Pakasal?
Parang umalingawngaw ang salitang iyon sa paligid. Hindi ito tanong. Hindi rin ito pakiusap. Isa itong proklamasyon. Mula sa bibig ng isang lalaking sanay makuha ang gusto niya. Si Leonardo Verano. Ang lalaking pinaniniwalaang walang nararamdaman. Pero ngayon, inaalok siya ng kasal. Hindi dahil mahal siya. Hindi rin dahil kailangan siya. Dahil gusto siyang angkinin nito. “Hindi ito biro,” bulong ni Ysabel, halos hindi makatingin sa lalaki na nasa harapan niya. “I never joke about things I want,” malamig ngunit matatag na sagot nito. “At gusto kita, Ysabel.” “Hindi ‘to normal,” bulalas niya. “Hindi ito love story. Hindi ito fairytale.” “Hindi nga.” Tumayo si Leonardo, lumapit sa kanya, hanggang sa maramdaman niya ang init ng katawan nito kahit magkalayo pa sila ng isang hakbang. “Pero ito ang realidad ng buhay.” “I’m not for sale,” aniya, pinipigilan ang nanginginig na tinig. Ngumiti ang lalaki. Bahagyang mapait. Bahagyang... possessive. “I never said I was buying you. I’m offering you a position no one else will ever hold.” “Aling posisyon? Ang maging tagong babae mo?” “Ang maging Verano.” Tumigil siya saglit. “Ang maging asawa ko. Legal. Lantaran. Protektado sa lahat.” Nakatitig lang si Ysabel sa tanawin sa labas ng glass balcony ng mansion. Tanaw mula roon ang kabuuan ng Tagaytay, ang mapayapang lawa sa malayo at ang mga bituin sa kalangitan. Tahimik lang si Leonardo. Hinahayaan siyang mag-isip. Hindi siya minamadali. Hindi siya pinipilit. Pero ang presensya nito ay sapat na upang siya'y mabalot ng takot sa kanyang puso. Ang mundo ba na ito ang gusto niyang pasukin? Yaman. Kapangyarihan. Seguridad. Kapalit ng kanyang puso? Kapalit ng kalayaan? Bigla siyang binalikan ng alaala si Marco. Kung paano siya nito pinasaya noon, pinaniwalaang totoo ang mga pangarap na binuo nilang dalawa. Pero sa dulo? Ipinagpalit siya. Ginawang laruan. At ito ngayon si Leonardo. Walang pangakong pagmamahal. Pero may kasiguraduhang hindi siya iiwan. Hindi siya babalewalain kahit kailan. Mas totoo pa ang lalaking ito sa lahat ng lalaking minahal niya. Ang tanong lang... Kaya ba niyang pakasalan ang isang lalaking hindi niya mahal? O... hindi pa niya aminadong mahal? Hindi siya makatulog buong gabi. Pagbalik sa Maynila, inabutan niya ang inang may matinding ubo, halos hindi makahinga. Tinakbo nila ito sa ospital. Halos mapaiyak siya sa pakikipag-usap sa doktor. "Kung hindi natin maagapan, puwedeng lumala ito. Kailangan ng regular na gamutan ng nanay mo at medyo mahal ang magiging presyo ng bawat gamot niya." Wala siyang trabaho. Wala silang ipon. Wala siyang pwedeng sandalan. Pero may isang taong nag-aalok ng tulong, kapalit ng kanyang sarili. Pag-uwi nila mula ospital, hindi na siya nakapagsalita. Nakaupo lamang siya sa kama ng kanyang ina, pinagmamasdan ang paghinga nitong mas mabigat pa kaysa dati. Kinabukasan, isang text ang natanggap ni Leonardo. “Gusto ko kayong makausap. Pumapayag na ako pero may kondisyon.” Hindi siya sigurado kung tama ang desisyon niya. Pero isa lang ang alam niya. Hindi na siya ang Ysabel na iniwan. Hindi siya ang babaeng ginawang tanga, niyurakan at kinalimutan. Ngayon, siya na ang babaeng pipili ng sarili niyang kapalaran. Kahit pa ito’y umabot na sa kasalanan. Pagdating niya sa opisina ni Leonardo, seryoso ang mukha nito. Walang bakas ng ngiti, pero may kakaibang ningning sa kanyang mga mata. “Sigurado ka ba sa desisyon mo?” tanong nito. Tumango si Ysabel. “Oo. Pero gusto kong malinaw ang lahat ng kondisyon na ibibigay ko sa’yo.” “Sige. Papakinggan kita.” “Una, walang halong physical na obligasyon ang magiging relasyon natin. Hindi tayo mag-aasal na mag-asawa sa una.” “Okay.” “Pangalawa, pantay tayo. Hindi mo ako palalayasin. Hindi mo ako ilalagay sa kahon to the point na hindi na ko makakahinga.” “Kung ako ang kahon, hindi kita kailanman ilalagay roon.” “Tapos…” huminga siya nang malalim. “Kung sakaling dumating ang araw na maramdaman kong hindi ko na kaya ang sitwasyon natin, gusto kong may paraan para lumaya ako sa’yo.” Tumahimik si Leonardo, para bang nag-iisip ng malalim. Pagkatapos ng ilang segundo... “Tatanggapin ko ang lahat ng mga sinabi mo,” sagot nito. “Pero tandaan mo ‘to, Ysabel…” Lumapit ito at dahan-dahang hinawakan ang kanyang mukha, hindi agresibo, kundi parang pinaparamdam ang bigat ng bawat salita. “Kapag pinasok mo ang mundong ko, hindi ka na basta makakaalis.” At doon nagsimula ang kasunduang walang pwedeng umatras. Isang kasunduang puno ng lihim. Ng tensyon.Isang buwan na ang lumipas mula noong gabing unang hinalikan ni Ysabel si Leonardo. Isang buwan mula noong unti-unting gumuho ang dingding na itinayo niya sa pagitan nila. Isang buwan ng mga gabing hindi laging mainit, pero laging magkatabi. Isang buwan ng mga umagang tahimik ngunit puno ng kabuntot na kilig, at mga hapong may kasamang sulyap at alok ng kape. Wala pang pormal na pag-amin. Walang "mahal kita." Pero sabay na sila kung gumising. May mga daliring magkahawak sa dining table. May mga matang nagkakaintindihan kahit walang salita. At kung may tawag man dito, maaaring hindi pa ito "pag-ibig." Pero tiyak, ito na ang simula noon. Nagising si Ysabel sa liwanag na tumatagos sa mga kurtina. Nakapikit pa ang isang mata habang kinikiskis ang isa. Paglingon niya, wala na si Leonardo sa tabi niya, gaya ng dati. Pero may kapalit. Isang tray ng agahan s
Tahimik ang buong mansion.Sa labas, ang mga ilaw sa hardin ay tila bituin na bumaba sa lupa. Sa loob, ang marble floors ay kuminang sa liwanag ng mga chandelier. Ngunit sa gitna ng karangyaan, may dalawang pusong nananatiling nasa gilid ng pagkalito.Isa na rito si Ysabel na nakatayo sa harap ng malaking bintana sa kwarto nila, hawak ang isang baso ng tubig habang pinagmamasdan ang dilim ng gabi.Hindi niya alam kung anong iniintay niya.Hindi niya alam kung bakit ang damdamin niya’y tila unti-unting nalulunod sa katahimikan.Ang isa pa, si Leonardo ay nakaupo sa library, suot pa rin ang dark navy shirt na tila hinulma sa katawan niyang laging may tikas. Hindi na siya nagbabasa. Nakatingin na lang siya sa apoy mula sa fireplace.Iniisip kung dapat na ba siyang umakyat. Kung dapat ba niyang lapitan si Ysabel.O kung handa na siyang tanggapin kung sakaling ito na ang simula ng wakas nilang dalawa.sang mahinang p
Mula noong pagbabalik ni Marco, parang nag-iba ang ihip ng hangin sa Verano mansion. Tahimik pa rin si Leonardo. Ganoon pa rin siya kung kumilos. Maingat, kontrolado, at halos hindi mo mabasa. Ngunit si Ysabel, bagamat walang sinasabi, ay ramdam ang paninigas ng bawat salitang hindi binibitawan ng kanyang asawa. Tuwing tatahimik ang paligid, mas naririnig niya ang bigat ng presensya ni Leonardo. Wala siyang sinasabi tungkol kay Marco… pero alam niyang hindi ito nakakalimot. At sa mga mata ng isang tulad ni Leonardo Verano, ang hindi sinasabi… iyon ang pinakanakakatakot. Si Ysabel ay tuloy pa rin sa pagtatrabaho, hindi bilang trophy wife, kundi bilang executive assistant ng legal department, posisyon na ibinigay sa kanya ni Leonardo mismo matapos ang kasal. Hindi niya hiniling ang posisyon. Pero tinanggap niya. Ayaw niyang mabuhay na umaasa lang sa asawa niya. Gusto niyang patunayan na kaya niyang tumayo kahit sa piling ng pinakamakapangyarihang lalaki sa buong Maynila. Ngunit si
Tahimik ang gabi sa Verano mansion. Sa labas, maririnig lang ang mahinang patak ng tubig mula sa marble fountain sa hardin. Sa loob, naroon si Leonardo, nakaupo sa harap ng fireplace, hawak ang isang baso ng whisky, habang binabasa ang financial report ng isa sa mga subsidiary companies. Tahimik. Maayos. Kontrolado. Gaya ng buhay na pinili niya. Pero kahit gaano kahinog ang katahimikan, kahit gaano kasarado ang mga pinto ng kanyang mundo, may mga bagay pa ring kayang gumambala sa kanya. Isang pangalan. Isang pagbabalik. Si Marco. "He's back, sir," sabi ni Ruth, ang matagal na niyang executive assistant, habang nakatayo sa pintuan ng opisina niya kinabukasan. Napalingon si Leonardo, walang emosyon sa mukha. Inayos lang niya ang kurbata, tumango, saka muling bumalik sa pagbabasa ng dokumento. “Anong pakay niya?” tanong niya kay Ruth, malamig ang boses niya. “Hindi niya sinabi. Pero gusto raw po kayong makausap. Personal daw po sana.” Hindi kaagad sumagot si Leonardo. Ngunit sa
Nanginginig ang kamay ni Ysabel habang pinipirmahan ang marriage certificate nila. Isang lagda lang ang kailangan. Isang pirma lang sa papel na pipigil sa pagkamatay ng nanay niya. Isang lagda na magsasalba sa kanila mula sa pagkabaon sa utang. ‘Isang lagda… na ibinibenta ko ang aking sarili sa isang lalaking hindi ko mahal. Ni hindi ko kilala.’ “YSABEL DELA PEÑA-VERANO.” Ang pangalan na ‘yon ay ang bagong Ysabel. Walang simbahan. Walang singsing. Walang saksi. Civil wedding lang ang kasal ng dalawa. Private. Tahimik. Walang ligaya. Walang yakapan. Walang halikan. Si Leonardo, nakasuot ng simpleng black suit. Si Ysabel, naka-white na dress na hindi namalayan ni Ysabel na couture pala, pinili iyon mismo ni Leonardo para sa kanya. Pinapirma lang sila ng judge. Tahimik si Leonardo buong seremonya. Walang ngiti. Walang emosyon. Pero ramdam ang bigat ng kanyang titig mula simula hanggang matapos ang seremonya. Parang sinasakal si Ysabel ng presensya niya. Pero ang mas nakakata
(Leonardo's POV) Akala nila, hindi ako marunong magmahal. At hindi ko sila masisisi sa pag-iisip ng ganun. Sanay akong magdesisyon nang walang emosyon. Sa mundo ko, ang kahinaan ay kapantay ng kamatayan at ang damdamin ay isang bisyong hindi ko kailanman pinayagang tumubo sa puso at isip ko. Pero minsan, kahit gaano ka pa kahigpit sa sarili, may isang taong darating para sirain ang lahat ng pinaniniwalaan mo. At para sa akin, iyon si Ysabel Dela Peña. Tatlong taon na ang nakakalipas. Isang gabi, umuulan noon. Meron akong isang dinner meeting sa isang sikretong restaurant. Bored ako. Wala akong gana. Habang nag-uusap ang board, napatingin ako sa bintana. At doon ko siya nakita. Basang-basa, nakasuot ng manipis na blouse, nakayuko habang may kausap sa kanyang cellphone. At pagkatapos, umiyak siya ng umiyak noon. Tila walang pakialam sa mundong nakatingin sa kanya. She was raw. She was Real. Puno ng damdamin ang babaeng iyon. Napako ang tingin ko sa kanya. Ilang minuto lan