ang pag-aaral at trabaho, mabuti na lamang at semestral break ngayon.

Tumayo ako't huminga ng malalim, isang panibagong araw ito na aking haharapin at kailangan kong magpakatatag sa araw-araw, para sa akin at para sa nanay kong nagkaka-edad na rin.

Nagpasya akong lisanin ang rooftop ng isang abandonadong gusali. Dito ako tumatambay lalo na kapag gusto kong mapag-isa. Delikado dahil abandonado ito kaya hindi ako nagpapagabi pero minsan ay hindi ko rin matiis lalo na at maganda ang tanawin mula rito sa itaas kapag gabi, natatanaw ko ang buong siyudad at ang malawak na kalangitan. It was always calming for me.

Sa araw na ito ay bibisitahin ko ang nanay sa mansyon kung saan siya nagtatrabaho. Dalawang mag-asawa ang pinagsisilbihan niya at kapwa ito mabait sa amin. Ayon sa nanay ko ay may dalawa itong anak na lalaki pero nakabukod ang mga ito at paminsan-minsang dumadalaw.

"Miss saan ka?" Harang ng guard nang makarating ako sa harap ng Genesis Metropolis.

Mahigpit ang seguridad sa lugar na ito pero kilala na ako ng guard dahil sa pagdalaw ko lagi kay nanay pero mukhang bago ang isang ito.

Ngumiti ako at lumapit sa kaniya, "Pupunta po ako sa Genesis mansion, dadalawin ko po ang nanay ko."

Kumunot ang noo ng guard, "Walang anak na babae ang mga Genesis."

"Uhh I mean kasambahay po nila ang nanay ko."

Tinitigan ako nito, "Ikaw? Anak ng kasambahay?"

Alanganin akong ngumiti at tumango. Matagal pa muna ako nitong tinitigan, bagamat hindi ko gusto ang paraan ng pagtitig niya ay hindi ko na lamang iyon pinansin. Sa huli ay pinapasok din ako nito. Mabuti nalang at hindi niya na kinailangang i-confirm pa sa mansyon ang pagdating ko dahil nakakahiya na iyon masyado.

Tinext ko si nanay nang nasa malaking gate na ako ng mansyon. Ang doorbell ay para lamang sa mga panauhin kaya hindi ko iyon ginagamit.

Mabilis na bumukas ang maliit na gate sa gilid at nakita ko si nanay. Ngumiti ako sa kaniya at nagmano. Maganda si nanay noong kabataan niya at hindi nawala iyon ngayon kahit nagkaka-edad na siya. Maraming nagsasabi na namana ko ang gandang iyon, nadagdagan pa ng dugong banyaga dahil sa aking ama.

Dating kasambahay ng ama ko si nanay, nabuntis siya nito at iniwan. My father's an American at dinala ko ang dugong iyon dahil kitang-kita ito sa buong pisikal na anyo ko. My long brown hair with its curly ends, ang maputi kong kulay, matangos na ilong at kulay tsokolateng mga mata ay minana ko sa kaniya. That's why people won't often believe that I'm poor, dahil wala daw iyon sa itsura ko. Although I don't think physical appearance can be used to judge people, minsan ay naiisip kong wala na akong magagawa dahil ang mga tao ay humuhusga sa kung ano ang nakikita ng mata.

"Kamusta ang paghahanap mo ng trabaho anak?" Tanong nito sabay lapag ng isang basong orange juice sa harap ko.

Narito kami sa dirty kitchen. Bagamat hindi naman bawal tumanggap ng bisita ang mga katulong ay sinisikap ko pa ring huwag magpakita sa mga amo ni nanay. Ayaw ko lang makahanap sila ng hindi maganda sa nanay ko dahil natatakot akong palayasin siya dito kahit na mabait naman ang mga amo niya.

Ngumiti ako sa kaniya, hinawakan ko ang kaniyang kamay. "Okay lang 'nay, naghihintay nalang ako ng tawag para sa final interview."

Ngumiti ito pabalik, "Mabuti naman kung ganoon. Nag-almusal kana ba? Halika kumain ka, maraming pagkain dahil darating ang mga anak nila madam."

Nanlaki ang mga mata ko, napaka-wrong timing ko palang dumalaw kung ganoon. Kaagad akong tumayo, hindi pa man naiinom ang juice na tinimpla niya para sa akin.

"Hindi na po 'nay, bakit naman hindi niyo po sinabi agad? Aalis na po ako kung ganoon, I'm sure marami kayong ginagawa."

"Ha? E kadarating mo lang?"

Bago pa ako makapagsalita ay biglang may pumasok sa dirty kitchen. Isang maganda at maputing babae na palagay ko ay halos ka-edad lang ni nanay. Pero kahit ganoon ay napaka-ganda pa rin nito, matangkad at naghuhumiyaw ang karangyaan sa simpleng bestida na suot.

Tumigil ito nang makita kami ni nanay.

"Oh, is she your daughter Lana?" Even her voice sounds sophisticated just like how she looks, but despite that she looks soft and kind too.

"Ay opo ma'am, pasensya na po. Dinalaw niya lang po ako ngayon."

She smiled at me, pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "She's gorgeous! What's your name hija?" She looks excited upon seeing me.

"Uhh hello po, I'm Adrianna. Nice to meet you po," I smiled back.

"Ang ganda mo hija," hindi nito maalis ang titig sa akin.

Ngumiti ako at nagpasalamat, magaan ang pakiramdam dahil sa mabubuting tao nagtrabaho si nanay.

"Are you leaving already? Why don't you join us for lunch? I'll introduce you to my sons,"

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiling, "Po? Wag na po ma'am, nakakahiya naman po.."

Hindi ko kaya iyon, we don't belong to the same level. Ano nalang ang iisipin ng mga anak niya? Their mom's too friendly to even introduce them to a maid's daughter? Nakakahiya!

"That's okay, my sons are kind, they will like you!"

Huh?

Tinignan ko si nanay at tinanguan naman ako nito't nginitian. Lumapit si ma'am sa akin at nagulat ako ng isabit nito ang braso sa aking braso, like we're just close friends.

"I'm Polyanna by the way, you can call me tita Poly."

"Ihahanda ko na po ang mesa kung ganoon,"

Tumango si ma'am Poly kay nanay, tinanguan din ako ni nanay at iniwan sa kaniya. I feel so awkward, hindi ko inexpect na ganito siya kabait. Umupo ito sa highchair at itinuro sa akin ang isa pa para makaupo ako sa harap niya.

"Lagi kang nababanggit ni Lana sa akin, I didn't expect you are this gorgeous. How are you hija?" She sounds so excited to have a conversation with me. At hindi ko maintindihan kung bakit ganon? Someone so rich like her is treating us like this, equally and kindly.

"Uhh okay naman po, thank you so much po napakabait ninyo sa nanay ko."

"Oh you're mother is very kind hija, I bet you are too! So you're on your fouth year in college? Kamusta? What are you taking?"

Pinagmasdan ko ito at hindi ko maipagkaila ang napakagandang kutis niya, kutis mayaman ika nga. She looks simple even when I heard she's one of the richest housewives in the country. The Genesis is a conglomerate family, they have a large scope of business at pangarap kong makapasok sa isa sa mga kumpanya nila pagka-graduate ko.

"Business management po,"

Her eyes widened, "Oh really? Kamusta? May mga plano kana ba once you graduate?"

"I actually want to apply in one of your companies kung papalarin po. I know it will be difficult dahil napaka-taas ng standards ng kumpanya but I'm doing everything to reach that standard."

Tinignan ko ito na mukhang tuwang-tuwa sa narinig, her eyes are almost sparkling. I don't understand why she's so ecstatic towards me or talagang ganito siya.

"You will be perfect as an employee hija! Sakto at walang secretary ang anak ko dahil nag-resign, I will refer you to him!"

Nanlaki ang mga mata ko, "P-pero hindi pa po ako graduate--"

"Oh it's a matter of one sem, what's the difference? I'd like you to work for Axl, I'm very sure you'll be efficient."

Hindi ko alam kung bakit ganito siya katiwala sa akin gayong ngayon palang naman kami nagkita. Why do I feel that she likes me so much? And Axl? The famous Axl Genesis? Am I meeting the tycoon today?

**

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Florida
Getting to be sooo interesting!!!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Out of my League   Epilogue

    Note: This is Axl's POV and it will start from his childhood to the present so please wag sana kayong magpalito sa transitions. Most of the scenes already happened in the previous chapters so you'll be familiar. Lastly, I have an author's note and FAQs after this chapter!EpilogueWhen I was younger, all that I believed is that people were born to be naturally selfish. We crave the things that can satisfy us, that can make us happy. We do everything, to get our desires, to be contented.But all along, I've been questioning myself, does a person ever feel satisfied? Do we ever feel contented? Do these things really make us happy?I stared at the transient blue skies ab

  • Out of my League   Chapter 45

    Madam Selena's public apology didn't end everything. It made other people angry. Mayroong nagalit nang nalamang totoo ang ginawa niya at pinilit itong pagtakpan ng GGC at ng mga airlines na nabanggit. Mayroong tinanggap ang katotohanan pero ayaw na ulit magtiwala. At mayroong natuwa, dahil sa kabila ng masamang nagawa ay humingi ng kapatawaran ang mga Genesis.Madam Selena's speech is scripted. Si Axl at Alistair ang gumawa nito. Bago ang lahat ay kinausap rin nila ang mga airlines na maaring maapektuhan. Everyone agreed to apologize for their wrongdoing, at nangakong hindi na iyon kailanman mauulit.It may look insincere because it's scripted, still I felt Axl and Alistair's humbleness in that presscon. Hindi man taos sa puso ng kanilang lola ang paghingi ng tawad, still the fa

  • Out of my League   Chapter 44

    Gustong-gusto kong makausap si Alistair matapos ang nangyari, I badly want to tell him that he doesn't really have to do what his grandma wants. I wanted to convince him that there's other way around, hindi niya kailangang magsakripisyo ng ganito.May pakiramdam akong ganoon din ang gustong gawin ni Ma'am Poly, pero mas gusto ni Sir Arsen at ni Axl na hayaan na muna siyang mapag-isa. Sa huli ay sumang-ayon nalang din ako at tuluyan nang nanlumo.Madam Selena left after talking to him about the Pearsons. The smile on her face is so selfish and it was hurting all of us. I feel like being a Genesis is a curse for them, I feel like despite the wealth and power that they have, they are still jailed to the fact that they should keep strengthening it.

  • Out of my League   Chapter 43

    "Hindi paba tayo lalabas? Baka hinihintay nila tayo.." Hindi ko na alam kung ilang beses ko na itong sinabi at katulad kanina ay parang wala siyang naririnig.Nakahiga kami sa kama at nakakulong ako sa mga braso niya. Ang kaniyang mukha ay nakasiksik sa aking leeg. He would kiss my shoulder blade and my cheek every now and then."Axl.." sinubukan kong gumalaw pero lalo lang humigpit ang yakap nito sa akin."Let's cuddle more.." his hoarse voice said. Muli ay pinatakan niya ako ng halik sa aking pisngi.Natutukso na rin akong manatili nalang dito, lalo pa ngayong ayaw niya na akong pakawalan. Pero ayaw kong malunod sa kaniyang mga halik, baka hindi na ako makabangon.

  • Out of my League   Chapter 42

    He looks so pissed while driving. Mula paggising ko nakasimangot na siya at mas lalo pang lumala nang nakita ang suot ko.I'm wearing a denim shorts and a shirt, at rubbershoes. Marurumi kasi ang mga damit at pants ko kaya puro shorts ang naisusuot ko. Hindi naman siya nagkomento pero nararamdaman kong may kinalaman ang suot ko sa pagkakainis niya.Tahimik kami sa loob ng sasakyan. At nanatili ang pananahimik niya hanggang sa makarating kami sa mansyon.Nakaabang si Ma'am Poly sa malaking pintuan, nakangiti na agad nang natanawan ako. Ngumiti ako at sinalubong niya naman ako ng yakap. She looks happy, hindi ko alam kung bakit."I'm so excited! Umalis ng maaga si Axl at nang si

  • Out of my League   Chapter 41

    Tahimik kami habang nasa sasakyan. Gusto ko ulit magtanong pero ayokong marinig ng mga kaibigan ko ang pag-uusapan namin kaya nanatili akong tahimik.Isinandal ko ang ulo ko sa likod ng upuan at tuluyang naramdaman ang pagod para sa buong araw. Nahihilo man at gusto nang matulog ay pinilit kong manatiling gising para maituro ang apartment kay Axl.Pero ganoon nalang ang gulat ko nang makitang lumiko ang sasakyan sa daan patungong university. Kunot noo ko siyang nilingon. "A-Alam mo ba ang apartment namin?"Hindi ito nagsalita. Nanatili ang seryoso niyang mga mata sa daan na tila doon ibinubuntong ang pagkakainis.Nakumpirma kong alam niya nga kung saan ang apartment nang pumas

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status