Share

Chapter 4

His dark menacing eyes bore to me like daggers and I know I'm at fault now. Is this his room? Kung ganoon ay mali itong napasok ko?

Ramdam ko ang init sa buong mukha ko at maging ang matinding kaba sa aking dibdib. Gusto ko nalang kainin ako ng lupa.

"What are you doing here?" His deep baritone voice even made me shiver.

Napalunok ako. "I-I'm sorry, hindi ko alam.." I stuttered. Hindi ko makapa ang mga salitang dapat sabihin.

He smirked, but then his eyes remained cold and scary. Kung kanina ay kaya ko pa siyang tignan, ngayon ay hindi na. Idagdag pa na wala siyang damit.

"A-alis nalang ako, sorry talaga.." Nagmadali akong lumakad patungo sa pintuan pero naramdaman ko ang malamig nitong kamay nang higitin ako nito pabalik.

Bumagsak ako sa katawan niyang halos basa pa dahil sa pagligo. Naamoy ko kaagad ang mabango at panlalaking amoy ng sabon na ginamit niya. Ganoon na lamang kalakas ang tibok ng puso ko na tila gusto nang lumabas sa aking dibdib.

"Not so fast," bulong nito na nagpatindig sa aking mga balahibo. Napatayo ako nang tuwid.

"H-hindi ko talaga alam, I was told to go through the last rooms." Nanginginig ang boses ko nang sabihin ko iyon.

"Hindi ko alam, I'm sorry."

Pagak itong tumawa sa sinabi ko, "Who would know if you're telling the truth now? What if you're here to steal something from me?"

Nanlaki ang mga mata ko, hindi makapaniwala ko siyang tinignan. "What? Hinding-hindi ko gagawin 'yon."

He sported another devilish smirk, "My family just met you today, you think you earned enough trust that fast?"

"W-what?"

"Show me your things,"

Sumulyap ako sa aking bag na nasa ibabaw nga pala ng kama niya.

"You really think of me that way?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Why don't you just show me your bag so I'll believe you?" Naghahamon ang titig nito sa akin at abot-abot ang sakit sa aking dibdib. Nawala ang kaba at takot na nararamdaman ko kanina at napalitan ng sakit at poot.

Kinuha ko ang aking bag at inilabas isa-isa ang laman nito. Wallet, dalawang t-shirt, shorts at isang jeans, ang pouch na may lamang underwear ko at mga toiletries, notebook at isang ballpen. Nilingon ko siya nang mailabas ang lahat. Hindi ko na rin hinintay na sabihin niya at ipinakita ko na rin ang mga bulsa ng suot kong pants. Tumaas ang kilay nito sa ginawa ko.

"Are you satisfied?" Hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa nagbabadyang luha sa aking mga mata.

Hndi ito nagsalita. Tinalikuran niya ako't tinungo ang walk-in closet. Sinimulan ko namang iligpit muli ang mga gamit sa aking bag. Hindi ko na napigilan at tumulo na ang mga luha ko sa sobrang sama ng loob sa ginawa niyang pambibintang.

Kailan man ay hindi ako pinagbintangan nang ganito and I know to myself that no matter how poor I am at kahit hindi ako kumain ng isang buong araw ay hinding-hindi ko magagawa ang magnakaw.

Nang natapos akong magligpit ng mga gamit sa aking bag ay siya ring paglabas nito sa walk-in closet. Pinunasan ko nang mabilis ang mga luhang naglandas sa aking pisngi bago ko natagpuan ang titig niya.

His dark eyes are like abyss, like an eternal black hole. I don't know the extent of the menace that lies behind those orbs.

"Leave,"

Lumunok ako, pilit pinapatibay ang loob. Huminga ako ng malalim para sa mga gusto kong sabihin.

"You know what, I don't know what did I do to you for you to hate me and judge me easily like this. Pero isa lang ang masasabi ko, I'm not here to leech off anything from your family. And I will never ever steal, even when I am rat poor, even if I die of hunger or whatever, I will never ever try to steal. Pinalaki ako ng nanay ko sa tamang paraan pero ikaw, hindi ko alam kung bakit ka ganiyan. Yes you're rich but I guess you lack something in you, you lack something that money can't buy and I'm glad I have it."

Iyon ang huling sinabi ko bago nilisan ang kwarto niya. I know it is not right to tell my boss things like that, but he went overboard and I'm not his employee yet. I don't even know if I can come to work and treat him nicely after what he's done to me today.

Paglabas ko sa kwartong iyon ay sinubukan ko ulit maghanap ng guestroom at mabuti nalang ay tama na ang napasok kong kwarto. Huminga ako ng malalim nang maisara ang pinto. Pinagmasdan ko ang buong silid at nakita ang pagkakaiba nito sa kwarto ni Axl. Mas maliit ito at walang balkonahe. I sighed, bakit ko nga ba naman naisip na ang ganoong klaseng kwarto ay isang guestroom? But I would have loved the view from there. Bigla ko tuloy gustong pumunta sa tambayan ko.

Pagod akong humiga sa kama. Napakahaba ng araw na ito at napakaraming nangyari. Gusto ko nalang itulog ang lahat at gumising na maayos na ang pakiramdam bukas. Pero mayroon pang dinner at alam kong inaasahan din ako ni Ma'am Poly doon.

Nagpahinga lamang ako ng ilang minuto bago naisipang maligo. Nang matapos ay nagpalit ako ng isang puting t-shirt at shorts na hindi naman gaanong maiksi. Ginamit ko iyong blowdrier sa bathroom para mapatuyo ang buhok ko. Nang matapos ay siya namang pagkatok sa aking pintuan.

Binuksan ko iyon at bumungad sa akin si Air na mukhang bagong ligo rin. Ngumiti ito sa akin.

"It's time for dinner, let's go?"

Nakaramdam ako ng hiya, sinadya niya pa talaga ako rito? Mabilis akong tumango at lumabas na ng kwarto. Nakakahiya kung magtatagal pa ako.

"Uh.. sana hindi mo na ako sinundo dito, bababa na rin naman ako."

"You see I'm just so bored and I'm happy that you're here, I finally have someone to spend time with." He flashed another dazzling smile at hindi ko mapigilang mahawa. His energy seems contagious.

"Kailan ba ang uwi ninyo? Hindi ba kayo madalas dito?"

"We visit here weekly, we always make sure to have dinner with mom and dad atleast just once a week. We failed last week though, because Axl had too attend a meeting overseas and I have to take over for a while."

Tumango ako, "But your brother seems to be working even when he's here."

He chuckled, "I told you he only cares about work." Inalalayan ako nito nang pababa na kami sa hagdan.

Halata naman iyon, umiikot ang mundo niya sa trabaho. Matunog na matunog ang pangalang Axl Genesis kahit saan ako magpunta. The most successful tycoon in the country, the most powerful bachelor. His biggest commodity is himself- his looks, aura, talent, money, achievements and his power.

"You two look so close huh," puna ng kanilang ina nang mamataan kaming pababa ni Air. She's smiling ear to ear while watching us. Ngiti lamang ang iginanti ni Air sa sinabi nito.

"I told you my sons will like you, kaya nga magaan ang loob ko sayo e." She clinged to me while we're heading to the kitchen.

Nakangiti kami nang nakarating doon pero agad nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita si Axl na nakaupo na roon at nakatitig nang mariin sa amin, sa akin. Mabuti nalang at bumitiw na ang kaniyang ina. Ipinaghila ito ng upuan ni Air. Umupo naman ako sa tabi nito, kung saan din ako nakaupo kanina.

Naroon na si Sir Arsen at nakangiti ito sa amin ng kaniyang asawa. Air sat beside Axl na nasa harap ko naman.Katulad kaninang tanghalian ay pinasabay din muli ang mga katulong kaya nang matapos pagsilbihan sila ma'am ay naupo na rin sila para sumabay sa pagkain.

Tahimik kaming kumain nang mag-usap ang mag-aama tungkol sa kumpanya. Maagap at tipid ang mga sagot ni Axl. Pinagmasdan ko ito. Kahit nakasuot nalang ng plain white shirt ay nag-uumapaw pa rin ang kakisigan nito. Bigla ay naisip ko, ano ang mangyayari sa akin sa mga susunod na araw bilang sekretarya niya?

Bumagsak ang mga mata ko sa pagkain nang bigla itong mag-angat ng tingin sa direksyon ko. I tried to focus on my food instead.

"Are you ready to work on Monday hija? May mga damit kana ba?" Bigla nalang naitanong ni Ma'am Poly.

Iyon din ang palagay ko'y magiging problema ko. Wala naman ako masyadong damit pero mayroon akong pencil cut skirt at puting buttondown long-sleeves na pwede kong gamitin sa Lunes.

"Meron naman po pero maghahanap pa ako." Ngumiti ako rito.

"I don't want revealing clothes in my office." Ang matigas na boses nito ang nagpalingon sa akin. Nag-angat ito ng kilay nang magtagpo ang mga mata namin.

"Hindi ko rin naman gusto iyon,"

"Let's go buy you some dress then!" Excited na sinabi ni Ma'am Poly na agad kong tinanggihan.

"Nakakahiya na po, sobra sobra na po itong ginagawa ninyo para sa akin."

Tumawa ito, "I adore you so much, kahit noong kinukwento ka palang ng nanay mo sa akin ay hindi na ako mapakali at gusto na kitang makilala. I like you evenmore now that I met you hija." Her eyes are even gleaming while looking at me.

Sir Arsen laughed, hinawakan nito ang kamay ng asawa na nasa lamesa. "Pasensya kana hija, if my wife's too clingy. She always wanted a daughter."

Ngiti lamang ang naisagot ko bago ko sinulyapan si Axl na mariing nakatitig sa akin. Ayos lang sana ito kung hindi nanaman siya mag-iisip ng masama sa akin. I don't want people thinking of bad things about me.

"Pagbigyan mo na si mommy, Adri." Ngayon ay si Air naman.

"Nakakahiya po talaga e,"

"It's okay, ako naman ang pumipilit hija, it's not you who's asking me." She gave me a reassuring smile. In the end ay wala akong nagawa dahil nakangiti lang din naman si nanay at mukhang nasisiyahang gusto ako ng mga amo niya.

Nagpatuloy sa pag-uusap tungkol sa negosyo ang mag-aama habang nagtatanong naman ng kung anu-anong mga bagay si Ma'am Poly sa akin at kay nanay. She looks so interested with my life at naaliw naman kami ni nanay na makipag-kwentuhan sa kaniya.

Nang matapos ang hapunan ay tumulong ako sa pagliligpit habang umiinom naman ng wine ang pamilya sa sala. Magkatulong kami ng isa pang kasambahay na si Feliz sa paglilinis ng mga pinggan.

"Gustong-gusto ka nila Ma'am Poly 'no?" Ngiti nito sa akin.

Tipid akong ngumiti pabalik, "Ang bait nila no? Nagulat ako."

"Malambot ang puso niya sa atin dahil nag-mula rin siya sa hirap. Kasambahay lamang din siya ng pamilya nila sir Arsen noon." She sounds happy for them.

Natunganga ako sa sinabi nito. Sa ganda ng kutis at ganda niyang iyon ay mula din pala siya sa hirap? She looks so elegant pero marahil ang lahat ng bagay ay nababago ng panahon.

Hindi ako makapaniwala pero kahit paano ay nabigyan ng sagot ang pagtataka ko. Kaya pala ganoon na lamang sila kabait sa amin, they have the heart for people like us because of Ma'am Poly.

Nang matapos sa paglilinis ay sumama muna ako kay nanay sa quarters nila.

"Huwag mong kakalimutang mag-pasalamat sa kanila bago ka umalis dito ha, napaka-bait nila sayo." Bilin nito habang inaayos ang kaniyang kama.

Ngumiti ako, "Nasabi ni Feliz na galing din daw pala sa mahirap na pamilya si Ma'am Poly, kaya pala mabait siya sa mga katulad natin."

"Oo pero palagay ko ay mabait talaga siyang tao kahit pa hindi siya nagmula sa hirap. Maging ang asawa at mga anak niya ay mabubuti."

Sumimangot ako, "Si Air at Axl?"

"Oo anak, napaka-bait ng mga batang 'yon."

"Sobrang bait po ni Air pero hindi ko pa nakakausap si Axl kaya hindi ko pa alam." Kahit sa totoo lang ay nagkausap na kami kanina at hindi naging maganda ang kinalabasan noon.

"Mabait na bata yun si Axl, tahimik lang at laging seryoso pero napaka-bait 'non. Siya ang nagdala sa akin sa ospital noong nawalan ako ng malay sa kusina."

Natigilan ako at hindi nakapagsalita.

"Nag-ooffer nga ito na huwag na akong magtrabaho at gagawin niya na akong mayordoma dito nang sa ganon ay mamandohan ko nalang ang mga kasambahay pero tumanggi ako. Lagi akong kinakamusta 'non at dinadalhan ng pagkain kapag bumibisita rito. Kanina nga ay may dalang mga gatas para sa akin."

Kinagat ko ang dila ko bilang parusa sa mga salitang binitiwan ko sa kaniya kanina. And all along I thought he's judgemental pero mukhang naging judgemental din ako kanina. Paano ko pa siya haharapin?

**

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status